You are on page 1of 46

KASIPAGAN,

PAGPUPUNYAGI,
PAGTITIPID AT WASTONG
PAMAMAHALA SA
NAIMPOK SA PAGGAWA
ANO ANG KAHULUGAN NG KASIPAGAN?

• Tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na mayroong


kalidad.

• Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting katangian

• tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ang kanyang pagkatao..


Palatandaan ng Taong Masipag
1. NAGBIBIGAY NG BUONG
KAKAYAHAN SA PAGGAWA.

• Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa kaniyang


ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang
kalalabasan ng kaniyang gawain. Hindi siya
nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong
kakayahan, lakas at panahon upang matapos niya ito ng
buong husay.
2. GINAGAWA ANG GAWAIN NG
MAY
PAGMAMAHAL.
Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho.
Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa kaniyang ginagawa
ibig sabihin naroroon ang kaniyang malasakit. Hindi
lamang niya ito ginagawa upang basta matapos na
lamang kundi naghahanap siya ng perpeksyon dito.
3. HINDI UMIIWAS SA ANUMANG
GAWAIN.
Ang taong masipag ay hindi umiiwas sa anumang gawain
lalo na kung ito ay nakaatang sa kanya. Ito ay ginagawa
niya ng maayos at kung minsan ay higit pa na maging ang
gawain ng iba ay kaniyang ginagawa. Hindi na niya
kailangan pang utusan o sabihan bagkus siya ay
mayroong pagkukusa na gawin ang gawain na hindi
naghihintay ng anumang kapalit.
Mga Gabay sa Pagsasabuhay
ng
Kasipagan
sa
Paggawa
1. Simulan ang gawain na may pasasalamat sa mga
biyaya
2. Magkaroon ng mataas na sukatan sa
pagganap sa gawain
3. Maging maayos at organisado ang paggawa
4. Ikalugod ang iyong gawain
5. Tingnan ang pagkakamali bilang paghamon
sa pag-unlad ng sarili sa gawain
6. Magpunyagi at sikapin ang pag-unlad ng sarili
sa gawain
7. Panatilihing may mataas na integridad sa
pagganap ng tungkulin
Mahalaga sa tao ang maging masipag upang siya ay
mayroong maabot o marating na magandang bukas. Kung ikaw
ay masipag sa iyong pag-aaral ay makapagtatapos ka. Kung ikaw
ay isang empleyado na masipag ay kikita at aasenso ka. At kung
ikaw ay isang nilikha ng Diyos na masipag na gumawa ng
kabutihan ay makakamit mo ang buhay na walang hanggan. Lagi
nating tandaan na ang kasipagan sa paggawa nang may kabutihan
ang magpapaunlad sa ating bayan,
Ang kabaligtaran ng kasipagan ay katamaran. Ang
katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay
o trabaho. Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay
magtagumpay.
Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Hindi pa niya ito nasisimulan ay umaayaw na siya.
Palagi niyang nararamdaman ang kapaguran kahit kaunti
pa lamang ang kaniyang nagagawa. Kadalasan, hindi niya
natatapos nang maayos ang isang gawain.
Bilang kabataan ay dapat lagi mong ipakita sa lahat
ng oras at pagkakataon ang iyong kasipagan sa iyong
gawain.
Pagpupunyagi sa Paggawa
Sino ang taong may pagpupunyagi sa Paggawa?
Ayon kay Subin (2018)
Hinaharap niya at sinusulusyunan ang mga balakid na pangyayari
habang ginagampanan ang gawain

Nagsasakripisyo at ipinagpapatuloy ang mga dapat gawin kahit na


nakararanas ng matinding pagod at hirap

Hindi siya sumusuko na ipagpatuloy ang mga kinakailangang gawin


sa panahon na siya ay nagkamali sa paggawa
PAGPUPUNYAGI
• pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin sa
buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at
determinasyon. Ito ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may
kahinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay patuloy na pagsubok ng mga
gawain hanggat hindi nakakamit ang mithiin.
• mahalagang katangian na makatutulong upang magtagumpay ang isang
tao. Sa kabila ng mga balakid at mga problema na kanyang susuungin ay
hindi siya dapat panghinaan ng loob bagkus kinakailangan na
magpatuloy at maging matatag.
Tunay ngang bahagi ng buhay ng tao ang mga
pagsubok at problema ngunit ang mahalaga ay huwag
sumuko bagkus kailangan na magpatuloy. Ang
pagpapatuloy sa gawain kahit na ikaw ay nahihirapan,
ang pagpapatuloy kahit minsan ikaw ay nasasaktan o
nagdurusa, ang pagpapatuloy kahit maraming
natatanggap na mga puna mula sa iba at ang
pagpapatuloy sa kabila ng matinding pagod at hirap
makamit mo lamang ang iyong minimithi sa buhay ay
palatandaan lamang ng pagpupunyagi.
Pagtitipid sa Bunga mula sa Paggawa

Ayon kay Hubbard (2018)

Ang pagtitipid sa bunga mula sa paggawa ay isang kasanayang ugali


o habit

Ginagasta ng matipid na manggagawa ang kanyang kita sa mga


bagay na mahahalaga at kinakailangan lamang
Bakit maraming tao na matapos kumita at magkaroon ng
maraming pera dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay
nabalewala lamang pagdating ng panahon? Tulad na lamang ng
ilang mga naging sikat na personalidad sa industriya na matapos
kumita ng malaking pera ay bumalik ang kanilang buhay sa
paghihikahos o paghihirap. Paano kaya nila ginamit ang pera na
ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila?
Walang kinalaman ang liit o laki ng kinikita ng isang
tao; ang mahalaga ay kung paano niya ito pinamamahalaan
nang tama at wasto.
PAGTITIPI
D
• Ay kakambal ng pagbibigay. Ito ay isang birtud na
nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay ng
masagana, kundi gamitin ang pagtitipid upang higit na
makapagbigay sa iba. Ang pagtitipid ay hindi ubos-ubos
sa pera o bagay na walang saysay. Sapagkat dapat mong
mahalin ang bunga ng iyong ginawang pagsisikap at
pagtitiyaga.
Ilang paraan ng pagtitipid
1. Magbaon ng pagkain sa opisina o eskwela. Mas
makakatipid kung magbabaon na lamang ng
pagkain kaysa bibili pa sa kantina o kakain sa labas.
2. Matutong maglakad lalo na kung malapit lang
ang paroroonan. Maganda itong ehersisyo at
natitipid mo pa ang pamasahe na gagamitin mo.
3. Mas matipid na bumili sa palengke kaysa mga
malls. Maaring hindi gaanong konbinyente sapagkat
mainit at maputik ngunit mas malaki naman ang
iyong matitipid.
4. Gamitin ang load ng cellphone sa mga
importanteng bagay lamang. Hindi mo ba naiisip na
sa bawat text mo na hindi naman mahalaga ay nag-
aaksaya ka ng pera? Ang pera na ipinapaload mo
ay maari mong ipunin pandagdag sa iba pang mga
gastusin.
5. Orasan ang paggamit ng TV, computer, electric
fan at iba pa. Kung hindi naman ito ginagamit ay
patayin mo ang mga
6. Sa pagsisipilyo ay gumamit ng baso.
Huwag hayaang tumapon
ang tubig mula sa gripo.
7. Huwag ng bumili ng imported. Marami na tayong
produkto ng ating bansa na pareho lamang ang
kalidad tulad ng mga imported. Kung sa tingin mo
ay mapapamahal ka pa ay mas tangkilikin mo na
ang produkto natin.
Dapat maunawaan na
kailangan na maging
mapagkumbaba at
matutong makuntento sa
kung ano ang meron ka.
Ito ang
pinakamahalagang
paraan ng pagtitipid.
PAG-IIMPOK

paraan upang makapag “save” o makapag ipon ng


salapi, na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon.
Ayon kay Green, ang pag-iimpok ay mabisang
paraan upang makapag-ipon ng pera upang
magamit sa mga pangangailangan sa mga di-
inaasahang panahon

Inilahad niya ang mga sumusunod na dahilan


kung bakit kailangan na mag-impok ng tao
1. Proteksyon sa buhay

2. Para maiwasan ang buhay na may mga utang

3. Para makamit ang hangarin sa buhay

4. Para sa Pagreretiro
KINAKAILANGAN NA TRATUHIN ANG PAG-
IIMPOK NA ISANG OBLIGASYON AT HINDI
OPTIONAL.
Francisco Colayco
Ang pera ay
pinagpapaguran upang
kitain ito. Kaya
kailangan na gastusin
ito sa tama upang
huwag itong mawala.
ANG PERA AY MAHALAGA NA
MAKATUTULONG SA TAO NA MARAMDAMAN
ANG KANYANG SEGURIDAD SA BUHAY LALO
NA SA HINAHARAP.
Teorya ni Maslow, The Hierarchy of Needs
How to Develop A Good Work Ethic (2018)
etika sa mabuting paggawa
1. Etika ng Pagpupunyagi sa Paggawa

2. Etika ng Tuon o Pokus sa Paggawa

3. Etika ng Kaagad na Paggawa at Hindi Ipagpaliban

4. Etika ng Tama at Mahusay na Paggawa


Produktibong Paggawa para sa Pag-unlad ng Kapwa

Layunin din ng paggawa na maglingkod para sa kabutihan ng kapwa

Mababawasan ang napakaraming problema sa lipunan tungo sa


pagsulong ng kabutihang panlahat

Lahat tayo ay may magagawa sa sari-sarili nating katayuan upang


makapagsilbi sa kapwa
Ilang paalala upang maging
makabuluhan ang iyong paglilingkod sa
kapwa sa pamamagitan ng paggawa
1. Tukuyin ang iyong mga talent o gawain na
maaaring ibahagi sapagkat kailangan ng iyong
kapwa
2. Makipag-ugnayan sa mga awtoridad na may
kinalaman sa binabalak na pagtulong sa kapwa
3. Maging tapat at masayasa paggawa ng mabuting
layunin
4. Maging mapagkumbaba sa paggawa at
paglilingkod sa kapwa
5. Iwasang isumbat ang kabutihang ginawa sa
kapwa

You might also like