You are on page 1of 10

ARALIN

KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI AT PAGTITIPID


12

Mga Inaasahan

Ang isang gawaing na may kalidad ay mahirap maabot kung hindi mo ito lalakipan ng

kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid. Sa araling ito, naghanda ang guro ng mga gawain kung

saan iyong mailalahad ang mga karanasang nakapagpakita ka ng mga nabanggit na birtyu sa

paggawa at ng wastong pamamahala sa naimpok.

Kaya nga, halina, at sikapin mong maipamalas ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan at pag-unawa:

12.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at

pinamamahalaan ang naimpok.

12.2 Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan

at may motibasyon sa paggawa.

12.3 Napatutunayan na:

a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa

itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at

bansa.

b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng

itinakdang mithiin.

12.4 Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain

nang may kasipagan at pagpupunyagi.

Paunang Pagsubok

Panuto: Tukuyin kung tama o mali ang isinasaad na konsepto ng mga pangungusap. Isulat

ang titik T kung ito ay tama ay M kung ito ay mali.

1. Ang kasipagan ay patuloy na pagsubok ng mga gawain hanggat hindi nakakamit ang
1

mithiin.
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
2. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya kailangan na gastusin ito sa tama

upang huwag itong mawala.

3. Ang pag-iimpok ay kakambal ng pagbibigay.

4. Ang katipiran ay hindi natin dapat taglayin sapagkat ito ang pumapatay sa isang gawain,

hanapbuhay o trabaho at nakapipigil o nakahahadlang sa tao upang siya ay

magtagumpay.

5. Ang pagpupunyagi ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, at determinasyon.

Balik-tanaw

Piliin at isulat ang titik na kumakatawan sa bawat salita sa ibaba upang mabuo ang konseptong

natutuhan mo sa Aralin 11.

“Kailangan ang (1)________ sa paggawa at paglilingkod na may (2.)_________ sa oras

upang maiangat ang (3.)_____, mapaunlad ang ekonomiya ng (4.)______ at mapasalamatan ang

(5.)_________ sa mga talentong Kanyang kaloob.”

Mga Pagpipilian:

A. sarili B. Diyos C. wastong pamamahala D. kagalingan E. bansa

Pagpapakilala ng Aralin

May naitatabi ka bang pera? Magkano na ito? Marahil, noong bata ka pa ay tinuruan kang

mag-ipon at maghulog ng pera sa alkansiya. Saan naman nanggagaling ang perang inihuhulog

mo dito, gayong wala ka pa namang hanapbuhay?

Sa modyul na ito, hangad ng guro na higit mong maunawaan ang mga katangian na

dapat taglayin ng isang manggagawa upang sa pamamagitan nito ay matulungan kang

mapaunlad ang sarili, ang kapwa, at ang bayang iyong kinabibilangan; at nang sa gayon ay

makita mo ang kahalagahan ng kasipagan, pagpupunyagi, pagtitipid, at wastong pamamahala sa

naimpok.
2
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Mga Gawain

Gawain 1

1. Tingnang mabuti ang mga larawan at tukuyin ang salitang ipinahihiwatig ng mga ito. Ilagay

ang angkop na titik sa loob ng kahon upang mabuo ang mga salita.

a.

- P

b.

c.
P

d.
P

2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Anong mga salita ang nabuo mo mula sa mga larawan?


3
Page

____________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
b. Sa iyong palagay, tinataglay mo ba ang mga ito? Banggitin ng mga indikasyong

nagpapatunay na taglay mo ang mga ito.

____________________________________________________________________

c. Ano ang kaugnayan ng mga ito sa paggawa?

____________________________________________________________________

Gawain 2

Balikan mo ng iyong alaala ang ilang mga gawaing natapos mo nang gawin at

napagtagumpayan mo. Isulat ang mga pamamaraan kung paano mo ito pinaghandaan, ang

mga naging motibasyon mo sa paggawa, at mga pagpapahalagang isinabuhay mo sa

pagtupad nito. Gawin mo ito sa anyo ng isang personal blog na karaniwang nakikita sa social

media. Isulat mo ito sa isang malinis na papel.

Narito ang halimbawa:

“Maagang nagsimula ang bakasyon ngayon dahil sa pandemya. Noong una, natutuwa

ako kasi marami akong panahon sa paglalaro ng Mobile Legends. Pero nakakasawa rin pala,

kaya naisip ko, ‘Ano kaya kung subukan ko namang magluto?’. Kaya naman pinagplanuhan

ko ang gagawin ko. Naghanap ako ng mga sangkap na mayroon sa bahay. Nakita ko ang

mga saging na malapit nang mabulok, mayroon ding kaunting harina, ilang pirasong itlog at

natirang powdered milk na nakuha ko sa aming refrigerator. Humanap ako ng instructional

video sa You Tube para sa paggawa ng Banana Cake. Dahil wala kaming oven, ginamit ko

na lamang ang steamer at doon niluto ang aking Banana Cake. Tuwang tuwa si Nanay, dahil

maliban sa natipid ang sana ay itatapon nang mga saging, nagkaroon pa kami ng bagong

pangmeryenda. Mukhang may bago na akong pagkakaabalahan, at pwede ko pang

pagkakitaan.”

O, ikaw naman ang magkuwento.


4
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Mga tanong:

1. Ano ang naramdaman mo habang isinusulat ang iyong personal blog?

2. Anong mga pagpapahalaga ang naisabuhay mo sa iyong paggawa? Paano mo ito

naipakita?

3. Ano ang napatunayan mo sa sarili matapos ang gawaing ito?

Tandaan

• Ang kasipagan ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na

mayroong kalidad. Ito ay tumutulong sa tao na malinang ang iba pang mabubuting

katangian tulad ng tiwala sa sarili, mahabang pasensya, katapatan, integridad, disiplina

at kahusayan na kung saan malaki ang maitutulong nito sa tao sa kaniyang relasyon sa

kaniyang gawain, sa kaniyang kapwa at sa kaniyang lipunan. Narito ang ilang palatandaan

ng taong nagtataglay ng kasipagan:

➢ Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.

➢ Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.

➢ Hindi umiiwas sa anumang gawain.

• Ang katamaran ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang

pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

• Ang pagpupunyagi ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang iyong layunin o mithiin

sa buhay. Ito ay may kalakip na pagtitiyaga, pagtitiis, kasipagan at determinasyon. Ito

ay pagtanggap sa mga hamon o pagsubok ng may kahinahunan at hindi

nagrereklamo.

• Ang pagtitipid ay ang maingat na pamamahala ng mga gastusin upang hindi

masayang ang pinagpaguran. Ito ay kakambal ng pagbibigay. Ang pagtitipid ay hindi

ubos-ubos sa pera o bagay na walang saysay, sapagkat dapat mong mahalin ang

bunga ng iyong ginawang pagsisikap at pagtitiyaga.

• Ang pag-iimpok ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa

ating pangangailangan sa takdang panahon.


5
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
• Mayroong tatlong dahilan kung bakit kailangan na mag-impok ang tao ayon kay

Francisco Colayco:

➢ para sa proteksyon sa buhay,

➢ para sa mga hangarin sa buhay, at

➢ para sa pagreretiro.

**Kagawaran ng Edukasyon(2015), Edukasyon sa Pagpapakatao 9, Modyul ng Mag-aaral, Pasig City: FEP


Printing Corporation

Pag-alam sa mga Natutuhan

Gumawa ng chart at isulat ang mga itinakdang gawain sa araw-araw at kung ito ay natutupad

nang may kasipagan at pagpupunyagi. Isulat ang mga hakbang kung paano mo ito isasagawa.

(Maaaring magbigay lamang ng tatlong itinakdang gawain)

Hakbang na Isasagawa upang Maisabuhay ang Pagpapahalaga sa:


Itinakdang
Gawain
Kasipagan Pagpupunyagi Pagtitipid

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem. Piliin at isulat ang TITIK ng pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag na ang “Ang pagtitipid ay kakambal ng

pagbibigay”? Nagtitipid upang ____.

A. maging mabuting halimbawa sa iba C. mamuhay ng masagana

B. makapagbahagi sa iba D. matugunan ang pangangailangan

2. “Ang mabuting plano at pagpupunyagi ay nagdudulot ng kasaganahan, ngunit ang

nagmamadali ay nagdudulot ng kahirapan” - Kawikaan 21:5. Ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Para maging mayaman, magsumikap sa buhay.


6

B. Kailangang magplano upang maging matagumpay sa buhay.


Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
C. Iwasan ang pagmamadali dahil ang mga taong nagmamadali ay naghihirap balang

araw.

D. Umuunlad sa buhay ang mga taong nag-iisip nang mabuti at matiyagang

isinasasagawa ito.

3. Ano ang ipinahihiwatig ng sumusunod na saknong ng tulang ito?

“Hindi dapat na mahiya itong palad ay kumapal,

kung gawain ay mabuti at hangarin ay marangal.

pagsisikap na may tiyaga, kasipagan ang kakambal,

ay sandatang pananggalang…pamuksa sa kahirapan.”

A. Gamitin ang kamay sa paggawa.

B. Gumawa ng mabuti sa kapwa.

C. Ipagmalaki ang pinagpaguran ng kamay.

D. Pahalagahan ang bunga ng mabuting paggawa.

4. Nais mong maging pulis subalit ikaw ay madaling magkasakit. Ano ang dapat mong gawin

upang mabigyang katuparan ang iyong pangarap?

A. Iwasang magpuyat, kumain ng masusustansyang pagkain at mag-ehersisyo.

B. Uminom ng energy drink, mag-ehersisyo at kumain ng masusustansyang pagkain.

C. Iwasang gumawa ng mabibigat na gawain at laging magpahinga.

D. Gawin ang gawaing kayang gawin, mag-ehersisyo at matulog ng mas maaga.

5. Laging nakakakuha ng mababang marka si Alvin sa Matematika dahil sa kawalang interes

sa numero. Ano ang dapat niyang gawin na higit na makatutulong sa pagtaas ng kanyang

marka?

A. Magpaturo sa kamag-aral na mahusay sa klase.

B. Magtanong sa guro kung may remedial activities.

C. Laging makinig at sikaping sagutan ang mga gawain.

D. Manghiram at kumopya ng mga lectures sa kamag-aral.

Pagninilay

Sumulat ng isang sanaysay kung saan pinatutunayan mo ang mga hirap, pagod, at

pagdurusa ng iyong magulang/kapamilya ay nadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad ng


7
Page

kanilang mithiin para sa iyo at sa iyong mga kapatid.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
ANSWER SHEET
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
IKATLONG MARKAHAN-IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
ARALIN 12: Kasipagan, Pagpupunyagi at Pagtitipid
_________________________________________________________________________________

Pangalan: ______________________________________________________________________
Guro: __________________________________________________________________________
Baitang at Pangkat: _____________________________________________________________
Paunang Pagsubok
1.
2.
3
4.
5.
Balik Tanaw

Gawain 1
1. a.
b.
c.
d.
2. a. _________________________________________________________________
b. _________________________________________________________________
c. _________________________________________________________________

Gawain 3

1. ________________________________________________________________
8

2. ________________________________________________________________
Page

3. ________________________________________________________________

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
Pag-alam sa natutunan

Hakbang na Isasagawa upang Maisabuhay ang Pagpapahalaga sa:


Itinakdang
Gawain
Kasipagan Pagpupunyagi Pagtitipid

Pangwakas na Pagsusulit
1.
2.
3.
4.
5.
Pagninilay
9
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
10
Page

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9


Ikatlong Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo

You might also like