You are on page 1of 4

Asignatura Homeroom Guidance Program Baitang Grade 7

W3 Markahan Ikatlong Markahan Petsa

I. PAMAGAT NG ARALIN Ang Tungkulin bilang Kabataan


II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Perform duties for oneself and for others . HGJPS-IIIc-8
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagampanan ang tungkulin sa sarili at sa kapwa
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tungkulin sa sarili at sa
kapwa.

IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


I. Panimula (Mungkahing Oras: 5 minuto )
Sa araling ito, inaasahan sa isang kabataan katulad mo na mahalagang malaman at maintindihan
ang iyong mga gampanin/tungkulin sa sarili at sa kapwa bilang nagdadalaga/nagbibinata. Mahalaga din na
nalalaman mo ang mga kilos tungo sa maayos na pagtupad tungkulin sa sarili at sa kapwa bilang nagdadalaga
/ nagbibinata.
Hindi lang natin kailangang isagawa o isakatuparan ang mga ito, mahalaga ring maglaan ng panahon
upang unti-unting tuklasin ang mga ito.

II. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Sa bawat araw na dumaraan, nahaharap ka sa iba’t ibang gawain na dapat mong tuparin. Maraming tao
ang nagsasabi sa iyo na hindi ka na bata. Habang nadaragdagan ang iyong edad ay nadaragdagan din ang
iyong mga tungkulin. Mulat ka na ba sa iba’t iba mong tungkulin?
Ano nga ba ang kahulugan ng tungkulin? Ayon sa Brainly.ph, ang tungkulin ay ang mga bagay na
inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Ito ay isang takda ng is ang indibidwal ukol sa isang
gawain. Kanino tayo mayroong tungkulin? Sa pamamagitan ng araling ito ay malilinawan mo ang mga
kasagutan sa mga tanong na ito. Ang kailangan ay ang iyong kahandaan na simulan ang aralin. Handa ka na
ba?
Tungkulin sa Sarili
Ang tungkulin ay laging dapat nagsisimula sa sarili. Mahirap isalin sa ibang tao ang responsibilidad kung
hindi ito nasimulang ilapat sa sarili. Bilang isang tinedyer, may mga bagayna dapat mong bigyang-pansin upang
masabi mo ng tunay mong natupad ang iyong tungkulin sa iyong sarili. Ang mga sumusunod aymga tungkulin
mo sa sarili ayon kay Teacher Teptep sa youtube; (Pinagkuhanan, EsP 7 modyul 4).
1. Mahalin mo ang iyong sarili, huwag mong hayaang bumaba ang tiwala mo sa iyong sarili.
2. Gamitin at paunlarin ang iyong talento/hilig at kakayahan.
3. Paunlarin ang pangkaisipan, moral at espiritwal na pagpapahalaga.
4. Wastong pamamahala ng mga pagbabago bilang nagdadalaga/nagbibinata
Tungkulin Bilang Anak
1. Igalang ang bawat miyembro ng pamilya.
2. Sumunod sa tuntunin ng iyong mga magulang.
3. Makisangkot sa gawaing bahay.
4. Magbahagi ng iyong pananaw at saloobin.
5. Maging gabay sa ikabubuti ng pamilya
Tungkulin Bilang Kapatid
1. Magmahalan kayo bilang magkakapatid.
2. Magkaroon ng panahon kasama ang kapatid.
3. Protektahan ang isat isa.
4. Magkaroon ng mabuting pakikitungo at maayos na samahan
5. Maging mabuting halimbawa sa bawat isa.
Tungkulin sa Kaibigan
1. Maging totoo sa kaibigan
2. Maging bukas sa pagtanggap sa ideya at opinyon ng kaibigan
3. Maging mapagpasensya
4. Tanggapin ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa.
5. Maging tapat sa isat isa.
Tungkulin Bilang Mag-aaral
1. Mag-aral ng mabuti
2. Gamitin ang kakayahan sa komunikasyon ng buong husay.
3. Matutong lutasin ang sariling suliranin.
4. Magmalasakit sa paaralan
5. Sumunod sa patakaran ng paaralan.
Ang pagiging mapanagutan ay nagpapakita ng t unay na pagkatao ng tao. Dahil likas ito sa tao. Ang
taong tumatalikod dito ay maaaring maihalintulad sa iisang taong naglalakad na walang ulo (Alejo, P.B. 2004).
Kaya habang maaga simulan mo ng tumugon sa iyong mga pananagutan - lalo na sa pagtugon sa
pinakamahalagang tungkulin ng tao: ang pagkamit ng kaganapang pansarili. Sa hamon ng yugtong ito?
Tutugon ka ba?

III. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 20 minuto)

Gawain 1
Panuto: Sa bawat aytem, lagyan ng tsek (/) ang kolum kung nagagawa mo ang isinasaad sa bawat tungkulin at
ekis (X) ang katabing kolum kung hindi mo nagagawa, sa ikatlo at ikaapat na kolum aylagyan ng (/)kung ito ay
tungkulin sa sarili o sa kapwa. Maging tapat sa mga sagot upang tunayna mataya ang kakayahan sa pagtupad
ng mga tungkulin. Gawin ito sa sagutang papel.
Mga Tungkulin Nagagawa Hindi Ko Tungkulin Tungkulin
KO Nagagawa sa Sarili sa Kapwa
1 Mag-aral ng mabuti
2 Pagpapaalam sa magulang o kasambahay
kung may pupuntahan
3. Pagsasauli ng hiniram na gamit sa kaklase
4. Pagpapaunlad ng hilig
5 Pakikinig sa payo ng magulang o
nakakatandang kapatid
6 Harapin ang mga pagbabago sa sarili.
7 Tanggapin ang kahinaan at kalakasan ng
bawat isa
8 Paunlarin ang talento at kakayahan
9 Maging totoo sa kaibigan
10 Sumunod sa patakaran ng paaralan.

Tanong:
1. Naging madali ba ang iyong pagsagot sa tseklist? Bakit? Bakit hindi?
2. Sa kabuuan, ano ang iyong natuklasan sa iyong kakayahan sa pagtupad sa iyong mga tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
3. Bakit mahalaga ang pagtupad ng tungkulin sa sarili at sa kapwa? Ipaliwanag,

Gawain 2 (Mungkahing Oras: 10 minuto)


Panuto: Sa iyong sagutang papel, pansinin ang usapan sa mga sitwasyon, Isulat ang iyong sagot sa patlang sa
sinabi ng tauhan kung ikaw ang nasa kanilang katayuan. Maging tapat sa isusulat na sagot.
1. Tungkulin Bilang Anak
AMA: Anak, matulog ka nang maagap may pasok pa kayo bukas.
ANAK: _______________________________________________________________

2. Tungkulin Sarili
NANAY: Anak, subukan mo ayusin ang iyong sarili, dalaga ka na, dapat matutunan
mo kung paano alagaan ang iyong sarili.
ANAK:______________________________________________________________
3. Tungkulin Bilang Mag-aaral
GURO: Inaasahan ko Noel na maibibigay mo sa akin ang iyong proyekto sa
itinakdangaraw ng pasahan.
MAG-AARAL:___________________________________________________________

4. Tungkulin Bilang Kaibigan


KAIBIGAN: Maaasahan ko ba uli ang inyong pakikiisa sa ating proyekto na
gagawin sa ating paaralan
BARKADA:_______________________________________________________________

5. Tungkulin Bilang Kapatid


NANAY: Maaari mo bang ihanda ang hapag kainan para makakain
ang iyong maliliit na kapatid.
KUYA: _________________________________________________________________

Gawaing Pamproseso: (Mungkahing Oras: 20 minuto)


Kumusta ang iyong mga sagot sa bawat sitwasyon? Subukin namang sagutin ang mga kasunod na
tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Naharap ka na ba sa mga sitwasyong nabanggit?


a. Kung Oo, naging madali ba ang pagtupad mo na maisakatuparan ang iyong tungkulin?
b. Kung hindi pa, ano ang maitutulong sa iyo ng pagganap sa mga tungkulin bilang isang kabataan?
Ipaliwanag.
2. Paano mapauunlad ng mga tungkuling ito ang iyong sarili bilang nagdadalaga/ nagbibinata?
3. Bakit nararapat na gawing positibo ang pagtingin sa mga tungkulin?

IV. Paglalapat (Mungkahing Oras: 10 minuto)

Diyos katapatan kapwa sarili pagkatao

Ang pagtupad ng aking tungkulin sa _________________at sa_______________bilang nagdadalaga at


nagbibinata ay isang mabisang paraan upang maging ganap ang aking________________. Dahil dito natin
naipapakita ng pagmamahal natin sa ating _______________na lumikha. Tayong lahat ay may tungkulin sa isat-
isa bilang isang tao, kaya nararapat lamang na gampanan itong buong _______________.

V. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)

Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag -aaral


Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
✰ - Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✔ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawanito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa Pagkatuto LP Gawain Sa Pagkatuto LP
Bilang 1 Bilang 3

Bilang 2 Bilang 4
VI. SANGGUNIAN Edukasyon sa Pagpapahalaga 7, Modyul 4 pahina 91-114.
https://www.youtube.com/watch?v=VZ4-WUfPt7Y

Sinuri ni:
Inihanda ni:
GNG. ELENA B. PEÑA
Baras National High School Genalin V.Ceballo, Ph. D.

Ma.Victoria C. Magayon, Ed.D

You might also like