You are on page 1of 18

BANGHAY-ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.
Mga kasanayang Pagkatuto:
CODE: EsP7PSIa-1.1Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa gulang
na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspeto
CODE: (EsP7PS-Ia-1.2) Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Quarter: 1 Week: 1 Day: 1

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili bilang nagdadalag/nagbibinata
2. Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata
3. Nakapagninilay sa araling tinalakay

II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/ Pagbibinata (Developmental Task)
A. Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 4-18; Learner’s materials pp.14-21

III. Pamamaraan
A. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral kung anu-ano ang kanilang napansin sa
kanilang mga sarili ngayong nasa sekondarya na sila. Makakatulong ang mga
sumusunod na mga katanungan:
1. Sa mga kalalakihan, sino dito ang nag iiba na ang boses? Lumalaki ang braso?
2. Sa mga kababaihan naman, sino dito ang nagsisimula ng magkaroon ng regla?
3. Sino dito ang sinabihan na “dalaga kana” o “ binata kana”?.

B. Pagtuklas
Panuto: Hatiin sa dalawang bahagi ang pisara. Sa unang bahagi isulat ang mga
pagbabagong napansin sa mga kalalakihan, sa kabila naman ay ang mga kababaihan.

1
Tanggapin lahat ng mga sagot na isinulat ng mga mag-aaral.

LALAKI BABAE

C. Pagtatalakay
Kung napapansin ninyo, marami kayong naitalang pagbabago, kung tutuusin,
ilan lang ito sa mga pagbabagong nakikita ninyo sa inyong sarili. Kayo ngayon ay
tumatahak sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata. Upang lubos na makilala ang
inyong mga sarili, dapat ninyong maunawaan ang tungkol sa yugtong ito.

D. Pagpapalalim
Ang yugto ng pagdadalaga/pagbibinata ay yugto ng kalituhan, hindi lamang
para sa iyo kundi maging sa mga taong nakapaligid sa iyo. Hindi lang sa
pangangatawan ang basihan kundi pati na rin ang pag-iisip. Mahalagang matutuhan
ang dapat gawin upang maiwasan ang kalituhan sa sarili o insecurities. Narito ang
mga Palatandaan ng Pag-unlad sa Panahon ng Pagdadalaga /Pagbibinata.
- Pangkaisipan
- Panlipunan
- Pandamdamin
- Moral

IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang kalahating papel, kopyahin at sagutin ang katanungan.
1. Ano ano ang mga mahahalagang tungkulin na dapat maunawaan para sa paghubog
ng isang maayos at ganap na pakikipag-ugnayan?
2. Ipasa ito pagkatapos sagutin

V. Takdang Aralin
Journal Writing
Panuto: Sagutin ang tanong at isulat ito sa kanilang Journal notebook
1. Dapat bang lagyan ng hangganan ang lakas at kakayahan ng isang tao na
angkop lamang sa kanyang kasarian, Oo o Hindi at bakit?
2.Ipasa ang kwaderno sa susunod na pagkikita

Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?
2
BANGHAY- ARALIN SA EDUKASIYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

Mga kasanayang Pampagkatuto:


CODE: EsP7PSIa-1.1 Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili mula sa
gulang na 8 o 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspeto

Quarter: 1 Week: 1 Day: 2

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay:
1. Natutukoy ang mga pagbabago sa kanyang sarili ayon sa walong inaasahang
kakayahan at kilos ni Havighurts.
2. Nakapagbibigay-diin sa papel na kanyang ginagampanan bilang nagdadalaga at
nagbibinata
3. Nakapagninilay sa mismong aksiyon bilang nagdadalaga at nagbibinata

II. Nilalaman:
Pakasang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagtamo ng Pagbabago at ganap na Pakikipag-ugnayan
B. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Inductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional), flash cards
Sanggunian: Teachers guide pp 4-18; Learner’s materials pp.14-21

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Upang lubos na nauunawaan ng mga mag-aaral ang natutunan nila nitong
nakaraang aralin, magpapakita ng flash cards ang guro na nilalaman ng parirala.
Kilalanin ng mga mag-aaral kung saang aspeto ng palatandaan na nabibilang ang
parirala.
Hal:
Hindi nagsisinungaling Moral
Nahihilig sa pagbabasa Pangkaisipan

3
B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa pakikipag-ugnayan bilang
babae/lalaki. Gawing gabay ang mga tanong:
1. Ano ang inyong reaksiyon pag nakakita ka ng kaklaseng babae na
natagusan ng dugo sa kanyang palda? Ano ang gagawin mo?
2. Ano ang iyong pakiramdam kung may lalaking nanliligaw sa iyo? Ano
ang gagawin mo?

C. Pagtuklas
Magpaskil ng larawan ang guro na nagpapakita na iba’t ibang gawain na
ginagampanan ng babae at lalaki. Hayaan ang mga mag-aaral na magbahagi kung
anong gawain ang nasa larawan.

1. Ano ang masasabi mo sa mga larawan?


2. Sa tingin niyo, kaya niyo bang gawin ang mga ito?

D. Pagtatalakay
Sa larawan, pinapakita nito ang ibat-ibang mahalagang gawain na ginagampanan
ng babae at lalaki sa pamilya. Bilang nagdadalaga at nagbibinata, mahalagang
mapaunlad ang kanyang kakayahan na inaasahan ng kaniyang lipunan.

E. Pagpapalalim
Sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata, may walong inaasahang kakayahan at
kilos na dapat malinang ayon kay Havighurts. Sa puntong ito, tatalakayin ng guro ang
dalawa sa walong inaasahang kakayahan ayon kay Havighurts.
- Pagtamo bago at ganap na pakikipag-ugnayan (more mature relations)
- Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae at lalaki.
IV. Pagtataya
Panuto: Magibigay ng maikling pasulit ang guro. Ang pasulit ay nasa anyong
pagsulat ng isang sanaysay. Isulat ito sa kalahating papel.
1. Paano mo tunay na maipakikita ang pagiging mapanagutan sa iyong
pakikipagkapwa?

4
V. Takdang Aralin
Journal Writing
1. Maghanap ng isang pelikula o teleserye namay tema patungkol sa pagbabago ng isang
babae at lalaki,.
2. Magsulat ng isang sanaysay patungkol sa kwentong ito. Isulat din kung anong aral
ang mapupulot sa kwentong ito.
3. Ipasa sa susunod na pagkikita

Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?

5
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


CODE: EsP7PS-Ia-1.2 Natatanggap ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Quarter: 1 Week: 2 Day: 1

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang
mga sumusunod nang may 85% na tagumpay:Naipaliliwanag ang paglinang ng
mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon
ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay Havighurts
1. Naibabagay ang sarili ayon sa pagbabago sa katawan at paglapat na
tamang asal
2. Nakagagawa ng pagninilay sa mismong aksiyon

II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagtanggap sa mga Pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala.
B. Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal sa pakikipagkapwa.
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Magbalik aral sa natalakay nitong nakaraang pagkikita sa pamamagitan ng
pagtanong sa mga mag-aaral.
1. Ano ang naalala ninyo sa nakaraang aralin?
2. Anu-ano ang dalawang aspeto ang una nating pinag aralan sa walong
inaasahang kakayahan ayon kay Havighurts?
Kung sakali mang may takdang aralin na binigay ang guro maaari ding ibahagi
sa mga mag-aaral ang kanilang sagot sa binigay na takdang aralin.

6
B. Pagganyak
Magpapakita ng short film ang guro patungkol sa mabuting asal. Pagkatapos
panoorin ang short film, magtatanong ang guro sa mga mag-aaral. Gawing
gabay ang mga sumusunod:
1. Anu-anong mabuting asal ang ipinakita ng bida?
2. Ano ang naging epekto ng asal niya sa ibang tao?
3. Anong mabuting aral napupulot ninny bilang nagdadalaga at nagbibinata?

C. Pagtuklas
Panuto: Punan ang tsart sa ibaba. Sa hanay ng “Ako Ngayon”, isulat ang mga
pagbabagong iyong itinala sa naunang gawain. Sa hanay ng “Ako Noon”, itala
naman ang iyong mga katangian noong ikaw ay nasa gulang na 8 hanggang 11
taon. Kopyahin at isulat ito sa buong papel.

Ako Noon (Gulang 8-11) Ako Ngayon


Pakikipag-ugnayan sa
mga kasing edad
Papel sa lipunan bilang
babae at lalaki
Kakayahang gumawa ng
maingat na pagpapasiya
Pamantayan sa asal sa
pakikipag kapwa
Gamit ang iyong binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, tatawag ang guro ng
mag-aaral upang ibahagi ang kaniyang ginawa. Tatayain din ng mag-aaral
kung positibo o negatibo ang mga naging pagbabago sa kaniyang sarili.

D. Pagtatalakay
Habang lumilipas ang panahon at ikaw ay nagkaisip, nakikita mo unting
unting paglawak ng mundong iyong ginagalawan. Ang pagiging mapanagutan
sa pakikipagkapwa ay lagpas na sa simpleng paggalang sa kapwa. Ito ay pag-
unawa sa katotohanang hindi nabubuhay ang tao para sa sarili lamang.

E. Pagpapalalim
Bilang nagdadalaga at nagbibinata, dapat ding pagtuonan ng pansin ang mga
pagbabagong nangyayari sa kanilang katawan at asal. Maging gabay sa inyo
ang dalawa sa walong inaansahang kakayahan ayon kay Havighurts.
- Pagtanggap sa mga pagbabago sa katawan at paglapat ng tamang
pamamahala
- Pagtamo at pagtanggap ng mapanagutang asal
IV. Pagtataya
Panuto: Humanap ng kapariha. Sa isang kalahating papel, gumawa ng
dalawang hanay. Sa unang hanay, isulat ASAL/UGALI NA GUSTONG
BAGUHIN. Sa ikalawang hanay nanam ay ang RASON KUNG BAKIT
GUSTONG BAGUHIN. Kailangang makatala sila ng 5 asal o ugali.
ASAL/UGALI NA GUSTONG RASON KUNG BAKIT GUSTONG
BAGUHIN BAGUHIN
1. 1.
2. 2.
7
3. 3.
4. 4.
5. 5.

V. Takdang Aralin
Journal Writing
1. Sa inyong dyornal, sumulat ng isang repleksiyon o pagninilay, gamiting gabay ang
mga tanong:
2. Naibigan mo ba ang mga pagbabagong ito sa iyo bilang nagdadalaga at nagbibinata?
3. Makatutulong ba ang mga pagbabagong ito sa iyo? Sa paanong paraan?

Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?

8
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


CODE: EsP7PS-Ib-1.3 Paghahanda sa tatlong inaasahang kakayahan at kilos na nasa
mataas na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence)
(paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya, at
pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti
at mapanagutang tao

Quarter: 1 Week: 2 Day: 2

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay.
1. Naipaliliwanag ang angkop na inaasahang kakayahan at kilos
(developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay
Havighurts
2.Nakakabuo ng sariling Pagpapasiya sa ibinigay na task.

II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasiya
B. Paghahanda para sa paghahanap buhay
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Deductive
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral patungkol sa natalakay nila nitong
huling pagkikita.

B. Pagganyak
Magtatanong ang mga guro sa mga mag-aaral tungkol sa hangarin na gusto
nilang matupad. Narito ang mga gabay na tanong:

9
1. Ano ba ang pangarap ninyo sa buhay?
2. Bakit ito ang napili niyo? Kaya niyo ba itong maabot?
3. Anu-ano ang mga hakbang para maabot ito?

C. Pagtuklas
Magpaskil ng isang case study ang guro sa pisara tungkol sa mabuting
pagpapasiya. Isulat ang sagot sa ¼ sheet of paper. Sagutin ang mga tanong.

Naiwan kang mag-isa sa inyong silid-aralan. May


nakita kang pitaka sa ibabaw ng mesa. Nang tingnan
mo, naglalaman ito ng tatlong libong piso. Naroon
din ang I.D ng may-ari na isa mong kaklase. May
sakit ang tatay mo at kinakapos kayo sa perang
pambili ng kaniyang gamot.

1. Ano ang inyong gagawin?


2. Bakit mo nasabing tama ang iyong ginawa?

D. Pagtatalakay
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, kinakalangang matutong linangin ang
kakayahan sa maingat npagapasiya. Makatutulong na sumangguni sa nakakatanda
sa mga pasiyang gagawin. Ngunit mas mainam na sanayin ang sarili sa pagpili
tungo sa kabutihan- yaong nakabubuti sa kapwa at sa iba.

E. Pagpapalalim
Upang mas maunawaan at maintindahan ninyo ang tungkol sa
pagpapasiya, ipagpapatuloy ng guro ang pagtatalakay sa walong inaasahng
kakayahan lalo na sa:
- Pagkakaroon ng kakayahang makagawa ng pagpapasiya
- Paghahanda para sa paghahanap buhay
IV. Pagtataya
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Bilang isang nagdadalaga at
nagbibinata, ano ang itong iispin at gagawin sa mga sitwasyong ito. Isulat sa kwaderno ang
inyong sagot.
1. May iniinom kang juice, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya’t sabi
ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan. Anong gagawin mo?
2. Nais mo na maging isang doctor kaya kumuha ka ng kurso sa kolehiyo na patungo sa
pagiging doktor. Ngunit sa simula pa lamang sa kolehiyo ay naisip mong maging
Inhenyero. Lumipat ka ng kurso subalit nang kinukuha mo na ang kurso sa pagiging
Inhenyero ay nagbago na naman ang isip at nais mo maging isang Accountant. Anong
pagpapasiya ang gagawin mo?

V. Takdang Aralin
Gumawa ng repleksiyon patungkol sa aralin.

Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:

10
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?

11
BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN

Nilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata

Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang
inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

Mga kasanayang Pampagkatuto:


CODE: EsP7PSIb-1.3 Paghahanda sa tatlong inaasahang kakayahan at kilos na nasa
mataas na antas (phase) ng pagdadalaga/pagbibinata (middle and late adoscence)
(paghahanda sa paghahanapbuhay, paghahanda sa pag-aasawa / pagpapamilya, at
pagkakaroon ng mga pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal), at pagiging mabuti
at mapanagutang tao

Quarter: 1 Week: 3 Day: 1

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang naisagawa ang mga
sumusunod nang may 85% na tagumpay.
1. Naipaliliwanag ang angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental
tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ayon kay Havighurts
2. Naisasagawa ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng inaasahang kakayahan
at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata

II. Nilalaman:
Paksang Nilalaman: Mga Angkop na Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng
Pagdadalaga/Pagbibinata (Developmental Task)
A. Paghahanda para sa Pag-aasawa
B. Pagkakaroon ng mga Pagpapahalaga na gabay sa mabuting asal
Integrasiyon: MAPEH (Health)
Stratihiya: Collaborative
Kagamitan: Powerpoint, TV (Optional)
Sanggunian: Teachers guide pp 6-21; Learner’s materials pp.18-21

III. Pamamaraan
A. Pagbabalik-aral
Magbalik aral sa natalakay nitong nakaraang pagkikita.

B. Pagganyak
Magtatanong ang guro sa mga mag-aaral. Gawing gabay ang katanungan:
1. Anong gusto mong mangyari sa buhay mo?
2. Pagkatapos mong mag-aaral, sumagi ba sa iyong isipan ang pag-aasawa o
pagkakaroon ng pamilya?

12
3. Anu-anong mga kasanayan na dapat mong linangin bilang nagdadalaga at
nagbibinata na makakatulong sa susunod na yugto ng ating buhay?

C. Pagtuklas
Magkakaroon pagsasadula tungkol sa mga kinakailangan sa paghahanda sa
paghahanap buhay, pag-aasawa at mabuting asal.
Panuto: Hahatiin sa tatlong grupo ang mag-aaral. Bawat grupo ay pipili ng
isang lider upang mamuno sa gagawing pagsasadula. Bawat grupo ay
bibigyan ng iba’t ibang senaryo. Ilahad ng guro ang rubriks para sa
pagbibigay puntos.

Unang senaryo: Pag-aasawa


Pangalawang senaryo: Paghahanap buhay
Pangatlong senaryo: Mabuting asal sa pag-aaral

Rubrics sa pagtataya ng Pagsasadula


Puntos Nilalaman Lubos na Kasiya-siya Hindi
kasiya-siya Kasiya-siya
11-15 Nauunawaan ng
mga mag-aaral
ang konsepto na
kailangan
matutunan.
6-10 Malinaw na
naipakita ang
awtput sa
pangkalahatan na
may kulang na
konte.
0-5 Medyo may
kulang sa
konsepto na
dapat matutuhan.

D. Pagtatalakay
Kritikal ang panahon ng pagdadalaga o pagbibinata. Ito ay maaring bumuo
o sumira ng iyong kinabukasan. Kailangang maging maingat at di padalos-
dalos sa mga gagawing pagpapasiya at kailangang maging bukas ang isipan
sa lahat ng mga bagay na darating sa kaniyang buhay at kailangang
mapaunlad ang sarili upang magampanan niya ang kaniyang tungkulin
bilang nagdadalaga at nagbibinata.

E. Pagpapalalim
Sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata, kailangang mahubog ang iyong
mga pagpapahalaga. Bibigyang-tuon sa mga sumusunod na aralin ang
pagtalakay sa:
-Paghahanda para sa Pag-aasawa
Ang pag-aasawa ay ganap lamang na natatamo sa huling yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata at sa maagang yugto ng pagtanda (adulthood).
- Pagkakaroon ng mga pagpapahalaga (values) gabay sa mabuting asal.
13
IV. Pagtataya
Sagutin at isulat sa kalahating papel ang sagot.
1. Ano ang mga mahahalagang layunin ng inaasahang kakayahan at kilos sa bawat
yugto ng pagtanda?
2. Paano masasanay ang sarili na magkaroon ng positibong pag-iisip?

V. Takdang Aralin
 Gamit ang mga Art materials, gagawa ang mga mag-aaral ng isang Self Talk.
 Tukuyin ang isang aspeto kung saan itinuturing nilang mababa ang tingin sa sarili.
 Mag-isip ng positibong pakikipag-usap sa sarili (self-talk) o mga bagay na
sasabihin sa iyong sarili upang malampasan o unti-unting mawala ang mga
nararamdaman mababang pagtingin sa iyong sarili.
 Matapos isumiti sa guro ang ginawang task, maaari nila itong ipaskil kung saan
madaling makita o di kaya naman ay I post sa social media upang maging paalala
sa kanilang dapat gawin bilang nagdadalaga at nagbibinata.

Repleksiyon:
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya:
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para remedial:
C. Nakakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin:
D. Bilang ng mag-aaral na nakakuha sa leksiyon:
E. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation:
F. Alin sa mga istratehiyang pagtututo ang makatulong ng lubos? Paano ito
nakakatulong?
G. Anong suliranin ang aking naranasan na sulosyon sa tulong ng aking punung-guro
at superbisor?
H. Anong motibasyon o local na materyalis ang aking ginamit o nadiskubri na gusto
kung ibahagi sa ibang guro?

14
BANGHAY ARALIN SA EDUKASIYON SA PAGPAPAKATAO 7
UNANG MARKAHAN

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa


panahon ng pagdadalaga/pagbibinata, talento at kakayahan, hilig, at mga tungkulin sa
panahon ng pagdadalaga/pagbibinata.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP:

Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop na hakbang sa paglinang ng limang


inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga /
pagbibinata.

KASANAYANG PAMPAGKATUTO:
EsP7PSIa-1.1
EsP7PS-Ia-1.2
EsP7PS-Ib-1.3
EsP7PS-Ib-1.4

MARKAHAN: Unang Markahan LINGGO: Una Lingggo ARAW: ______

I- MGA LAYUNIN:

Pagkatapos ng 60 minuto, 100% na mag-aaral ay inaasahang makasasagot sa 15


iteym na pasulit.

II- NILALAMAN:

-Laguman pagtayaya bilang: 1

III-PAMAMARAAN:

a. Panalangin
b. Pagbibigay ng Panuto
c. Pagmamasid sa mga mag-aaral habang sumasagot sa pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat ang sagot sa patlang.
________1. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga inaasahang kakayahan at kilos na
dapat malinang sa panahon pagdadalaga/pagbibinata maliban sa isa. Ano
ito?
a. Pagsisikap na makakilos ng angkop sa kanyang edad.
b. Pagtanggap ng papel sa lipunan na angkop sa babae o lalake.
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
d. Pagtamo ng bago at gananp na pakikipagugnayan sa mga kasing
edad

15
________2. Ilang kakayahan at kilos na dapat malinang sa isang
nagbibinata/nagdadalaga ayon kay Havighurst?
a. 4 na kilos at kakayahan
b. 5 na kilos at kakayahan
c. 7 na kilos at kakayahan
d. 8 na kilos at kakayahan
________3. Alin sa sumusunod ang HINDI inaasahang kakayahan at kilos sa panahon
ng pagdadalaga/pagbibinata?
a. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili
b. Mabuting tao
c. Gabay kung ano ang inaasahan sa lipunan
d. Pagkakaroon ng kaalaman sa angking talino
________4. Sa yugto na maagang pagdadalaga o pagbibinata, inaasahan na ang
pagkakaroon ng kasintahan. Ano ang inilalarawan ng pangungusap?
a. Tama, dahil mahalaga ang pagbuo ng relasyon sa katapat na kasarian
sa maagang panahon.
b. Tama, dahil ito ay makatutulong upnag matutong lumawak ng isang
relasyon
c. Mali, dahil mahalagang masukat muna ang kahandaan ng isip at
damdamin ng isang nagdadalaga/nagbibinata sa paghawak ng isang
seryosong relasyon.
d. Mali, dahil hindi pa nararapat na magkaroon ng seryosong relasyon
ang isang tinedyer
________5. Bakit mahalaga ang isang nagbibinata/nagdadalaga ang pakikipagkapwa?
a. Upang tunay na makilala ang kanyang pagkatao
b. Upang matukoy kung saan siya nababagay sa lipunan.
c. Upang mabuo ang kanyang tiwala na makabahagi sa anumang
trabaho o gawain.
d. Upang magkaroon ng maraming kaibigan
________6. Paano mo mapataas ang iyong tiwala sa sarili?
a. Maging positibo sa pag-iisip
b. Palaging umaasa sa tulong ng iba.
c. Magbasa sa mga aklat tungkol sa kwento ng sarili
d. Mahinahon sa lahat ng gawain
________7. Si Rony ay nabulag. Nagsisiskap siyang matutong bumasa at sumulat sa
pamamagitan ng braile at nagtapos ng kanyang pag-aaral na may
karangalan. Ano ang pinatutunayan ni Rony?
a. Natupad ang kanyang pangarap na maging matalino at matagumpay.
b. Nalampasan ang limitasyon ng kanyang kapansanan.
c. Dahil bulag, walang gaanong hadlang at tukso sa kanyang pag-aaral.
d. Matiyaga ang kanyang magulang at mga guro kaya siya ay nagging
matalino at matagumpay
________8. Ang pakikipag-ugnayan ay magiging ganap lamang kung handang
ipaalam ang lahat na nalinang sa kapwa. Ano ang isinasaad ng
pangungusap na ito?
a. Tama, dahil ito ay nagpapakita ng tiwala sa kapwa.
b. Tama, dahil ito ang magiging simula ng isang malalim na pakikipag-
ugnayan.
c. Mali, dahil sa kasapi ng pamilya lamang nararapat na sabihin ang
lahat na sikreto

16
d. Mali, dahil mahalagang magkaroon ng limitasyon upang hindi
magamit ang mga impormasyon tungkol sa sarili laban sa kanya sa
hinaharap
_______9. Alin sa mga ito ang HINDI nagsasaad ang mahalagang layunin sa
inaasahang kakayahan at kilos sa bawat yugto ng pagtanda ng tao.?
a. Nagsisilbing gabay kung ano ang inaasahan ng lipunan sa bawat
yugto ng buhay.
b. Nakatutulong upang malinang ang kakayahang iakma ang sarili sa
mga bagong sitwasyon
c. Nagtuturo sa isang tinedyer ng mga nararapat na gawain na iakma sa
kanilang edad.
d. Nagsisilbing motibasyon upang gawin ng isang tinedyer ang
inaasahan sa kanya ng lipunan
_______10. Paano malalaman na ginagawa sa isang nagbibinata/nagdadalaga ang
maingat na pagpapasya?
a. Sumangguni sa mga eksperto para makakuha ng opininyon para
matulungan.
b. Humingi ng payo sa mga magulang, church leaders o guidance
counselor
c. Pagtamo at pagtanggap ng maayos na ugali sa pakikipagkapwa.
d. Pagtamo ng bago at ganap na pakikipag-uganayan sa mga kasing-
edad
_______11. Alin dito ang dapat gawin sa isang nagbibinata/nagdadalaga kung nag
alinlangan sa pagbigay ng pasya?
a. Dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon na magsikap upang matamo
ang tagumpay.
b. Kailangan niya sasali sa isang seminar kung paano magpasya.
c. kailangan sumangguni sa mga nakakatanda o awtoridad na higit na
may alam sa pagpapasya.
d. Ipawalang bahala na lang ang lahat
_______12. Bakit dapat harapin ang bawat hamon sa buhay?
a. Dahil ito ay nagbibigay ng pagkakataon na magsikap upang matamo
ang tagumpay.
b. Para wala ng problema sa hinaharap
c. Para Makita ang katatagan ng puso
d. Para masanay sa paglutas ng mga suliranin sa buhay.
_______13. Ano ang epekto kung ang kakayahan at kilos sa isang nagbibinata/
nagdadalaga ay malinang?
a. Maging matapang na sa mga hamon sa buhay.
b. Handang-handa na sa mga pagsubok na darating sa buhay.
c. Maiiwasan ang stress o nakakahiyang reaksyon dahil napaghandaan
niya ito.
d. Mas lalo siyang ma stress dahil marami ang dapat pagbibigyan ng
pansin niya ang aking kamalian
______14. Paano mo gagawing ganap ang iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kasing
edad o kapwa?
a. Dapat alam mo kung ano ang iyong nais sa isang pagkakaibigan
b. Dapat sensitibo ka sa mga pangangailanagan ng iba
c. Dapat itago ang mga kilos na maging sanhi sa hindi pagkakaroon ng
kaibigan.

17
d. Dapat ang pipiliing kaibigan ay makatulong agad kung may
kailangan ka
________15. Paano mo mapataas ang iyong tiwala sa sarili?
a. Palaging umaasa sa tulong ng iba.
b. Palaging umaasa sa tulong ng kaibigan.
c. Magbasa sa mga aklat tungkol sa kwento ng sarili
d. Mahinahon sa lahat ng gawain

d.Pagwawasto sa papel

1. a
2.d
3.d
4.c
5.b
6.a
7. b
8. b
9. c
10.b
11. c
12. a
13.c
14.a
15.d

IV- PAGTATALA SA RESULTA:

V- REPLEKSYON:
a. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya; _______________
b .Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa
remediation:_____________

18

You might also like