Asignatura Homeroom Guidance Program Baitang 6
W6 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Paglalahat ng mga Menor na Kontribusyon upang Magresulta ng
Positibong Kalalabasan
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
KASANAYANG PAMPAGKATUTO Synthesize minor contributions that yield to positive results or outcomes.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Paglalahat ng mga menor na kontribusyon upang magresulta ng
positibong kalalabasan
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A.. Panimula Mungkahing Oras (5 minuto)
Sa ating nakaraang gawain, nakita natin ang mga mahahalagang pangangailangan ng ating sarili, ng
kapuwa at pamayanan. Mahalaga ito sa dahilang ang ating pangangailangan ay maaring naiiba sa ating
kapuwa subalit dapat nating pahalagahan at igalang ang pangangailangan ng bawat isa. Gayundin sa ating
pagtugon sa sariling pangangailangan, nararapat lamang na isaalang - alang ang pangangailangan ng ating
pamayanan.
Sa ating aralin at mga gawain ngayong lingo, ay inaasahang makalilikha tayo ng kabuuang mga ambag
na magdudulot ng isang positibong resulta maging ito man ay maliit na solusyon. Inaasahan din na maiisa – isa
natin ang ating mga maaring kontribusyon sa pagtugon sa tawag ng malawakang kamalayan.
Halina at sama – sama natin itong tuklasin sa pagsasagawa ng araling ito.
D. Pagpapaunlad Mungkahing Oras (15 minuto)
Habang ang tao ay patuloy na lumalaki, siya ay umuunlad hindi lamang sa pisikal na anyo o sa edad. Siya
rin ay may mga pagbabago sa pangpersonal, at pangkaisipang aspeto ng kanyang personalidad. Bunga nito,
ang kanyang mga kakayahan ay unti -unti nahuhubog. Siya ay mas marami ng nagagawa at naiaambag sa
kanyanng pamilya at sa lipunang kanyang ginagalawan.
Bilang mag-aaral sa elementarya ikaw, ay may makagawa rin sa abot ng iyong makakayanan at
makatulong sa maliit mang pamamaraan. Hindi ka inaasahang mag- aambag ng mga malalaking bagay ngunit
maaari kang maka likha o makaisip ng mga gawaing sa paningin ay hindi pangunahin subalit kung ito ay
pagsasama-samahin ay maaring mag bunga ng mga positibong resulta.
Sa ating panonood sa mga programa sa telebisyon o sa mga iba’t – ibang social media plaforms, makikita
natin ang mga kabataan na nagsisikap sa kanilang sariling paraan upang makatulong kahit munti man. Nandiyan
ang batang karga – karga ang kapatid kahit na sa loob ng silid aralan upang ito ay kanyang maalagaan at
mapakain. Ang bata sa Bulacan na sumagip ng buhay ng tumaob ang Pagoda habang nagdiriwang ng isang
fluvial procession sa ilog. Isang batang kinayang mag-araro ksama ang mabigat na kalabaw upang makatulong
sa pamilya. Lahat ng ito ay hayagan nating nakikita sa iba’t – ibang uri ng media. Sila ay nagbibigay sa atin ng
mga inspirasyon at humihikayat sa ating mga puso na gumawa ng sariling ambag sa pamilya, sa pamayanan at
sa lipunan.
Upang tayo ay may maiambag, maari nating gawing gabay ang isinulat ni Constancia Paloma ukol sa “Etiko sa
Paggawa”. Narito ang ilan.
1. Pagsikapang pinakamahusay ang resulta ng anumang gawain. Maging proyekto sa paaralan, gawain
sa bahay o para sa sariling pangangailangan.
2. Magkaroon ng pagkukusa or “spirit of volunteerism.” Huwag hintaying kumilos ang iba kung ikaw ay may
oras, panahon at kakayanan. Kahit hindi malaki ang iyong gagawin, kung ito ay kusa, maaring
magbubunga ng magandang resulta.
3. Pagsikapan na maiangat ang pamantayan sa paggawa. Huwag makuntento o sumunod na lamang sa
ginagawa ng iba o nakararami. Ang pagiging matamlay o “mediocre”ay pagkakaroon ng mababang
pamantayan.Hindi man pangunahin ang iyong gagawin kung ito ay gagampanan mo sa natatanging
paraan ito ay magbubunga ng positibong resulta.
4. Sikapin na maging orihinal o makalikha ng oirihinal na gawain. Anuman ang iyong gagawin kung ito ay
sarili mong likha at pagsisikap tiyak na positibo ang bunga nito.
E. Pakikipagpalihan Mungkahing Oras (10 minuto)
Gawaing Pakatuto 1
Suriin ang mga pangungusap sa ibaba at lagyan ng tsek (√) kung ito ay may positibong bunga at ekis ( X )
kung walang positibong bunga.
_____ 1.Pag uwi sa bahay, si Mary ay tumutulong sa mga gawaing bahay katulad ng paghuhugas ng mga
pinggan at mga kaldero.
____ 2. Pinag – aaralan ni Bobby ang mga gawain na hindi pa niya kayang gawin.
____ 3. Para kay Marlene, okay lang kung siya ay nahuhuli sa pasahan, ang mahalaga ay nagpapasa siya kahit
mababa ang grado.
____ 4. May clean -up drive sa barangay nila Ed subalit para sa kanya siya ay bata pa at hindi kailangang makiisa.
_____ 5. Sinisiguro ni Peachy na pinaghihiwalay niya ng lalagyan ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura.
_____ 6. Nakikita ni Rey na nagtatapon ng mga tuyong dahon ang kanyang lola sa daanan ng tubig ngunit
,hinahayaan lang niya ito.
_____ 7. Mahilig si Henry na maglaro ng basketball, para sa kanya dapat na mas mauna ito kaysa sa mga
gawain sa bahay at paaralan.
_____ 8. Sa may tabi ng Laguna Lake maraming mga bangkang pangisda ang nakadaong, kung kaya’t sila Allan
at kanyang kabarkada ay namumulot ng mga plastic na nagkalat doon.
_____ 9. Napagkasunduan nila Jenny at mga kaibigan na gumawa ng mga greeting cards para sa mga maysakit
na nasa ospital sa kanilang barangay.
_____ 10. Hindi pinapansin ni Steven ang mga traffic signs na nakalagay sa mga kalye kapag siya ay nagbibisikleta.
A. Paglalapat: Mungkahing Oras (10 minuto)
Gawain sa Pagkatuto 2
Sa loob ng scroll, sumulat ng tiglilimang (5) mga gawain na sa iyong palagay ay kaya mong maiambag
para sa ikabubuti ng iyong pamilya, pamayanan at lipunan.
PAMILYA BARANGAY LIPUNAN
V. Pagninilay (5 minuto)
Pagkatapos mong matutunan ang mga bagong kaalaman sa aralin na ito at masagutan ang mga
gawain, pag-isipan at tapusin ang mga sumusunod:
1. Ang pinakamahalaga kong natutunan ngayon ay: ____________________________
2. Ipinapangako ko na sisimulan kong : _____________________________________
3. Nararapat lamang na ako ay :____________________________________________
V. PAGTATAYA: Mungkahing Oras (15 minuto)
Sa unang kahon isulat mo ang mga simple o menor na kontribusyon na kaya mong ibigay sa iyong pamilya at
pamayanan ngayong panahong nararanasan natin ang pandemya. Sa pangalawang kahon naman ay iyong
isulat ang mga maaring positibong bunga nito.
Aking Kontribusyon Positibong Bunga
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 5 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Natutunan ko na ___________________________________________________________
Naisip ko na ________________________________________________________________
Kailangan ko pang matutunan ang _________________________________________
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Ylarde,Zenaida, Peralta, Gloria,EdD. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon 6. Vibal Group
Inc.,2016
Inihanda ni: Socorro M. Guiao Sinuri nina: Nida C. Tagalag, EdD
Caingin Elementary School Noruel M. Donato
Simonet P. Estopace