Asignatura Homeroom Guidance Baitang 6
W1-2 Markahan 4 Petsa
I. PAMAGAT NG ARALIN Mga Pangangailangan ng Pamilya at Komunidad
II. MGA PINAKAMAHALAGANG
Natutukoy ang mga pangangailangan ng pamilya at komunidad.
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pagtulong sa komunidad.
(MELCs)
III. PANGUNAHING NILALAMAN Naipamamalas ang kakayahang matukoy ang mga pangangailangan
ng pamilya at komunidad at maipaliwanag ang kabutihang dulot ng
pagtulong sa komunidad.
• Naiisa-isa ang mga kailangan ng pamilya at komunidad
• Napahahalagahan ang sariling pahayag tungkol sa mabuting
dulot ng pagtulong sa komunidad.
IV. YUGTO NG PAGKATUTO AT MGA GAWAING PAMPAGKATUTO
A. Panimula (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga hakbang sa paghahanda ng iyong napiling karera o propesyon.
Sa araling ito, malalaman naman natin ang mga pangangailangan ng pamilya at komunidad. Maipaliliwanag
rin ang kabutihang dulot ng pagtulong sa ating komunidad.
Sa kasalukuyang panahon ng pandemya na dulot ng Coronavirus, ang bawat pamilya at ang buong mundo
ay dumaranas ng pagbabago sa kanilang buhay. May ilang miyembro ng pamilya ang nawalan ng trabaho.
Marami rin sa mga mamayang Pilipino ang humihingi ng tulong para matugunan ang kanilang mga
pangangailangan.
Ano-ano nga ba ang mga pangangailangan ng ating pamilya at komunidad? Ano- ano ang mga kabutihang
dulot ng pagtulong sa ating komunidad? Narito ang mga kasagutan at mga inihandang gawain para lubos mong
maunawaan at malaman ang mga pangangailangan ng pamilya at komunidad.
Ayon sa Wikipedia ang pamilya ang pinakamaliit na bahagi ng komunidad. Ang malusog, payapa at masayang
pamilya ay dulot ng pagkakaroon ng sapat na pangangailangan. Narito ang ilan sa mga pangunahing
pangangailangan ng isang pamilya:
• Pagkain- Ang masusustansyang pagkain ay kabilang sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya
upang mapanatiling malakas at malusog ang katawan.
• Tirahan- Ito ay istrukturang nagsisilbing proteksyon sa bawat pamilya laban sa masasamang loob, sa init,
ulan at lamig ng panahon.
• Kasuotan- Ito ay proteksyon sa ating katawan. Naaayon din ang kasuotan sa panahon at okasyon o lugar
na pupuntahan.
• Edukasyon- Ang pagkakaroon ng sapat na edukasyon ang magdadala sa iyo sa mahusay at maayos na
kinabukasan. Ito ang magsisilbing sandata na magagamit natin upang mabago ang mundong ating
ginagalawan.
• Kalusugan- Kailangan ang pagpapanatili ng malusog at malakas na resistensya ng bawat pamilya upang
malaban ang anumang sakit.
• Pangangalaga at proteksyon- Ang isang pamilya ay nangangailangan ng seguridad at pangangalaga.
Ang bawat miyembro ng pamilya ay dapat protektahan.
• Pagmamahal- Ang pagmamahalan ang nagbubuklod sa bawat pamilya. Kailangan nating ipakita at
iparamdam ang pagmamahal natin sa kanila.
• Hanapbuhay- Ang pagkakaroon ng marangal na hanapbuhay ng isang pamilya ay mahalaga upang
mamuhay nang maayos ang bawat miyembro nito.
Kagaya ng isang pamilya, mayroon ding pangangailangan ang ating komunidad. Narito ang ilan.
• Kailangan ng tapat at responsableng pinuno na mangunguna sa pagpapatupad ng mga programa,
batas at gawain.
• Maayos na pasilidad at serbisyo ukol sa kalusugan, kapayapaan at kaligtasan ng pamayanan.
• Pagsunod ng mga mamamayan sa mga ipinatutupad na batas o alituntunin sa pamayanan.
• Ang pakikiisa ng bawat tao sa mga programa ng komunidad ay magdudulot ng tagumpay at lahat ay
pantay na makikinabang dito.
Ang pagtutulungan ng mga tao ay may mabuting maidudulot sa isang komunidad. Dahil dito, ang
pamayanan ay magiging maunlad at maayos ang kalagayan. Magkakaroon din ng pagmamalasakit ang bawat
isa na makatutulong sa mga lubos na nangangailangan. Ang pagtulong sa ating komunidad ay magbibigay ng
inspirasyon sa iba at magsisilbing modelo para sa kabutihan.
B. Pagpapaunlad (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Hanapin ang mga salita na kokompleto sa bawat pangungusap tungkol sa pangangailangan ng pamilya.
Gamitin ang palaisipan sa ibaba.
S Q T H J K P O N M V X Q W
P A Y J O M S G F M K H H E
A H U I M V G H J D S W A L
G G Y K A S U O T A N Y N O
K J H R R Y L Q D T I G A k
A K R T E O U A F p O D P E
I P E D U K A S Y O N H B O
N O D H E A x T H U J U U P
T M S K Q J G S J I L T H K
R B W N X H H D K O S E A J
D C X T I R A H A N Q A Y L
1. Ang __________ ay dapat ibinabagay sa panahon at lugar na pupuntahan.
2. Ang __________ ang pinagkukunan natin ng lakas para mabuhay.
3. Ang bawat pamilya ay nangangailangan nang maayos na ___________ na magsisilbing proteksyon sa
anumang uri ng panahon .
4. Ang pagkakaroon ng sapat na ___________ ang magdadala sa atin sa maayos na kinabukasan.
5. Ang pagkakaroon ng marangal na ___________ ay makatutulong para matustusan ang ating
pangangailangan.
C. Pakikipagpalihan (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Sa naunang gawain nalaman natin ang ilan sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya. Subuking
alalahanin ang mga pangangailangan ng komunidad batay sa nakikita mong larawan o simbolo sa ibaba.
Ipaliwanag ang pagkakaunawa sa bawat simbolo. Isulat ang iyong sagot sa talaan.
Pangangailangan ng Komunidad
1.
2.
3.
D. Paglalapat (Mungkahing Oras: 30 minuto)
Natutuhan mo na ang ilan sa mga pangangailangan ng iyong pamilya at komunidad. Ngayon ay alalahanin
mo naman ang mga kabutihang dulot ng pagtulong sa isang komunidad. Iguhit ang puso ( )sa patlang kung
ang isinasaad ng pangungusap ay may kabutihang dulot sa iyong komunidad sa kasalukuyan.
_____ Pagtatayo ng community pantry sa inyong lugar.
_____ Pananatili sa loob ng tahanan para makaiwas sa sakit na COVID-19.
_____ Pagsunod sa mga ipinapatupad na health protocol sa inyong barangay.
_____ Pakikiisa sa mga programa at alituntunin na ipinatutupad ng pamayanan.
_____ Pagbabakasyon sa ibang lugar sa ilalim ng MECQ.
_____ Pagbibigay ng donasyon o tulong sa mga nangangailangan.
_____ Pabayaan ang pag-aaral dahil nasa bahay lang naman.
_____ Pagsunod sa nakatakdang curfew sa inyong lugar.
_____ Ugaliin ang paghuhugas ng kamay at pagsunod sa proper social distancing.
V. PAGTATAYA (Mungkahing Oras: 30 minuto)
(Ang mga Gawain sa Pagkatuto para sa Pagpapayaman, Pagpapahusay, o Pagtataya ay ibibigay sa ikatlo at
ikaanim na linggo)
I. Basahing mabuti ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa pangunahing pangangailangan ng pamilya?
A. pagkain C. tirahan
B. sasakyan D. kasuotan
2. Ano ang isa sa pangunahing pangangailangan ng isang pamayanan?
A. pagkakaisa ng bawat tao
B. pagsasawalang bahala sa mga alituntunin
C. pagbatikos sa mga ipinatutupad na batas
D. pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko
3. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng kabutihang dulot ng pagtulong sa komunidad?
A. Pinagtawanan ng magkakaibigan ang matandang pulubi sa kalye.
B. Inubos ni Aling Maria at Mang Agustin ang laman ng community pantry.
C. Ipinamahagi ang mga expired na mga de lata at instant noodles para hindi masayang.
D. Ang aking mga magulang ay namigay ng bigas at gulay sa aming mga kapitbahay na
nangangailangan.
4. Bakit mahalaga ang pagtulong sa komunidad?
A. Para maging sikat at dumami ang followers sa facebook.
B. Para maipakita sa iba na mayroon kang maraming pera.
C. Para maging maayos at mapayapa ang pamayanan.
D. Para malaman nila na ikaw ay isang matagumpay na tao.
5. Paano ka makatutulong sa pangangailangan ng iyong pamilya?
A. Hindi ako tutulong sa mga gawaing bahay.
B. Mag-aaral ako nang mabuti para makatulong sa aking pamilya balang araw.
C. Magpapabili ako ng isang bagong modelo ng cellphone pagsahod ni tatay.
D. Itatapon ko ang mga natirang pagkain kahit pwede pa itong mapakinabangan.
II. Gamit ang rubrik, gumawa ng isang talata na nagpapakita ng kabutihang dulot ng pagtulong sa
pamayanan.
VI. PAGNINILAY (Mungkahing Oras: 30 minuto)
• Ipabatid ang iyong personal na pagtatasa sa kard ayon sa lebel ng iyong performans.
Natutunan ko na ___________________________________________________________
Naisip ko na ________________________________________________________________
Kailangan ko pang matutunan ang _________________________________________
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans Para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay sa
iyong pagpili:
- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa pagsasagawa nito. Higit na nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
✓ - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong ang gawain
upang matutuhan ko ang aralin.
? – Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis a pagsasagawa nito. Hindi ko nauunawaan ang hinihingi sa
gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko ito nang maayos o
mahusay.
Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP Gawain Sa LP
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 3 Bilang 5 Bilang 7
Bilang 2 Bilang 4 Bilang 6 Bilang 8
VII. SANGGUNIAN Wycoco, Gloria. Edukasyon sa Pagpapakatao 6. Quezon City: The Library Publishing House,
Inc.,2017
https://www.slideshare.net/KlaireCalma1/mga-pangangailangan-sa-komunidad-230421741
https://www.slideshare.net/LorelynSantonia/yunit-1-mga-pangangailangan-ng-pamilya
Inihanda ni: Leziel B. Templonuevo Sinuri nina: Noruel M. Donato
Simonet P. Estopace
Nida C. Tagalag, EdD