You are on page 1of 22

Pag-awit sa tugtog.

https://www.youtube.com/watch?v=FFtBXJE-29I
Ang kalayaan ng
Pilipinas ay idineklara
ni dating pangulo
Emilio Aguinaldo sa
Kawit, Cavite noong
Hunyo 12, 1898
ngunit ang nasabing
kalayaan ay hindi
lubos nakamit ng
mga Pilipino. ng
dumating sa bansa
ang mga Amerikano.
Pananakop at pamamahala sa bansa
ng mga Amerikano.
Pangkatang Gawain (Pangkat 1)
Pangkatang Gawain (Pangkat 2)
Pangkatang Gawain (Pangkat 3)
Basahin ang teksto. Punan ng sagot ang
“graphic organizer.”
Dahil nasa ilalim na ng pamahalaang Amerikano ang
Pilipinas noon, lahat ng galaw o kilos ng mga
rebolusyonaryong Pilipino ay mahigpit na binabantayan
at para lubos na mapairal sa bansa ang mga plano ng
Amerika, ipinatupad ng pangulong William Mc Kinley ang
Batas Militar sa bansa noong Agosto 14, 1898 sa
pamamagitan ni Heneral Wesley Merritt bilang unang
gobernador militar. Si Merritt ay binigyan ng
kapangyarihang tagapagbatas, tagapagpaganap, at
tagapaghukom.
Sino si Heneral Wesley
Merritt?
Ano ang ipinatupad ni Pangulong William Mc
Kinley noong Agosto 14, 1898?
Anu-ano ang mga kapangyarihang itinalaga sa
kanya?
Pangkatang Gawain (Pangkat 4)
Basahin ang teksto. Punan ng sagot ang
“graphic organizer.”
Noong Enero 20, 1899, lumikha si Pangulong Mc Kinley ng isang komisyon na
pinamumunuan ni Dr. Jacob Gould Schurman na pangulo ng pamantasang Cornell
at kasama niya ang mga matataas na militaring opisyal sa bansa na sina Admiral
George Dewey at Heneral Elwell Otis para siyasatin o alamin ang kondisyon ng
Pilipinas at magbigay ng mga rekomendasyon. Sa ulat ng KOMISYONG
SCHURMAN, binigyan nila pansin ang hangarin ng mga Pilipino na magkaroon ng
lubos na kalayaan ngunit ayon sa kanila, ang bansa ay hindi pa lubos handa sa
pagsasarili kaya inirekomenda nila sa pangulong William Mc Kinley ang agarang
pagtatag ng mga sumusunod:
1. Pagtatag ng isang Pamahalaang Sibilyan.
2. Pagtatag ng isang lehislaturang bicameral.
3. Pagsasarili ng pamahalaang panlalawigan at pamahalaang lokal
4. Pagkakaroon ng isang pampublikong sistema sa edukasyon.
Ano ang tawag sa nilikha nyang Sino siya at ano ang tungkulin nya sa
Komisyon? Komisyong nilikha ng pangulo?

Bakit di nya binigyang pansin ang kagustuhan ng


Anu-ano ang mga dahilan ng paglikha ng mga Pilipino ng lubusang kalayaan? Anu-ano ang
Komisyong Schurman? naging rekomendasyon nila sa Pangulo?
LITERACY
Pangkalahatang Pagbasa at Pag-unawa sa
Teksto
Noong Marso 16, 1900, nabuo ang ikalawang komisyon
sa bansa na tinawag na KOMISYONG TAFT dahil sa ito ay
pinamumunuan ni William Howard Taft. Si Taft na hinirang
bilang unang Heneral Sibil sa bansa ay may kapangyarihang
pang-lehislatura at limitadong pang ehekutibo. Ang tagubilin
ni McKinley sa komisyong ito ay narito:
1. Ipabatid sa mga Pilipino na ang pamahalaang itatayo ng
mga Amerikano sa Pilipinas ay para sa mga Pilipino;
2. Igalang ng mga kagawad ng komisyon ang mga kaugalian,
kinamulatan, at kinagawian ng mga Pilipino; at
3. Magbukas ng mga paaralang elementarya sa Pilipinas at
gamitin ang wikang Ingles sa pagtuturo nito.
Sa ilalim ng Komisyong Taft ito ay nakapagtala ng halos 499 na batas
sa loob lamang ng halos dalawang taon. Ilan sa mga naitatag at
naipatupad sa ilalim ng Komisyong ito ay ang mga sumusunod:
1. Pagkatatag ng Kataas-taasang hukuman o Korte
Suprema at pagkaroon ng iisang sistemang
panghukuman.
2. Pagkatatag ng Serbisyo Sibil o Civil Service.
3. Pagpapatupad ng Koda Pang Municipal o Municipal
Code.
4. Pagkatatag ng Pambansang Konstabularya ng mga Pulis
o Philippine Constabulary na siyang mangangasiwa sa
katahimikan ng lipunan.
Sagutan ang mga tanong sa
buong pangungusap.
1. Kailan nabuo ang ikalawang Komisyon sa bansa?
2. Ano ang tawag sa Komisyong ito?
3. Sino ang namuno?
4. Sa Komisyong ito paano natuto ang mga Pilipino mag-
Ingles?
5. Ano ang tagubilin ni Pangulong Mc Kinley ukol sa kaugalian,
kinamulatan at kinagawian ng mga Pilipino?
NUMERACY

Solve mo ito!
Ang pananakop ng Amerika sa
• bansang Pilipinas ay nagsimula
• noong taong 1898 at nagtapos
sa 1946. Nais mong malaman
kung ilang taon ang kabuuang
pananakop ng mga Amerikano,
paano mo ito malalaman?
Karagdagang Impormasyon
• MGA BATAS NA IPINATUPAD NG PAMAHALAANG
AMERIKANO SA BANSA

• 1. BATAS SEDISYON (Nobyembre 4, 1901) –
Nagbibigay ng kaparusahang kamatayan o panghabang-buhay na
pagkabilanggo sa sinumang nagpapahayag o nagpapakita ng paglaban o
pagpuna sa pamamahala ng mga Amerikano sa bansa.
• BATAS BRIGANSIYA (Nobyembre 12, 1902) –
• Batas na humuhuli sa lahat ng mga bandido o sinumang hinihilaang rebelde
laban sa pamahalaang Amerikano. Sa batas na ito nahuli ang dating
miyembro ng Katipunan at ang nagtatag ng Republika ng Katagalugan na si
Macario Sakay na matapos ikinulong ay binitay.
• BATAS UKOL SA WATAWAT (1907) –
• Pagbabawal sa pagwawagayway o pag display ng watawat ng
Pilipinas sa anumang okasyon.
(Integrasyon sa EsP)

REAKSYON mo sa mga BATAS ng


AMERIKANO
• Kung sa panahong ito ng pamamahala ng Amerikano,
bilang isang Pilipino ano ang reaksyon mo sa pagpapatupad
ng pamahalaang Amerikano ng iba’t-ibang batas sa bansa?
• May mabuting naidulot ba ang pamamahala ng mga
Amerikano sa Pilipinas? Ipaliwanag.
• Sa palagay mo ba pantay ang pagtrato sa mga Pilipino noon?
Ipaliwanag.

(Integrasyon sa Filipino)
Pagyamanin ang kaalaman sa mga
talasalitaan.
Bilugan ang tamang kahulugan ng mga salita.
1. batas
a. mga dokumentong dapat sundin ng mamamayan
b. mga patakaran na isinasatupad ng mga kinauukulan para sundin
ng mamamayan.
2. sedisyon
a. pagsasagawa ng isang pag-aalsa para hindi matuloy ang isang
mahalagang pangyayari, gaya ng eleksiyon.
b. pagsasagawa ng pag-aalsa sa kagustuhan ng pangulo
(Integrasyon sa Filipino)
Pagyamanin ang kaalaman sa mga
talasalitaan.
3. kolonyalismo
a. tuwirang pananakop ng isang bansa sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito
b. pag-angkin ng pangalan ng isang bansa
4. Base militar
a. pasilidad ng mga armas, sundalo, training ground at kung minsan
ay paaralan ng mga sundalong aktibo sa gawaing pang- seguridad ng
bansa.
b. lugar kung saan nakatago ang lahat na armas pandigmaan

You might also like