You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

REGIONAL ACHIEVEMENT TEST

ARALING PANLIPUNAN 6
IKATLONG MARKAHAN

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng


tamang sagot.

1. Sa ilalim ng kanyang pamamahala ay dinanas ng Pilipinas ang


matinding hagupit ng digmaan at naharap sa malaking hamon ang
mga Pilipino mula 1946 hanggang 1948.
A. Carlos P. Garcia C. Elpidio R. Quirino
B. Diosdado P. Macapagal D. Manuel A. Roxas

2. Alin sa mga sumusunod na korporasiyon o samahan ang HINDI


naitatag sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Manuel A.
Roxas?
A. National Rice and Corn Corporation
B. National Coconut Corporation
C. National Grid Corporation
D. National Tobacco Corporation

3. Si Raffy ay nasa ikaanim na baitang. Paano siya makakatulong sa


pagpapalaganap ng Wikang Filipino bilang pambansang wika ng bansa
na sinimulang ipatupad sa panahon ni Pangulong Diosdado
Macapagal?
A. Paggamit ng Wikang Filipino sa araw – araw na pakikipag-usap sa
mga nakakahalubilo.
B. Paghikayat sa mga kaklase na gamitin ang wikang Filipino sa
pakikipag-usap sa guro.
C. Magpaalam sa guro na tatalakayin sa klase ang kabutihang
naidudulot ng paggamit ng wikang pambansa.
D. Paggamit ng social media kung saan malaya siyang maglagay ng
“post” gamit ang wikang Filipino.

4. Ano ang nakapaloob sa Land Tenure Reform Law na isa mga sa


programang ipinatupad ni Pangulong Ramon F. Magsaysay?
A. Paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan
upang maipamahagi ng hulugan sa mga kasama.
B. Pagbili ng pamahalaan ng lupa mula sa mga pribadong
mamamayan at pamimigay nito sa mga mahihirap at walang
tirahang tao.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

C. Pagpapahiram ng pamahalaan ng lupa sa mga magsasaka upang


sila ay magkaroon ng hanapbuhay.
D. Paghihikayat ng pamahalaan sa mga magsasaka na taniman ang
lupang sakahan upang ipagkaloob sa kanila ang kalahating kita ng
ani.

5. Bakit ipinatupad ng pamahalaan ang Austerity Program? Piliin ang


tamang sagot sa ibaba?

I. Para sa matipid na paggasta at pagpapakita ng katapatan sa


paglilingkod sa bansa.
II. Para mahikayat ang mga Pilipino na mamuhay nang simple at
matipid.
III. Para sa maayos na kalakalan at tamang pagpapataw ng buwis.
IV. Para makatipid sa paggasta ang pamahalaan at mapalaki ang
pamuhunang kapaki-pakinabang sa kalakalan.

A. I, II at III C. II at III
B. I, II, at IV D. II at IV

6. Bakit ipinatupad ni Pangulong Carlos Garcia ang patakarang “Pilipino


Muna” sa panahon ng kanyang panunungkulan?
A. Upang magkaroon ang mga magsasaka ng pondo para sa
pagsasaka na siyang pinagkukunan nila ng kanilang
kabuhayan.
B. Upang maisalba ang ekonomiya ng Pilipinas na bumagsak dulot
ng ikalawang digmaang pandaigdig.
C. Upang magkaroon ng simple at matipid na pamumuhay ang
bawat pamilyang Pilipino.
D. Upang mabigyan ng prayoridad ang mga Pilipinong
nagpapaunlad ng yaman ng bansa at tangkilikin ang mga bagay
na yari sa Pilipinas.

7. Kabilang ang Pilipinas sa Association of South East Asian Nations


(ASEAN), isang samahang pangrehiyon na nakatulong sa pagpapanatili
ng pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga kasaping bansa. Ano sa
palagay mo ang maaaring buuin ng samahang ito upang maitaguyod
ang kapakanan ng kanilang mamamayan?
A. Batas na magbibigay proteksyon sa mga tao upang sila ay
mamuhay nang payapa at tahimik.
B. Mga gawaing magtuturo sa mga mamamayan kung paano
manatiling ligtas sa panahon ng anumang uri ng kalamidad.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

C. Programa at proyekto na magtataas ng antas ng kabuhayan,


kaligtasan at edukasyon ng mga tao.
D. Wala sa mga nabanggit.

8. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa naging pamumuhay ng mga


Pilipino noong panahon ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
A. Halos 50% ng mga paaralan at iba pang imprastraktura ay
nawasak at isinarado.
B. Naging mabilis ang daloy ng transportasyon.
C. Kulang ang supply ng pagkain at iba pang pangangailangan ng
mamamayan.
D. Lahat ng nabanggit.

9. Ang patakarang ito na ipinatupad noong 1955 sa ilalim ng


panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia ay nagbigay sa mga
Pilipino ng pagkakataong mangutang.
A. NAMARCO (National Marketing Corporation) Act
B. Filipino First Policy
C. Austerity Program
D. Filipino Retailer’s Fund Act

10. Kung ikaw ay nahalal na pangulo ng Pilipinas, ano ang iyong gagawin
upang masolusyunan ang lumalalang kahirapan sa ating bansa?
A. Hihikayatin ang mga mamamayan na magkaisa sa pagsunod sa
mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan.
B. Hihingi ng tulong sa ibang bansa upang magkaroon ng pondo
para sa edukasyon ng mga batang Pilipino.
C. Itataas ang sahod ng lahat ng mga manggagawa upang
maitaguyod nila ang kanilang pamilya.
D. Magpapatupad ng mga programa na magtataguyod sa
kabuhayan ng mga mamamayan.

11. Hindi naging makatarungan ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at


Amerika sa ilalim ng Bell Trade Act o Philippine Trade Act dahil sa
hindi pantay na paglinang sa mga likas na yaman ng bansa. Sa
ganitong sitwasyon, ano ang nararapat na naging aksyon ng pinuno ng
isang bansa?
A. Magpatupad ng mga programa na magtuturo sa mamamayan
ng tamang paggamit ng likas na yaman ng bansa.
B. Magtanggal ng quota sa mga iniluluwas na produkto ng
Pilipinas sa ibang bansa.
C. Magsulong ng batas na magbibigay ng restriksiyon sa mga
dayuhan na gamitin ang mga likas na yaman ng bansa.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

D. Makipag-ugnayan sa Estados Unidos hinggil sa pantay na


karapatan sa paggamit ng mga mineral at iba pang mga natural
na mapagkukunan ng Pilipinas.

12. Paano nakatulong ang mga hakbang na isinagawa ng mga Pilipino


upang maipagtanggol ang interes ng bansang Pilipinas?
A. Ang mga Pilipino ay naging malikhain, masipag at masigasig
upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
B. Nagpatuloy ang palitan ng kalakalang USA at Pilipinas.
C. Nabigyan ng trabaho ang lahat ng mga walang hanapbuhay.
D. Namahagi ng mga lupa para sa mga piling magsasaka.

13. Sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand E. Marcos, ilan sa


naging suliranin ng bansa ay ang pagtaas ng buwis, pagtaas ng presyo
ng bilihin at presyo ng langis sa world market at patuloy na
pangungutang sa ibang bansa. Paano nakaapekto sa mga Pilipino ang
mga nabanggit na suliranin?
A. Higit na naging malayo ang estado ng mahirap at mayaman na
naging dahilan ng paglaganap ng maraming krimen at
kaguluhan.
B. Bumaba ang floating peso laban sa dolyar.
C. Lumakas ang pwersa ng iba’t-ibang rebelde lalo na ang
Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP –
NPA)
D. Wala sa mga nabanggit.

14. Isinasaad sa batas na ito ang hangarin at mithiin ng gobyerno na


mabigyan ng mga lupang sakahan ang mga magsasaka sa buong
bansa.
A. R.A. 2671 C. R.A. 3844
B. R.A. 2871 D. R.A. 4144

15. Tinalakay ang pagsugpo ng komunismo sa rehiyon ng Asya at Pasipiko


sa Manila Summit Conference na ginanap noong _______________.
A. Agosto 8, 1967 C. Hulyo 4, 1946
B. Oktubre 24 – 25, 1966 D. Hunyo 12, 1898

16. Siya ay kinilalang “Kampeon at Idolo ng Masang Pilipino” dahil sa


panahon ng kanyang panunungkulan ay nagbukas ang palasyo ng
Malacañang upang pakinggan ang mga karaniwang mamamayan.
A. Diosdado P. Macapagal C. Ferdinand E. Marcos
B. Ramon F. Magsaysay D. Elpidio R. Quirino
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

17. May mga pangunahing suliranin na kinaharap ang bansang Pilipinas


sa panahon ng panunungkulan ni Ramon F. Magsaysay at Carlos P.
Garcia, ano ano ang mga ito?
A. Mahinang agrikultura na nabigyan ng solusyon.
B. Kakulangan sa mga imprastraktura.
C. Mataas na presyo ng bilihin.
D. Hamon sa kasarinlan at pagkakaisa at bagsak na ekonomiya.

18. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia,


pangunahing kritisismo ang paratang na katiwalian at korapsiyon.
Paano dapat sugpuin ang mga ito?
A. Paghingi ng tulong sa Amerika na dagdagan ang pwersa ng
militar sa bansa upang mabawasan ang anumang katiwalian at
korapsiyon.
B. Pagbibigay ng mataas na sahod sa mga opisyal ng pamahalaan
upang maiwasan ang katiwalian.
C. Pagpapatupad ng mga batas na magbibigay ng kaparusahan sa
mga gumagawa ng katiwalian at korapsiyon sa bansa.
D. Mahigpit na pagpapatupad sa panukalang “Pilipino Muna”
upang umangat ang pamumuhay ng mga mamamayan.

19. Ito ay itinatag upang tulungan ang mga tao na makapagsimulang


muli. Mas kilala ito ngayon sa pangalang Development Bank of the
Philippines (DBP).
A. Philippine Currency Act
B. Philippine Trade Act
C. Bangko Sentral ng Pilipinas
D. Rehabilitation Finance Committee (RFC)

20. Katatapos ng digmaan, bilang kasapi ng lipunan, ano ang gagawin mo


upang makatulong sa pamilya at komunidad?
A. Makipag-usap sa pinuno ng inyong barangay na tulungan ang
iyong magulang na magkaroon ng hanapbuhay.
B. Manawagan sa social media na tulungan ang inyong komunidad
na maibalik ang dating ganda at ayos nito.
C. Hikayatin ang mga kapwa bata na tumulong kasama ng
pamilya, sa rehabilitasyon ng paligid o komunidad na napinsala
dulot ng digmaan.
D. Hilingin sa Panginoon na manumbalik ang kabuhayan ng
inyong pamilya at kaayusan ng inyong komunidad.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

21. Paano ipinatupad ang “Patakarang Pilipino Muna” sa panahon ng


pamumuno ni Pangulong Garcia?
A. Itinaguyod ang mga negosyo at produktong Pilipino upang
tangkilikin ito sa bansa at mabawasan ang pagtangkilik sa produkto at
ekonomiya ng ibang bansa.
B. Hinikayat ang mga Pilipino na magtipid sa lahat ng bagay at
talikuran ang karangyaan.
C. Pinautang ang ilang Pilipino upang magkaroon ng hanapbuhay.
D. Nakipag-ugnayan sa mga dayuhan ang Pilipinas upang hikayatin
sila na tangkilikin ang produkto ng mga Pilipino.

22. Ilarawan ang pagsugpo sa suliranin sa Hukbalahap noong panahon ng


panunungkulan ni Pangulong Quirino.
A. Isinuko ng mga kasapi sa Huk ang kanilang sandata sa loob ng 50
araw kaya nabawasan ang kaguluhan sa bansa.
B. Sa simula ay hindi naging matagumpay ang kasunduan sa mga
Huk ngunit sa matalinong pamamaraan ni Ramon Magsaysay, unti-
unting napasuko ang mga Huk.
C. Lahat ng miyembro ng Huk ay binigyan ng amnestiya at
pagkakataong mamuhay nang tahimik upang tuluyang mabuwag
ang kilusan.
D. Pinagkalooban ng lupang masasaka ang mga kasapi ng Huk upang
sila ay makapagsimulang muli ng mapayapang buhay.

23. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pamumuno ni Pangulong


Ferdinand Marcos?
A. Paglulunsad ng Luntiang Himagsikan
B. Pagtatag ng MAPHILINDO
C. Paglulunsad ng Austerity Program
D. Pagpapairal ng Patakarang Pilipino Muna.

24. Land Tenure Reform Law: Ramon Magsaysay;


Agricultural Land Reform: __________________
A. Carlos P. Garcia C. Ferdinand E. Marcos
B. Diosdado P. Macapagal D. Elpidio R. Quirino

25. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa programang isinulong ni


Pangulong Ramon Magsaysay?
A. Pagpapalabas ng Magna Carta of Labor at Minimum Wage Law
upang mapabuti ang kalagayan ng mga manggagawa.
B. Pagpapagawa ng mga daan at tulay upang mailapit ang baryo sa
poblasiyon o kabayanan.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

C. Paghikayat sa mga kapitalistang Amerikano na mamuhunan sa


Pilipinas
D. Pagpapagawa ng mga kalsada upang mapabilis ang kalakalan at
transportasyon.

Inihanda Ni:

EMY FLOR E. MARCELLANA, EdD.


Master Teacher II

Binigyang Puna Ni:

ARIEL VICEDO, EdD.


Division A.P. Coordinator
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 11. D 21. A
2. C 12. A 22. B
3. A 13. A 23. A
4. A 14. C 24. B
5. B 15. B 25. B
6. D 16. B
7. C 17. D
8. C 18. C
9. D 19. D
10.D 20. C

You might also like