You are on page 1of 20

HIMAGSIKANG

PILIPINO 1896
Suriin ang larawan!
Ibinunyag ni Teodoro Patiño
kay Padre Mariano Gil noong
Agosto 19, 1896
ang lihim na samahang KKK.

Nag-ugat ito sa isang hindi


pagkakaunawaan sa pagitan
nila Apolonio dela Cruz.
Ipinaalam kaagad ng prayle
kay Gobernador
Heneral Ramon Blanco ang
kanyang nalaman.
Ipinag-utos ang pagdakip at
pagpapakulong sa mga
Pilipinong pinaghihinalaang
kasapi ng lihim na kilusan.
Ilang araw matapos mabunyag ang
lihim ng kilusan o katipunan,
nagpulong sina Andres Bonifacio
kasama ang mga katipunero sa
Pugad Lawin noong Agosto 23, 1896
sa bahay ni Melchora Aquino o mas
kilala bilang Tandang Sora na Ina ng
Katipunan dahil sa malasakit nito sa
kilusan at sa mga katipunero.
Pinag-usapan ang simula ng
paghihimagsik laban sa
pamahalaang Kastila o
Espanyol. Dito pinagtibay ng
mga katipunero ang
adhikaing mapalaya ang
Pilipinas mula sa mga
Espanyol.
Sabay- sabay nilang
pinunit ang kanilang
mga sedula bilang
simbolo ng hindi
pagkilala at paghiwalay
nila sa Espanyol.
“Mabuhay ang
Pilipinas! Mabuhay ang
Katipunan!”

Ang kasaysayang ito ay tinawag na


Sigaw sa Pugad Lawin.
LABANAN SA SAN JUAN DEL MONTE
Agosto 29, 1896 bitbit ang
armas ng mga katipunero,
nagmartsa sila papuntang
San Juan del Monte na
pinamunuan ni Andres
Bonifacio, Emilio Jacinto
at ni Sancho Valenzuela.
Agosto 30, 1896 ng
madaling araw sinimulan
nila ang pag-atake o
paglusob.
Mahigit isang daang
katipunero ang napatay
samantalang kakaunti
lamang sa panig ng
Espanyol at aabot din sa 200
ang nabihag ng mga Kastila.
Sa pagkamatay ng maraming katipunero sa
lugar na ito, tinawag ang pook na ito ng
“Pinaglabanan sa San Juan”.
Ano ang sinisimbolo ng sinag ng araw sa ating
Pambansang Watawat ?
Nagpatuloy pa rin ang mga
ibang katipunero sa
pakikipaglaban sa mga
Espanyol sa mga lalawigan ng
Batangas, Bulacan, Cavite,
Laguna, Maynila, Nueva Ecija,
Pampanga
at Tarlac.
Ang mga lalawigang ito ay sumisimbolo sa
walong sinag ng araw sa pambansang
watawat ng bansa.
Pamprosesong Katanungan:

1. Ano ang pangunahing dahilan ng maagang


pagsiklab ng himagsikan noong
1896?
2. Ano ang napagkayarian ng mga katipunero sa
ginawang pagpupulong sa Pugad
Lawin? Ano ang hakbang na kanilang ginawa?
3. Napagwagian ba ng mga katipunero ang labanan
sa San Juan del Monte? Bakit?
4. Bakit sa palagay mo idineklara ni Gob. Hen.
Ramon Blanco ang Batas Militar sa
mga lalawigan?
5. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa mga
sakripisyong ginawa ng mga Pilipinong nakipaglaban
sa himagsikan makamit lamang ang kalayaan?

You might also like