You are on page 1of 4

Ang deklarasyon ng kasarinlan at pagtatag ng Unang Republika

PAMAHALAANG DIKTATORYAL

Sa pagbabalik ni Aguinaldo mula Hong Kong ay nagdesisyon siya na magtatag ng isang panibagong pamahalaang
Pilipino. Dahil dito, nagtatag muna si Aguinaldo ng isang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 kung
saan hinawakan niya ang kapangyarihan ng isang diktador. Sinunod niya ang payo ng abogadong si Ambrosio
Rianzares Bautista na kailangan muna na magtatag ng isang pamahalaan diktatoryal upang ganap na masaklawan
ang buong bansa at madaling mapagtagumpayan ang pakikidigma. Ang Pamahalaang Diktatoryal ay mananatili
habang may digmaan. Ito ay hahalinhan ng isang republikang magtatayo ng isang pamahalaang federal na
itinadhana ng Saligang Batas na dala niya mula sa Hongkong at isinulat ni Mariano Ponce.

Hunyo 12,1898 unang inihayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, na inihanda sinulat at binasa Ambrosio
Rianzares Bautista.

Ang proklamasyon ay nilagdaan ng 98 katao at ng ilang opisyal ng hukbong amerikano.

Iniwagayway ang bandilang Pilipino na itinahi nina Marcela Agoncillo, Josefa Herbosa De Natividad at Lorenza
De Agoncillo sa Hongkong.

Kasabay nito ang pagtugtog ng Marcha Filipina Magdalo bilang Pambansang Awit na sinulat ni Jullian Felipe at
nilapatan ng titik Jose Palma.

ANG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO


Noong Hunyo 23, 1898 bilang pagsunod sa payo ni Mabini, pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal
ng Pamahalaang Rebolusyonaryo. Hinalinhan ang tawag na “diktador” at ipinalit ang “pangulo” bilang katawagan
sa pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo.

Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso, Ang layuning nito ay para makipag-ugnayan sa ibang bansa
upang maglarawan ng magandang kalagayan ng Pilipinas. Itinatag ang Hong Kong Junta na ang mga kasapi ay
kumakatawan sa iba’t-ibang bansa. Kabilang sa mga nahirang ay sina:

• Antonio Regidor-kinatawan para sa England

• Felipe Agoncillo- kinatawan para sa America

• Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna, Pedro Roxas- mga kinatawan para sa Japan

Edilberto Zarcal- kinatawan para sa Australia

Pakikibaka ng mga Pilpino sa panahon ng digmaang Pilipino-Amerikano


Alam mo ba ang Kasunduan sa Paris?

Ito ay ang kasunduang nilagdaan ng mga pinuno ng Estados Unidos at ng España. Isa itong Kasunduang
pangkapayapaan na nagtatahana sa paglilipat ng Español ng pamahalaan sa Estados Unidos, at pagtanggap ng
España ng dalawampung milyong dolyar mula sa Estados Unidos, paggagarantiya ng Estados Unidos na
makapapasok ang kalakal ng España
sa Pilipinas sa loob ng sampung taon, pag-alis ng mga Español sa Cuba, paglilipat ng pamahalaan ng Guam at
Puerto Rico sa Estados Unidos at masusing pagpapasiya ng Kongresong Amerikano sa mga karapatang
pampulitika at pansibiko ng mga mamamayan ng mga inilipat na teritoryo.

SURIIN

Bagama't pormal na ipinagkaloob ng España ang Pilipinas sa Estados Unidos, ipinagpatuloy ni Aguinaldo ang
pagtatatag ng pamahalaan. Noong Enero 23,1899 pinasinayaan ang unang Republika sa Malolos, Bulacan. Hindi
kinilala ng mga Amerikano at iba pang dayuhang bansa ang pamahalaang ito. Subalit kinilala ito ng mga
mamamayang Pilipino at itinaguyod ang kapangyarihan ng Republika ng Pilipinas sa pamumuno ni Aguinaldo
bilang pangulo. Ang hindi pagkilala ng Estados Unidos sa Republika ng Pilipinas ang unang hudyat ng pagbabago
sa pakikitungo ng mga Amerikano sa mga Pilipino. Napatunayan ng mga Pilipino ang tunay na hangarin ng mga
Amerikano ay sakupin ang Pilipinas.

PAgtatag ng unang pamahalaan ng pilipinas sa malolos bulacan

Noong Pebrero 04, 1899 isang pangyayari angbtuluyang sumira s a relasyong Amerikano at Pilipino. Pinatay ng
sundalong si Willie M. Grayson ang isang kawal na Pilipino. Naging hudyat ito sa pagsisimula ng Digmaang
Pilipino-Amerikano Sa labanan sa Malolos noong Marso 31, 1899 bumagsak ang kabisera ng Unang Republika ng
Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano. Napilitang lumisan si Aguinaldo patungong San Fernando, Pampanga at
dito inilipat ang kabisera ng Republika.

Timeline ng Digmaang Pilipino-Amerikano

23 Enero 1899- Itinatag ang unang Republika ng Pilipias sa Malolos. Hindi ito kinilala ng mga Amerikano

4 Pebrero 1899- Pinatay ng sundalong si Willie M. Grayson ang isang kawal na Pilipino. Naging hudyat ito sa
pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano

29 Agosto 1989- Unang malaking labanan sa San Juan del Monte sa pagitan ng mga Pilipino at Español.

28 Abril 1898- Nagsimula ang digmaan ng Estados Unidos laban sa España.

1 Mayo 1898- Naganap ang makasaysayang laban sa Look ng Maynila na nag-udyok ito sa Estados Unidos na
sakupin ang Pilipinas.

13 Agosto 1898- Naganap ang Mock Battle ng Manila. Sa pamamagitan nito pinatunayan ng mga Español na
lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya.

10 Disyembre 1898- Nilagdaan ni John Hay ang Kasunduan sa Paris

Mock Battle sa Maynila Nabihag ng mga Amerikano ang Malolos sa pamumuno ni Heneral Arthur MacArthur

ISAISIP

Bago dumating ang mga Amerikano, ang Pilipinas ay isang kolonya ng España. Sa digmaang Español-Amerikano
malaki ang naitulong ng mga Pilipino upang mapabagsak ang makapangyarihang pamahalaang Español. Malaki
ang pag-asa ng mga Pilipinong ipagkakaloob sa kanila ng mga Amerikano ang pinakaaasam na kasarinlan. Ngunit
ito ay naglaho dahil nagkaroon ng malaking interes ang mga Amerikano upang gawing kolonya ang Pilipinas.
Kaya panibagomg digmaan na naman ang sinuong ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano.
Ang mga Natatanging Pilipino at Ang Kanilang Kontribusyon para sa Kalayaan

Mga Natatanging Pilipino na Lumaban sa Kalayaan

Jose P. Rizal

Ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas na lumaban sa mga Español sa
pamamagitan ng kaniyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo noong panahon ng pananakop ng
España sa bansa.

Ang palayaw na tawag kay Jose Rizal ay Pepe. Siya ang ika-pito sa labingisang anak nina Francisco Engracio
Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos.

Marcelo H. Del Pilar

Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang
sentimyento ng mga ilustradong Pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong Español.

Ipinanganak sa Kupang, Bulacan, noong Agosto 30 1850 sa may pinagaralang mga magulang. Nag-aral siya sa
Colegio de San Jose at sa bandang huli sa Unibersidad ng Santo Tomas, kung saan natapos niya ang kanyang
kursong abogasiya noong 1880.

Andres Bonifacio

Ipinanganak noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Lungsod ng Maynila. Ang kanyang mga magulang ay sina
Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Siya ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng
Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) o Katipunan, isang lihim na lipunan na
nakatuon sa pakikipaglaban sa mga Español na sumakop sa Pilipinas. Siya ay kinikilalang “Ama ng Himagsikan at
Rebolusyong Pilipino” at kilala sa tawag na “Supremo.” Ang kanyang ina ay halfSpanish at may sarili siyang
tagaturo.

Melchora Aquino

Mas kilala sa tawag na “Tandang Sora”, “Ina ng Katipunan”, “Ina ng Himagsikan”, at “Ina ng Balintawak” ay
ipinanganak noong Enero 6, 1812. Siya ay isa sa bayaning Pilipino na dapat hangaan. Siya ay galing sa mahirap na
pamilya at hindi nakapag-aral. Sa pamamagitan ng sariling sikap ay tinulungan niya ang kaniyang sarili na
magbasa at sumulat. Pinalaki niya ng mag-isa ang anim na anak. Pitong taon pa lamang noon ang kanyang ika-
pitong anak nang namatay ang kanyang asawa na si Fulgencio de Ramos na isang Cabeza de Barangay. Sa edad na
84 taon naipakita niya ang kaniyang kabayanihan sa panahon ng rebolusyon noong 1896. Sinikap niyang
makatulong sa mga Pilipino na lumaban.

Emilio Aguinaldo

Pinakabatang heneral na naging pangulo ng Republika ng Pilipinas at siya ay ipinanganak noong Marso 12, 1869.
Isa siya sa bayaning nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas laban sa mga Español at Amerikano. Ang kanyang
mga magulang ay sina Don Carlos Aguinaldo na isang Gobernadorcillo at Trinidad Famy. Ika-pito sa walong
magkakapatid, nag-aral siya ng elementarya at sekondarya sa Colegio de San Juan de Letran 12 ngunit huminto ng
pag-aaral ng namatay ang kanyang ama noong nagkaroon ng Cholera Outbreak taong 1882.

Isaisip

Si Tandang Sora naman ay hindi ininda ang katandaan sa paglilingkod sa kapwa Pilipino.
Kung sina Rizal, Marcelo H. del Pilar at iba pang mga propagandista ay gumamit ng pluma at papel sa
pakikipaglaban.

Ipinamalas naman ni Bonifacio na ang kakapusan ng mataas na antas ng edukasyon ay hindi makapigil sa
pagusbong ng damdaming makabayan.

Ginamit naman ni Emilio Aguinaldo at mga Katipunero ang kanilang lakas upang ipaglaban ang ating kalayaan.

Mga Natatanging Pilipino na Lumaban sa Kalayaan

Jose P. Rizal- Pambansang Bayani ng Pilipinas.

Melchora Aquino- Ina ng Katipunan.

Emilio Aguinaldo- Pinakabatang heneral na naging pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Marcelo H. Del Pilar- Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong Pilipino.

Andres Bonifacio- Nagtatag ng Kataastaasan Kagalanggalang na Katipunan.

You might also like