You are on page 1of 22

Quarter 1 – Module 5

Ang Deklarasyon ng Kasarinlan


at Pagtatatag ng Unang Republika
MELC: (Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto)
Napahahalagahan ang deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas at ang
pagkakatatag ng Unang Republika
K to 12 BEC CG: APGPMK-If-9
• Maaasahan sa pagtatapos ng aralin ay malilinang ang sumusunod na
kasanayan:
• mapahahalagahan ang pagkakatatag ng Kongreso ng Malolos at ang
deklarasyon ng kasarinlan ng mga Pilipino;
• maipapahayag ang damdamin ukol sa kahalagahan ng deklarasyon ng
kasarinlan.
Representasyon ng Deklarasyon ng Araw ng
Kalayaan sa Kawit, Cavite noong
Hunyo 12, 1898
• Ang paglaban ng mga bayani sa
ating kasarinlan ay nagbigay
daan sa ating mga Pilipino na
isabuhay ang mga ginawa ng
ating bayani upang makamit ang
ating kalayaan. Sa ngayon,
tinatamasa na natin ang
kasarinlan ng ating bansa.
Mula sa kaganapan ng pagbabalik ni Emilio Aguinaldo galing
HongKong sa kadahilanan na hindi tumupad ang Espanya sa
Kasunduan sa Biak-na-Bato, hindi rin natupad ng mga Pilipino
ang kanilang pangako na ibalik ang mga armas. Naging
matatag si Aguinaldo sa pagtatatag ng Pamahalaang Republika
sa tulong ng kanyang tagapayo na si Apolinario Mabini.
Itinatag ang Kongreso ng Malolos upang makabuo ng Saligang
Batas ng Malolos. Si Hen. Emilio Aguinaldo ang hinirang ng
Kongreso bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
Saligang Batas ng Malolos

1. Paghihiwalay ng simbahan at estado


2. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao
3. Libreng edukasyon sa elementarya
4.Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo,
lehislatura at hukuman
Pamahalaang Diktatoryal
Sa pagbabalik ni Aguinaldo mula HongKong ay nagdesisyon siya na magtatag
ng isang panibagong pamahalaang Pilipino. Dahil dito, nagtatag muna si
Aguinaldo ng isang Pamahalaang Diktatoryal noong Mayo 24, 1898 kung saan
hinawakan niya ang kapangyarihan ng isang diktador. Binigyang diin ni
Aguinaldo na ang kapangyarihang ito ay pansamantala lamang dahil na rin sa
pangangailangan ng sitwasyon. Sinunod niya ang payo ng abogadong si
Ambrosio Rianzares Bautista na kailangan muna na magtatag ng isang
pamahalaang diktatoryal upang ganap na masaklawan ang buong bansa at
madaling mapagtagumpayan ang pakikidigma. Ang Pamahalaang Diktatoryal
ay mananatili habang may digmaan. Ito ay hahalinhan ng isang republikang
magtatayo ng isang pamahalaang federal na itinadhana ng Saligang Batas na
dala niya mula sa Hongkong at isinulat ni Mariano Ponce.
Noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite unang ipinahayag ang
kasarinlan ng Pilipinas. Ang mga pinuno ng himagsikan ay
lumagda sa kasulatan na ginagawaran si Aguinaldo ng sapat
na kapangyarihan upang pamunuan ang pamahalaan. Ang
Akto ng Pagpapahayag ng Kasarinlan ay inihanda, sinulat at
binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista sa wikang Kastila. Ang
pagpapahayag ay nilagdaan ng 98 katao, kabilang na dito ay
isang opisyal ng hukbong Amerikano na siyang nakasaksi sa
proklamasyon. Si Apolinario Mabini ang naglingkod bilang
pinunong tagapayo ni Aguinaldo.
Kaalinsabay nito, unang
iwinagayway ang bandilang Pilipino
sa tugtog ng Marcha Filipina
Magdalo bilang pambansang awit,
na kilala ngayon bilang Lupang
Hinirang. Ito ay isinulat ni Julian
Felipe at nang naglaon ay nilapatan
ng titik ni Jose Palma. Ang bandila
ng Pilipinas ay tinahi nina Marcela
Agoncillo, Josefa Herbosa de
Natividad at Lorenza de Agoncillo
sa HongKong.
Ang Pamahalaang Rebolusyonaryo

Noong Hunyo 23, 1898 bilang pagsunod sa payo ni Mabini,


pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal ng
Pamahalaang Rebolusyonaryo. Hinalinhan ang tawag na
“diktador” at ipinalit ang “pangulo” bilang katawagan sa
pinuno ng pamahalaang rebolusyonaryo.
Sa pamahalaang ito, ang pangulo ay tutulungan ng isang
Kongreso ng Panghimagsikan na binubuo ng mga kinatawan
mula sa iba’t-ibang lalawigan tagapagpaganap upang gumawa
ng mga batas para tiyak na mamalagi ang kaayusang panloob
at mapangalagaan ang bansa laban sa dayuhang mananakop.
Layunin ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang ipagpatuloy ang
pakikipaglaban ng Pilipinas para sa kalayaan at ihanda ang
bansa upang maitayo ang isang Pamahalaang Republika.
Matapos mapagtibay ang Saligang Batas ng Kongreso, ipinalabas
sa Malolos ang proklamasyon ng Republika noong Enero 23,
1899. Inihalal si Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng Republika ng
Pilipinas ayon sa tadhanang ipinagtibay sa Saligang Batas. Si
Pedro A. Paterno ang naging Pangulo ng Kongreso. Kaagad na
nanumpa si Aguinaldo bilang Pangulo ng Unang Republika ng
Pilipinas. Hangad ni Aguinaldo na
maipabatid sa ibang bansa ang kalayaang pagsasarili ng Pilipinas.
Kasabay nito, lumikha siya ng mga lupon pangdiplomasiya sa labas
ng bansa. Ang layunin nito ay para makipag-ugnayan sa ibang
bansa upang maglarawan ng magandang kalagayan ng Pilipinas.
Itinatag ang HongKong Junta na ang mga kasapi ay kumakatawan
sa iba’t-ibang bansa. Kabilang sa mga nahirang ay sina:
• Felipe Agoncillo - kinatawan para sa America;
• Antonio Regidor - kinatawan para sa England;
• Edilberto Zarcal - kinatawan para sa Australia; at
• Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna, Pedro Roxas- mga
kinatawan para sa Japan.
Ang Kongreso ng Malolos ay may
layunin na ang mga Pilipino ay maging
malaya kaya’t nagpulong sila sa
Barasoain Church sa Malolos, Bulacan.
Pinamunuan ito ni Felipe G. Calderon.
Nahalal na pangulo ng kongreso si Dr.
Pedro Paterno. Si Benito Legarda
naman ang pangalawang pangulo. At
ang mga kalihim ay sina Gregorio
Araneta at Pablo Ocampo noong
Setyembre 29, 1898.
Si Emilio Aguinaldo ang nagsilbing pangulo ng republika hanggang sa
madakip siya ng mga Amerikano sa Palanan, Isabela noong Marso 3,
1901. Noong Hunyo 23, 1899, sa payo ni Apolinario Mabini na siyang
tagapayo ni Aguinaldo at siya ring utak ng himagsikan ng Pamahalaang
Rebulosyonaryo. Sa pamamagitan ng pagpapatibay ng Saligang Batas
ng Malolos noong Enero 21, 1899 ay nagwakas ang Pamahalaang
Rebulosyonaryo at itinatag ang Pamahalaang Republikano. Kaya
naman, noong Enero 23, 1899, pinasinayaan ang pagtatag ng Unang
Republika ng Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
Nagpulong ang dalawa sa barkong Olimpia sa baybayin ng Cavite kung
saan ipinahayag ni George Dewey na ang tanging layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas ay tulungan itongmakalaya sa mga Espanyol.
Sa ilalim ng pamahalaang ito, pinangunahan ni Aguinaldo ang
pamahalaan bilang pangulo sa halip na isang diktador. Noong
Setyembre 15, 1898, pinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain
sa Malolos, Bulacan ang kongreso na higit na nakilala sa tawag
na Kongreso ng Malolos na pinamunuan ni Pedro Paterno.
Noong Mayo 19, 1898 dumating si Aguinaldo sa Pilipinas mula
HongKong sakay ng bapor ng mga Amerikano na McCulloch
ayon na rin sa utos ni Komodor George Dewey na siyang
pinuno ng Plota ng mga Amerikano sa Silangan.
Ang makasaysayang pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas
ni Heneral Emilio Aguinaldo ay nangyari noong ika-12 ng
Hunyo 1898 sa Kawit, Cavite. Ang deklarasyon ng kalayaan ay
binasa ni Ambrosio Rianzares-Bautista na siyang sumulat nito
sa wikang Espanyol ang makasaysayang dokumento ay
nilagdaan ng 98 na katao sa pamumuno ni Aguinaldo.
Nakapirma rin ang isang LM Johnson ng huling Amerikano.
Napakahalaga ng pangyayaring ito sapagkat ipinakita nito
buong daigdig na ang Pilipinas ay isa ng ganap na malayang
bansa.
Gawain 1
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
1. Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?
A. Hunyo 4, 1898 C. Hulyo 4, 1898
B. Hunyo 12, 1898 D. Hulyo 12, 1898
2. Sino ang hinirang bilang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?
A. Hen. Emilio Aguinaldo B. Hen. Emilio Jacinto
C. Apolinari Mabini D. Pedro Paterno
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nakasaad sa Saligang Batas ng Malolos?
A. Libreng edukasyon sa España.
B. Pagkilala sa karapatan ng bawat tao.
C. Paghihiwalay ng simbahan at estado.
D. Probisyon tungkol sa kapangyarihan ng ehekutibo, lehislatura, at hukuman.
Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang naging Pangulo ng Kongreso.


2. Ang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
3. Lugar kung saan unang ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas
4. Petsa nang pasinayaan ang pagkatatag ng Unang Republika ng
Pilipinas.
5. Petsa kung kailan pinalitan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktatoryal
ng Pamahalaang
Rebolusyonaryo.
Gawain 3
Panuto: Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa papel.
Tayahin
Panuto: Isulat ang T kung ang pangungusap na ipinapahayag ay Tama at M kung Mali.

______1. Pinasinayaan ang pagtatag ng Unang Republika ng


Pilipinas sa Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan.
______2. Sina Mariano Ponce, Faustino Lichauco, Juan Luna
at Pedro Roxas ang hinirang bilang kinatawan sa England.
______3. Ang deklarasyon ng kalayaan ay binasa ni Ambrosio
Rianzares Bautista na siyang sumulat sa wikang Espanyol.
______4. Si Apolinario Mabini ang tinaguriang “ Utak ng
Himagsikan “.
______5. Noong Mayo 19, 1899, dumating si Aguinaldo sa Pilipinas
mula HongKong sakay ng bapor ng mga Amerikano na Mcculloch.
______6. Ipinahayag ni George Dewey ang tanging layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas.
______7. Si Benito Legarda ang nahalal na pangalawang pangulo ng
Kongreso.
______8. Si Julian Felipe ang sumulat ng Marcha Filipina Magdalo.
______9. Ayon sa Konstitusyong nilikha ng Kongreso ng Malolos,
mayroong apat na sangay ang pamahalaan.
______10. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo sa Amerika nina
Marcela Agoncillo kasama sina Lorenza Agoncillo at Delfina Herbosa de
Natividad.

You might also like