You are on page 1of 19

Mga Lokal na

Pangyayari at
Naunang Pag-
aalsa
Mga Reporma sa Ekonomiya
✗ Monopolyo ng Tabako
✗ Isa sa mga lokal na pangyayaring nagbunga ng pag-
usbong ng pakikibaka ng mga Pilipino ay ang Monopolyo
ng Tabako.
✗ Naging malaking pahirap ang monopolyo ng tabako sa
mga lalawigang napasailalim sa patakarang ito.
Ipinagbawal ng mga Espanyol ang pagtatanim ng palay sa
mga sakahan at sapilitang ipinatanim ang tabako. 

2
3
Naging tanyag din ang kalakalang galyon sa panahon ng
mga Espanyol. Nagdulot ito ng mabuti at hindi mabuting
epekto sa mga Pilipino mula nang simulan ito noong 1565
hanggang 1815.
4
Pag-aalsang Agraryo
noong 1745
Ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa mga Pilipino sa usapin ng
pangangamkam ng lupaing pang-agraryo ay nagdulot ng
malawakang pag-aaklas sa Luzon. Ito ang Pag-aalsang
Agraryo ng 1745 na nagpakita ng masidhing pagkagalit at
paglaban sa pamahalaang kolonyal ng Spain.
Nagkaroon din ng mga pag-aaklas ng mga katutubong Pilipino
dahil sa isyu ng pagkamkam ng mga prayle sa mga lupain ng
San Mateo sa Rizal at Meycauayan sa Bulacan.
Abril 30, 1745 – Nagsimula ang pag-aalsa ng mga katutubo sa
Silang, Cavite. Ito ay dulot ng pagkamkam ng mga prayleng
Dominikano sa malaking bahagi ng lupain ng Silang.

Oktubre 1745 – Sumiklab din ang pag-aalsa ng mga


magsasaka sa Balayan, Batangas. Pinamunuan ni Matienza ang
paglaban sa mga praylemg Heswita na kumamkam ng kanilang
lupain. Sinalakay nila ang mga hacienda ng mga Heswita sa
Lian at Nasugbu. Lumaganap ang pag-aalsa sa Rosario at Taal.
Okupasyong British sa Maynila
Maraming pagkakataon na hinarap ng mga
mananakop na Espanyol ang hamon ng pag-
agaw ng kapangyarihan nito sa Pilipinas bilang
kolonya. Ang pagsakop ng Great Britain sa
Maynila noong 1762 ay nagpakita ng kahinaan
ng mga Espanyol.

7
✗ Naging pagkakataon ang kaguluhan sa
Maynila para sa mga pinunong Pilipino
na mag-alsa laban sa mga Espanyol. Isa
rito si Diego Silang ng Ilocos.
Nagtagumpay sa simula ang
pakikipaglaban ni Silang ngunit sa huli
ay nabigo rin ito.

8
MGA DAHILAN
NG PAG-
AALSANG
PILIPINO
Narito ang iba’t-ibang dahilan
kung bakit nag-alsa ang mga
katutubong Pilipino:
9
Pagtutol sa Relihiyon. Tinutulan nila ang Katolisismo
dahil binago nito ang kanilang paniniwala dagdag pa
rito ang pagmamalabis ng mga prayle.
Pagtutol sa Pamamahala. Ninais ng mga dating katutubong
pinuno na maibalik ang kanilang pamumuno dahil pinalitan
ng mga Espanyol ang kanilang datu at nabago ang mga
patakarang ipinatupad sa kanila.
Pagtutol sa mga Patakarang Pang-ekonomiya. Lubos na tinutulan
ng mga Pilipino ang hindi makatarungang pagpapatupad ng mga
patakarang polo y servicios, bandala, monopoly ng tabako, at iba
pang pagpapahirap sa kanila.
10
Ilocos
Pag-aalsa ni Pedro Almazan (16660-1661).
Taga- San Nicolas na nanguna sa kauna-unahang
pag-aalsa sa Ilocos.

Diego at Gabriela Silang (1762-1763).


Nagtagumpay si Diego sa simula ngunit nabigo
rin nang paslangin siya ng kaibigang si Miguel
Vicos nang makipagsabwatan sa mga Espanyol.
Pinalitan siya ng kaniyang asawa na si Gabriela.
11
Diego Silang Gabriela Silang

12
BOHOL

Tamblot – (1621) siya ay isang babaylan na nagnais na


ibalik ang dating pananampalataya. Hinikayat niya ang
mahigit 2,000 katutubo na mag-alsa.

Francisco Dagohoy – (1744-1829) Siya ay isang Boholano


na namuno sa pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas.
Kinalaban niya ang mga Espanyol nang tumangging
bendisyonan ng prayle ang yumao niyang kapatid na
nasawi sa duwelo.
13
Francisco Dagohoy

14
15
Hindi nagkaroon ng katuparan ang mga ninais ng mga pinunong
nanguna sa pakikipaglaban sa mga dayuhang Espanyol.

Mga dahilan:
• Kawalan ng pagkakaisa ng mga Pilipino
• Mahinang uri ng sandatang ginamit sa mga labanan (bolo at
sibat) (baril at kanyon)
• Pagtataksil ng mga kapwa katutubo sa pinuno ng mga pag-aalsa

Ngunit sa kabila nito, ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang


kagustuhang bmagkaroon ng mapayapa at maayos na pamumuhay.
Quiz #1
Panuto: Tukutin ang hinihinging impormasyon ng bawat bilang, Isulat sa ang
tamang sagot.

1. Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng matinding galit ng mga katutubo sa


Luzon sa pamahalaang kolonyal ng Spain.
2. Lugar ito sa Cavite na pinagmulan ng pag-aalsa ng mga katutubo noong
Abril 30, 1745.
3. Siya ang namuno sa pag-aalsa ng mga katutubo sa Balayan, Batangas
noong Oktubre 1745.
4. Pangkat ng mga prayle na nagbawal sa mga katutubo na kumuha ng
mga kahoy, kawayan, at rattan sa Batangas.
5. Isang Boholano na namuno sa pinakamahabang pag-aalsa sa Pilipinas.
Quiz #1
6-10. Magbigay ng tatlong
dahilan ng pagkabigo ng mga
pag-aalsa ng mga katutubong
Pilipino.

You might also like