You are on page 1of 20

ARALING

PANLIPUNAN 5
YUNIT 2- UNANG LINGGO
Mga Dahilan ng Kolonyalismong

Espanyol
Ano nga ba ang kolonyalismo?
- Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop
ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang bansa.
- Isa sa uri ng imperyalismo ang kolonyalismo.
- Ang imperyalismo ay tumutukoy sa pakikialam o
tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa
sa ibang lupain upang isulong ang pansariling interes
nito.
Kolonya naman ang tawag sa mga
teritoryo at mamamayan na
napasailalim sa kapangyarihan at
pagkontrol ng bansang mananakop.
Samantalang, kolonyalista naman
ang tawag sa mga bansang
mananakop.
•Mga pangyayari
sa daigdig na
nagbigay daan
sa kolonyalismo
1. Krusada
Ang Krusada ay isang ekspidisyong
military na inilunsad ng Kristyanong
Europeo laban sa mga Turkong Muslim
upang mabawi ang Jerusalem sa mga
kamay nito.

2. Mga Kwento ni Marco Polo


Isang manlalayag o manlalakbay na
taga-Venice, Italya na unang nakarating sa
China. Siya ay nakasulat ng isang aklat na
naglalaman ng kanyang mga karanasan at
nasaksihan nang maglakbay siya sa
Silangan na pinamagatang “The Travels of
Marco Polo”.
3. Paghahangad ng Pampalasa
Mahalaga sa mga taga -Europa ang
mga rekado o mga sangkap na
nagpapasarap sa pagluluto tulad ng
paminta, luya, sili, bawang at oregano.
Sa pagpalipas ng panahon, lumaki ang
kanilang pangangailangan sa mga
pampalasa ng pagkain, mga sangkap
sa pag-iimbak ng pagkain at sangkap
sa panggagamot.
4. Paggalugad at Pagtuklas
Ang panggagalugad ng mga produkto
ay isang pamamaraan na naisip ng
mga Espanyol upang palawakin ang
kanilang kolonya.
5. Merkantilismo
Isang sistemang pangkabuhayan na
lumaganap sa Europa noong ika-16
hanggang ika-18 siglo kung saan ang
batayan ng kaunlaran at
kapangyarihan ng isang bansa ay
nakasalalay sa dami ng ginto at pilak
na pag-aari nito.
Kasunduang Tordesillas
Ang Paghahati ng Mundo sa Pagitan ng Portugal at Espanya

- Espanya at Portugal ang dalawang bansa ang nanguna sa paglalayag at


pananakop ng mga lupain.
- Ang dalawang bansang ito ay parehong bansang Kristiyano kung kayat
humingi sila ng pahintulot mula sa Papa ng Roma na si Papa Alexander VI
na ipalaganap ang Kristiyanismo sa mga bansang kanilang mai-kolonya.
- Magkatunggali noon ang Portugal at Espanya sa gagawing pagpapalawak ng
teritoryo kung kayat sinikap ng Papa na gumawa ng legal na hakbang upang
magsilbing gabay sa panunuklas ng mga bansa at sa kolonisasyon nito.
Kasunduang Tordesillas
Ang Paghahati ng Mundo sa Pagitan ng Portugal at Espanya

Bunga nito ay pinagtibay ang Kasunduan ng Tordesillas. (HUNYO 7,


1494). Ang Kasunduang Tordesillas ay paghati ng daigdig sa Portugal at
Espanya. Ang Silangan ay para sa Portugal at ang Kanluran ay para sa
Espanya.
Tatlong Layunin ng Espanya sa Pananakop sa Pilipinas (3G’s)

1. God (Kristyanismo)- bahagi ng kanilang misyon sa pananakop ng mga


lupain ang pagpapalaganap ng KATOLISISMO.
2. Gold (Kayamanan)- itinuturing na kayamanan ang mga lupaing nasakop
sapagkat napakikinabangan nila ang yamang tao at kalikasan nito.
3. Glory (Karangalan)- itinuturing na karangalan ng mga mananakop na
bansa ang pagkakaroon ng mga kolonya o mga sakop na lupain.
Tatlong Layunin ng Espanya sa Pananakop sa Pilipinas (3G’s)
Ekspidesiyon ni Magellan

I. Si Magellan at ang
paglalakbay sa
Pilipinas
Ekspidesiyon ni Magellan
II.Pakakatuklas sa Pilipinas
III. Iba pang Ekspidesiyon
Ekspedisyon ni Legazpi
- Itinalaga ng Hari si Miguel Lopez de Legazpi
bilang pinuno ng ekspedisyon. Tumulak si
Legazpi mula Navidad, Mexico noong
Nobyembre 21, 1564.
- Kasama niya sa ekspedisyong ito si Andres de
Urdaneta na isa ng paring Augustino at
magsisilbing pangunahing nabigante at
tagapayong espiritwal.
Sanduguan nina Legazpi at Sikatuna

Dumaong ang pangkat ni Legazpi noong Pebrero 1565


sa isang pulo na malapit sa Cebu. Hindi naging
maganda ang pagtanggap ng mga katutubo kaya sila
ay napilitang humanap ng mga pangangailangan sa
mga karatig-pook hanggang sa makarating sila sa
Bohol. Doon ay tinanggap sila nang maayos at noong
Marso 16, 1565, may naganap na sanduguan sa
pagitan ni Legazpi at Sikatuna, isa sa mga pinuno sa
Bohol. Ito ay sinundan ng sanduguan din kay Sigala,
isa pa ring pinuno sa Bohol.
Si Legazpi sa Cebu

Tumuloy sina Legazpi sa Cebu subalit hindi naging


maganda ang pagtanggap ng mga tauhan ni Raha
Tupaz, ang pinuno ng Cebu. Kinalaban nina Legazpi
ang mga katutubo na madali nilang nagapi.
Pinatawad ni Legazpi ang mga tauhan ni Tupaz. Di
naglaon, noong Hunyo 1565, ay lumagda sa isang
kasunduan sina Legazpi at Tupaz. Kikilalanin nina
Tupaz ang kapangyarihan ng Espanya at bilang
kapalit, bibigyan sila ng proteksyon at pangangalaga
ng mga Kastila.

You might also like