You are on page 1of 38

YUNIT 1

ARALIN 2
PANAHON AT
KLIMA SA
PILIPINAS
Edited by:
Maria Nelly Belle F. Sigua
Santiago Elementary School
Sta. Ana, Pampanga
Kilala nyo ba sina
Kuya Kim at
Mang Tani?
Ang Pilipinas ay
matatagpuan sa
pagitan ng 4 degree 23
hilagang latitude at
116 at 127 degree
silangang longitude.
Ano ang kaugnayan ng
kinaroroonan ng
Pilipinas sa mundo sa
panahon at klimang
nararanasan nito?
Ano ang
pagkakaiba ng
Klima at
Panahon?
Klima – tumutukoy sa
kainaman o average na
kondisyon ng
atmospera sa
mahabang panahon
Panahon – tumutukoy
sa kalagayan ng
atmospera sa loob ng
isang araw
Mga Natural na Salik
na Nakaaapekto sa
Klima
1. Latitude –
depende sa lugar
Ang latitude ay may 3
sonang pangklima sa
mundo:
1. Sonang Tropikal
2. Sonang Katamtaman
3. Sonang Polar
Ang Sonang Tropikal
ay nakakaranas ng 2
klima ang tag-init at
tag-ulan.
Hal. Pilipinas, Brazil
etc
Ang Sonang
katamtaman ay may 4
na uri ng panahon:
taglamig, tagsibol,
tag-init at taglagas
Hal. Japan, China, USA
Ang Sonang Polar ang
pinakamalamig na
bahagi ng daigdig ang
klima dito ay taglamig
o pagyelo sa buong
taon.
2. Altitude o Taas ng
Lugar – bumababa ang
temperature kapag
tumataas ang lugar.
3. Distansya mula sa
mga karagatan –
malamig s baybayin
kapag tag-init at
mainit kapag
taglamig,
4. Topograpiya – ang
mga kabundukan o
ang uri ng kalupaan
ay nakakaapekto sa
klima ng isang lugar.
5. Direksyon ng
hangin – galaw at uri
ng hangin.
Uri ng Hangin
1. Hanging Silangan
(Trade Winds) –
binabagtas ang Pacific
Ocean. Nararanasan sa
Pilipinas mula Pebrero –
Marso.
2. Hanging Amihan
(Northeast Monsoon) –
Mula s China at Siberia
kaya malamig at tuyo.
Nararanasan natin
mula Nobyembre –
Pebrero.
3. Hanging Habagat
(Southwest Monsoon)-
umiihip sa buong Asya
mula at nagdadala ng
malakas na pag-ulan sa
bansa tuwing Mayo –
Oktubre.
Mga Salik na May
Kinalaman sa Panahon
1. Temperatura –
tumutukoy sa lamig o
init ng atmospera sa
isang lugar.
2. Humidity o
Kahalumigmigan –
tumutukoy sa dami
ng water vapor o
singaw ng tubig na
nasa himpapawid.
3. Pamumuo ng ulap
at presipitasyon –
kapag mataas na ang lebel
ng tubig sa atmospera ay
babagsak ito sa anyo ng
ulan o snow na tinatawag
na presipitasyon
4. Dami ng Ulan –
ang iba’t ibang lugar
sa ating bansa ay
nakakaranas ng
magkakaibang dami
ng buhos ng ulan.
5. Bilis ng Hangin o
Wind Speed – dahil sa
paggalaw nito mula sa mataas
hanggang sa mababang
pressure dulot ng pagbabago
ng temperatura. Anemometer
ang gamit pangsukat ng bilis
ng hangin.
PAGPAPALIT NG
PANAHON O
SEASONS
Ang pagbabago ng panahon at
klima sa iba’t ibang lugar ay
inuugnay sa paggalaw ng daigdig.
May 2 uri ng paggalaw ng daigdig.
1. Ang Rotasyon – ang daigdig ay
umiikot sa sarili nitong axis na
syang nagdudulot ng araw at gabi.
2. Ang Rebolusyon – 365 at ¼ na
araw ang kumpletong rebolusyon
ng daigdig sa araw. Dahil nakahilig
ang daigdig, tumatama ang sinag
ng araw sa magkakaibang panig ng
daigdig na may magkakaibang init
at sa magkakaibang panahon. Ang
iba ay direktang tinatamaan ng
sinag ng araw habang ang kabilang
bahagi ay nakatago sa araw
ANG KLIMA AT
PANAHON SA
PILIPINAS
4 na Uri ng Klima sa Pilipinas
Sagutin ang Isip,
Hamunin sa pahina
32-33

You might also like