You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN

Second Quarter – Week 7

Name:

School :

DepED – San Miguel – District II


Tina, San Miguel, Surigao del Sur
Telephone No.: 086 – 214 – 6029
eMail: sm2district.072043@gmail.com
Grade Level: 5 Discipline: Panahon ng Kolonyanismong
Espanyol

Subject Area: Araling Panlipunan 5

Topic: . ANG KONSEPTO NA PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO


SA PANANAKOP NG MGA ESPANYOL
Quarter: Pangalawang Markahan Week:7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

Araling Panlipinan 5 – 2nd Quarter – Week 7

COMPETENCY:

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipanatupad ng Espanya sa


bansa (B. Patakarang pampolitika)

Mga Layunin sa Pagkatuto:

1. K - Nasusuri ang konsepto na Patronato Real at ang Implikasyon nito sa


pananakop ng mga Espanyol
2. S – Naibabahagi ang mga tungkulin at papel ng mga prayle sa ilalim ng
Patronato Real
3. A – Napapahalagahan ang aspeto ng paghihiwalay ng estado at simbahan sa
ating bansa sa kasulukuyan.

INPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

PROCESS: (Sumangguni sa Worksheet)

OUTPUT: (Sumangguni sa Worksheet)

Prepared by: Checked and Reviewed by: Verified by:

JOSELITO R. AGUA NERIZA C. PAGAURA ALFONSO D. ALIMBOYONG


Writer Validator School Head

Approved by:

LILY-ANN R. MENDERO,EdD
PSDS
Grade Level: 5

Subject Area: Araling Panlipunan 5

Topic: ANG KONSEPTO NA PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO


SA PANANAKOP NG MGA ESPANYOL

Quarter: Pangalawang Markahan Week: 7

ANG KONSEPTO NA PATRONATO REAL AT ANG IMPLIKASYON NITO SA


PANANAKOP NG MGA ESPANYOL

PAGTATALAKAY
Ang Patronato Real

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas, may pagkakaisa ang


simbahan at ang estado. Kinilala ng estado ang mahalagang papel na ginamppanan
ng mga prayle sa pagpapatatag ng kolonyalismo kung kaya’t tiniyak ng pamahalaan
na suportado at protektado ang mga prayle. Binanggit ng historyador na si Renato
Constantino ang laganap na paniniwala dati na, “Para sa bawat prayle sa Pililpinas,
ang hari ay may nakalaang isang kapitan-heneral at isang hukbo.”Patunay lamang ito
kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng mga prayle, na naatasan hindi lamang ng
mga gawaing panrelihiyon, kundi maging ng mga tungkuling pansibiko. Ito ay
nagbigay-daan sa pagkakaroon ng tinatawag na “praylokrasyo,” o pagiging lubos na
makapangyarihan ng Simbahan sa mga usaping panrelihiyon , pampolitika, at maging
panlipunan.

Isa sa mga katangian ng kolonyalismong Espanyol sa Pilipinas ay ang union o


pagkakaisa ng Simbahan at estado nito. Bagama’t mayroong awtonomiya ang isa’t
isa, nagging halos iisa na lamang ang dalawang institusyion dahil sa matinding
pagdepende nila sa ias’t isa . Dahil binigyan ng Santo Papa ang hari ng Spain ng
kapanyarihan sa pangangasiwa sa pondo ngt Simbahan ay sa pagpili ng mga paring
opisyal, nagsikap ang pamahalaan na masiguro ang Kristiyanisasyon ng mga
katutubo sa pamamgitan ng matinding suporta ng pamahalaan sa Simbahan sa
larangang militar at pinansyal . Ang ugnayang Simbahan at pamahalaan kung saan
ang pamahalaan ay mayroong mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa
Simbahan ay tinatawag na patronato real o royal patronage.

Sa ilalim ng patronato real, may kapangyarihan ang haring pangsiwaan ang


pondo ng simbahan at magtalaga ng mga paring opisyal. Dahil dito, tungkulin ng
haring tiyakin ang suportang pinansyal at military sa mga prayle. Bilang kapalit,
tungkulin naman ng prayle na tiyaking maging Kristiyano ang mga katutubo sa
kolonya sa pamamagitan ng pagmimisyon. Isa ito sa mga pagsakop ng Espanya sa
Pilipinas na masasabing naging malaking dahilan sa pagtatagumpay ng kolonyalismo

TUNGKULIN NG MGA PRAYLE SA SIMBAHAN

✓ Paghikayat sa katutubo na talikuran ang sinaunang paniniwala.


✓ Pagpapatupad ng patakarang reduccion para
madali ang paglaganap ng Kristiyanismo dahil lahat ay nakatira sa pueblo,
cabecera, visita.
✓ Pagbibinyag ng mga katutubo.
✓ Pagpapaliwanag sa katutubo sa mga aral ng Simbahan.
✓ Pagpapatupad ng patakaran hinggil sa
pangungumpisal ng katutubo.
✓ Pangasiwaan ang mga sakramento mula binyag hanggang
kamatayan.

PAPEL NG MGA PRAYLE SA LIPUNAN

✓ Nagsilbing inspektor sa mga mababang paaralan at sa pagbubuwis.


✓ Naging pangulo rin sila ng kagawaran ng kalusugan, kawanggawa,
pagbubuwis sa lungsod, estadistika, kulungan, at pampublikong gawain.
✓ Kasapi ng kagawarang panlalawigan at kagawarang may kinalaman sa
paghahati-hati ng lupaing pagmamay- ari ng kaharian.
✓ Sensor ng badyet munisipal, at maging sa dula, komedya, at drama na
itinatanghal sa pampublikong lugar na hindi maaaring ipalabas kung walang
basbas nila.
✓ May papel sa usaping may kinalaman sa cedula personal, eleksiyon, pagkain
ng preso, konsehong munisipal, pulisya, at militar.

Gawain 1
Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga hinihingi sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang numero.
A B
____1. Sa ilalim ng pagiging isa ng pamahalaan at
A. Hari ng Spain
simbahan , tungkulin niya na tugunan ang
B. katisismo
pangangailangang military at pinansyal ng mga prayle
C. Paring Regular
____2. Sila ay makapangyarihan sa aspektong D. Patronato Real
panrelihiyon, pampolitika, at panlipunan dahil sa E. Prayle
patronato real. F. Santo Papa
____3. Ang ugnayang Simbahan at pamahalaan kung
saan ang pamahalaan ay mayroong mahalagang papel
sa pangangasiwa at pagsuporta sa Simbahan.
____4. Maluwag sa kalooban na tinanggap ng mga
katutubong Pilipino.
____5. Ang nag bigay ng kapangyarihan sa Hari ng
Spain na pangasiwaan ang pondo ng Simbahan at sa
pagpili ng paring opisyal.

Gawain 2:

Panuto: Isulat ang Tama o Mali sa patlang bago ang bilang tungkol sa papel at
tungkulin ng mga Prayle sa ilalim ng Patronato Real.
________ 1. Tungkulin ng mga Prayle na pangasiwaan ang mga sakramento
mula binyag hanggang kamatayan.
________ 2. Walang papel ang mga Prayle sa usaping may kinalaman sa cedula
personal, eleksiyon, pagkain ng preso, konsehong munisipal, pulisya,
at military.
________ 3. Nagsilbing inspektor sa mga mababang paaralan at sa pagbubuwis
ang mga Prayle.
________ 4. Tungkulin ng mga Prayle ang pagpapaliwanag sa katutubo sa mga
aral ng simbahan
________ 5. Naging pangulo ang mga Prayle ng kagawaran ng kalusugan,
kawanggawa, pagbubuwis sa lungsod, estadistika, kulungan, at
pampublikong gawain.

Gawain 3

Panuto: Sagutin ang tanong.

Sa iyong palagay, mas nakabuti ba sa Pilipinas na inihiwalay ang Simbahan


at Estado? Bakit?

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
Pagususulit:
Panuto: Basahin ang bawat aytem sa ibaba.Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Ito ang ugnayang Simbahan at pamahalaan kung saan ang pamahalaan ay
mayroong mahalagang papel sa pangangasiwa at pagsuporta sa simbahan.
A. Katisismo B. Kristiyanisasyon C. Patronato Real D. Prayle

2. Sino ang nagbigay ng kapangyarihan sa Hari ng Spain na pangasiwaan ang


pondo ng Simbahan at sa pagpili ng paring opisyal?
A. Hari B. Presidente C. Prayle D. Santo Papa

3. Ano ang mga tungkulin ng hari sa ilalim ng pagiging isa ng pamahalaan at


simbahan?
A. Tungkulin niya ang paghikayat sa katutubo na talikuran ang
sinaunang paniniwala
B. Tungkulin niya na tugunan ang pangangailangang military at pinansyal ng
mga prayle.
C. Tungkulin niya ang pangasiwaan ang mga sakramento mula binyag
hanggang kamatayan.
D. Wala sa nabanggit

4. Alin sa sumusunod ang tungkulin ng mga prayle sa lipunan?


A. Nagsilbing inspektor sa mga mababang paaralan at sa pagbubuwis.
B. Naging pangulo rin sila ng kagawaran ng kalusugan, kawanggawa,
pagbubuwis sa lungsod, estadistika, kulungan, at pampublikong gawain.
C. Kasapi ng kagawarang panlalawigan at kagawarang may kinalaman sa
paghahati-hati ng lupaing pagmamay- ari ng kaharian.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Ang mga sumusunod ay mabuting aspeto sa paghihiwalay ng estado at


simbahan maliban sa

A. Nagkakagulo ang bawat isa


B. May Kalayaan ang bawat isa
C. May kalayaan ng pananampalataya ng bawat mamamayan
D. Natugunan ang mga isyu ng kanilang mga institusyon nang walang
namamagitan.
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1:

1. A (Hari ng Spain)
2. E (Prayle)
3. D (Patronato Real)
4. B (Katisismo)
5. F (Santo Papa)

Gawain 2:

1. Tama - Tungkulin ng mga Prayle na pangasiwaan ang mga sakramento


mula binyag hanggang kamatayan
2. Mali – dahil may papel ang mga Prayle sa usaping may kinalaman sa cedula
personal, eleksiyon, pagkain ng preso, konsehong munisipal, pulisya,
at military.
3. Tama - Nagsilbing inspektor sa mga mababang paaralan at sa pagbubuwis
ang mga Prayle.
4. Tama - Tungkulin ng mga Prayle ang pagpapaliwanag sa katutubo sa mga
aral ng simbahan
5. Tama - Naging pangulo ang mga Prayle ng kagawaran ng kalusugan,
kawanggawa, pagbubuwis sa lungsod, estadistika, kulungan, at
pampublikong gawain.
Gawain 3:

Oo mabuti, dahil ang pagkahiwalay ng simbahan at estado ay isang konseptong


legal at political, kung saan ang mga institusyon ng estado at ng simbahan ay
pinapanatiling magkahiwalay sa bawat aspekto ng pagtugon sa mga isyu ng kanilang
mga institusyon nang walang pamamagitan o pakikialam ng bawat isa. Sa
konseptong ito nasusukat ang Kalayaan ng pananampalataya ng bawat mamayan.

You might also like