You are on page 1of 21

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
PATAKARANG PANG – EKONOMIYA
POLO Y SERVICIOUS TRIBUTO CEDULA
PERSONAL SISTEMANG BANDALA

i
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Tributo Cedula
Personal Sistemang Bandala
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis – Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Jennifer B. Garrovillo


Editor: Retchie F. Quiñones
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Hope A. Jandomon
Tomas Raglin D. Partosa
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Richie C. Naingue
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
5

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y
Sevicious Tributo Cedula Personal
Sistema Bandala

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul para sa araling “Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Sevicious Tributo Cedula
Personal Sistema Bandala.”

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
iii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
ukol sa Patakarang Pang-Ekonomiya Polo Y Sevicious Tributo Cedula Personal Sistema
Bandala.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

iii
iv
iv v
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhaan sa paglikha


o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na kwaderno sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa


pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama
sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
vi
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong
pag-aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa


bansa: Patakarang Pang – Ekonomiya.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa


bansa.Patakarang Pang – ekonomiya;Hal polo y servicious, tributo, cedula
personal at sistemang bandala.

2. Nakasusulat ng isang sanaysay na naglalarawan sa epekto ng mga patakarang


kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.

3. Napahahalagahan ang pag-aangkop na ginawa ng mga Pilipino sa mga


patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.

1
Subukin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod.Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong kuwaderno.

1. Sa ilang reales nagsimula ang tributo?


A. 8 reales B. 20 reales C. 18 reales D. 30 reales

2. Ano ang tributo?


A. pagawaan C. buwis
B. kolonya D. pangangailangan

3. Bakit nagbabayad ng tributo o buwis ang mga Pilipino?


A. Dahil ito ay patakaran.
B. Dahil ito ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.
C. Para sa may panggastos.
D. Wala sa nabanggit.

4. Ano ang sapilitang paggawa?


A. Pagtatrabaho na malaki ang bayad.
B. Tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga kalalakihan.
C. Mga kababaihan lamang ang nagtatrabaho.
D. Lahat ng nabanggit.

5. Ano ang ibang tawag sa sapilitang paggawa?


A. Polo y servicio
B. Pagtatrabaho
B. Manggagawa
C. Mangangalakal

6. Ilang araw ang sapilitang paggawa?


A. 70 B. 30 C. 40 D. 10

7. Ano ang cedula personal?


A. Ito ay papel lamang.
B. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaanbilang
katibayan ng pagbabayad ng buwis.
C. Dito nakalista ang lahat ng utang.
D. Ito ay pagpapatibay na ikaw ay isang Pilipino.

2
8. Ano ang parusa kapag hindi ka nakapagdala ng cedula personal?
A. ikukulong C. pakakainin
B. Wala lang D. paglilinisin

9. Ano ang sistemang bandala?


A. Pagbili ng mga ani sa mataas na presyo.
B. Pamamahagi ng mga produkto
C. Ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani ng
mga magsasaka sa mas mababang halaga,
D. Wala sa nabanggit

10. Sino ang nagsimula sa sistemang bandala?


A. Gobernador – Heneral Sebastian Hurtido de Corcuera
B. Gobernador – HeneralMabini
C. Gobernador – Heneral Magellan
D. Gobernaador – HeneralLapu – Lapu

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod at isulat sa kwaderno ang tamang
sagot.

Ano – ano ang mga patakarang ukol sa pagsasaka? Nakatutulong kaya ang
mga patakarang ito para sa mga katutubo?Bakit? Pangatwiranan ang sagot.

Kung ang mga patakarang ukol sa pagsasaka ay ipinatutupad natin sa


panahon ngayon, ito ba ay nakatutulong sa ating mga magsasaka? Kung oo
ang sagot, paano?

3
Tuklasin

Hindi lamang ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang pangunahing layunin


ng pagsakop sa bansa. Maraming mga patakaranng pangkabuhayan ang ipinatupad
sa Pilipins noong panahon ng mga Espanyol.Ilan dito ang;

https://www.google.com/search?q=uri+ng+sapilitang+paggawa+ay+ang+paggawa+ng+barkong+galyon&tbm=isch&ved=2ahUKE

Polo y Servicio/SAPILITANG PAGGAWA


Isa pa sa mga pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga
Espanyol ay ang sapilitang paggawa. Ito ay sinimulang ipinatupad noong 1580 sa
lahat ng kalalakihan na may gulang na 16 hanggang 60. Kailangan nilang magtrabaho
sa loob ng 40 araw sa loob ng isang taon. Ang kadalasang ginagawa nila ay kalsada,
tulay, simbahan, bahay na bato, munisipyo at galyon. Hango ang sapilitang paggawa
sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing pampamayanan”.Upang
makaiwas ang isang polista sa sistemang Polo o sapilitang paggawa,kailangan niyang
magbayad ng buwis na tinatawag na falla.

TRIBUTO
Dahil ang layunin diumano ng Spain sa pagsakop sa Pilipinas ay upang
ipalaganap ang Kristiyanismo, kinailangang humanap ng pamamaraan upang
matugunan ang mga pangailangan ng kolonya. Bunga na rin ito ng patakarang pang
– ve. ekonomiko na ipinatupad ng mga Espanyol na sa halip na developmental at
extractive Ibig sabihin, hindi nila tinangkang paunlarin ang mga potensiyal sa bansa
upang magkaroon nhg kita, sa halip ay kinuha lamang kung ano ang maaaring
pakinabangan gaya ng lakas – paggawa at likas na yaman.
Sinasabing hindi naman talaga ang Spain ang kumita mula sa pananakop sa Pilipinas
kundi ang mga Espanyol na ipinadala rito. Sa katunayan, upang matugunan ang
pangangailangan sa kolonya ay kinakailangan pang umasa ang bansa sa real situado
(royalsubsidy) o tulong na salapi mula sa Mexico na noon ay kolonya rin ng Spain.
Samantala, iminungkahi naman ng mga prayle na payagan silang magmay – ari ng
mga lupain sa Pilipinas upang hindi na sila umasa pa ng suportang pinansiyal mula
sa Spain.

4
Ang Halaga ng Tributo
Upang makalikom ng pondo mula sa kolonya at matustusan ang
pangangailangan nito, ang paniningil ng tributo o buwis ay isa sa mga pangunahing
patakarang ipinatupad ng mga Espanyol. Ang pagbabayad ng buwis ay simbolo ng
pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain. Sinimulan ang pagkolekta ng tributo
noong 1571 na nagkakahalaga ng 8 reales, naging 10 reales nong 1589, hanggang
sa naging 12 reales noong 1851.

Iba pang Buwis na Ipinataw

Bukod sa tributo, marami pang ibang buwis ang ipisnataw sa mga katutubo. Ang
donativo dezamboanga, falua, at vinta ay mga buwis na kailangang bayaran upang
suportahan ang hukbong militar sa pagsugpo sa pananalakay ng ilang Muslim sa mga
pagkakataong nambibihag sila ng mga katutubo upang ibenta bilang alipin.

SISTEMANG BANDALA

Ang isa pang anyo ng buwis ay ang bandala, na nagsimula sa panahon ni


Gobernador Heneral Sebastian Hutrtao de Corcuera noong ika – 17 siglo. Sa
sistemang bandala, nagtatalaga ang pamahalaan ng taunang quota sa proukto sa
mga lalawigan na kailangan nilang ibenta sa pamahalaan. Gayunpaman, hindi naman
sila kadalasang nababayaran ng pamahalaan kung kaya’t sa halip na bilhin ay tila
kinumkumpiska lamang sa kanila ng pamahalaan ang kanilang produkto.
Sa kabuoan, malaki ang naging papel ng tributo sa pagpapatupad sa
kolonyalismo. Ang pagbabayad ng tributo ay pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng
Spain. Para sa mga Espanyol, nagbigay – daan din ito upang mabawasan ang mataas
na pagtingin ng mga katutubo sa kanilang mga sarili spagkat ginagawa nila ang isang
bagay na alam nilang hindi kailangang gawin. Naging dahilan din ito upang
makapangamkam ng pera ang mga tiwaling Espanyol na walang hangad kundi ang
magpayaman bago bumalik sa Spain. Sa bandang huli, napagtanto ng mga katutubo
na sa halip na mapakinabangan nila ang tributo para matugunan ang mga batayang
pangangailangan, lalo pa itong nagsadlak sa kanila sa kahirapan.

ANG CEDULA PERSONAL

Pagdating ng 1884, ipinatupad ng mga Espanyol ang cedula personal. Ito ay


kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaang bilang katibayan ng
pagbabayad ng buwis.
Kung ang tributo ay pahirap sa buhay ng mga katutubo doble ang pahirap na dulot ng
cedula personal sapagkat kailangang dala lagi ito ng katutubo saan man siya
magpunta. Nagpapatunay ito ng kaniyang pagkakakilanlan at ng kaniyang lugar ng
panirahan. Kung wala siya nito, maaari siyang pagbintangan bilang tulisan.Siinumang

5
mahuli na walang dalang cedula personal ay pagmumultahin at kung walang
pangmulta ay ikukulong. Maraming katutubo ang ikinulong noong panahon ng
kolonyalismong Espanyol dahil lamang walang dalang cedula personal.

http://kristinebraga22.blogspot.com/2013/10/ang-tributo-tributo-and-tawag-sa.html

Suriin
Suriing mabuti ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang tamang sagot sa
kuwaderno. Piliin ang sagot sa kahon.

Cedula Personal
Tributo
Bandala
Sapilitang paggawa
real situado (royalsubsidy)
Laws of the Indies reales

1. Tawag sa pera na ginamit ng mga Espanyol sa kanilang bansa at


nasasakupan noong 14th century.Ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang
perang ito noong panahon ng Espanyol.
2. Sapilitang pagbibili ng pamahalaan ng mga produktong pansakahan.
3. Paraan ng pagbayad ng buwis na pinapalit sa tributo noong 1884.
4. Pondong nanggagaling sa Mexico bilang pampuno sa mga gastusin ng Spain
sa Pilipinas.
5. Ito ay hango sa polo y servicio na nangangahulugang “gawaing
pampamayanan,”

6
Pagyamani
n
Gawain A

Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang pangungusap at MALI kung mali ang
pangungusap. Isulat ito sa kuwaderno.

____ 1. May pagtatangkang maprotektahan ang kapakanan ng mga polista batay sa


Laws of the Indies.
____2. Falla ang buwis na kailangang bayaran ng mga polista upang maiwasan ang
sapilitang paggawa.
____3. Ang polo Y Servicious ay sapilitang paggawa ng mga kalalakihan idad 16
hanggang 60.
____4. Ang cedula personal ay isang napakalaking papel na katumbas ng
pagkakakilanlan bilang hindi mamamayan ng isang lalawigan.
___ 5. Ang sistemang bandala ay binabayaran ang mga produkto sa mas maliit na
halaga.

Gawain B

Panuto: Punan ang patlang ng tamang salita at isulat ang sagot sa kuwaderno.

1. Kailangan nilang magtrabaho sa loob ng __________sa loob ng isang taon.

2. May pagtatalakay na maprotektahan ang kapakanan ng mga Polista batay sa


___________________.

3. Sa sistemang bandala, nagtatalaga ang pamahalaan na taunang


____________ sa mga lalawigan na kailangan nilang ibenta sa pamahalaan.

4. Upang makalikom ngpundo, mula a kolonya at matustusan ang


pangangailangan nito, ang paniningil ng ______________ ay isasama ang
mga pangunahing patakaran ipinapatupad ng mga Espanyol.

5.___________________ ang kinolektang buwis noong 1851.

7
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Bakit sa kabila ng paniningil ng buwis ay kinakailangan pang tumanggap ang


kolonya ng real situado mula sa Mexico sa panahon ng kolonyalismong
Espanyol?

2. Bakit kailanagang kumuha ng cedula personal ang mga katutubo?

3. Ano – ano ang mga nakasaad sa batas na sapilitang paggawa?

4. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipino nang panahong ipinatupad ang polo y
servicio susunod ka rin ba? Bakit?

5. Paano mo pahahalagahan ang mga pag-aangkop na ginawa ng mga Pilipino


sa mga patakaran ng mga Espanyol?

Isagawa
Panuto: Gawin ang mga sumusunod sa iyong kuwaderno.
Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa naging epekto ng mga patakarang
kolonyal na ipinatupad ng mga Espanyol sa bansa.

Ang gagawin mong sanaysay ay dapat makasunod sa pamantayan sa ibaba.


Pamantayan
5 4 3 2 1
Maliwanag, May kaisahan Bahagyang May kaunting Walang naisulat
tumpak, may ang kabuoan ng nailalarawan epektong na sanaysay.
kaisahan ang sanaysay at ang naging nailalarawan
kabuoan ng nailalarawan epekto ng mga tungkol sa
sanaysay at ang naging patakarang patakarang
nailalarawan epekto ng mga kolonyal na kolonyal na
ang naging patakarang ipinatupad ng ipinatupad ng
epekto ng mga kolonyal na mga Espanyol mga Espanyol
patakarang ipinatupad ng sa bansa. sa bansa.
kolonyal na mga Espanyol
ipinatupad ng sa bansa.
mga Espanyol
sa bansa.

8
Tayahin
Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa iyong kuwaderno.

1. Bakit nagbabayad ng tributo o buwis ang mga Pilipino?


A. Dahil ito ay patakaran.
B. Dahil ito ay simbolo ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Spain.
C. Para sa may panggastos.
D. Wala sa nabanggit.

2. Ano ang tributo?


A. pagawaan C. buwis
B. kolonya D. pangangailangan

3. Sa ilang reales nagsimula ang tributo?


A. 8 reales B. 20 reales C. 18 reales D. 30 reales

4. Ano ang sistemang bandala?


A. Pagbili ng mga ani sa mataas na presyo.
B. Pamamahagi ng mga produkto
C. Ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng ani
ng mga magsasaka sa mas mababang halaga,
D. Wala sa nabanggit

5. Sino ang nagsimula sa sistemang bandala?


A. Gobernador – Heneral Sebastian Hurtido de Corcuera
B. Gobernador – HeneralMabini
C. Gobernador – Heneral Magellan
D. Gobernaador – HeneralLapu – Lapu

6. Ilang araw ang sapilitang paggawa?


A. 70 B. 30 C. 40 D. 10

9
7. Ano ang cedula personal?
A. Ito ay papel lamang.
B. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang
katibayan ng pagbabayad ng buwis.
C. Dito nakalista ang lahat ng utang.
D. Ito ay pagpapatibay na ikaw ay isang Pilipino.

8. Ano ang parusa kapag hindi ka nakapagdala ng cedula personal?


A. ikukulong C. pakakainin
B. Wala lang D. paglilinisin

9. Ano ang sapilitang paggawa?


A. Pagtatrabaho na malaki ang bayad.
B. Tungkuling magbigay ng serbisyo ang mga kalalakihang may idad
16-60.
C. Mga kababaihan lamang ang nagtatrabaho.
D. Lahat ng nabanggit.

10. Ano ang ibang tawag sa sapilitang paggawa?


A. Polo y servicio
B. Pagtatrabaho
C. Manggagawa
D. Mangangalakal

10
Karagdagang Gawain

Para sa iyo,aling patakarang ipinatupad ng mga Espanyol ang mas mainam-inam


para sa mga Pilipino?Patunayan ang sagot.

TALAHULUGANAN
bandala – ana patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaang Espanyol ng
mga ani ng mga magsasaka sa mababang halaga
cedula personal – isang maliit na papel na katumbas ng pagkakakilanlan
bilang mamamayan ng isang lalawigan
donativo de Zamboanga – buwis na binayaran ng mga naninirahan sa may
pampang ng kanlurang Luzon bilang tulong sa pagdepensa ng
mga lalawigan dito mula sa banta ng mga Muslim;
tinatawag ding samboanga
faula - siningil sa mga taga- Camarines Sur, Cebu, Misamis at karatig na
mga lalawigan bilang tulong sa pagdepensa sa bantang
pananalakay ng mga Muslim sa kanilang lalawigan katubas ng
vinta
polo y servicio– patakaran ng sapilitang paggawa
polista – mga manggagawa ng polo y servicio
reales – yunit ng pananalapi na gimamit ng Spain mula ika-14 na siglo
hanggang sa mapalitan ito ng escudo (1864) at peseta
tributo – uri ng buwis noong panahon ng kolonyalismong Espanyo na
binayaran sa pamamagitan ng salapi o katumbas ng halaga nito sa
tabako, palay, bulak,tela at mano
vinta – buwis na binayaran ng mga taga- Zamboanga sa mgaEspanyol para
sa pagsupil sa mga Muslim; katawagan din sa mga bangkang may
makulay na layag sa Sulu at sa sayaw ng mga Moro

11
Susi sa Pagwawasto

Tayahin: 1.B 2.C 3.A 4.C 5.D 6.C 7.B 8.A 9.B 10.A

Karagdagang
Gawain:(malayang
Pagpapahayag ng
Sagot.)

Balikan:1.Encomienda, Sistemang Kasama.Hindi dahil lalo lang itong nagpapahirap


sa mga katutubo
2.Hindi

Subukin
1.a 2.c 3.b 4.b 5.a 6.c 7.b 8.a 9.c 10.d

12
Sanggunian
1. MELC 2020, pahina 44, week 5

2. Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa, pahina 128 at 129, 130
hanggang 132

Mga May – akda:


Maria Annalyn P. Gabuat
Michael M. Mercado
Mary Dorothy dL. Jose

Mga Patnugot:
Celestina P. Boncan, PhD
Vicente C. Villan, PhD

3. https://slideplayer.com/slide/17323167/
http://kristinebraga22.blogspot.com/2013/10/ang-tributo-tributo-and-tawag-
sa.html
https://www.google.com/search?q=sino+-+sino+ang+kukuha+ng+sedula
https://www.google.com/search?q=larawan+ng+bagong+sed
https://www.google.com/search?q=uri+ng+sapilitang+paggawa+ay+ang+pagg
awa+ng+barkong+galyon&tbm

13
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like