You are on page 1of 22

NDI IPINAGBIBILI

4
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Module 7:
Katangian ng Pilipinas bilang
Isang Bansang Insular

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan - Modyul 7: Ang Pilipinas bilang Isang Bansang Insular
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng Pambansa
Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module
Author: Liwayway M. Dawadias

Editor: Nicolasa R. Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona Dilangen
Susan Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 7:
Katangian ng Pilipinas bilang
Isang Bansang Insular

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay


magkatuwang na inihanda ta sinuri ng mga guro mula
sa mga pampublikong paaralan. Hinihikayat naming
ang mga guro at ibang nasa larangan ng Edukasyon
na mag-email ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon sa Kagawaran ngEdukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag


puna at rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Panimula

Ang Modyul na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral sa ikaapat na


baitang sa asignaturang Araling Panlipunan.

Tatalakayin sa araling ito ang pagiging bansang maritime o insular ng


Pilipinas at ang mga kapakinabangan sa pagiging insular nito. Tutukuyin din
sa aralin ang mga katubigang nakapalibot sa bansa na makapagpapatunay
sa katangian ng Pilipinas bilang isang bansang insular.

Gusto mo bang maglakbay? Tatalakayin din sa araling ito ang mga


anyong lupa at anyong tubig ng Pilipinas. Tara na’t libutin natin ang ating
kapuluan. Isipin mong ikaw ay bumabyahe sa iba’t-ibang panig ng bansa sa
pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa sa mga anyong lupa at anyong
tubig nito at kung saan ito matatagpuan.

Inaasahang pagkatapos mapag-aralan ang aralin, maipapaliwanag


mo ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang insular at
mapaghahambing ang iba’t-ibang pangunahinng anyong lupa at anyong
tubig ng bansa.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul sa Araling Panlipunan ng
Ikaapat na baitang.

3
Alamin

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makamit


mo ang mga sumusunod na layunin sa pagkatuto.

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Maipaliliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang


maritime o insular.
2. Mapaghahambing ang iba’t-ibang pangunahing anyong lupa at
anyong tubig ng bansa.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang mga


sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagtataya at


pagsasanay.

• Sagutin ang lahat na pagtataya at pagsasanay.

4
Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot at bilugan ang titik nito.

1. Ano ang anyong tubig ang nasa gawing silangan ng bansa?


A. Dagat Sulu B. Dagat Celebes
C. Bashi Channel D. Karagatang Pasipiko
2. Ito ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa bansa.
A. Insular B. Dagat Celebes
C. Bashi Channel D. Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Ano ang tawag sa pinakadulong pulo ng bansa sa gawing hilaga?
A. Y’ami B. Pulo ng Sulu
C. Saluag D. Pulo ng Balabac
4. Ang bulkang ito ay tanyag sa pagkakaroon ng halos perpektong kono na
matatagpuan sa Albay.
A. Mt. Apo B. Bulkang Mayon
C. Bulkang Taal D. Bulkang Pinatubo.
5. Ito ang pinakamahabang hanay ng bundok sa Pilipinas at matatagpuan ito
sa Luzon.
A. Bundok Apo B. Bundok Arayat
C. Sierra Madre D. Bundok Caraballo
6. Ang anyong tubig na ito ay bahagi ng karagatan. Mas maalat at mainit ang
tubig nito kaysa karagatan.
A. Look B. Golpo
C. Dagat D. Tsanel
7. Isa itong makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa dalawang
malalaking anyo ng tubig.
A. Ilog B. Lawa
C. Kipot D. Tsanel
8. Saang lalawigan matatagpuan ang Chocolate Hills?
A. Bohol B. Bukidnon
C. Baguio D. Batanggas
9. Saang direksyon sa Pilipinas naroon ang Dagat Celebes?
A. Timog ng bansa B. Silangan ng bansa
C. Hilaga ng bansa D. Kanluran ng bansa
10. Ano ang tawag sa pinakadulong pulo sa gawing timog ng bansa?
A. Sulu B. Saluag
C. Y’ami D. Balabac

5
z

Aralin Ang Pilipinas bilang Isang


7 Bansang Insular

Ang Pilipinas ay napapalibutan ng mga dagat at karagatan dahil ito ay


isang kapuluan.

Balikan

Ang ating bansa ay napapalibutan ng mga katubigan. Ano-ano ang


mga katubigang ito? Isulat sa kahon ang iyong sagot.

3.

2. 1.

4.

Tuklasin
Ayusin ang mga nagulong letra upang makabuo ng isang salita.
NGA _____________________
NASPILI _____________________
L A N GB I _____________________
SANGI _____________________
SANGBAN _____________________
LARINSU _____________________
Ano sa iyong paglagay ang aralin sa araw na ito kung pagbabasihan ang iyong
mga nabuong salita? Isulat ang sagot sa guhit.

6
Suriin
Ang ating bansa ay napapaligiran ng mga katubigan tulad ng dagat at karagatan.
Kung ikaw ay pupunta sa dagat, ano-ano ang maaari mong gawin sa dagat?
Isulat ang iyong sagot sa guhit.
1. _____________________________
2. _____________________________

Nakahiwalay ang ating bansa sa mga bansang Asyano dahil sa mga katubigang
nakapaligid dito. Ito rin ang dahilan kung bakit tinawag na bansang insular o
maritime ang Pilipinas.

Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa bansa.

Pag-aralan at suriin ang mapa ng Pilipinas. Anu-ano ang mga katubigang


nakapaligid ng bansa?

Araling Panlipunan 4 pahina 49

Ipinakikita sa mapa ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang maritime o


insular.
● Silangan: Karagatang Pasipiko

● Kanluran: Dagat Kanlurang Pilipinas

7
● Hilaga: Bashi Channel

● Timog: Celebes Sea

● Timog-Kanluran: Dagat Sulu


• Ang pulo ng Y’ami (Mavulis Island) ang pinakadulong pulo ng bansa sa
gawing hilaga.
• Ang pulo ng Saluag ang pinakadulong pulo sa gawing timog ng bansa
Mahalaga para sa Pilipinas ang pagiging insular na bansa nito dahil
nakapagbibigay ito ng mga kapakinabangan.
● Akmang-akma ang mga baybaying-dagat sa pagpapatayo ng Tanggulang
Pambansa.
● Nakapagpapatayo ng maraming daungan na nagsisilbing daanan ng mga
sasakyan pandagat na nagdadala ng mga pasahero at mga kalakal mula sa
loob at labas ng bansa.
● Sa mga dagat ding nakapaligid sa bansa nakakakuha ng mga yamang
dagat na nakakatulong sa kabuhayan ng mamamayan
● Nagsisilbi ring pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at
baybayin nito.

Pagyamanin

Panuto: Alamin ang lokasyon ng mga katubigang nakapaligid sa bansa.


Pagtambalin ang hanay B sa hanay A at isulat ang sagot sa guhit.

A B
_____1. Dagat Sulu Silangan
_____2. Bashi Channel Kanluran
_____3. Dagat Celebes Hilaga
_____4. Karagatang Timog
Pasipiko Timog-Kanluran
_____5. Dagat Kanlurang Hilagang-
Pilipinas Kanluran

Isaisip

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat ito sa patlang.


baybayin yamang-dagat katubigan
kapakinabangan baybaying-dagat karagatan

1. Ang maritime o insular ay tumutukoy sa mga ______________ na


nakapaligid sa bansa.

8
2. Mahalaga ang pagiging insular ng bansa dahil nakapagbibigay ito ng mga
_____________________.
3. Akmang-akma ang mga _____________________ sa pagpapatayo ng
Tanggulang Pambansa.
4. Ang kagandahan ng mga dagat at ________________ ay nagsisilbing
pang-akit sa mga turista.
5. Sa mga dagat na nakapaligid ng bansa nakukuha ang mga
________________________ na nakatutulong sa kabuhayan ng
mamamayan.
6-10. Ano ang katangian ng Pilipinas bilang isang bansang insular o
maritime? (5 Puntos)
____________________________________________________________
____________________________________________________________
______________________________________________________

Isagawa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.


1-3. Isulat ang T kung tama ang pangungusap at M naman kung mali ito.
_____1. Ang pamilya ni Berna ay pumunta sa beach. Nakita ni Berna
at ng kanyang mga kaibigan na maraming kalat na basura sa
dalampasigan.Ito’y kanilang pinulot at itinapon sa basurahan.
_____2. Panatilihin ang kalinisan ng mga dagat na nakapaligid sa
bansa dahil ito ay nagbibigay ng pagkain at kabuhayan.
_____3. Si Mang Tani ay gumagamit ng dinamita sa kanyang
pangingisda.

4-5. Ano ang iyong gagawin upang mapanatili ang kalinisan at


kagandahan ng ating mga dagat?

Mga Pangunahing Anyong


z Lupa at Anyong Tubig sa
Aralin
8 Bansa

Binubuo ng maraming pulo ang Pilipinas kaya tinagurian itong isang


kapuluan. Sa mga pulo ng bansa makikita ang iba’t-ibang anyong lupa at anyong
tubig.

Balikan

9
Ang bundok ay isang anyong lupa. Nakaakyat ka na ba sa bundok? Kapag ikaw
ay nasa tuktok nito, ano-anong mga anyong lupa ang maaari mong makita?
Isulat ang iyong sagot sa guhit.
1. _________________
2. _________________

Ano-ano namang mga anyong tubig ang posible mong makita? Isulat ang sagot
sa guhit.
1. _________________
2. _________________

Tuklasin

Kantahin ang awitin sa tono ng “Tatlong Bebe”

Lupa at Tubig
ni: Liwayway Maganding Dawadias

Makikita sa ating bansa


mga anyong lupa at anyong tubig
burol, kapatagan, bundok, talampas,
dagat, tsanel, golpo, kipot, ilog

kwak, kwak, kwak (2x)

Suriin

Gusto mo bang maglaro? Sa ibaba ay makikita mo na ang bawat letra ay


may katumbas na numero. Buuin mo ang mga anyong lupa at anyong tubig gamit
ang mga numerong ito.

A B D G I K L M N O P R S T U W
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16

Mga anyong lupa:


__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
14 1 7 1 8 11 1 13 2 15 12 10 7 2 15 7 6 1 9

Mga anyong tubig:


__ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __ __
3 1 4 1 14 5 7 10 4 7 1 16 1

Ang Pilipinas ay nabiyayaan ng iba’t-ibang anyong lupa

Mga Pangunahing Anyong Lupa

10
Sa mga pulo sa bansa, makikita ang pangunahing anyong lupa.
Kinabibilangan ito ng kapatagan, bundok, burol, at talampas.

Kapatagan
Ang kapatagan ay malawak na lupain na patag at mahaba. Angkop
ang kapatagan sa pagtatanim ng gulay, mais, at palay.
Isa sa mga kilalang kapatagan ng bansa ang Gitnang Kapatagan ng
Bundok
Luzon.
Ang bundok ang pinakamataas na anyong lupa.
Bundok Apo ang pinakamataas na bundok sa bansa.
Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng bundok sa Pilipinas.
Matatagpuan ito sa Gitnang Luzon ngunit ang kahabaan nito ay
umaabot hanggang sa Timog Luzon. Ang pinakamataas na tuktok na
narating sa Sierra Madre ay mga 2000 metro mula sa pantay dagat
Bundok Pulag ang pinakamataas sa Luzon at ikalawang
pinakamataas sa bansa. Ito ay matatagpuan sa Nueva Vizcaya.
Matatagpuan sa Gitnang Luzon ang Bundok Arayat sa Pampanga,
Bundok Caraballo, at Bundok Cordillera.

Burol
Ang burol ay isang mataas na lupa ngunit mas mababa sa
bundok. Pabilog ang hugis ng itaas nito.
Madaling makapagpalago ng damo sa burol kaya mainam ditong
mag-alaga ng hayop.
Pinakatanyag sa mga burol sa bansa ang Chocolate Hillls na
matatagpuan sa Carmen, Bohol.

● Mayroon ding mga burol sa lalawigan ng Rizal, Batangas, Samar, Leyte,


at sa Gitnang Luzon.
Talampas
Ang talampas ay mataas na bahaging lupa ngunit patag ang ibabaw.

Ang Lungsod ng Baguio ng Benguet ang pinakatanyag na


talampas sa bansa.
Malawak din ang mga talampas sa Lanao at Bukidnon sa
Mindanao
Iba pang mga Anyong Lupa
Ang iba pang anyong lupa na makikita sa mga pulo ng bansa ay ang bulkan at
lambak.

Bulkan
Ang bulkan ay katulad ng bundok. Ang pagkakaiba lamang ay ang
bunganga ng tuktok nito. May panahong nagiging aktibo ang isang bulkan at ito
ay pumuputok. Kumukulong putik, abo, lahar, at malalaking bato ang ibinubuga
ng bulkan.

11
Ang Bulkang Pinatubo ay matatagpuan sa Zambales na may taas na 1790
metro. Itinuring na ito bilang isang patay na bulkan ngunit naging aktibo at
pumutok noong 1991.

Ang Bulkang Mayon ang pinakatanyag sa mga bulkan sa Pilipinas.


Ito ay may halos perpektong kono. Matatagpuan ito sa Albay, Bicol.
Ang Bulkang Taal ay sa Taal, Batangas naman matatagpuan. Ito
ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas.

Lambak
Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng bundok.

Ang Lambak ng Cagayan sa Hilagang Luzon ay ang pinakamalaking lambak sa


Pilipinas. Ito ay binubuo ng mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya
at Quirino. Ito ay nasa pagitan ng Siera Madre sa baybay ng Karagatang Pasipiko
at Bundok Cordillera sa kanluran.

Ang Lambak ng Cotobato ay tinaguriang “Palabigasan ng


Mindanao”.
Ang Lambak ng Trinidad sa Benguet ang tanyag na taniman ng
gulay sa bansa.
Ang Lambak Koronadal ay mainam sa pagtatanim ng tubo at
bulak dahil sa magaspang na pasigan ang lupa rito.

Mga Pangunahing Anyong Tubig


Ang mga pangunahing anyong tubig sa Pilipinas ay ang karagatan,
dagat, look, golpo, tsanel, at kipot.

Karagatan
Ito ang pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaki sa lahat ng
anyong tubig.
Maalat ang tubig ng karagatan.
Ang bansa ay malapit sa Karagatang Pasipiko na matatagpuan
sa dakong silangan ng Pilipinas.
Ang Karagatang Pasipiko ay daanan ng malalaking barko.
Dagat
Ang dagat ay bahagi ng karagatan. Ang tubig dagat ay mas mainit
kaysa karagatan.

Tingnan ang mapa sa ibaba. Ano-anong dagat ang nakapaligid sa


bansa?

12
Araling Panllipunan 4 pahina 58

Mga nakapaligid na dagat sa kapuluan:


● Kanluran: Dagat Kanlurang Pilipinas

● Timog: Dagat Celebes, Dagat Pilipinas, at Dagat Mindanao

● Ang Dagat Visayas ay nasa pagitan ng mga pulo.

● Sa pagitan ng Palawan at Mindoro makikita ang Dagat Sulu. Ito ang


pinakamalaking dagat sa loob ng kapuluan.
Look
Ang look ay isang bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin nito.

Ang Look ng Maynila ay itinuturing na pinakamahusay na daungan


sa Dulong Silangan. Dito dumadaong ang mga barkong pampasahero at
pangkargamento o mga produkto na galing sa iba’t ibang bansa.

Golpo
Ang golpo ay tulad ng look na halos naliligid din ng lupa. Ito ay
bahagi rin ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat.
Ang Golpo ng Lingayen sa Pangasinan, Golpo ng Albay at Golpo ng Ragay
sa pagitan ng Quezon at Camarines Sur ang mga halimbawa sa Luzon. Sa
Silangang Visayas naman matatagpuan ang Golpo ng Leyte. Sa Davao sa
Mindanao makikita ang Golpo ng Sibuneg.

Tsanel
Ang tsanel ay nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng
tubig na kalimitang dinaraanan ng barko.
Ito rin ay malalim na anyong tubig na bahagi ng isang kanal o ilog.
Halimbawa nito ay ang Bashi Channel sa hilaga ng bansa

Kipot
Ito ay isang makipot na anyong tubig na nagdurugtong sa
dalawang malaking anyong tubig.
Makikita sa larawan ang tulay na itinayo sa ibabaw ng Kipot ng
San Juanico na nasa pagitan ng Samar at Leyte. Tinagurian itong
pinakamahabang tulay sa buong asya.

Maraming kipot na matatagpuan sa Pilipinas:


Kipot ng San Bernardino sa Sorsogon at Hilagang Samar
Kipot ng Iloilo sa pagitan ng Iloilo at Pulo
13 ng Guimaras.
Kipot ng Biliran sa pagitan ng Pulo ng Biliran at Leyte.
Iba pang mga Anyong Tubi
Ang iba pang mga anyong tubig sa bansa ay ang ilog, lawa, talon at bukal.
Ilog
Ang ilog ay mahaba at paliko-likong anyong tubig na dumadaloy
hanggang sa dagat. Hindi maalat ang tubig dito.
Ilog ng Cagayan ang pinakamahabang ilog sa bansa.
Rio Grande de Mindanao ang pinakamalaking ilog sa bansa.
Ilog Pasig ang pinakamakasaysayan sapagkat ito ang ginamit
na daanan noon ng mga negosyante mula sa katabing bansa sa

Lawa
Ito ay anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa. May humigit
kumulang sa 59 lawa sa ating bansa.

Laguna de Bay sa Laguna


Lawa ng Lanao sa Lanao del Sur
Lawa ng Taal sa Batangas
Lawa ng Mainit sa Surigao del Norte
Lawa ng Naujan sa Oriental Mindoro
Lawa ng Buluran sa Sultan Kudarat

Ang anim na pinakamalaking lawa sa Pilipinas ay ang mga sumusunod:


Talon
Ito ang tubig na umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.

Talon ng Pagsanjan sa Laguna ang pinakatanyag sa bansa.


Talon ng Maria Cristina sa Lungsod ng Iligan. Narito ang
plantang haydroelektriko na nagtutustos ng lakas elektrisidad sa
maraming industriya sa lungsod.
Bukal
Ang bukal ay anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang tubig
na nanggagaling dito ay mainit at mayaman sa mga mineral.

14
Ang Pansol Hot Spring ang pinakabantog sa Laguna.

Sa Albay, natuklasan ang mainit na singaw na nanggagaling sa hot


spring at maaaring pagkunan ng lakas geothermal na makatutustos ng
elektrisidad sa Bicol.

Pagyamanin

Hanapin sa hanay B ang tinutukoy sa bawat bilang at isulat ang letra


ng sagot sa patlang.

A B
______1. Patag at mababa Bulkan
na anyong lupa Taal
______2. Katulad ng bundok Kapatagan
na may bunganga Tsanel
sa tuktok Lawa
______3. Anyong tubig na Look
napapaligiran ng
lupa
______4. Pinakamaliit na
bulkan
______5. Malalim na anyong
tubig na bahagi ng
kanal o ilog.

Isaisip

Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa kahon.

lambak tsanel talampas


haydroelektriko geothermal bundok

1. Ang bukal ay maaaring pagkunan ng lakas _______________ na


makatutustos ng elektrisidad sa isang lugar.
2. Ipinagmamalaki ang Talon ng Maria Cristina sa lungsod ng Iligan dahil
sa plantang ____________________.

15
3. Ang kapatagan, _______________, bundok at burol ang mga
pangunahing anyong lupa sa bansa.
4. Napapaligiran ang mga pulo ng bansa ng mga pangunahing anyong
tubig tulad ng karagatan, dagat, look, _____________,
golpo, at kipot.
5. Ang iba pang mga anyong lupa na makikita sa mga pulo sa bansa ay
ang bulkan at ___________________.

Isagawa

Panuto: Paghambingin ang mga pangunahing anyong lupa at anyong


tubig. Piliin ang sagot sa kahon.
lupa na malawak at patag
pinakamataas na anyong lupa
mataas na anyong lupa na patag ang ibabaw
isang bahagi ng dagat na nakapaloob sa baybayin
mataas na lupa ngunit mas mababa kaysa bundok
nagdurugtong sa dalawang malaking anyong tubig ngunit ito ay
makipot
nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig at
dinaraanan ng barko
anyong tubig na halos napapaligiran ng lupa at karaniwang
nasa bukana ng dagat

1. a. Kapatagan- _______________________________________
_______________________________________
b.Talampas - _______________________________________
_______________________________________
2. a. Bundok - _______________________________________
_______________________________________
b. Burol - _______________________________________
_______________________________________
3. a. Kipot - _______________________________________
_______________________________________
b.Tsanel- _______________________________________
_______________________________________
4. a. Look - _______________________________________
_______________________________________

16
b.Golpo - _______________________________________
_______________________________________

5. Ano ang iyong gagawin upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng


mga yamang lupa at yamang tubig? (2 puntos)
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________

Tayahin

Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bahaging tubig ng bansa ang nasa gawing hilaga?


A. Dagat Celebes B. Karagatang Pasipiko
C. Bashi Channel D. Dagat Kanlurang Pilipinas

2. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?


A. Mayaman sa yamang-dagat
B. Kakikitaan ng mga baybayin
C. Napapaligiran ng mga bansa sa Asya
D.Napapaligiran ng mga dagat at karagatan

3. Alin ang HINDI kapakinabangan ng isang bansang insular?


A. Madaling masakop ng ibang bansa ang Pilipinas.
B. Nagsisilbing daanan ito ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
C. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga
dagat at baybayin nito.
D. Ang kainaman ng mga daungan sa bansa ay nagsisilbing
daanan ng mga sasakyang pandagat.

4. Saang direksiyon ng Pilipinas ang kinaroroonan ng Dagat Kanlurang


Pilipinas?
A. Timog at Kanluran B. Timog at Silangan
C. Hilaga at Kanluran D. Hilaga at Silangan

5. Ang tubig nito ay umaagos mula sa mataas na lugar tulad ng bundok.


A. Ilog B. Bukal
C. Lawa D. Talon

17
6. Ang tubig na nanggagaling dito ay mainit at mayaman sa mga
mineral.
A. Ilog B. Bukal
C. Lawa D. Talon
7. Ano ang tawag sa pinakamalalim, pinakamalawak at pinakamalaking
anyong tubig?
A. Look B. Dagat
C. Golpo D. Karagatan

8. Isa itong malawak na lupain na patag at mababa. Angkop ang


pagtatanim ng gulay, mais at palay dito.
A. Burol B. Talampas
C. Lambak D. Kapatagan

9. Ang anyong lupa na ito ay may taas na 1790 metro. Itinuturing na ito
bilang isang patay na bulkan ngunit naging aktibo at pumutok noong
1991.
A. Mt. Apo B. Bulkang Mayon
B. Bulkang Taal D. Bulkang Pinatubo

10. Isang patag na lupa sa pagitan ng bundok. Tinagurian itong


“Palabigasan ng Mindanao”.
A. Lambak ng Cotabato B. Lambak ng Trinidad
C. Lambak ng Cagayan D. Lambak ng Koronada

Karagdagang Gawain

Palaisipan. Punan ang mga kahon ng salitang bubuo sa pamamagitan


ng pagsagot sa mga hinihiling ng pahalang at pababa na
mga katanungan.
1
5S
6
R 7
M 8
Z

2
A

9
C
10
3
C A H

4
L

18
Pahalang:
1. Pinakamahabang hanay ng bundok sa bansa.
2. Pinakamataas na bundok sa bansa.
3. Ang tanyag na burol sa Carmen, Bohol.
4. Isang halimbawa ng golpo na nasa Pangasinan.

Pababa:
5. Dagat sa pagitan ng Palawan at Mindoro.
6. Ang golpo na matatagpuan sa pagitan ng Quezon at Camarines Sur.
7. Ang kilalang bulkan sa Pilipinas na may halos perpektong kono.
8. Lalawigan na matatagpuan ang bulkang Pinatubo.
9. Dagat sa gawing timog ng Pilipinas.
10.Ang bundok na makikita sa Pampanga.

Susi sa Pagwawasto

Lesson 7
Subukin Isaisip
1.D 1.katubigan
2.A 2.kapakinabangan
3.A 3.baybaying-dagat
4.B
4.baybayin
5.C
5.yamang-dagat
6.C
7.C 6-10 Ang katangian ng Pilipinas bilang isang
8.A bansang insular o maritime ay ang pagiging
9.A kapuluan nito kung saan ito ay
10.B napapalibutan ng mga dagat at karapagatan.

Pagyamanin: Isagawa
1.E 1. T
2.C 2.T
3.D 3.M
4.A 4-5. (iba-iba ang sagot ng
5.B mga bata)

Lesson 8
Isagawa Pagyamanin: Isaisip Tayahin
1.KAPATAGAN- lupa na malawak at 1.C 1. geothermal 1. 6. B
patag 2.A 2.haydroelektriko 2.D 7. D
TALAMPAS- mataas na anyong lupa 3.E 3.talampas 3.A 8. D
na patag ang ibabaw 4.B 4.tsanel 4.A 9. D
2.BUNDOK- pinakamataas na anyong
5.D 5.lambak 5.D 10. A
lupa
BUROL- mataas na lupa ngunit mas
mababa kaysa bundok
3. KIPOT- nagdurugtong sa dalawang
malaking anyong tubig ngunit ito ay
makipot 19
Sanggunian:

Adriano, M. G.V., M. A. Caampued , C. A. Capunitan., W.F. Galarosa, N.P.


Miranda, & E.R. Quintos (2015). Araling Panlipunan-Ikaapat na
Baitang. VIBAL Group Publishing, Inc

Anda, Menardo O. (2006) Makabayan: Kapaligirang Pilipino, Batayang


Aklat sa Ikaapat na Baitang, LG&M Corporation

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

20
21

You might also like