You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Cavite Province
District of Trece Martires City II
BAGONG POOK ELEMENTARY SCHOOL
Brgy. Inocencio, Trece Martires City

Gawain sa Pagkatuto sa Araling Panlipunan IV

Gawain sa Pagkatuto A: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa kuwaderno (notebook) ng Araling Panlipunan.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa______________ng Asya.


A. hilagang-kanluran C. timog-silangan
B. timog-kanluran D. hilagang-timog
2. Ang Pilipinas ay tinaguriang _________bilang bahagi ito ng kontinente.
A. Pintuan ng Asya C. Pintuan ng mga Dayuhan
B. Pintuan ng mga Pilipino D. Pintuan ng kayamanan
3. Paano matutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas?
A. batay sa kaugnay na kinalalagyan C. batay sa mga bansa
B.batay sa saligang batas D. batay sa globo at mapa
4. Kung pagbabatayan ang pangunahing direksyon, ano-ano ang mga bansa na nakapaligid sa
Pilipinas?
A. Taiwan, Brunei, Vietnam C. China, Indonesia,Singapore
B. Amerika, Cambodia, Singapore D. Hongkong, Laos, Vietnam
5. Kung pagbabatayan ang pangunahing direksyon, ano-ano ang mga katubigan na nakapaligid sa
Pilipinas?
A. Bashi Channel, Dagat Kanlurang Pilipinas, Dagat Celebes, Dagat Kanlurang Pilipinas
B. Ilog Nile, Isla ng Paracel, Borneo, Bashi Channel
C. Karagatang Pasipiko, Isla ng Paracel, Dagat Celebes, Ilog Nile
D. Dagat Kanlurang Pilipinas, Dagat Celebes, Isla ng Paracel, Ilog Nile

Gawain sa Pagkatuto B. Gamitin ang mapa ng Asya. Hanapin ang mga bansa at katubigan na
nakapaligid sa Pilipinas. Gamitin ang pangunahing direksyon. Isulat ang sagot sa kuwaderno
(notebook) ng Araling Panlipunan.

Pangunahing Direksyon Bansa na nakapaligid sa Katubigan na nakapaligid sa


Pilipinas Pilipinas
Hilaga
Silangan
Timog
Kanluran

Gawain sa Pagkatuto C. Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa gawing
silangan, T kung sa gawing timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa
ibaba. Isulat ang sagot sa kuwaderno (notebook) ng Araling Panlipunan.

______1. Cambodia ______6. Karagatang Pasipiko


______2. Taiwan ______7. Indonesia
______3. Dagat Kanlurang Pilipinas ______8. Bashi Channel
______4. Brunei ______9. Dagat Celebes
______5. Dagat Sulu ______10. Vietnam

You might also like