You are on page 1of 2

2nd Summative Test in AP 4

Pangalan______________________________________Iskor______Petsa_______
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang direksyon ng Vietnam mula sa Pilipinas ay nasa______.
A. timog B. hilaga C. kanluran D. silangan
2. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang_______.
A. China B. Japan C. India D. Taiwan
3. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa___________.
A. Timog Asya C. Kanlurang ASya
B. Silangang Asya D. Timog-silangang Asya
4. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang______.
A. Bashi Channel C. Karagatang Pasipiko
B. Dagat Celebes D. Dagat Kanlurang Pilipinas
5. Ang pinakamalayong bansa sa hilagang-kanluran ng Pilipinas ay ang_______.
A. Japan B. Malaysia C. India D. Indonesia

Panuto: Isulat ang tsek ( / ) kung ang kaugnayan ng lokasyon sa heograpiya ay nakabubuti sa
bansa at ekis ( X ) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.
_______1. Hindi naipapaabot agad ng mga mamamayan ang kanilang mga hinaing o suliranin
sa pamahalaan lalo na yaong mga nasa liblib na lalawigan o kabundukan.
_______2. Ang pagkakaroon ng bulkan sa bansa ay nakatutulong din sa pagpapataba ng lupa
na mahalaga sa pagtatanim.
_______3. Ang pagiging kapuluan ay malaking hadlang sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang
bahagi ng bansa.
_______4. Marami tayong pulo na nagsisilbing daungan ng iba’t ibang sasakyang pandagat.
_______5. Hindi lubos ang pagkakabuklod o pagkakaisa ng mamamayan dahil sa hiwa-hiwalay
ang kapuluan na may kanya-kanyang wika.
_______6. Malawak ang ating pangisdaan kaya sagana sa yamang tubig ang bansa.
_______7. Maraming daungan sa bansa na maaring maging daanan ng mga iligal na kalakal.
_______8. Marami tayong mga magagandang baybayin na dinarayo ng mga turista.
_______9. Nagsilbing atraksiyon ang mga bulkan at baybayin sa maraming turista na naging
dahilan ng pag-unlad ng turismo ng bansa.
______10. Nahihirapan ang ating pamahalaan na maiparating ang tulong pangkalusugan,
edukasyon, at pangkabuhayan sa mga kapuluan at kabundukan.

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi.
_________1. Madaling masakop ng ibang bansa ang Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito
_________2. Hindi nakatulong ang pagiging kapuluan ng Pilipinas dahil walang naituring na
sentrong pangkalakalan ang bansa.
_________3. Ang pagkakaroon nang malawak na kapatagan ng bansa ay nagdulot ng saganang
produsyon ng palay at iba pang pananim.
_________4. Ang heograpiya ng isang bansa ay walang epekto sa pag-unlad ng ekonomiya,
politika, at mga polisiyang militar nito.
_________5. Ang heograpiya ay pag-aaral ng katangiang pisikal ng lugar tulad ng lokasyon,
hugis, sukat, lawak, klima, anyong lupa, anyong tubig, at iba pang pinagkukunang-yaman.

You might also like