You are on page 1of 3

Integrated School of Learning and Character Development Inc

#10 MOD Avenue Pilar Village Las Piñas City Metro Manila
Contact No: 541 - 9469
S.Y. 2019 – 2020

Name: __________________________________________ Date: _____________


Grade & Section: _________________________ Score:

1st Summative Test


Araling Panlipunan – 4

I. A. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung kaya makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon, at lahi.
a. teritoryo b. bansa c. pamahalaan d. lalawigan
2. Ito ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at kalawakan sa itaas nito.
a. teritoryo b. bansa c. lalawigan d. mundo
3. Sila ay samahan o organisasyong political na itinataguyod ng mga grupo ng tao na naglalayong magtatag
ng kaayusan at magpanatli ng isang sibilisadong lipunan.
a. bansa b. pamahalaan c. departamento d. organisasyon
4. Ano-anu ang mga salik o katangian ng isang lugar para masabing isa itong bansa?
a. may tao c. may tao, teritoryo, at pamahalaan
b. may tao at teritoryo d. may tao, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
5. Alin sa mga sumusunod na lugar sa mundo ang maituturing na bansa?
a. Pilipinas c. United States of America
b. China d. lahat ng nabanggit

I. B. Panuto: Tingnang muli ang mapa ng Asya sa globo. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang
salita o impormasyong bubuo sa diwa nito.

1. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ___________.


A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Kanlurang Asya D. Timog-silangang Asya
2. Ang anyong tubig na nasa timog na bahagi ng Pilipinas ay ang __________.
A. Bashi Channel C. Dagat Celebes
B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Kanlurang Pilipinas
3. Ang direksiyon ng Vietnam mula Pilipinas ay nasa gawing __________.
A. hilaga C. timog
B. silangan D. kanluran
4. Ang pinakamalapit na bansa sa hilaga ng Pilipinas ay ang __________.
A. China C. Taiwan
B. Japan D. Hongkong
5. Ang pinakamalayong bansa mula sa kanluran ng Pilipinas ay ang __________.
A. Laos B. Myanmar
C. Thailand D. Cambodia
II. Panuto: Lagyan ng tsek ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar
para maituring na isang bansa.

_____ 1. May mga mamamayang naninirahan sa bansa.


_____ 2. Pinamamahalaan ng iba pang bansa
_____ 3. Binubuo ng tao, pamahalaan, at teritoryo lamang
_____ 4. May sariling pamahalaan
_____ 5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang himpapawid at
kalawakan sa itaas nito
_____ 6. Ang Pilipinas ay isang bansa.
_____ 7. Hindi malaya ang Pilipinas kaya hindi ito isang bansa.
_____ 8. Tao, teritoryo, at pamahalaan lamang ang kailangan para maging isang bansa ang isang lugar.
_____ 9. Ang Pilipinas ay maituturing na isang bansa dahil ito ay malaya, may sariling teritoryo at
pamahalaan, at may mga mamamayan.
_____ 10. Ang lugar na pinakikialaman ng ibang bansa at walang sariling pamahalaan ay hindi maituturing
na bansa.

III. Panuto: Gamit ang mapa: Isulat sa patlang ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T
kung sa timog, at K kung sa kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba.

_____ 1. Dagat Celebes _____ 5. Indonesia

_____ 2. Vietnam _____ 6. Karagatang Pasipiko

_____ 3. Brunei _____ 7. Dagat Sulu

_____ 4. Bashi Channel _____ 8. Taiwan

IV. A Punan ang patlang ng mga nawawalang katinig upang mabuo ang tamang sagot. Gamitin
nang minsan ang bawat katinig sa kahon. Markahan ng ekis ( x ) ang bawat titik na
nagamit.

HPSN T P H T G P G K R G Y P R B M G P N G T K S
1. Ahensya ng pamahalaang sumusubaybay at nag-uulat ng kalagayan ng ating panahon.
___ A ___ A ___ A
2. Hangin mula sa hilagang- silangan.
A ___ I ___ A ___
3. Pinagmulan ng karamihan ng mga bagyo sa Pilipinas.
___ A ___ A ___ A ___ A ___ ___ ___ A ___ I ___ I ___O
4. Hangin mula sa timog – kanluran
___ A ___ A ___ A ___
IV.B Paghambingin ang mga sumusunod na salita.

Panahon Klima

Prepared by: Teacher


Danica

You might also like