You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan:_______________________________________ Petsa:_____________________
Baitang at Pangkat:_______________________________ Guro:______________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa
patlang ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ang elemento ng pagkabansa na tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan at kalayaang magpatupad ng mga programa nang
hindi pinakikialaman ng ibang bansa.
a. tao b. teritoryo c. pamahalaan d. soberanya

_____ 2. Tumutukoy naman ito sa pinakamahalagang elemento ng bansa na naninirahan sa


teritoryo nito.
a. tao b. teritoryo c. pamahalaan d. soberanya

_____ 3. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng _____na elemento.
a. tatlo b. apat c. lima d. anim

_____ 4. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na bansa?


a. Mindanao b. China c. Australia d. United Kingdom

_____ 5. Saan matatagpuan ang Pilipinas?


a. Silangang Asya c. Kanlurang Asya
b. Timog Asya d. Timog-silangang Asya

_____ 6. Sa kabuuan, ang lokasyon o kinalalagyan ng Pilipinas ay masasabing ______.


a. matubig at watak-watak c. buong kapuluan na napaliligiran ng tubig
b. layo – layo ang mga isla d. maliit na isla ngunit matubig

_____ 7. Kung gagamitin ang mga pangunahing direksiyon, ang Pilipinas ay napaliligiran ng
bansang ________ at _________ sa hilaga.

a. Taiwan at Bashi Channel c. Brunei at Indonesia


b. Karagatang Pasipiko at Dagat Celebes d. Vietnam at Taiwan

_____ 8. Ang Pilipinas ay kapuluang napapaligiran ng __________.


a. tao b. hayop c. tubig d. hayop

_____ 9. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?


a. Napakainit sa Pilipinas. b. Hindi gaanong mainit at malamig sa Pilipinas.
c. Malamig at mainit sa Pilipinas. d. Napakalamig sa Pilipinas.

_____ 10. Ito ay salik ng klima na tumutukoy sa nararanasang init o lamig sa isang lugar.
a. panahon b. dami ng ulan c. lakas ng hangin d. temperature

_____ 11. Ang hanging _______ ay malamig na hangin na nagmumula sa hilagang – silangan.
a. monsoon b. climate change c. amihan d. habagat

_____ 12. Kailan inilalagay sa babala bilang 2 ang isang bagyo?


a. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa
loob ng 36 na oras.
b. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa
loob ng 24 na oras.
c. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa
loob ng 18 na oras.
d. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa 185 bawat oras sa loob ng 12 oras.
_____ 13. Tumutubo ito sa lahat ng dako ng bansa lalo na sa mga lupang di-gaanong malagkit kung
magputik.
a. palay b. puno ng niyog c. molave d. waling-waling

_____ 14. Ito ang hayop na matatagpuan sa isla ng Balabac sa Palawan na tulad ng daga
ang mukha at sa baboy ang mga paa nito.
a. tarsier b. Philippine eagle c. tamaraw d. mouse deer

_____ 15. Tinaguriang hari ng mga ibon ang ________________.


a. tarsier b. Philippine eagle c. tamaraw d. mouse deer

_____ 16. Ang _________ ang pinakamaganda at pinakamalaking orkidyas na makikita sa


kagubatan ng Mindanao.
a. morning glory b. waling – waling c. sunflower d. sampaguita

_____ 17. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagiging insular ng bansa?
a. mayaman ito sa yamang – dagat b. napapaligiran ng mga dagat at karagatan
c. napapaligiran ng mga bansa sa Asya d. kakikitaan ng maraming baybayin

_____ 18. Alin ang hindi kapakinabangan ng isang bansang insular?


a. Ang kainaman ng mga daungan sa bansa na nagsisilbing daungan ng mga
sasakyang pandagat.
b. Nagsisilbing pang-akit sa mga turista ang kagandahan ng mga dagat at
baybayin nito.
c. Nagsisilbing daanan ng mga kalakal mula sa ibang bansa.
d. Madaling masasakop ng ibang bansa ang ating bansa.

_____ 19. Ang _________ ang pinakamataas na anyong lupa.


a. bundok b. talamapas c. kapatagan d. burol

_____ 20. Ito ang anyong lupa na may bunganga sa tuktok at maaaring pumuputok.
a. bundok b. burol c. talampas d. bulkan

_____ 21. Ano ang pinakatanyag na burol sa bansa na matatagpuan sa Carmen, Bohol.
a. Chocolate Hills b. Bundok Cordillera c. Sierra Madre d. Bundok Makiling

_____ 22. Malawak na lupain, patag at mababa lamang. Angkop itong pagtaniman ng mga
gulay, mais, at palay.
a. bundok b. kapatagam c. lambak d. talampas

_____ 23. Saan matatagpuan ang pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas na napaliligiran ng


isang lawa.
a. Bicol b. Zambales c. Taal, Batangas d. Baguio

______ 24. Ito ang tinaguriang “Palbigasan ng Mindanao”.


a. Lambak ng Cotabato c. Lambak ng Koronadal
b. Lambak ng Cagayan d. Lambak ng Trinidad

_____ 25. Pinakamalalim, pinakamalawak, at pinakamalaki sa lahat ng anyong tubig ay ang ____.
a. dagat b. ilog c. lawa d. karagatan

_____ 26. Ito ang anyong tubig na tulad ng look na naliligid din ng lupa at karaniwang
nasa bukana ng dagat.
a. dagat b. look c. golpo d. kipot

_____ 27. Ang ___________ ay anyong tubig na nagmumula sa ilalim ng lupa.


a. talon b. bukal c. look d. kipot

_____ 28. Bilang batang Pilipino, alin sa mga sumusunod ang hindi mo tungkulin sa mga
pinagkukunang-yaman ng bansa.

a. Pabayaan lamang ang mga ito. c. Pagyamanin ang mga yaman ng bansa
b. Gamitin ang mga ito ng wasto d. Ingatan at pangalagaan ang mga ito.
____ 29. Ano ang kahalagahan ng mga yaman ng bansa para sa mga mamamayan?
a. Kumukuha ang mga mamamayan ng kanilang pang-araw-araw na
pangangailangan dito.
b. Malaking tulong ito sa mga tao upang umunlad sa bansa.
c. Hindi nagugutom ang mga tao dahil mayroon silang makakain mula sa yamang-likas.
d. lahat ng nabanggit

_____ 30. Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas na matatagpuan sa pagitan ng mga
lalawigan ng Davao at Hilagang Cotabato.
a. Bundok Kidapawan c. Bundok Makiling
b. Bundok Apo d. Bundok Sierra Madre

_____ 31. Isa itong tradisyunal na Bangkang matatagpuan sa mga baybayin ng Lungsod ng
Zamboanga.
a. Rizal Shrine b. vinta c. Chocolate Hills d. windmills

_____ 32. Ang pinakamataas na talon sa bansa ay ang ____________.


a. Talon ng Pagsanjan c. Talon ng Maria Cristina
b. Ilog Agos d. Puerto Princesa Subterranean River

_____ 33. Hinango ang pangalan nito sa isang alamat ng Bicol sa Daragang Magayon na
ang ibig sabihin ay “magandang dalaga”.
a. Bulkang Mayon c. Bulkang Pinatubo
b. Bulkang Taal d. Bulkang Hibuk – Hibok

_____34. Sa Alaminos ay matatagpuan ang _______________.


a. Bangui Windmills c. Hagdan – hagdang Palayan
b. Sto. Niño Shrine d. Hundred Islands

_____ 35. Kailan inilalagay sa babala bilang 4 ang isang bagyo?


a. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras sa
loob ng 36 na oras.
b. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 100 kilometro bawat oras sa
loob ng 24 na oras.
c. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa
loob ng 18 na oras.
d. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa 185 bawat oras sa loob ng 12 oras.

_____ 36. Anong rehiyon matatagpuan ang CALABARZON?


a. Rehiyon I b. Rehiyon IV – A c. Rehiyon IV – B d. Rehiyon V

_____ 37. Ang rehiyong ito ay isang kapatagan na sentro ng pamahalaan, edukasyon,
relihiyon, at industriya.
a. NCR b. CARAGA c. ARMM d. CAR

_____ 38. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring gawin kapag may bagyo?
a. Lumabas ng bahay. c. Makinig sa radyo sa mga ulat panahon.
b. Lumikas sa mas ligtas na lugar d. Ayusin ang mga kagamitan habang hindi pa
lumalakas ang bagyo.

_____ 39. Alin ang naidudulot sa bansa ng pagiging mayaman nito sa kangiang pisikal?
a. Laging dinadaanan ng bagyo.
b. Nagiging tama dang mga tao dahil umaasa na lamang sa likas na yaman.
c. Nagkakaroon ng mga pagkakakitaan ang mga mamamayan.
d. Nawawalan ng takot sa Diyos ang mga mamamayan

_____ 40. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang naidudulot ng pagiging mayaman
ng bansa?
a. Napapaunlad nito ang ugaling Pilipino gaya ng pagiging matatag at determinado.
b. Nagiging kaagapay ito sa pagsulong ng bansa.
c. Maraming mga dayuhan ang ayaw pumunta dito.
d. May pagkakaisa ang mga Pilipino.
TABLE OF SPECIFICATION
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN IV

KAKAYAHAN BILANG NG PORSYENTO BILANG NG KINALALAGYAN


ARAW (%) AYTEM NG AYTEM
1. Natutukoy ang mga elemento
ng pagkabansa at ang 10% 4 1, 2, 3, 4
kahalagahan nito.
2. Natutukoy ang relatibong
lokasyon ng Pilipinas batay
sa mga nakapaligid dito 10% 4 5, 6, 7, 8
gamit ang pangunahin at
pangalawang direksyon.
3. Natutukoy ang mga salik na
may kinalaman sa klima ng 7.5% 3 9, 10, 11,
bansa.
4. Natutukoy ang mga
magagandang tanawin at 12.5% 5 30, 31, 32, 33, 34
lugar pasyalan bilang likas
na yaman ng bansa.
5. Natutukoy ang
magagandang mungkahi
upang mabawasan ang 2.5% 1 38,
masamang epektong dulot
ng kalamidad.
6. Natutukoy ang apat na
babalang bilang ng bagyo 5% 2 12, 35
ayon sa bilis ng hangin sa
bawat oras.
7. Natutukoy ang mga pananim
na tumutubo sa iba’t ibang
lugar sa bansa at mga hayop 10% 4 13, 14, 15, 16
na sa Pilipinas lamang
nabubuhay.
8. Natutukoy ang
kapakinabangan ng pagiging 5% 2 17, 18
insular ng bansa.
9. Natutukoy ang iba’t ibang 19, 20, 21, 22, 23,
anyong lupa at anyong tubig 22.5% 9 24, 25, 26, 27,
sa Pilipinas.
10. Natutukoy ang topograpiya 5% 2 36, 37
ng iba’t ibang rehiyon ng
bansa.
11. Natutukoy ang kahalagahan
ng mga katangiang pisikal 5% 2 39, 40
sa pag-unlad ng bansa.
12. Natutukoy ang kahalagahan
ng mga yaman ng bansa at 5% 2 28, 29
ang tungkulin ng tao dito.

KABUUAN 100% 40

Prepared by:

GINA C. GONZALES
AP Teacher

You might also like