You are on page 1of 2

Department of Education

Region VIII
Division of Southern Leyte
District of Macrohon
AGUINALDO ELEMENTARY MG SCHOOL

1ST Summative Test in Araling Panlipunan 6


1st Quarter
SY 2022-2023
Name:___________________________Grade Level:____ Score:______

A. Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano ang


tintukoy nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang tawag sa sukat ng lupaing nasasaklaw ng hurisdiksyon ng isang
bansa?
a. Teritoryo
b. Archipelago
c. Insular
d. Lokasyon
2. Aling kasunduan o batas ang nilagdaan ng dating Pangulong Ferdinand
Marcos na nagsasabing ang mga pulo ng Kalayaan ay sakop ng Pilipinas?
a. Saligang Batas 1935
b. Kasunduan sa Paris
c. Atas ng Pangulo Blg. 1596
d. Kasunduan sa Washington
3. Alin sa sumusunod na mga pulo ang nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas
dahil sa nabuong kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran
Britanya noong Enero 2, 1930?
a. Mangsee at Turlte Islands
b. Isla ng Sabah
c. Spratly Islands
d. Batanes Group of Islands
4. Saang bansa nangyari ang pagpupulong ng UNCLOS kung saan
napagtibay ang Karapatan ng pagmamay-ari ng teritoryong pantubig ng
bawat bansa?
a. Vatican City
b. Pransya
c. Estados Unidos
d. Jamaica
5. Saang artikulo sa Konstitusyon ng Pilipinas na matatagpuan ang tungkulin
ng bawat Pilipinong pangalagaan at ipagtanggol ang bansa?
a. Artikulo 1
b. Artikulo 2
c. Artikulo 3
d. Artikulo 4
6. Aling kasunduan ang nagsasaad na ipinagkaloob ng Espanya sa Estados
Unidos ang Pilipinas sa halagang dalawampung milyong dolyar?
a. Kasunduan sa Paris
b. Atas ng Pangulo Blg. 1596
c. Kasunduan ng Estados Unidos at Espanya
d. Kasunduan ng Estados Unidos at Gran Britanya
7. Sa aling rehiyon ng Asya nabibilang ang Pilipinas?
a. Silangang Asya
b. Hilagang Asya
c. Timog Asya
d. Timog-Silangang Asya
B. Suriin ang mga pahayag. Isulat sa patlang ang SB kung ang kaisipan
ay nagpapahiwatig na ang teritoryo ng Pilipinas ay nakasalig sa
Saligang Batas, KB kung sa kasaysayan ng Bansa at DP kung ito ay
batay sa Doktrinang Pangkapuluan.

_____1. Isinama sa teritoryo ng Pilipinas ang nga Pulo ng Cagayan at Sibutu.


_____2. Ang pambansang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng kapuluang
Pilipinas kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatang nakapaloob nito.
_____3. Nadagdag sa teritoryo ng Pilipinas ang mga pulo ng Turtle at
Mangsee.
_____4. Pinahaba ng 12 nautical miles and dating 3 nautical miles bilang
hanggahan ng teritoryo sa palibot ng kapuluan.
_____5. Ipinahayag ni Pang. Marcos na ang lahat ng pulong kabilang sa
pangkat ng Kalayaan Islands ay sakop ng teritoryo ng Pilipinas.
_____6. May Karapatan ang isang estado na galugarin, pangalagaan, at
gamitin ang likas na yamang sinasakop nito.
_____7. Nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas ang lahat
ng kalupaan, katubigan, at himpapawiring sakop nito.
_____8. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa
mga pulo ng kapuluan, maging anuman ang lawak at dimension nito ay
sakop sa teritoryo bg Pilipinas
_____9. Inaprubahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) na nagsasaad na
ang isang kapuluang estado ay may hurisdiksyong hanggang 200 nautical
miles mula sa batayang guhit kung saan sinusukat ang territorial sea.
_____10. Ang kabuoang lawak ng lupa at Exclusive Economic Zone ng
Pilipinas ay umaabot sa 1, 208, 986 kilometro kuwadrado.

C. Tukuyin ang relative at absolute location ng Pilipinas.

Relatibong Lokasyon
Tukuyin ang mga katubigan o kalupaang nakapaligid sa Pilipinas
Hilaga Timog Silangan Kanluran

Absolute Lokasyon
Tukuyin ang tiyak na lokasyon ng Pilipinas gamit ang latitude at
longitude
Longitude Latitude

Bakit mahalagang matukoy ang relatibo at tiyak na lokasyon ng Pilipinas?


5pts.
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

You might also like