You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

Unang Maikling Pagsusulit


Ikalawang Markahan
ARALING PANLIPUNAN 6

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

Panuto: Tukyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. BILUGAN ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang ginamit na paraan ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
a. Makataong Asimilasyon b. Pamahalaang Militar c. Pamahalaang Sibil d. Asamblea ng Pilipinas
2. Ang uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng mga Pilipino.
a. Pamahalaang Sibil b. Pamahalaang Merritt c. Pamahalaang Schurman d. Pamahalaang Militar
3. Maraming Pilipino ang lumahok sa pamahalaan sa ilalim ng pamahalaang sibil ng patakarang .
a. Pilipino Muna c. Pilipinas ay para sa mga Pilipino
b. Pilipinisasyon ng Pilipinas d. Makataong Asimilasyon
4. Sino ang kauna-unahang gobernador militar ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos?
a. William H. Taft b. Wesley Merritt c. William Mckinley d. Jacob Schurman
5. Sino ang namuno sa Partido Federal sa Pilipinas?
a. Gregorio A. Araneta b. Trinidad H. Pardo de Tavera c. Benito Legarda d. Jose Ruiz de Luzuriaga
6. Kailan naitatag sa Pilipinas ang Partido Federal upang payapain ang mga Pilipinong mag-alsa laban sa mga Amerikano?
a. Disyembre 23, 1900 b. Mayo 7, 1899 c. Pebrero 6, 1901 d. Agosto 14, 1898
7. Ang uri ng pamahalaan na ipinalit sa Pamahalaang Militar.
a. Pamahalaang Sibil b. Pamahalaang Taft c. Pamahalaang Militar d. Pamahalaang Schurman
8. Ano ang tawag sa ipinanukala ni Senador John Spooner noong 1901?
a. Susog John b. Susog Spooner c. Batas John d. Batas Spooner
9. Sino ang nagsilbing kumakatawan sa pangulo ng Estados Unidos sa pamahalaang military?
a. Gobernador Sibil b. Pangalawang Pangulo c. Gobernador Militar d. Pangulo
10. Alin sa mga sumusunod ang ipinangako ng Pamahalaang Sibil sa pamumuno ni Gobernador Taft?
a. Pagpapahalaga ng mga karapatang sibil at pagsasanay sa malayang pamamahala sa sarili
b. Pagpaparami ng magsasaka
c. Pagpapadami ng sundalong Pilipino
d. pagbibigay ng libreng pabahay

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at BILUGAN ang tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap.

11. Sino ang unang gobernadora Sibil?


( Henry Allen Cooper ; William H. Taft )
12. Sino ang nagtaguyod ng Philippine Autonomy Act?
( Woodrow Wilson ; William Atkinson Jones )
13. Kailan pinagtibay ang Komisyon ng Serbisyo Sibil? Itinadhana nito ang pagbibigay ng pagsusulit sa sinumang nais maglingkod sa pamahalaan.
( Setyembre 19, 1900 ; Agosto 19, 1969 )
14. Sino ang punong mahistrado ng Korte Suprema sa Pamahalaang Sibil?
( Cayetano Arellano ; Trinidad H. Pardo de Tavera )
15. Kailan ang itinakda ng Batas Tydings Mcduffie ang kasarinlan ng Pilipinas pagkatapos ng 10 taon?
( Marso 24, 1934 ; Hulyo 4, 1946 )
16. Anong Partido ang nangangampanya na gawing estado ng Estados Unidos ang Pilipinas kaysa maging kolonya nito?
( Nacionalista ; Federal )
17. Sino ang napalapit sa damdamin ng mga Pilipino dahil sa kanyang makataong pamumuno?
( Taft ; Forbes )
18. Ano ang tawag sa unti-unting pagsasalin ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas ng kapangyarihang mamahala sa mamamayang Pilipino?
( Pilipinisasyon ; Nacionalista )
19. Anong slogan ang pinakalat ni William H. Taft?
( Ang Pilipinas ay Para sa Pilipino ; Ang Pilipinas ay Para sa mga Amerikano )
20. Ano ang pangunahing patakarang ipinatupad ng Estados Unidos upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino?
( Ang Pilipinas ay Para sa Pilipino ; Makataong Asimilasyon )

Panuto: Suriin ang pangungusap na magiging gabay sa pagsasa-ayos ng mga titik. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

21. MNAUEL QEZUON Ang nanguna sa paghahanap ng batas pangkalayaan


22. MSYONGI SOORX Kilala sa tawag na “Misyong Pangkalayaan”
23. SMEAÑO TA SAXOR Namuno sa Misyong Pangkalayaan (dalawang tao)
24. FKLINRA OSOERVLET Ang nagpatibay at naglagda ng Batas Tydings-Mcduffie
25. ASTAB ONESJ Ang batas na nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas,
subalit hindi nito tiniyak ang takdang taon ng pagbibigay

Page 1 of 4
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
DISTRICT OF BULAKAN
TALIPTIP ELEMENTARY SCHOOL
Taliptip, Bulakan, Bulacan

Unang Maikling Pagsusulit


Ikalawang Markahan
FILIPINO 6

Pangalan: Marka:
Baitang/Seksyon: Petsa:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga talaarawan at anekdota. Sagutin ang sumusunod na tanong.
Mahal kong Talaarawan,

7 Marso 2020
Sabado

Ngayon ay Sabado at ito na ang pinakahihintay kong araw dahil aalis kami ni mama papuntang mall upang mamili ng mga gamit ko para sa
recognition. Maaga akong gumising, kumain, naligo at umalis na. Excited na akong mamili ng mga damit ko at sapatos. Pagkatapos naming
mamili ni mama, kumain kami sa isang kainan ng batchoy at umuwi na.

8 Marso 2020
Linggo

Linggo ngayon at araw ito para sa Poong Maykapal. Maaga kaming naghanda dahil magsisimba kami. Pagkatapos naming magsimba pumunta
kami sa mall, namasyal at kumain, walang ano-ano biglang sumakit ang tiyan ko dahil naparami ang kain ko ng kanin, fried chicken at inom ng
softdrinks. Niyaya ko na sina mama na umuwi dahil masakit ang tiyan ko.

Nagmamahal,
Jilian

1. Saan nagpunta ang mag-ina?


2. Ano-ano ang kanilang bibilhin?
3. Maliban sa pamimili, ano pa ang ginawa nila?
4. Ano ang ginawa ng pamilya sa araw ng Linggo?
5. Bakit nagyayang umuwi kaagad si Jilian?

Mahal kong Talaarawan,

12 Enero 2019
Lunes

Isang nagmamadaling umaga na naman para sa akin. Lunes ngayon at higit sa lahat may flag ceremony kaya hindi ako puwedeng
mahuli. Kaya lang, pagdating ko sa aming paaralan ay nag-uumpisa na ito. Kumpulan na ang mga mag-aaral sa labas dahil hindi rin sila
nakapasok gaya ko. Humingi na lamang kami ng paumanhin upang makapasok.

Pag-akyat naman naming sa aming silid-aralan ay sarado na ang pintuan. Hindi nagtagal pinapasok din kami dahil humingi kami ng
paumanhin. Sa bawat asignatura kami ay nagbalik-aral dahil sa darating na Martes magkakaroon kami ng pagsusulit.

13 Enero 2019
Martes

Kabadong-kabado ako sa araw na ito, paano ba naman ay hindi ako nakapagrebyu kagabi. Pagdating ko sa aming paaralan, umupo
ako agad at binuklat ang aking aklat upang magrebyu. Maya-maya dumating na ang aming guro, nagsimula na nga ang aming pagsusulit.
Nahirapan ako dahil nga hindi ako nakapagrebyu nang mabuti.

Nagmamahal,
Nanette

6. Sino ang sumulat ng talaarawan?


7. Bakit nagmamadali si Nanette sa araw ng Lunes?
8. Ano ang kanyang nadatnan pagdating sa paaralan?
9. Ano ang ginawa nila sa bawat asignatura sa araw ng Lunes?
10. Ano ang magaganap sa araw ng Martes?
11. Bakit kinakabahan si Nanette nang dumating ang araw ng Martes?
12. Ano ang bunga ng hindi pagrerebyu ng mabuti ni Nanette?

Page 2 of 4
Si Alisya ay tumama sa lotto. Siya ay maysakit sa puso. Nalaman ng kaniyang kaibigan, si Tamyang na siya ay nanalo sa lotto kaya nag-isip ng
paraan ito upang sabihin sa kaniya ang balita nang hindi ito inaatake sa puso.

Sa kanilang pag-uusap ay tinanong ni Tamyang kung ano ang gagawin ni Alisya kung malaman niyang tumama siya sa lotto.

Sinabi nito na kung siya ay tumama ay ibibigay niya ang kalahati kay Tamyang. Si Tamyang ang inatake sa puso.

13. Sino ang tumama sa lotto?


14. Bakit pinag-isipang mabuti ng ni Tamyang kung paano sasabihin sa kaniya ang pagkapanalo sa lotto?
15. Anong paraan ang naisip ng ni Tamyang para masabi na nanalo si Alisya sa lotto?
16. Ano ang nangyari kay Tamyang nang sabihin ni Alisya na ibibigay sa kaniya ang kalahati ng
napanaluhan?

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na anekdota. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

Minsan, ang kaibigan kong si Jane ay bumili ng sapatos na mas mahaba ng tatlong pulgada ang haba sap aa niya. Nag-aalala kasi siya na baka
sa susunod na araw ito ay sisikip. Kung sakali, masasayang lang ang pera niya at hindi ito maisusupt. Isang araw umulan nang malakas, habang
tumatakbo kami papasok sa umaandar na dyip, nahulog ang kapares ng kanyang sapatos. Mabilis umandar ang dyip at tuluyan na itong naiwan
sa kalsada. Itinapon niya rin ang isa dahil hindi niya na ito magagamit pa. Nasayang lamang ang kaniyang pera.

17. Kaninong anekdota ang iyong nabasa?


a. Jane b. Jona c. Mariz d. Roan
18. Ano ang kaniyang dahilan bakit bumili siya ng sapatos na mas malaki sa kaniyang paa?
a. Ibibigay niya sa kaniyang ate c. Gusto niya ng medyo maluwag na sapatos
b. Ipahihiram niya sa kaniyang kapatid d. Iniisip niyang sisikip ito at baka hindi na magamit
19. Ano ang ginawa niya sa natirang pares ng sapatos?
a. Itinago niya ito b. Ibinigay sa pulubi c. Ibinenta niya na lang ito d. Itinapon dahil hindi na niya ito magagamit
20. Anong nangyari bakit naiwan ang kapares ng kaniyang sapatos?
a. Sumasayaw siya papasok ng sasakyan c. Naglalaro sila ng kaibigan niya nang habulan
b. Naglalakad siya at bila itong naiwan d. Tumakbo siya papasok ng dyip at nahulog ito
21. Anong aral ang makukuha mo sa nabasang anekdota?
a. Huwag maging matatakutin c. Maging maalalahanin sa ano mang bagay
b. Sundin ang sariling desisyon d. Pag-isipan nang mabuti ang pagdedesisyon.

Panuto: Sumulat ng isang maikling talata na nagbabahagi ng pangyayaring iyong nasaksihan batay sa mga paksa sa ibaba.

22. Mga makabuluhang Gawain sa loob ng bahay habang naka- lockdown.

23. Mga pagbabagong nagaganap sa tinatawag na new normal.

24. Naging paghahanda para sa pasukan

25. Pagbibigay ayuda ng gobyerno sa mga mamamayan sa ilalim ng programang Social Amelioration Program o SAP.

Page 3 of 4
_______

Page 4 of 4

You might also like