You are on page 1of 26

ARALING PANLIPUNAN 4

MELC1Q2_WEEK1
 NATUTUKOY ANG IBA’T IBANG PAKINABANG
PANG-EKONOMIKO NG MGA LIKAS NA YAMAN
NG ATING BANSA.
 NAPANGANGALAGAAN ANG ATING MGA LIKAS
NA YAMAN PARA SA SUSUNOD NA SALINLAHI
 NAKAGAGAWA NG ISLOGAN NA NAGPAPAKITA
NG PANGANGALAGA SA ATING MGA LIKAS NA
YAMAN
ANO-ANO NGA BA ANG IBA’T
IBANG PAKINABANG
PANG-EKONOMIKO NG
LIKAS NA YAMAN NG
ATING BANSA?
BAYANG SINILANGAN
I
Bayang sinilangan, may likas na yaman
Na hango sa akin nitong kalikasan
Sa kaparangan man at sa kabundukan
Ang kasaganaa’y siyang natatanaw.
II
Ang payapang dagat, ilog, talon, batis
Tila kristal sa ganda at linis
Kalinisan at kalusugan
Sa yamang tubig maasahan.
III
Dalawang uri ng mineral
Ang metal at di-metal
Ginto, bakal at iba pa
Kabuhayan natin ay sasagana.
Tuklasin
 

Lagyan ng ekis (X) ang thumbs up kung ang larawan ay


nakakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa at thumbs
down kung hindi.
 
 

 
Gawain 2
Pangkatin ang mga likas na yaman ayon sa kapakinabangan
 

naibibigay nito.
  

 
Mapang Pang-ekonomiko
Punan ang tsart ng mga hinihinging impormasyon.
 

Likas na Yaman Kapakinabangang Pang-ekonomiko


Halimbawa:  
Bulkang Mayon Turismo
1.  

2.
3.
4.
5.
Gabay na Tayahin 1

Isulat sa patlang ang FACT kung ang pahayag ay katotohanan


at BLUFF kung opinyon.
 
___________ 1. Ang ating mga likas na yaman ay ating
pinagkakakitaan.
___________ 2. Mas nakakatulong ang mga pabrika at
imprastraktura sa ekonomiya ng bansa.
___________ 3. Ang mga matataas na gusali ay nagpapaunlad
din ng ating ekonomiya.
___________ 4. Ang mga produktong agrikultural gaya ng mangga,
abaca, troso, at iba’t ibang uri ng mineral ay iniluluwa
sa ibang bansa.
___________ 5. Ang pagtatanim sa gilid ng burol o bundok upang
mapigil ang daloy ng tubig at pag-agos ng lupa ay
isang matalinong paggamit ng likas na yaman.
Lumikha ng isang poster na nagpapakita ng pakinabang na
awain 1 pang-ekonomiko mula sa likas na yaman ng bansa.
an gG
ay
Mal
Rubrik para sa Pagbuo ng Poster
  4 Puntos 3 Puntos 2 Puntos 1 Puntos
Konsepto Ang mensahe ay mabisang Di-gaanong naipakita Medyo magulo ang Walang mensaheng
naipakita. ang mensahe. mensahe. naipakita.
Pagka Lubos na nagpamalas ng Naging malikhain sa Hindi gaanong Walang ipinamalas na
malikhain pagkamalik paghahanda. naging malikhain sa pagkamalik
hain sa paghahanda. paghahanda. hain sa paghahanda
Kaugnayan May malaking kaugnayan Di-gaanong may Kaunti lang ang Walang kaugnayan sa
sa Konsepto sa paksa ang islogan. kaugnayan sa paksa kaugnayan ng paksa ang islogan.
ang islogan. islogan sa paksa.
Kalinisan Malinis na malinis ang Malinis ang Di-gaanong malinis Marumi ang pagkakabuo.
pagkakabuo. pagkakabuo. ang pagkakabuo.
Sumulat ng isang maikling talata tungkol sa produkto ng
n1
Ta y a hi iyong pamayanan.
ng
Ma laya
Rubrik para sa Pagtataya ng Talata
Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula
4 puntos 3 puntos 2 puntos 1puntos
Nilalaman        
Presentasyon        
Organisasyon        
Baybay ng mga        
salita, pagbabantas
at gawi ng pagsulat
Isaisip

 Ang mga likas na yaman ay nakapagdudulot ng maraming


kapakinabangan sa ating ekonomiya.

 Ilan sa mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang-ekonomiko ay ang


mga produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman, turismo, at kalakal.
Tayahin

Subukan mo ngang sagutin ang mga katanungan.


Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.

 1. Ang mga taga-Marikina ay kilala sa pagiging mahusay sa mga gawaing


pangnegosyo. Anong mga produkto ang kanilang nililikha o ginagawa?
A. damit at pantalon
B. alahas at palamuti
C. banig at sumbrero
D. bag at sapatos
 
2. Anong produkto o kalakal ang matatagpuan o makukuha sa mga lugar na malapit sa
baybay-dagat?
A. palay, mais, at abaka
B. hipon, mani at saging
C. perlas, isda at alimasag
D. manok, baboy at kalabaw
 3. Ang mga taga-Paete Laguna ay kilala sa mga nililok na kagamitan. Ano naman ang
produkto at kalakal sa General Santos City?
A. Tuna at iba pang uri ng isda
B. Matitibay na muebles
C. Bagoong at isda
D. Bag at sapatos
4. Anong pakinabang na pang-ekonomiko ang dulot ng Bulkang Mayon,Palawan
Underground River at Puerto Galera sa ating bansa?
A. kalakal
B. turismo
C. enerhiya
D. produkto
5. Kung ang produkto sa Quezon ay niyog, sa Central Luzon naman ay
_______________.
A. kape
B. marmol
C. palay
D. pinya
6. Anong pang-ekonomikong pakinabang ang dulot ng lakas ng hangin sa
pamamagitan ng windmill?
A. turismo
B. produkto
C. kalakal
D. enerhiya
7. Ano-ano ang kapakinabangang naibibigay ng mga yamang tubig ng bansa tungo sa
pag-angat ng ekonomiya?
A. Pinapatakbo ang mga planta ng kuryente sa pamamagitan ng
puwersa ng tubig mula sa Talon ng Maria Cristina.
B. Bukod sa mga kalakal at produkto, likas na yaman ding maituturing
ang maraming lugar at tanawin sa bansa.
C. Dinarayo ng mga turista ang mga makasaysayang pook sa bansa.
D. Ang mga produkto ay iniluluwas sa ibang bansa
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng kaisipan ukol sa
matalinong paggamit ng likas na yaman?
A. Pagsusunog ng mga plastik at goma
B. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
C. Pagtatanim ng mga puno sa mga bundok
D. Pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat
9. Maraming produkto ang makukuha sa mga likas na yaman ng Pilipinas.Paano
nakatutulong ang mga ito sa pag-unlad ng ating kabuhayan ?
A. Dinarayo ng mga turista ang mga tanawin at makasaysayang
lugar.
B. Pinagkukunan ito ng enerhiya ng mga planta.
C. Nagbibigay ito ng iba’t ibang produkto at kalakal.
D. Lahat ng nabanggit
10. Kung patuloy na aalagaan at iingatan ang mga likas na yaman ng
bansa, alin sa palagay mo ang posibleng mangyari?
A. Mauubos na ang mga puno.
B. Hihina ang turismo ng bansa.
C. Patuloy na mapapakinabangan ng salinlahi ang mga likas na
yaman.
D. Lalo pang yayaman ang mga nagpuputol ng puno at nanghuhuli
ng sda sa pamamagitan ng dinamita.

You might also like