You are on page 1of 2

ACTIVITY SHEET

ARALING PANLIPUNAN 4

Q3-WEEK 5

Pangalan: _____________________________________________ Baitang: _____________ Seksiyon:


_______________________________________________ Petsa: _______________

PROGRAMANG PANGKALUSUGAN AT PANG-EDUKASYON NG PAMAHALAAN

Batayang Impormasyon

Ang lakas-tao ay isang napakahalagang bahagi ng lipunan. Nakasalalay sa tao ang pagbubuo ng
desisyon para sa pang-araw-araw na kahihinatnan ng kaniyang buhay at maging ng lipunang
kaniyang ginagalawan.

Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan.

Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na


mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan Ilan sa Malalaking Programa ng Kagawaran
1.National Health Insurance Program (NHIP), 2.Complete Treatment Pack, pagbabakuna,
programa sa mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit.

Pagbabakuna Itinataguyod at higit pang pinalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna o


imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at trangkaso.
Programa sa mga Ina at Kababaihan Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan
ang pangangalaga sa kalusugan ng mga ina. Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa
sentrong pangkalusugan ng mga nagdadalang-tao, libreng bitamina para sa kanila, at libreng
bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus.

Programa Laban sa Iba pang mga Sakit

Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis ay madali nang malunasan sa tulong ng programa ng
pamahalaan laban sa sakit na ito. Maliban sa walang bayad ang pagpapatingin, may mga gamot
pang ibinibigay ang mga health center para sa tuluyang paggaling ng mga mamamayang may
karamdamang ito.

Patuloyang pangangalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng mga mamamayan lalo na tuwing


nalalapit ang tagulan kung saan maraming mga bata ang nagkakasakit. Ka

GAWAIN 1: Buuin ang graphic organizer. Itala sa loob ng kahon ang mga serbisyong
pangkalusugan na tungkuling ipagkaloob ng pamahalaan sa mga mamamayan at mga
epekto sa mamamayan ng mga serbisyong ito.
Serbisyong Pangkalusugan Mga Epekto Nito

1.

2.

3.

4.

5.

GAWAIN 2: Bilugan ang tamang sagot.


1.Paglalagay ng murang tindahan ng gamot o botika sa mga komunidad
A.Pangkalusugan
B.Edukasyon
C.Pangkapayapaan
2. Pagbibigay ng libreng bakuna sa mga sanggol at bata
A.Pangkalusugan
B.Edukasyon
C.Pangkapayapaan
3. Sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok na taon-taong pinaghahandaan ng
pamahalaan.
A.Basic Education
B.K to 12 program
C.Dengue
4. Programa ng pamahalaan kung saan makikita sa mga barangay ang tindahan ng murang
gamot.
A.Botika ng barangay
B.K to 12 program
C.Dengue
5.Nararapat lamang na pangalagaan ang ating kalusugan.
A. Tama
B. Mali

SUSI SA PAGWAWASTO:
GAWAIN 1(DEPENDE SA SAGOT NG BATA)
GAWAIN 2:
1.A
2.A
3.C
4.A
5.A

You might also like