You are on page 1of 28

Disaster Management

ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa


pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
1. Hazard
-ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring
dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao. Kung hindi
maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan
1.1 Anthropogenic
Hazard o
Human-Induced Hazard
– ito ay tumutukoy sa mga hazard
na bunga ng mga gawain ng tao.
Ang maitim na usok
na ibinubuga ng mga pabrika
at mga sasakyan

1.2. Natural Hazard – ito naman ay tumutukoy sa


mga hazard na dulot ng kalikasan.
2. Disaster/Kalamidad
– ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang disaster ay natural gaya ng bagyo,
lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao tulad
ng digmaan at polusyon
Ilang halimbawa sa mga ito ay…

 Lindol
ay isang biglaan at mabilis na pagyanig o pag-
uga ng lupa na dulot ng pagbibiyak at pagbabago ng
mga batong nasa ilalim ng lupa kapag
pinakakawalan nito ang puwersang naipon sa
mahabang panahon.
• Ito ay paggalaw ng
lupa dulot ng
pagkikiskisan ng
TECTONIC PLATE.
• Karaniwang nagiging
EPICENTER ng lindol
ang mga FAULT LINES,
kung saan
nagsasalubong ang
dalawang
magkasalunggat na
tectonic plates.
 Bagyo
ay ang namumuong sama ng panahon, may
isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at
malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan,
karaniwang daan-daang kilometro o milya sa
diyametro ang laki.
• Ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na
TROPICAL CYCLONE na nabubuo sa
Karagatang Pasipiko

• 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na


PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon –
taon.

• PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and


ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION
(PAGASA) – naatasang magbantay at mag-
aral tungkol sa mga bagyo.
 Storm Surge
o dalúyong-bagyo ay ang hindi
pangkaraniwang pagtaas ng tubig
sa dalampasigan habang papalapit
ang bagyo sa baybayin.
Nakaaapekto sa tindi ng dalúyong-
bagyo ang lalim at oryentasyon ng
katubigan na dinaraanan ng bagyo
at ang tiyempo ng kati (mababa
ang tubig sa dagat).
 Tsunami
Isang uri ng sakuna na
nangyayari sa katubigan.

Ang madalas na sanhi


nito ay mga lindol, lalo na
ang lindol na nangyayari sa
ilalim ng tubig
 Pagsabog ng Bulkan
Ito ay likas na
pangyayari na maaring
maging sakuna kung
ito magkakaroon ng
malawak at negatibong
epekto sa mga tao.
• Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa mga
epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga lugar
na malapit sa fault lines.
• Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng
paglindol.
• PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND
SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang nagmomonitor
sa mga lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa.
• Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol
kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at
INTENSITY 10 ang pinakamalakas
3 pangunahing salik upang sumabog
ang bulkan
• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan nito
ayon sa kanyang volume kaya ito umaakyat palabas
sa bulkan.

• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA VOLCANIC


GASES.

• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB NG


MAGMA CHAMBER.
• Ang pinakamalubhang
pagsabog ng bulkan sa
kasaysayan ay ang
pagsabog ng Bulkang
Pinatubo sa Zambales
noong 1991 at naging
malawak ang pinsalang
idinulot nito.

• Umabot sa Brunei,
Cambodia, Malaysia,
Singapore at Vietnam
ang abong ibnuga nito.
• Ilang araw matapos ang pagsabog
ng Pinatubo ay tumama naman
ang isang malakas na bagyo.
Maraming bayan sa Pampanga
ang natabunan ng abo dahil sa
pag agos ng lahar.

• LAHAR ay pinaghalong abo


mulasa pagsabog ng bulkan, bato
at putik na rumaragasa dala ng
ulan o bagyo.
 Pagbaha
ay ang umaapaw at
tumataas na lebel ng tubig
na dulot ng malakas at
walang tigil na pag-ulan sa
komunidad.
Sunog
• Isa sa pinakamadalas na
sakunang nagaganap sa
Pilipinas dulot ng iba’t-
ibang salik.

• Ito ay nagiging sakuna


lamang kung ito ay
makakaapekto sa
maraming tao o
malawak na kapaligiran.
5 madalas pagmulan ng sunog
• Pangunahing sanhi
ng sunog ay
OVERLOADING sa
saksakan ng outlet,
at short circuit.

ELECTRICAL
• Nakaligtaang
sinaing o lutuin.

• Pagtagas ng gas
mula sa LPG
• Hindi dapat itatabi ang
kandila sa mga bagay na
madaling magliyab at
dapat laging may
bantay.

• Itinatapon ang
sigarilyong may sindi
3. Vulnerability
– tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura
na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga
hazard. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang
naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at antas ng
kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na
gawa sa hindi matibay na materyales.
4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang
pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama
ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng
pamayanan ang kadalasang may mataas na risk dahil
wala silang kapasidad na harapin ang panganib na
dulot ng hazard o kalamidad.
5. Resilience–ang pagiging resilient ng isang
komunidad ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na
harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang
pagiging resilient ay maaaring istruktural, at pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong upang
sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
5.1 MITIGATION
• ay ang mga kilos o
hakbang na
naglalayong bawasan
ang mga elementong
nakapagpapalala sa
negatibong epekto ng
sakuna.
5.2 ADAPTATION
• ay mga kilos o hakbang na
ginagawa upang
maaangkop ang mga tao
sa mga negatibong epekto
ng sakuna.

You might also like