You are on page 1of 8

Alamin

Subukan mong ilarawan ang nangyayari sa iyong paligid. Ano-anong mga suliranin ang
iyong nakikita? Paano ito nakaapekto sa iyong pamumuhay? Paano tinutugunan ng inyong
komunidad ang mga nabanggit na isyu at suliranin
Sa panimulang aralin na ito ay mauunawaan mo ang mga pangyayari, ideya o paksa sa kahit
na anong larangang may kaugnay sa kasalukuyang panahon. Mahalagang maunawaan mo ito
upang ikaw ay maging bahagi ng mga pagkilos at pagtugon sa mga isyu at hamong kinakaharap ng
ating lipunan. Bilang isang mag-aaral at kabahagi ng lipunan iyong ginagalawan inaasahang
masasagot mo ang tanong na: Paano ka makakatulong sa pagtugon sa iba’t ibang isyu na ating
kinakaharap sa kasalukuyan? Halina at maligayang paglalakbay sa makulay na daigdig ng
Kontemporaryong Isyu at maging instrument ka sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.
Ang aralin na ito ay tumutukoy sa Kontemporaryong Isyu. Ito ay nahahati sa mga
sumusunod na paksa:
•Paksa 1: Konsepto ng Kontemporayong Isyu
•Paksa 2: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:
•Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu. (MELC 1)
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:
• Nabibigyang kahulugan ang kontemporaryong isyu;
• Natutukoy ang mga uri ng kontemporaryong isyu;
• Napahahalagahan ang pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu;
• Nakapagbibigay ng sariling mungkahi sa paglutas ng mga kontemporaryong isyu na
kinakaharap ng kinabibilangang; at
• Nasusuri ang mga kontemporaryong isyu ayon sa kasanayang natalakay

Tuklasin

Subukin mong sagutin ang paunang pagtataya upang matukoy ang lawak ng
iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t
ibang aralin sa modyul na ito.

Gawain 1: Paunang Pagtataya


Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1. Alin ang tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang organisadong komunidad
na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga?
A. Lipunan B. Bansa C. Komunidad D. Organisasyo
2. Alin sa mga sumusunod ang isang pampublikong bagay na may kaugnay sa krisis o suliranin sa
mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi
sa lipunan sa kabuuan?
A. Isyung Personal C. Isyung Ekonomiko
B. Isyung Panlipunan D. Isyung Sibiko
3. Anong isyu ang tumutukoy sa paglala ng mga natural na kaganapan tulad ng pagkakaroon ng
malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, at malawakang pagbaha?
A. Isyung Medikal C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkapaligiran D. Isyung Pang Ekonomiko
4. Ano sa mga sumusunod ang tumutukoy sa patuloy na pag-init ng daigdig o global warming dahil
sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na naiipon sa atmosphere?
A. Deforestation C. Climate Change
1 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
B. Illegal logging D. Natural Calamity
5. Ang mga sumusunod ay pinakabagong uri ng corona virus na pinaniniwalaang nanggaling sa
Wuhan, China. Alin sa mga ito?
A. MERS B. SARS C. FLU D. COVID-19
6.Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga isyu tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at
migrasyon?
A. Isyung Pang-ekonomiya C. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
7.Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o
nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga
karapatan o kalayaan.
A. Pang-aabuso C. Diskriminasyon
B. Pagsasamantala D. Pananakit
8.Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng kamalayan sa Kontemporaryong Isyu sa Lipunan at
Daigdig?
A. Ito ay nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
B. Bukod sa kaisipan, pinapalawak din ng Kontemporaryong Isyu ang koneksiyon ng "sarili"
sa lipunan
C. Mapabubuti ang pagbuo ng mga desisyon sapagkat naaangkop angkaalaman sa
kasalukuyan.
D. Lahat ng nabanggit
9.Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapamalas ng halimbawa ng Kontemporaryong Isyu?
A. Pagbabawal sa pamamasada ng mga tricycle at jeepney
B. Kontraktwalisasyon sa mga kawani ng ABS CBN
C. Bayanihan to heal as one Act
D. Ang pagdaong ni Gen. Mc Arthur sa Leyte
10. Ang lahat ay nagpapakita kung paano masasabi na ang isang pangyayari o suliranin ay isang
Kontemporaryong Isyu. Maliban sa isa.
A. may epektong hindi kawili-wili sa mga tao at lipunan
B. may malinaw na halaga sa lipunan o sa mga mamamayan
C. may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon
D. may mga temang napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan
11. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng
mamamayan.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
12. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
13. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong
panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II
14. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin
sa sumusunod ang kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. kahalagahan
IV. epekto
A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV
15. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan.
Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain.
II. Damdaming makabayan.
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

2 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
Natapos mo ang unang pagsubok sa araling ito. Huwag kang mag-alala kung tama man o mali ang
iyong naging kasagutan. Sa pagpapatuloy mo sa pag aaral ng paksang ito mapagtitibay mo ang
iyong tamang sagot at maiwawasto ang maling konseptong nabuo.

Suriin
KONTEMPORARYONG ISYU
Nakababahala ang panahon natin sa ngayon. Maraming isyu, hamon, at suliraning
kinakaharap ang ating bansa. May mga pangyayaring hindi natin inaasahan. Mga ito ay kagagawan
ng tao at mga pangyayaring bunga ng agham at makabagong teknolohiya na nagiging sanhi ng
pagka-abuso sa kalikasan. Nagdudulot din ang mga ito sa pagbabago sa ating kapaligiran. Sa
pamamagitan ng modyul na ito, inaasahang iyong matatanto ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga
kontemporaryong isyu. Ang mga kaalaman na iyong matututuhan ay makatutulong sa iyo upang
higit mong maunawaan ang mga pangyayari sa lipunang iyong kinabibilangan.

Paksa 1: Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


Bilang panimula, mainam na iyong maintindihan kung ano ang kahulugan ng
kontemporaryong isyu. Ano nga ba ang kontemporaryong isyu? Upang higit mong maintindihan,
iyong unawain ang dalawang mahahalagang salitang napapaloob dito, ang salitang kontemporaryo
at isyu.
Ang salitang ‘’kontemporaryo’’ ay ginagamit sa iba’t-ibang konteksto at konsepto. Ito ay
nagbibigay katangian sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan.
Samakatuwid ang mga pangyayari na nangyari sa nakalipas na mga dekada at mga patuloy na
nangyayari sa kasalukuyan ay maituturing na kontemporaryo.
Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at
maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o
negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Para maituring ang isang pangyayari o suliranin na kontemporaryong isyu, ito ay dapat na
mahalaga at makabuluhan sa lipunang ating ginagalawan, may malinaw na epekto sa lipunan o sa
mga mamamayan, may matinding impluwensya sa takbo ng kasalukuyang panahon at mga temang
napag-uusapan at may positibong impluwensya sa lipunan
Base sa mga nabanggit, ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang
pangayayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga
mamamayan. Maaaring ito’y naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw
ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito ay pinag-uusapan at nagdudulot ng malawakang epekto na
maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Upang higit mong maintindihan ang kontemporaryong isyu, iyong pagtuonan ng pansin ang
nararanasan nating pandemya ngayon, ang COVID- 19. Isa itong kontemporaryong isyu dahil ito ay
nangyayari sa kasalukuyan at may malaking epekto sa buhay ng mga tao at maging sa ekonomiya
ng ating bansa.
Ang isyu tungkol sa COVID19 o 2019 Novel Corona Virus ay isa sa mga pinakatampok na
kontemporaryong isyu dahil ito ang pinaka bagong uri ng corona virus na kagaya ng MERS (Middle
East Respiratory Syndrome) at SARS (severe acute respiratory syndrome). Ang 2019-nCoV ay
sinasabing nagmula sa siyudad ng Wuhan, sa probinsiya ng Hubei sa China. Mahigit 10,000 na
ang namatay dahil sa impeksiyon at 200,000 ang apektado nito sa Wuhan, China.
Paano ba natin tingnan at pahalagahan ang Kontemporaryong Isyu? Sa konteksto ng pag-
aaral ng kontemporaryong isyu, ang pagtuturo ng mga katotohanan, kaisipan, at impormasyon
tungkol sa mundo, bansa, gobyerno, ideolohiya, kasaysayan, mga pangyayaring lokal, at iba pa ay
nangangailangan ng malalim na pag-unawa at aktibong partisipasyon. Ibig sabihin, kailangan ng
angkop at makabuluhang talakayan o interaksiyon na kung saan ang lahat ay nagbibigay ng kani-
kaniyang pagtingin o perspektibo sa mga napapanahong isyu.

URI NG KONTEMPORARYONG ISYU


May iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu depende sa interes ng tao. Sa pagtalakay natin
sa konsepto mapag-aaralan natin ang mga isyung may kinalaman sa kapaligiran, globalisasyon at
ekonomiya, gender at sex, pagkamamamayan at karapatang pantao. Ang mga sumusunod ay ilan
sa mga uri ng kontemporaryong isyu:

3 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan- ito ay mga isyu o mahahalagang
pangyayari na may malaking epekto sa iba’’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan,
paaralan, pamahalaan, at ekonomiya.
Halimbawa: pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage), terorismo, rasismo,
halalan, kahirapan
2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan
na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon, Drug Addiction, HIV/
AIDS, Online Games
3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa
kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Halimbawa: global warming, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña
4. Kontemporaryong Pangkalakalan -mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo,
kasama dito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.
Halimbawa: import/export, online shopping, free trade, samahang Pandaigdigan

Saan ka nga ba makakasipi ng mga Isyu?


Sa panahon natin ngayon, marami nang mapagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa mga
kontemporaryong isyu. Kabilang dito ang radyo, telebisyon, internet, social media, at mga
nakalathalang materyal tulad ng pahayagan, flyers at magasin. Narito ang iba’t ibang uri ng media:
□Print Media
Halimbawa: komiks, magazine, diyaryo
□Visual Media
Halimbawa: balita, pelikula, dokyumentaryo
□Online Media
Halimbawa: facebook, online blogs, website

Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at


hamong panlipunan upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa isang lipunan at sa bansa.
Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay may bahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga
suliraning ating kinakaharap ngayon.

Paksa 2: Kahalagahan ng Kontemporaryong Isyu


Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan kaya dulot nito’y nahihirapan
ang mga iba’t ibang sektor ng pamahalaan sa paghahanap ng solusyon sa bawat isa. Bilang isang
mamamayan ng ating bansa, naaapektuhan tayo sa mga isyung ito gustuhin man natin o hindi. Sa
pang-araw-araw nating pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari sa
mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong mamamayan na may pakinabang
sa ating inang bayan. Huwag sana tayong magbingi-bingihan at magbulag-bulagan. Gamitin natin
ang kontemporaryong isyu upang makatulong sa kung ano man ang dapat paunlarin.
Napakahalaga ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu. Nalilinang nito ang ating mga
pansariling kakayahan at kasanayan sa pag-aaral at pag-iisip. Narito ang ilan kung bakit
mahalagang pag-aralan natin ito:
1. Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo sa mga kontemporaryong isyu ang magiging daan
upang maging mulat sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito upang iyong
matanto na may bahagi kang dapat gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan.
2. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon. Natutukoy
ang kabutihan at di kabutihan nito.
3. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-
unawa gamit ang iba’t ibang paraan ng pamamahayag. Nahahasa rin ang iyong kasanayang
pangwika, panggramatika, at iba pang mabisang kasanayang magpabatid ng kaisipan.
4. Napapaunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at
magsagawa ng mga programang makalulutas sa mga suliranin.
5. Napapalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon, ideolohiya, kasaysayan,
pagkakaiba ng kultura, at iba pang mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at
pagpapasya.
6. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang
angkop, handa, at agarang pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
7. Napapalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at di tuwirang ambag ng
pangyayari, suliranin, o anumang isyu.

8. Potensyal na pagkakataon ito upang maging mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa pagbuo ng


lipunang mulat at matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.

4 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
Ikaw ay bahagi ng masalimuot na lipunan. Gaano ka kamulat sa mga kontemporaryong isyu?
Paano mo pa pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga nangyayari sa paligid?

Pagyamanin
Sa bahaging ito ay susukatin ang iyong kaalaman kung naintindihan ang bawat paksa sa
modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan ng sagutan ang mga gawain.

Gawain 2: Sa Loob ng Kahon!


Unawain ang mga iba’t ibang isyu sa bilang. Piliin kung anong uri ng kontemporaryong isyu na
makikita sa loob ng kahon. Isulat ang napiling sagot sa sagutang papel.

Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Pang-ekonomiya


Isyung Pangkapaligiran Isyung Pangkalakalan Isyung Pangkasarian
Isyung Pagkamamamayan Isyung Pangkarapatan

_____________________________1. Halalan, Terorismo, Federalismo, Benham Rise


_____________________________2. COVID19, SARS, Sobrang Katabaan, Kanser
_____________________________3. Polusyon, Climate Change, Lindol, Solid Waste
_____________________________4. BPO, POGO, Globalisasyon, ABS CBN
_____________________________5. Philhealth, Covid Test Kits, Isolation facility
_____________________________6. LGBTQ, Same Sex Marriage, Foot Binding
_____________________________7. Coal Mining, Deforestation, Illegal Logging
_____________________________8. Charter-Change, LTFRB, Balik Probinsiya Program
_____________________________9. Telcos, Stock Market, Imported Rice
_____________________________10. Dual Citizen, Birth Certificate, Pilipino

Gawain 3: Tapat-Tapat-Dapat
Magtala ng mga isyu na iyong nalalaman na maaaring nangyayari sa iyong komunidad at itapat
ang mga ito ayon sa tamang uri pagkatapos ay sagutan ang mga pamprosesong tanong. Gumamit
ng sariling sagutang papel.

Isyung Panlipunan Isyung Pangkalusugan Isyung Isyung Pangkalakalan


Pangkapaligiran

Pamprosesong Tanong:
1. Sa iyong mga nailista, alin sa mga ito ang dapat mong bigyan ng pansin? Bakit?
2. May alam ka bang batas na ipinapatupad tungkol dito?
3. Bakit masasabi itong kontemporaryong isyu?

Gawain 4: Timbangin Mo, Kontemporaryong Isyu Ba Ito?


Suriin ang bawat pahayag at sabihin kung ito ay kontemporaryong isyu o hindi. Ipaliwanag ang
iyong sagot gamit ang sariling sagutang papel.
1. Vaccination sa Pilipinas
2. Diskriminasyon
3. New Normal Education
4. Kawalan ng trabaho
5. Pagtaas ng COVID-19 sa Pilipinas

5 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
Isagawa
Maliwanag na tinalakay sa modyul na ito ang katuturan, mga uri at kahalagahan ng pagiging mulat
sa mga kontemporaryong isyu. Maliwanag ba sa iyo ang lahat ng natalakay?
Kung oo ang sagot mo, patunayan ito sa pamamagitan ng pagtupad sa mga gawain sa ibaba. Ang
mga gawaing ito ay makatutulong sa iyo upang lalo pang mapalalim ang iyong kaalaman tungkol sa
paksa.
Gawain 5: Pangatwiranan Mo!
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa sariling sagutang papel.
1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang sa tingin mo ay dapat pagtuunan ng pansin ng ating
pamahalaan? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
3. Lahat ba ng isyu sa lipunan ay masasabing kontemporaryong isyu?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
4. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayon? Bakit?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
5. Ano ang dapat tandaan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________

Gawain 6: Mulat sa Katotohanan!


Magbigay ng mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at ibigay
ang kahalagahan nito sa iyong buhay bilang isang mag-aaral na mulat sa katotohanan. Ilagay ang
sagot sa hiwalay na papel.
Uri Kontemporaryong Isyu Kahalagahan
Pangkalusugan
Pangkalakalan
Panlipunan
Pangkapaligiran

Gawain 7: S-E-S Graph


Maging mapanuri, magbigay ng mga isyu na iyong nakikita sa inyong komunidad ibigay ang
iyong sariling opinyon gamit ang graph sa ibaba. Gumamit ng hiwalay na papel.

6 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
Tayahin
Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Dahil
diyan kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang
iyong pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa modyul na ito Kayang-kaya di ba?

Gawain 8: Panghuling Pagtataya


Pinatunayan mo ang iyong kagalingan sa pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito. Ngayon ay
kailangan mo nang sagutin ang panghuling pagtataya upang higit mong mapatunayan ang iyong
pag-unawa sa lahat ng paksa na napapaloob sa modyul na ito. Kayang-kaya di ba? Isulat ang letra
ng sagot sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating
pamayanan at sa bansa?
A. Isyung showbiz C. Kasaysayan
B. Kontemporaryong Isyu D. Balita
2. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV
3. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagiging isyu?
A. kilalang tao ang mga kasangkot
B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto
sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay
ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating
pamayanan.
5. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan,
pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya
tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan
B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan
6. Sa karatulang may nakasulat na “Bawal Tumawid may Namatay na Dito” ay nagpapahiwatig ng
pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa patakarang ito ay isang uri ng isyung?
A. Panlipunan C. Pangkapaligiran

7 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1
B. Pangkalusugan D. Pangkalakalan
7. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?
A. magazine B. journal C. internet D. komiks
8. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?
I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I,II,III B. I C. I,II,III,IV D. I,II
9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III
10. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t
ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran

11. Alin sa mga suliranin ang may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng
mamamayan?
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
12. Anong suliranin ang may kinalaman sa globalisasyon at negosyo?
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
13. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong
panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II
14. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin
sa sumusunod ang kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. kahalagahan
IV. epekto
A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV
15. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan.
Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain.
II. Damdaming makabayan.
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

Mahusay! Natapos mo na ang modyul na ito.

8 LU_Q1_AralingPanlipunan10
Module1

You might also like