You are on page 1of 27

Pangalan: Baitang at Seksiyon:

Araling Panlipunan 10: Unang Markahan


Modyul 1: Kontemporaryong Isyu
Paunang Pagtataya
Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa bansa.
A. Isyung showbiz C. Kasaysayan
B. Kontemporaryong Isyu D. Balita
2. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari?
I. Nagaganap sa kasalukuyang panahon lamang.
II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan.
III. Mahalaga at makabuluhan sa lipunang ginagalawan.
IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III B. I, IV C. III, IV D. I, II, III, IV
3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung
A. kilalang tao ang mga kasangkot
B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang
4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.
5. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan, pangkapaligiran, at pangkalusugan.
Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan C. Isyung pangkalusugan
B. Isyung pangkapaligiran D. Isyung pangkalakalan

Para sa bilang 6, suriin ang larawan.


6. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag
sa patakarang ito ay isang uri ng isyun?
A. Panlipunan C. Pangkapaligiran
B. Pangkalusugan D. Pangkalakalan
7. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?
A. magazine C. internet
B. journal D. komiks
8. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig?
I. Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan.
II. Lalawak din ang koneksiyon ng “sarili” sa lipunan.
III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman.
IV. Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I, II, III B. I C. I, II, III, IV D. I, II
9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon.
II. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay.
III. Pagkilala sa mga sanggunian.
IV. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.
A. I B. I, II C. I, III, IV D. II, III
10. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan
tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at ekonomiya.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
11. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng mamamayan.
A. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran
12. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.
A. Isyung Pangkapaligiran C. Isyung Panlipunan
B. Isyung Pangkalakalan D. Isyung Pangkapaligiran

1
13. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong panlipunan?
I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan.
II. Upang maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya.
III. Para sa pagkamit ng ganap na transpormasyon ng tao lamang.
IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV B. I, III C. II, IV D. I, II
14. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa sumusunod ang
kabilang dito?
I. uri
II. sanggunian
III. kahalagahan
IV. epekto
A. I, II, III B. I, III C. I, IV D. I, II, III, IV
15. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting mamamayan. Alin sa sumusunod na
pahayag ang sakop nito?
I. Aktibong pagganap sa mga gawain.
II. Damdaming makabayan.
III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili.
IV. Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

Headline-Suri:
Pumili sa mga larawan ng headline at sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa hiwalay na
papel.

Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang napiling headline?

2. Maituturing mo bang isyu ito? Bakit?

3. Para sa iyo, ano ang ibig sabihin ng isyu?

Konsepto ng Kontemporaryong Isyu


Bilang panimula, mainam na iyong maintindihan kung ano ang kahulugan ng kontemporaryong isyu. Ano nga ba
ang kontemporaryong isyu? Upang higit mong maintindihan, iyong unawain ang dalawang mahahalagang salitang
nakapaloob dito, ang salitang kontemporaryo at isyu.
Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa
buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang napapanahon na nagiging sanhi ng pagkabagabag ng mga tao. Maaari
rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan.
Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o
batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao
sa lipunan.
Base sa mga nabanggit, ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa anumang pangayayari, paksa, tema,
opinyon, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at may tuwirang
ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan. Maaaring ito’y naganap o umiral sa nakalipas na panahon ngunit
nananatiling litaw ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito ay pinag-uusapan at nagdudulot ng malawakang epekto na
maaaring positibo o negatibo sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Upang higit mong maintindihan ang kontemporaryong isyu, iyong pagtuonan ng pansin ang nararanasan nating
pandemya ngayon, ang COVID- 19. Isa itong kontemporaryong isyu dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may
malaking epekto sa buhay ng mga tao at maging sa ekonomiya ng ating bansa. Kapansin–pansin ang pagkaabala ng ating
bansa at ng buong mundo sa pananalakay ng COVID-19. Binago nito ang pamumuhay nating normal. Ito ang nagdala sa
tinatawag nating new normal, kung saan apektado ang lahat ng larangan sa buhay. Napakalawak na kontemporaryong
isyu ang pandemic COVID 19. Ito ay maituturing na isyung may maramihang mukha sa dahilang pasok ito sa iba’t ibang

2
uri ang kontemporaryong isyu. Tandaan mo na saklaw ng kontemporaryong isyu ang lahat ng mga paksa na tatalakayin
at iyong pag-aaralan mula quarter 1 hanggang 4.

1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan - ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t
ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya.
Halimbawa: pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage), terorismo, rasismo, halalan, kahirapan.

2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o
hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon, Drug Addiction, HIV / AIDS

3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin
sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Halimbawa: global warming, paglindol, baha, bagyo, El Niño, at La Niña

4. Kontemporaryong Pangkalakalan -mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama rito ang mga
usapin o isyung pang-ekonomiya.
Halimbawa: import/export, online shopping, free trade, samahang pandaigdigan

Saan ka nga ba makasisipi ng mga Isyu?


Sa panahon natin ngayon, marami nang mapagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu.
Kabilang dito ang radyo, telebisyon, internet, social media, at mga nakalathalang materyal tulad ng pahayagan, flyers at
magasin. Narito ang iba’t ibang uri ng media:
• Print Media Halimbawa: komiks, magazine, diyaryo
• Visual Media Halimbawa: balita, pelikula, dokyumentaryo
• Online Media Halimbawa: facebook, online blogs, website
Ngayong alam mo na ang iba’t ibang uri ng kontemporaryong isyu at kung saan ka makakukuha nito, mahalaga
na iyong malaman ang mga bagay na dapat mong tandaan sa pag-aaral nito:
Una, sa pag-aaral ng isang isyu, kinakailangan mong bigyang pansin ang mga bahagi nito na makatutulong sa
pag-unawa at tamang pagtugon sa mga isyung kinakaharap ng isang bansa. Alamin kung gumamit ba ito ng
mapagkakatiwalaang sanggunian upang malaman ang pinagmulan nito. Kailangan mo ring alamin ang kahalagahan, mga
naaapektuhan, nakikinabang, saan, at paano nagsimula ang isyu.
Pangalawa, dapat ding suriin ang pagkakaiba ng mga opinyong nakapaloob sa isang isyu, kung ito ay opinyong
pangkapaligiran, pang-ekonomiya, politikal, panlipunan, at iba pa. Suriin din ang opinyon na ipaglalaban at mga diwang
dapat mapakikinggan.
Pangatlo, alamin kung ang isyung ito ay nabago sa paglipas ng panahon. Ito ba ay bahagi ng isa pang mas
malawak na isyu o suliranin. Mahalaga ring maibigay ang sariling damdamin tungkol sa isyu matapos itong suriin.
Kasama na ang paraang maaaring gawin upang maiwasan ito.
Pang-apat, sa pag-aaral ng isang isyu, kinakailangang alamin ang lawak ng epekto at lebel nito. Ito ba ay isyung
lokal, pambansa o sumasaklaw sa pandaigdigang lebel. Idagdag pa ang mga pagkilos na isinasagawa ng mga
mamamayan, namumuhunan, pamahalaan, at iba pang pangkat upang maiwasan o mapigilan ang isyung ito.
At ang panghuli, mahalaga ring malaman mo ang mga dapat gawin at sino ang dapat kumilos tungkol sa isyu at
papaano mahihikayat ang ibang tao na kumilos tungkol dito. Tutukuyin dito ang mga kasangkot at mga kaagapay sa
pagsugpo sa mga negatibong dulot nito.

Mga dapat taglayin sa pagsusuri ng isang kontemporaryong isyu:


• Kaalaman sa pagsusuri kung ito ay naglalahad ng patas na opinyon.
• Kaalaman sa batayan ng isyu, saan nagmula, maaari na ito ay hango sa mga legal na dokumento, journal, sulat,
larawan, at iba pa.
• Kakayahan sa pagbibigay ng opinyon, pagbuo ng ugnayan, at pangkalahatang pananaw sa isang pangyayari.
• Kakayahang malaman kung ang pahayag o pangyayari ay makatotohanan o nakabase sa opinyon o haka-haka lamang.

Halo-Letra:
Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang inilalarawan ng sumusunod na pahayag.
1. Paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay
nababatay sa lahi ng isang tao.
3
2. Ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng
isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal.

3. Isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng


pagkain.
4. Tumutukoy sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang
makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.
5. Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na
nagpapainit sa mundo.

Balita-Suri!
Basahin at unawain ang sumusunod na balita. Pagkatapos ay sagutin ang sumusunod na pamprosesong mga tanong sa
hiwalay na papel.
Pagresolba sa Kahirapan Posted by Dom Guamos and Lady Ann Salem, Manila Today on January 16, 2017 Isa sa mga
isinusulong ni Pangulong Duterte mula sa kanyang 10-point economic agenda ay ang mabisang pagsugpo sa kahirapan ng bansa,
ngunit tila hindi pa rin nararamdaman ng mga mamamayan ang mga bunga ng nasabing plano. Nanatiling mahigit 70 porsiyento ng
mga Pilipino ang nasa ilalim ng poverty line ngayong 2016. Batay ito sa pinakabagong pagsisiyasat ng IBON Foundation kung saan
nagtanong sila sa mahigit 1 500 na residente kung itinuturing ba nilang kabilang sila sa mahihirap na hanay ng mga Pilipino.
Nakikitang rason dito ay ang kasalukuyang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o kulang ang kinikita at
mataas na bilang ng kontraktwalisasyon sa bansa. Patuloy naman ang 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilalim ni
Pangulong Duterte. Ayon sa bagong pamunuan ng Department of Social Work and Development (DSWD), pang-ampat lamang ang
4Ps at hindi solusyon sa kahirapan. Sa direksyon ng bagong kalihim ng DSWD na si Prof. Judy Taguiwalo, dinagdagan ng 18 kilong
bigas ang 4Ps at patuloy na ina-audit ang listahan ng mga nakatatanggap ng 4Ps at ang paraan sa pagtiyak ng pag-aabot ng
perang tulong sa mga benepisyaryo. Inaasahang pagdating ng 2017 ay maging mas maagap ang pamahalaan sa patuloy na
pagsugpo ng kahirapan sa bansa lalong lalo na sa pagpapatupad ng mga polisiyang tunay na naglilingkod at pinakikinabangan ng
mga mamamayan. Bahagi ng mga hinahapag sa peace talks ng gobyerno sa NDFP ang mga repormang panlipunan at pang-
ekonomiya, kasama na ang pagresolba ng kahirapan, at kawalan ng nakabubuhay na trabaho sa pamamagitan ng reporma sa lupa
at pambansang industriyalisasyon.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nabanggit sa balita?
2. Bakit maituturing itong isang kontemporaryong isyu?

3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang nabanggit na isyu?

4. Dapat mo bang bigyan ng pansin ang isyung katulad nito?


5. Paano nakaaapekto ang isyung ito sa iba pang isyung kinakaharap ng ating bansa?

6. Ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral?

Kahalagahan ng Pag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyu


Ngayon, iyong tunguhin ang kahalagahan ng pag-aaral sa kontemporaryong isyu. Ang sumusunod ay mga nalikom na
kaisipan mula sa mga nabasa, narinig, at naibahagi ng mga dalubhasa o ng mga mismong may karanasan sa isang
pangyayari, suliranin, opinyon, o ideya. Aralin ang mga ito at pansinin kung humahawig sa iyong karanasan.
1. Bilang isang mag-aaral, ang kaalaman mo sa mga kontemporaryong isyu ang magiging daan upang maging mulat sa
mga nangyayari sa iyong kapaligiran. Isang paraan din ito upang iyong matanto na may bahagi kang dapat
gampanan sa lipunang iyong kinabibilangan.
2. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, matututo kang tumimbang ng mga sitwasyon. Natutukoy ang kabutihan at di
kabutihan nito.
3. Ang kaalaman sa kontemporaryong isyu ang lilinang sa iyong kasanayan sa pagbasa at pag-unawa gamit ang iba’t
ibang paraan ng pamamahayag. Nahahasa rin ang iyong kasanayang pangwika, panggramatika, at iba pang
mabisang kasanayang magpabatid ng kaisipan.
4. Napauunlad din ang iyong kakayahang mag-isip sa mga hakbangin, kakayahang magplano, at magsagawa ng mga
programang makalulutas sa mga suliranin.
5. Napalalawak ang kaisipan kapag maalam sa mga impormasyon, ideolohiya, kasaysayan, pagkakaiba ng kultura, at iba
pang mahahalagang kaganapang may kinalaman sa partisipasyon at pagpapasya.
6. Ang pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu ay nagpapatalas ng kaisipan at matanto ang angkop, handa, at agarang
pagkilos o pagtugon sa dala nitong hamon.
7. Napalalawak din ang kakayahang pagpapahalaga sa mga tuwiran at di tuwirang ambag ng pangyayari, suliranin, o
anumang isyu.

4
8. Potensyal na pagkakataon ito upang maging mapanuri at mapagtugon na kabahagi sa pagbuo ng lipunang mulat at
matalinong tumutugon sa mga hamon ng kontemporaryong isyu.

Pangatwiranan Mo!
Sagutin ang sumusunod na tanong sa sariling sagutang papel.
1. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang sa tingin mo ay dapat pagtuonan ng pansin ng ating pamahalaan? Bakit?

2. Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa mga kontemporaryong isyu?

3. Lahat ba ng isyu sa lipunan ay masasabing kontemporaryong isyu?

4. Anong uri ng kontemporaryong isyu ang nais mong bigyang solusyon sa ngayon? Bakit?

5. Ano ang dapat tandaan sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

MULAT SA KATOTOHANAN!
Magbigay ng mga kontemporaryong isyung kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at ibigay ang kahalagahan nito
sa iyong buhay bilang isang mag-aaral na mulat sa katotohanan. Ilagay ang sagot sa hiwalay na papel.
Uri Kontemporaryong Isyu Kahalagahan
Pangkalusugan

Pangkalakalan

Panlipunan

Pangkapaligiran

“Ako Ay Kabahagi”
Maging mapagmasid sa iyong komunidad na kinabibilangan, alamin ang mga isyung kinakaharap ninyo sa ngayon at
magbigay ng sariling suhestiyon kung papaano ito masosolusyonan.

Isyu: Solusyon:

Araling Panlipunan 10: Unang Markahan


Modyul 2: Mga Isyung Pangkapaligiran
Suliranin sa Solid Waste
Binigyang-kahulugan ng Batas Republika Bilang 9003 na kilala bilang Solid Waste Management Act of 2000 ang
solid waste bilang mga itinapong basura na nanggagaling sa mga kabahayan at komersyal na establisimyento, mga non
hazardous na basurang institusyunal at industriyal, mga basura na galing sa lansangan at konstruksiyon, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura, at iba pang basurang hindi nakalalason.
Ayon sa National Solid Waste Management Status Report (2008- 2018), ang municipal solid wastes (MSW) ay
nagmumula sa residensyal, komersyal, institusyunal, at instrustriyal na establisimyento. Ayon sa ulat, pinakamalaking
bahagdan nito ay mula sa mga kabahayan (56.7%). Ang mga basurang nagmumula sa mga kabahayan ay ang kitchen

5
waste gaya ng tirang pagkain, mga pinagbalatan ng gulay at prutas at mga garden waste tulad ng damo at mga dahon.
Binanggit din sa ulat na ang pinakamalaking uri ng tinatapong basura ay ang tinatawag na biodegradable na may 52.31%.
Halimbawa ng biodegradable na basura ay ang kitchen waste at yard waste. Samantala, ang tinatawag namang mga
recyclable waste ay kumakatawan sa 27.78 % ng MSW gaya ng papel, plastik, bakal, bote, at bubog.
Nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa bansa dahil sa iba’t ibang dahilan. Marami ang walang disiplina sa
pagtatapon ng basura. Marami ang nagtatapon ng basura mula sa tahanan kung saan-saan. Tone-toneladang basura ang
itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, at bakanteng lote na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga
insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit.
Nakadadagdag pa sa suliranin sa basura ang kakulangan ng kaalaman o di kaya’y di pagsunod sa tinatawag na
waste segregation o pagbubukod ng basura lalo na ang pagbubukod ng basura sa pinagmulan nito. Kung mahigpit
sanang ipinatutupad ito gaya ng patakarang “no segregation, no collection policy” mas madali sana ang pamamahala sa
mga basura. Mababawasan din ang trabaho ng mga waste collector dahil hindi na nila kailangan pang magsagawa ng
waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa mga dumpsite.
Ang hindi maayos na pagtatapon ng basura ay nakaaapekto sa kapaligiran at kalusugan. Dahil may iba’t bang
pinagmumulan ang basura, mapanganib para sa mga taong nakatira malapit sa mga dumpsite ang mga ito. Maaaring
makakuha sila ng iba’t ibang uri ng sakit dala ng mga insekto at pesteng naglipana sa mga basurahang ito. Ang leachate o
katas ng basura ay nakakokontamina sa tubig na maaaring pagmulan din ng sakit ng mga tao. Ang methane gas na galing
sa mga dumpsites ay hindi lamang mapanganib sa kalusugan ng mga tao kundi nagiging sanhi rin ng global warming.

Paglutas sa Suliranin ng Solid Waste


Pamamahala ng Basura sa Pilipinas
Ang pamamahala ng basura (waste management) ay tumutukoy sa wastong pagkuha, paglilipat, pagtatapon o
paggamit, at pagsubaybay ng basura ng mga tao. Isinasagawa ito upang mapangasiwaan nang maayos ang mga basura
para maiwasan ang masasamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.
Noong Enero 26, 2001 naging ganap na batas ang Republic Act 9003 na kilala bilang Ecological Solid Waste
Management Act of 2000. Nakasaad sa batas na ito ang mga alituntunin sa wastong pamamahala ng basura at
pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa pakikiisa ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang
itinatapon. Ilan sa mga nilalaman ng batas na ito ay ang sumusunod:
• Pagtatatag ng National Solid Waste Management Commission at ng National Ecology Center
• Pagtatatag ng Materials Recovery Facility
• Pagsasaayos ng mga tapunan ng basura
Ang National Solid Waste Management Commission ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng mga plano sa
pamamahala ng mga basura o ang tinatawag na Solid Waste Management (SWM) Plan. Ito ay binubuo ng 14 na ahensya
mula sa pamahalaan sa pangunguna ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at 3 naman mula sa
pribadong sektor. Bukod sa DENR, ang sumusunod ay ang mga ahensya ng pamahalaan na bumubuo sa NSWMC:
• Department of Science and
Technology (DOST)
• Department of Public Works and Highways
(DPWH)
• Department of Health (DOH)
• Department of Trade and Industry (DTI)
• Department of Agriculture (DA)
• Department of Interior and Local Government
(DILG)
• Philippine Information Agency (PIA)
• Metro Manila Development Authority (MMDA)
• Technical Education and Skills Development Authority
(TESDA)
• Liga ng mga Lalawigan
• Liga ng mga Lungsod
• Liga ng mga Munisipyo
• Liga ng mga Barangay

6
Ang pribadong sektor ay kinakatawan naman ng sumusunod:
• Recycling Industry
• Plastic Industry
• Non-Government Organization

Ang Materials Recovery Facility (MRF) ay ang pinaglalagyan ng mga nakolektang nabubulok na basura upang
gawing compost o pataba ng lupa. Dito rin pansamantalang inilalagak ang mga balik-gamit (recyclables) na bagay tulad
ng bote, plastic, papel, lata, at iba pa. Isinasagawa rin dito ang pagbubukod ng mga basurang nakolekta mula sa
pinagmulan.
Upang maayos ang pagpapatupad ng waste segregation at resource recovery, kinakailangang maisagawa ang
sumusunod:
Earth Foundation - Isang non-profit organization na aktibong tumutugon sa suliranin sa basura na nagsusulong ng zero
waste sa pamamagitan ng pagbabawas at wastong pamamahala ng basura.
Bantay Kalikasan - Itinataguyod ang kahalagahan ng pangangalaga sa kapaligiran upang matamo ang likas-kayang pag-
unlad.
Greenpeace Philippines - Tumutulong upang maprotektahan ang karapatan ng mga Pilipino sa balanse at malusog na
kapaligiran.

Pagbubukod sa mga basurang nabubulok, balik-gamit, special wastes at latak, o tirang basura. Dapat magkakahiwalay
ang kanilang lalagyan.
• Pagsunod sa iskedyul ng pangongolekta ng basura
• Pagkakaroon ng Materials Recovery Facility (MRF)
• Kung may mga special waste o recyclable dapat alam kung saan ito dadalhin o puwedeng ibenta

Sa seksyon 48 ng batas na ito, nakasaad na ipinagbabawal ang pagtatapon o pagtatambak ng anumang uri ng
basura sa mga pampublikong lugar. Kabilang sa mga pampublikong lugar ay mga daan, bangketa, bakanteng lote, kanal,
estero, at parke, harapan ng establisimiyento, maging sa baybay-ilog at baybay-dagat. Bukod dito, marami pang
ipinagbabawal ang batas na ito, ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
• Pagsusunog ng basura
• Pagpapakolekta o pagpayag sa pagkolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura
• Pagtatambak/pagbabaon ng mga basura sa mga lugar na binabaha
• Walang paalam na pagkuha ng recyclables na may nakatalagang mangongolekta.

Kumpletuhin Mo
Punan ang graphic organizer sa ibaba batay sa iyong naunawaan mula sa binasang teksto. Sagutin din ang mga
kasunod na mga tanong.
Solusyong Ginagawa ng Pamahalaan
o ng Iba Pang Sektor:
Epekto: Mungkahi mong Solusyon:
Suliranin:

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang solid waste? Gaano kalala ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas?

2. Bakit nagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa ating bansa?

3. Paano tinutugunan ng pamahalaan at ng iba pang sektor ang suliraning ito?

4. Sa iyong palagay, mabisa ba ang mga programa o patakaran ng pamahalaan upang malutas ang suliranin sa solid
waste? Pangatwiranan ang sagot.

Pagkasira ng mga Likas na Yaman


7
Sagana ang Pilipinas sa likas na yaman. Malaki ang pakinabang na nakukuha ng ating bansa mula rito. Maraming
Pilipino ang kumikita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman tulad ng pagtatanim at pangingisda. Ito rin ang
pinagmumulan ng mga hilaw na materyales na ginagamit sa pagbuo ng mga produkto sa iba’t ibang pagawaan o pabrika.
Sa kabila ng pakinabang na nakukuha mula sa mga likas na yaman, patuloy itong nasisira at nauubos dahil sa mapang-
abusong paggamit dito. Ang pagtaas ng demand dahil sa lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga
programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad ay banta rin sa likas na yaman.

Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation


Ayon sa lathalain na inilabas ng Senado ng Pilipinas na pinamagatang Philippine Forests At a Glance noong 2015,
ang kagubatan ng Pilipinas ay sumasaklaw ng mahigit sa kalahati (57%) ng kabuoang kalupaan ng bansa noong 1934.
Noong 2010, ito ay nabawasan at naging 23% o mga 6.8 milyong ektarya na lamang. Ang datos na ito ay nakababahala
dahil ipinapakita nito na napakabilis ang pagkaubos ng ating kagubatan.
Ang kagubatan ay isa sa pinakamahalagang pinagkukunang –yaman ng bansa. Hindi lamang ito nagsisilbing
tahanan ng iba’t ibang uri ng hayop kundi nagbibigay rin ito ng kabuhayan sa mga tao. Nakatutulong din ito upang
maiwasan ang pagguho ng lupa, at nagsisilbing proteksyon sa mga water sheds. Bukod sa mga ito, nakatutulong din ang
mga kagubatan sa mitigasyon ng climate change.
Sa kabila ng mga pakinabang na nakukuha mula sa mga kagubatan ay patuloy pa rin ang deporestasyon o
pagkaubos nito. Ayon sa Food and Agriculture (FAO), ang deporestasyon ay ang pangmatagalan at permanenteng
pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao. Halimbawa ng gawaing ito ay ang illegal na pagtotroso, illegal
na pagmimina, migrasyon, mabilis na paglaki ng populasyon at fuel harvesting.
Ang pagkaubos o pagkasira ng kagubatan ay may malaking epekto hindi lamang sa forest ecosystem kundi pati
na rin sa iba pang ecosystem na may kaugnayan dito. Dahil sa pagkasira ng kagubatan, naging mas madalas ang mga
pagbaha at pagguho ng mga bundok. Iniaanod ang mga lupa mula sa pagguho patungo sa mga daan, kabahayan, bukirin
at sa iba’t ibang anyong tubig. Ang paglala ng mga suliraning dulot ng climate change ay iniuugnay rin sa deporestasyon
dahil sa epekto nito sa carbon cycle. Tumitindi ang init na nararanasan dahil wala nang punong nagbabalanse sa lamig at
init. Ang mga mahihirap na umaasa sa kagubatan ang higit na apektado ng deforestation. Ang patuloy na pagliit ng forest
cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan

Mga Programa at Pagkilos Upang Mapangalagaan ang Yamang Likas


Dahil sa patuloy na pagkasira ng kagubatan at iba pang mga pinangkukunang-yaman, maraming batas ang
ginawa upang matuldukan na ang mga ito. Maraming batas ang pinagtibay sa iba’t ibang panahon na may layuning
pangalagaan ang likas na yaman ng ating bansa. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
Batas Republika Bilang 2706
• Itinatag ang Reforestation Administration
• Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
Presidential Decree 705
• Ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang
pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin
Batas Republika Bilang 7586
National Integrated Protected Areas System Act of 1992
• Idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba
pang komersyal na gawain ng tao.
Batas Republika Bilang 8749 at Philippine Clean Air Act of 1999
• Itinataguyod nito ang pagtugon sa suliranin sa polusyon sa hangin sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga
mamamayan at mga industriya.
Batas Republika Bilang 9072 - “National Caves and Cave Resources Management and ProtectionAct”.
• Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang bahagi ng likas na
yaman ng bansa.
Batas Republika Republika Bilang 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”
• Binibigyang proteksyon ng batas na ito ang pangangalaga sa mga wildlife resources at sa kanilang tirahan upang
mapanatili ang timbang na kalagayang ekolohikal ng bansa.
Batas Republika Bilang 9175 - “The Chainsaw Act”.
• Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang ilegal na pagtotroso at iba pang gawaing
nakasisira ng kagubatan.
• Ang batas na ito ay naglalayong protektahan at ingatan ang mga yamang gubat sa pamamagitan ng tinatawag na
Sustainable Forest Manangement (SFM).
Republic Act 8371 o “Indigenous People’s Rights Act” (IPRA)
• Batas na nagtataguyod at kumikilala sa karapatan ng mga katutubo at sa kanilang kontribusyon sa pangangalaga sa
kapaligiran.
Proclamation No. 643
• Ipinahayag ang June 25 bilang Philippines Arbor Day
• Hinakayat ang pakikiisa ng lahat ng ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang
makihalok sa pagtatanim ng puno.
Executive Order No. 23
• Ipinatigil ang pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task
force.
Executive Order No. 26

8
• Ipinahayag ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening
Program.

Pagmimina o Mining
Ang pagmimina o mining ay ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at
enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto.
Maraming minahan sa Pilipinas. Sa mga key biodiversity areas tulad ng Palawan, Mindoro, Sierra Madre, at Mindanao
matatagpuan ang 23 malalaking minahan sa bansa ayon sa 4th Philippine National Report to the Convention on
Biological Diversity (2009).
Sa kabila ng mga benepisyong nakukuha mula sa pagmimina ay marami itong masamang dulot sa kalikasan. Ang
mga ilog, lawa, at iba pang anyong tubig ay nakokontamina at nalalason. Dahil sa kemikal na kumakalat sa mga ilog,
nagkakaroon ng mga fishkill, katulad ng nangyari sa Leyte na sumira sa kabuhayan ng mga mangingisda.
Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya. Marami nang
mga minahan ang gumuho na naging dahilan ng pagkamatay ng marami. Ang mga inabandonang minahan naman ay
nagdudulot pa rin ng banta ng pagguho dahil nanatili pa rin itong nakatiwangwang at hindi naaayos.

Mga Batas Tungkol sa Pagmimina


Dahil sa hindi mabuting epekto ng pagmimina, nagpatupad ng mga batas para maiwasan ang mga ito.
• Philippine Mining Act
Ito ay naisabatas noong 1995 upang makapagbigay ng makabuluhang panlipunan at pangkapaligirang kaligtasan mula sa
pagmimina kasama ang obligasyon ng mga industriyang nagsasagawa nito. Ang batas na ito ay nilikha upang masubaybayan
ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangalaga sa kalikasan.
• Executive Order No. 79
Ipinatupad ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at
makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.
• Philippine Mineral Resources Act of 2012
Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang
mineral. Tinitiyak nito ang pantay- pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga
katutubo, at sa mga lokal na komunidad.
Pagku-quarry o Quarrying
Ang pagku-quarry o quarrying ay ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula
sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena. Ginagawa ang pagku-quarry sa mga bundok at sa
mga tabing dagat. Ginagamit sa paggawa ng mga gusali, kalsada, tulay, bahay, at marami pang iba ang mga bagay na
nagmumula sa pagku-quarry.
Malaki ang ambag ng gawaing ito sa pag-unlad ng mga pamayanan dahil dito nanggagaling ang mga kagamitang
panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad. Nagbibigay din ito ng
trabaho, partikular ang mga inhinyero, mekaniko, at iba pa at sa negosyo partikular sa konstruksiyon.
Sa kabilang banda ay mayroon naman itong masamang dulot sa kapaligiran gaya ng polusyon sa hangin na dulot
ng alikabok at usok na nagmumula sa quarry site. Bukod sa polusyong dulot nito, maaari ring pagmulan ito ng mga sakit
sa baga. Nasisira rin ang katubigan dahil sa mga basura o quarry waste na naitatapon dito. Ang pagkasira ng biodiversity
at ecological balance ang pinakamatinding epekto ng quarrying.

Itala Mo
Isulat sa graphic organizer ang mga dahilan ng pagkasira ng likas na yaman na iyong natutuhan mula sa tekstong binasa
kabilang ang mga dahilan at epekto nito at kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para lutasin ito.
Suliranin Dahilan Epekto Paraan o Paglutas ng Pamahalaan

Pamprosesong mga Tanong


1. Sa iyong palagay ano ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng mga suliraning inyong inilista sa graphic organizer?

2. Naging matagumpay ba ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mapigilan ang deporestasyon sa ating
bansa? Pangatwiranan ang sagot.

9
3. May mabuti at di-mabuting epekto ang pagmimina. Sa iyong palagay, dapat bang ipagpatuloy ito o tuluyan nang
ipatigil ng pamahalaan? Bakit?

4. Ang quarrying ay mahalaga lalo na sa pag-unlad. Ano kaya ang maaaring alternatibo upang hindi masira ang mga
kalupaan at ang kapaligiran?

Climate Change
Ano ang Climate Change?
Ang climate change ay tumutukoy sa pagbabago ng klima sa buong mundo. Ito ay naramdaman simula noong
kalagitnaan ng ika-20 na siglo. Ayon sa Climate Change at Pagpapalayan (2014), “ang ay ang abnormal na pagbabago ng
klima tulad ng pag-init o paglamig ng temperatura, at tuluy-tuloy at malakas na pag-ulan sa isang lugar”.
Dahilan ng Climate Change
May dalawang sanhi ng climate change ayon sa mga pag-aaral. Una, ang natural na pagbabago ng klima ng
buong mundo. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo at sa init na nagmumula sa
ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. Ang ikalawa ay ang gawain ng
tao na nakapagpapataas sa konsentrasyon ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases sa atmospera. Ilan sa mga ito
ay paggamit ng mga fossil fuels gaya ng langis at coal, at ang pagputol ng mga puno na sanhi ng pagkakalbo ng mga
kagubatan.

Epekto ng Climate Change


Ang climate change ay maraming masamang epekto hindi lang sa kapaligiran kundi pati na rin sa mga tao. Ang
global warming o pag-init ng temperatura ng mundo na siyang palatandaan ng climate change ay nagdudulot ng sakuna
kagaya ng heatwave, baha, malalakas na bagyo, at tagtuyot na maaring magdulot ng pagkakasakit at pagpakamatay. Ilan
sa mga sakit na maaring lumaganap ay mga sakit dala ng tubig o pagkain gaya ng cholera at iba pang sakit na may
pagtatae, at mga sakit na dala ng mga insekto (lamok) tulad ng malaria at dengue at sakit na dala ng daga gaya ng
leptospirosis.
Dahil sa pagkasira ng mga komunidad dulot ng mga kalamidad na hatid ng climate change ay lumalaganap din ang
malnutrisyon at iba pang suliraning panlipunan. May ilang mga mamamayan ang napipilitang lumikas dahil nawalan sila
ng tirahan dahil sa pagkasira ng mga ito dulot ng malakas na bagyo. Ang iba ay natabunan ng lupa dahil sa landslide,
samantalang ang iba naman ay kinain ng dagat ang dating lupa na kinatatayuan ng kanilang mga bahay.
Nagkakaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga coral reef
na siyang tahanan ng mga isda at iba pang lamang dagat. Nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling mga
isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species. Pinangangambahan din na malulubog sa tubig ang ilang
mabababang lugar sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng pagkatunaw ng mga iceberg sa
Antarctic. Ilan sa epekto ng climate change sa Pilipinas ay ang panganib sa food security dahil pangunahing napipinsala
ng malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura. Lumiliit ang produksiyon ng sektor na ito dahil sa pagkasira ng mga
sakahan, kalsada, bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pag-aani, irigasyon, pagkawasak ng mga palaisdaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda.
Malaki ang papel ng tao sa paglala ng climate change. Ang mga suliraning pangkapaligiran na tinalakay ay
maituturing na sanhi ng climate change at nangyayari ang mga ito dahil sa mga ginagawa ng tao. Kung magpapatuloy ito,
tiyak na daranas pa tayo ng mas matinding kalamidad na lalo pang magpapahirap sa atin.
Kaya mahalaga na magkaroon ang bawat isa ng kaalaman tungkol dito at makilahok sa usaping ito. Ito ay upang
maging handa ang bawat isa laban sa panganib.

Mga Programa at Patakaran para sa Climate Change sa Pilipinas


Dapat protektahan at isulong ng pamahalaan ang karapatan ng mga mamamayan sa isang balanse at malusog na
kapaligiran (Artikulo 2 Seksiyon 16 ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas). Ito ang batayan sa paglikha noong Hulyo 27, 2009
sa Republic Act No. 9729 na kilala bilang Climate Change Act of 2009. Ito ang sagot ng Pilipinas sa banta ng climate
change, alinsunod sa pangako sa ilalim ng United Nations Framework Convention for Climate Change (UNFCCC).
Nakasaad sa batas na ito ang pagbalangkas ng pamahalaan ng mga programa at proyekto, mga plano at estratehiya, mga
patakaran, ang paglikha ng Climate Change Commission at ang pagtatatag ng National Framework Strategy and Program
on Climate Change.
Ang Climate Change Commission ay ang tanging ahensya na may tungkuling makipag-ugnayan, bumalangkas,
sumubaybay at sumuri ng mga programa at mga pagkilos hinggil sa pagbabago ng klima.
Pinagtibay rin ang Republic Act No. 8749 na kilala bilang Philippine Clean Air Act noong 1999. Ito ay naglalayong
mapanatiling malinis at libre sa greenhouse gas emissions ang hangin sa bansa. Ang Philippine Task Force on Climate
10
Change (PTFCC) ay binuo upang pagaanin ang masamang epekto ng climate change at magsagawa ng isang mabilis na
pagsusuri ng mga epekto nito sa bansa.

Apektado Ka?
Itala ang mga epekto ng climate change sa iba’t ibang aspekto sa graphic organizer at sagutIn ang kasunod na mga
tanong.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano ang climate change? Ano ang mga dahilan, palatandaan at epekto nito?

2. Paano tumutugon ang Pilipinas sa hamon ng climate change? Nararamdaman mo ba ito?

3. Sa anong aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino higit na nararamdaman ang epekto ng climate change? Ipaliwanag
ang sagot.

4. Ano ang kasalukuyang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas?

5. Bakit nagkakaroon ng mga suliraning pangkapaligiran ang Pilipinas? Paano naaapektuhan ng mga suliraning ito ang
mga mamamayan?

#ParaSaBayan
#ParaSaKinabukasan
Sa bahaging ito, ipahayag mo kung ano ang magiging tungkulin o ambag mo sa paglutas sa mga suliraning
pangkapaligiran at kung ano ang magagawa mo sa pangangalaga sa kalikasan ng ating bansa. Sumulat ng maikling
panata sa pangangalaga ng kalikasan. Isulat ito sa short coupon bond . Gawing gabay ang nasa ibaba sa pagbuo ng
gawaing ito.

Ang Aking Panata Para sa Kalikasan


Ako si

11
Lagda at Petsa

Panghuling Pagtataya
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang
papel.
1. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Status Report
noong 2015.
A. biodegradable B. nuclear waste C. solid waste D. electronic waste
2. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?
A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
3. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______
A. Nagiging sanhi ng pagbaha
B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera
C. Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito
D. Nadaragdagan ang bilang ng mga waste pickers na kumikita sa mga ito
4. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse at malusog na
kapaligiran.
A. Greenpeace B. Mother Earth Foundation C. Bantay Kalikasan D. Clean and Green Foundation
5. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?
A. Republic Act 9003 B. Republic Act 115 C. Republic Act 2649 D. Republic Act 9072
6. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap na deforestation?
A. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang pinagkukunan ng
pangangailangan
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
C. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
D. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
7. Dahil sa mabilis na paglaki ng populasyon, tumataas ang demand sa mga pangunahing produkto na dahilan kung kaya
ang dating kagubatan ay ginagawang plantasyon, subdibisyon, at iba pa. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa gawaing
ito?
A. Land reform B. Land use C. Land grabbing D. Land Conversion
8. Noong 1992, isinabatas ang Republic Act No. 7586 o ang National Integrated Protected Areas System o NIPAS. Alin sa
sumusunod ang layunin nito?
A. Pangalagaan ang mga protected areas mula sa pang-aabuso
B. Rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektaryang kagubatan
C. Paghikayat sa mga taong makilahok sa mga tree planting activities
D. Lahat ng nabanggit

9. Alin sa sumusunod ang layunin ng Batas Republika 9072 o National Caves and Cave Resources Management and
Protection Act?
A. Ingatan, panatilihin, at protektahan ang mga kweba ng bansa
B. Gawing mga tourist attractions ang mga kweba sa ating bansa
C. Linangin at pakinabangan ang mga kweba at mga yaman nito
D. Itaguyod ang pagsasapribado sa mga kweba upang magkaroon ng kita ang pamahalaan
10. Ang batas na ito ay ginawa upang maprotektahan at mapag-ingatan ang mga kagubatan sa pamamagitan ng
pagbabawal sa paggamit ng mga chainsaw.
A. RA 9072 B. RA 9147 C. RA 9175 D. RA 7586
11. Alin sa sumusunod ang layunin ng Climate Change Commission na nilikha sa ilalim ng Climate Change Act of 2009?
A. Panatilihing malinis ang hangin sa bansa
B. Gumawa, sumubaybay at sumuri ng mga programa at pagkilos sa pagbabago ng klima
C. Pagaanin ang negatibong epekto ng climate change
D. Mapahusay ang kakayahan ng mga negosyante na gumamit ng environment friendly na estratehiya upang
mapaunlad ang ekonomiya
12. Ang Pilipinas ay apektado ng nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain D. lahat ng nabanggit
13. Ang pag-init ng temperatura ng mundo ay nagdudulot ng mga sakuna gaya ng heatwave, baha, at tagtuyot. Alin sa
sumusunod ang maaaring maging epekto nito?
A. Pagdami ng sakit gaya ng dengue, diarrhia, malnutrisyon at iba pa
B. Pagkakaroon ng marami at malalakas na bagyo
C. Pag-iral ng mga pangklimang penomena gaya ng La Nina at El Nino
D. Pagkakaroon ng tinatawag na global warming

12
14. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change lalo na ang sektor
ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaring implikasyon nito sa kabuhayan ng mga mamamayan?
A. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
B. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
C. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
D. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
15. Alin sa sumusunod ang hindi tamang pahayag tungkol sa epekto ng climate change?
A. Mataas ang banta ng epekto ng climate change sa Pilipinas
B. Malaki at seryoso ang epekto ng climate change sa kapaligiran
C. Hindi maaring makialam ang indibidwal na tao sa pagsugpo sa climate change dahil gawain lang ito ng
pamahalaan
D. Halos kalahati ng populasyon ng buong mundo ay nakararanas ng masama epekto ng climate change

Araling Panlipunan 10: Unang Markahan


Modyul 3: Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib na Dulot
ng Suliraning Pangkapaligiran
Pamamahala sa Kalamidad (Disaster Management)
Sa unang bahagi ng modyul na ito iyong nabasa ang isang katanungang maaaring naglalaro sa iyong isipan kung
ano ang tamang kasagutan. Kanino nga ba nakasalalay ang paghahanda sa oras ng sakuna o panganib? Ang pamahalaan
ba o ang mamamayan? Upang higit mong maintindihan, iyong unawain kung ano ang ibig sabihin ng pamamahala sa
kalamidad (disaster management). Makatutulong ito sa iyo upang matukoy kung ano ang dapat mong gawin sa pagharap
ng panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran. Ang disaster management plan ay mahalaga sa pagkamit ng
isang ligtas na pamayanan.
• Ayon kay Carter (1992), ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
• Binigyang diin nina Ondiz at Rodito (2009), na ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na
binuo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
• At ayon naman sa Red Cross Disaster Management Manual, ito ay isang ahensiya na may administratibong
desisyon, at gawain patungkol sa bawat yugto ng isang sakuna.
Mapapansin sa mga kahulugan na ang pamamahala sa kalamidad (disaster management), ay hindi lamang
tumutugon pagkatapos ng kalamidad, bagkus gumagawa rin ng mga hakbang upang muling makabangon at manumbalik
sa dating pamumuhay ang mga tao sa isang komunidad.

Mga Termino at Konsepto


Sa pagkakatong ito, iyong unawain ang mga mahahalagang termino o konsepto na makatutulong sa iyo upang
higit mong maintindihan ang kahalagahan ng disaster management. Ang sumusunod na kahulugan ay isinalin sa Filipino
mula sa Disaster Risk Management System Analysis: A Guide Book nina Baas at mga kasama (2008).
Hazard - banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng tao.na maaaring sanhi ng pinsala, buhay, ari-arian, at kalikasan. May
dalawang uri ng hazard, ito ay ang
• Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard- ito ay mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
Halimbawa nito ay ang mga basura na itinatapon kung saan saan at maitim na usok na ibinubuga ng mga
pabrika.
• Natural Hazard – ito naman ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Halimbawa nito ay ang lindol, tsunami,
landslide, at storm surge.
Disaster - mga pangyayari na nagdudulot ng pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay
maaaring resulta ng hazard, vulnerability o kahinaan, at kawalan ng kakayahan ng isang pamayanan na harapin ang mga
hazard.
Vulnerability - kahinaan ng tao, lugar, at imprastruktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.
Ang mga kalagayang heograpikal at antas ng kabuhayan ang kadalasang nakaiimpluwensiya sa kahinaang ito.
Halimbawa, mas vulnerable ang mga taong naninirahan sa paanan ng bundok at ang mga bahay na gawa sa hindi
matibay na materyales.
Risk - mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng isang kalamidad o sakuna. Ang mababang kapasidad ng isang
pamayanan na harapin ang panganib na dulot ng kalamidad ay nagiging dahilan ng mas mataas na pinsala. May
dalawang uri ito, ang human risk at structural risk.
Resilience - kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring
makita sa mga mamamayan, halimbawa ang pagkakaroon ng kasanayan at kaalaman tungkol sa hazard ay isang paraan
upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad. Maari ring estruktural na kung saan isinasaayos ang mga tahanan,
gusali, o tulay upang maging matibay bago pa dumating ang isang kalamidad.

Larawan-Suri

13
Gamit ang sariling sagutang papel, tukuyin kung anong konsepto ng disaster management ang tinutukoy ng sumusunod
na larawan. Magbigay ng sariling opinyon tungkol sa konsepto gamit ang mga larawan.

Sa mga konseptong natalakay, higit mong naunawaan kung ano nga ba ang disaster management na kung saan
napapaloob dito ang kahalagahan ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
Mainam na ito ay iyong maintindihan bilang panimulang ideya tungo sa pag-unawa mo sa mga nararapat na gawing
paghahanda sa panahon ng kalamidad. Sa susunod na bahagi ng aralin ay mauunawaan mo ang kaugnayan ng Philippine
Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-Based Disaster Risk and Management
Approach.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework


Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may dalawang pangunahing layunin:
1. Ang suliranin na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat paghandaan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
2. Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang maiwasan at mapababa ang pinsala at panganib
na dulot ng iba’t ibang kalamidad.
Ito ang naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF).
Nakatuon ito sa paghahanda sa bansa at komunidad sa panahon ng kalamidad o anumang panganib upang
mapababa o maiwasan ang pinsala sa buhay at ari-arian.

Mga Itinataguyod ng PDRRM Framework:


• Ang paglutas sa mga hamong pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng pamahalaan.
• Nagmumula sa pagtutulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan,
mangangalakal, Non-governmental Organizations (NGO’s), pribadong sektor, kasama na ang mga mamamayang
naninirahan sa isang komunidad ang pagbuo ng disaster management plan.
• Ang pagbuo ng mga plano at polisiya sa pagharap ng mga hamong pangkapaligiran ng Community Based-
Disaster and Risk Reduction Management Approach ang itinataguyod ng National Disaster Risk and Reduction
Management Council (NDRRMC) sa kasalukuyan.

Ang Community-Based Disaster and Risk Reduction Management Approach (CBDRM)


Ayon kina Abarquez at Zubair (2004) ang Community-Based Disaster Risk Management ay isang paraan upang
ang mga mamamayan ang siyang tutukoy, sususri, tutugon, susubaybay, at tataya sa mga risk na maaari nilang
maranasan lalo na ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad. Isa itong paraan upang maiwasan ang
malaking pinsala sa buhay at ari-arian at maisabuhay ng mga tao sa isang komunidad ang kahalagahan ng pagiging
handa. Binibigyang-diin ang bahaging dapat gampanan ng mamamayan sa pagpaplano, pagdedesisyon, at
pagsasakatuparan ng mga gawain na may kaugnayan sa disaster risk management. Napakahalaga ang aktibong
partisipasyon ng mga mamamayan dahil sila ang posibilidad na makaranas ng mga epekto ng kalamidad at sakuna.
Ayon naman kina Shah at Kenji (2004), ang Community-Based Disaster and Risk Management Approach ay isang
proseso ng paghahanda na nakatuon sa kapakanan ng tao. Ang mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon na alamin at
suriin ang mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang lugar. Bahagi nito ang pagsusuri sa mga
nagpapalubha sa epekto ng hazard at kalamidad tulad ng estrukturang panlipunan, pampolitika, at pang-ekonomiya.
Sa mga kahulugan na nabanggit ang tagumpay ng CBDRM Approach ay nakasalalay sa pakikilahok ng lahat para
sa matagumpay na pagsasakatuparan ng mga patakaran. Halimbawa na lang ang mga isyu at hamong panlipunan, ang

14
kabiguan nito ay maaaring dulot ng mga institusyon na hindi gumagawa ng kanilang mga tungkulin. Ito ay maaaaring
magpalubha sa epekto nito sa isang lugar. Kung kaya’t hinihikayat ang lahat na makilahok para sa kaligtasan ng mga tao
sa isang pamayanan. Pinagtibay ito ng isang ulat ng WHO (1989) tungkol sa CBDRM Approach. Binigyang-diin dito na
mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng isang lugar upang:
(1) mabawasan o mapababa ang epekto ng mga hazard at kalamidad;
(2) magkaroon ng mas maayos na plano na tutugon sa panahon ng kalamidad upang mailigtas ang mas maraming buhay at
ari-arian sa halip na umasa lang sa tulong galing sa pambansang pamahalaan; at
(3) mabigyan ng karampatang solusyon ang iba’t ibang suliranin na dulot ng kalamidad dahil sa mas organisadong plano na
gawa ng lahat ng sektor ng pamayanan.
Napakahalaga ang partisipasyon ng lahat ng sektor para sa mas matagumpay na disaster management plan. Ito ay
ipinaliwanag ni Sampath (2001) na kung hindi handa ang isang pamayanan, mas malala ang epekto ng hazard at kalamidad.
Ngunit kung mas alerto at pamilyar ang mamamayan sa kung ano ang mga dapat gawin, mas bababa ang epekto nito.

Sa mga pagpapaliwanag na nabanggit sa mga kahulugan, alam kong naunawaan mo na ang bahaging dapat
mong gampanan bilang kabahagi ng isang lugar. Maging aktibo, makilahok, at gampanan kung ano ang nararapat. Bago
ka magpatuloy gawin mo muna ang susunod na gawain para mapatunayan mo na may naintindihan ka sa iyong binasa.
Kahalagahan ng CBDRM Approach
Ano ang bahaging ginagampanan ng CBDRM Approach sa pagharap sa mga hazard at kalamidad? Bakit kailangan
ang CBDRM Approach sa pagharap sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran?
Layunin ng CBDRM:
• Bumuo ng isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran na nakasalalay sa mabuting
pagpaplano, pagtataya, at paghahandang nakapaloob sa disaster management plan.
• Maging disaster-resilient ang mga pamayanan at maayos na maisagawa ang Community-Based Disaster and Risk
Management Approach.
Sa pagkakataong ito, iyong pagtuonan ng pansin ang dalawang approach na kung saan makikita mo kung papaano
tumutugon sa mga epekto ng mga sakuna at kalamidad. Alamin din kung ano ang kaugnayan ng dalawang approach sa Community-
Based Disaster and Risk Management.

Katangian ng Bottom-up Approach


• Ang pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa isang
pamayanan ay nagmumula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng pamayanan.
• Ang pamumuno ng lokal na pamayanan ang pangunahing kailangan para sa grassroots development kasama
na ang mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at mga NGO’s.
• Nabibigyan ng pansin ang magkakaibang pananaw ng iba’t ibang grupo sa isang pamayanan na makatutulong
sa paglaban sa mga hazard at kalamidad.
• Ang karanasan at pananaw ng mga taong nakatira sa isang disaster-prone area ang nagiging pangunahing
batayan ng plano.
• Ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad ay isa sa mga salik upang maipagpatuloy
ang matagumpay na bottom-up approach.
• Kailangan ang maingat at responsableng paggamit ng mga tulong-pinansyal.
• Ang matagumpay na bottom-up strategy ay natatamo dahil sa malawakang partisipasyon ng mga mamamayan
sa komprehensibong pagpaplano at pagbuo ng desisyon.
Katangian ng Top-down Approach
• Ipinapaubaya sa mas nakatataas na tanggapan o ahensiya ng pamahalaan ang lahat ng mga gawain tulad ng
pagpaplano hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad.
Halimbawa: Ang isang barangay na nakaranas ng sakuna at kalamidad ay aasa lamang ito sa tulong at desisyon
na Pambayan o Panlungsod na Pamahalaan. Kung ang buong bayan o lungsod naman ang nakaranas ng
kalamidad ang paraan ng pagtugon ay nakasalalay sa paraan na ipatutupad ng lokal na pamahalaan.
• Karaniwan ang sistemang ito ay laging binabatikos at nakatatanggap ng mga kritisismo sa kadahilanang
napapabayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng epekto ng kalamidad at
kadalasang hindi naibibigay ang mga pangangailangan ng mga tao.
• Kadalasan ang pananaw lamang ng namumuno ang nabibigyang-pansin sa paggawa ng plano kung kaya’t l
imitado ang pagbuo sa disaster plan.
• Ang mga karanasan, pananaw, at pangangailanagan ng mga mamamayan ay hindi rin nabibigyan ng pansin. Sa
kabuoan, nagiging mabagal ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan sanhi ng hindi
pagkakasundo ng Pambansang Pamahalaan at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga patakaran at hakbangin
na dapat gawin sa panahon o pagkatapos ng kalamidad.

Sa pagpaplano ng disaster management plan, alin sa dalawang approach ang mas magandang gamitin?
Mula sa mga katangian at kalakasan ng dalawang approach, ang top-down approach at bottom-up approach,
maaaring nag-iisip ka kung alin sa dalawa ang dapat at mas magandang gamitin.
Ang kalakasan ng dalawang approach ay napakahalaga sa pagpaplano ng disaster risk management. Ang mga
pananaw ng mga namumuno sa pamahalaan ay dapat at mahalagang maisaalang-alang dahil sa kanilang kaalaman sa
mga sistemang ipinapatupad ng disaster management. Magkakaroon ng holistic na pagtingin sa kalamidad at hazard sa

15
isang pamayanan kung magsasanib ang dalawang approach. Mainam din na isaalang-alang ang pananaw at karanasan ng
mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
Sa ngayon kasapi na sa proyektong Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA) Phase 4
(2008) ang National Disaster Coordinating Council (NDCC), (na kilala ngayon bilang National Disaster Risk Reduction
Management Council) ng PIlipinas. Layunin ng programang ito na maturuan ang mga lokal na pinuno sa paggawa ng
Community Based Disaster Risk Management Plan. Binibigyan ng sapat na kaalaman at hinahasa ang kakayahan ng mga
lokal na pinuno kung paano maayos at maisasama ang CBDRRM Plan sa mga plano at programa ng lokal na pamahalaan.
Malaki ang bahaging ginagampanan nito sa pagkamit ng mas mahusay at epektibong disaster management plan.
Bukod dito, mas masisiguro na ang magagawang disaster management plan ay nakabatay sa pangangailangan at
kakayahanan ng pamayanan na harapin ng tama at maayos ang iba’t ibang hazard at kalamidad na maaari nilang
maranasan. Kapag nagawa ito nang maayos, mas matutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at magagamit
nang maayos ang kanilang mga resources. Higit sa lahat, mas epektibo ang pagtugon sa pangangailangan ng mga
mamayan dahil ang plano ay ginawa kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan kabilang ang mga mamamayan.
Ngayong natapos mo nang pag-aralan ang disaster management, alam kong sapat na ang iyong kaalaman
tungkol dito, ngunit kailangan mo pa ring ipagpatuloy ang susunod na aralin ng modyul na ito upang matulungan kang
unawain ang mga bagay na dapat mong gawin upang maging ligtas sa ano mang kalamidad at panganib na maaaring
kakaharapin ng iyong sariling pamayanan.

Mga Paghahandang Nararapat Gawin sa Harap ng Panganib/Kalamidad


Mga Dapat Gawin sa Panahon ng El Niño at La Niña
1. Ang mga tao ay dapat handa bago pa dumating ang El Niño lalo na sa negatibong epekto nito sa bansa.
2. Dapat iakma ng mga magsasaka ang kanilang mga pananim sa abnormal na panahon at gumawa ng mga paraan upang
tumagal ang patubig kung sakaling ito ay magpatuloy.
3. Makiisa at makibahagi sa paglaban sa mga epekto lalo na sa pagtitipid sa suplay ng tubig.
4. Dapat malinis ang kapaligiran at hindi barado ang mga daluyan ng tubig upang hindi magdulot ng pagbaha.

Mga Dapat Gawin sa Panahon ng Bagyo


Ang pagdating ng bagyo ay hindi inaasahan kung kaya’t naglalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical and
Astronomical Services Administration (PAGASA) ng public storm signal bilang babala sa pagdating ng masamang
panahon kasama na rito ang tungkol sa lakas o signal ng bagyo.

Tandaan mo na walang pagbabago sa Public Storm Signal Warning ng lugar at nababawasan ang palugit kung
may bagong inilalabas na ulat panahon. Sa panahon ng bagyo, narito ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang para
sa kaligtasan ng iyong kapamilya at ng buong pamayanan.

Bago ang Bagyo:


1. Makinig sa radyo o manood ng TV para sa regular na anunsyo o babala tungkol sa kalagayan ng bagyong paparating.
2. Laging maghanda ng mga gamit pang-emergency na nakalagay sa lalagyang hindi nababasa kasama ang mga ekstrang
damit, delata, posporo, baterya, at iba pang mahahalagang gamit.
3. Ayusin ang mga bahagi ng bahay lalo na ang bubong para maging matibay at makayanan ang malakas na ihip ng
hangin.
4. Kailangang lumikas kung nakatira sa mababang lugar at delikado sa baha.

Habang may Bagyo:


1. Huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangang lumikas.
2. Siguraduhin na nakasara nang maayos ang mga bintana at pintuan.
3. Itago nang maayos ang mga kagamitan bago lilikas, isara ang tangke ng gas, at kailangang nakapatay ang main switch
ng kuryente.
4. Kung lilikas, siguraduhing may dalang emergency kit.

Pagkatapos ng Bagyo
1. Manatili sa loob ng bahay kung wala pang opisyal na balita na nakaalis na ang bagyo sa bansa.
2. Kung lalabas, mag-ingat sa mga naputol na kable ng kuryente na nakakalat
16
3. sa daan.
4. Makinig sa radyo o manood ng TV upang malaman ang pinakahuling balita tungkol sa bagyo.
5. Siguraduhin na walang buhay na kable o outlet na nakababad sa tubig. Itapon ang mga naipong tubig sa mga gulong,
lata, o paso upang hindi pamahayan ng lamok.

Mga Dapat Gawin sa Banta ng Lindol


Ang lindol ay isang pangyayari na nagdudulot ng malaking pinsala. Ito ay biglaan at mabilis na paggalaw ng lupa.
Sanhi ito ng pagbibiyak at pagbabago ng mga bato sa ilalim ng lupa habang pinapakawalan nito ang puwersa na naipon
sa mahabang panahon. Ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang namamahala sa mga
kalagayan ng mga bulkan, lindol at mga tsunami. Ang lindol ay nasusukat ayon sa lakas (intensity) na maaaring ilarawan
bilang halos di-maramdaman, biglaang nararamdaman, mahina, katamtaman ang lakas, malakas, sobrang malakas,
mapaminsala, sobrang mapaminsala, mapangwasak, at mapanggunaw. Kaya’t pinapayuhan ang lahat na maging handa
at alamin ang mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol. Ito ang ilan sa mga dapat mong tandaan.

Bago Lumindol:
1. Makilahok sa mga earthquake drill.
2. Laging may handang emergency kit na naglalaman ng mga kakailanganin tulad ng bottled water, de-latang pagkain,
gamot, at iba pang mahahalagang kagamitan sa panahon ng paglikas.
3. Mahalaga rin na maging pamilyar sa mga exit route ng inyong tahanan, lugar ng trabaho, at paaralan. Alamin din kung
saan nakalagay ang fire extinguisher at first aid kit.

Habang Lumilindol:
1. Umiwas sa mga puno, poste, linya ng kuryente, at estruktura kung sakaling nasa open area.
2. Magtago sa isang matibay na mesa at manatili roon upang maprotektahan ang sarili sa maaaring bumagsak na bagay
na nasa loob ng gusali.
3. Siguraduhin na laging pumunta sa ligtas na lugar.
4. At napakahalaga na kalmado at maging alerto upang malaman ang dapat gawin sa mga panahon na katulad nito.

Pagkatapos Lumindol:
1. Lumabas agad sa gusali, bahay, o paaralan kapag huminto na ang pagyanig. Siguraduhing ligtas ang mga kasama at
alamin kung may injury.
2. Magdala ng emergency kit kung kinakailangang lumikas.
3. Lumikas kung pinalilikas.

Mga Dapat Gawin sa Pagputok ng Bulkan


1. Dapat sundin ang babala ng PHIVOCS, kung pinalilikas, lumikas agad.
2. Sa paglikas, magdala lamang ng mahahalagang kagamitan. Huwag kalimutang magdala ng tubig, flashlight, at radio.
3. Laging alalahanin ang kaligtasan ng bawat isa kaya laging sundin ang lahat ng paalala at babala ng kinauukulan.
4. Manatili sa evacuation center hanggang hindi nakasisiguro sa kaligtasan. Maaaring may mga mahihinang pagsabog
pati na rin ang paglindol.

Mga Dapat Gawin sa Banta ng Pagbaha at Flash Flood


1. Maging handa sa posibilidad na pagbaha kung patuloy ang pag-ulan.
2. Makinig sa radyo o manood sa TV para sa emergency instructions.
3. Kinakailangang mag-imbak ng malinis na tubig baka mawalan ng water supply.
4. Siguraduhing nasa maayos na lalagyan ang mga kagamitan sa bahay, maaari itong ilagay sa mataas na bahagi upang
hindi maabot ng tubig-baha.
5. Dalhin at isilong ang mga alagang hayop sa mataas na bahagi ng lupa.
6. Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo.
7. Kung kinakailangang lumikas, tiyaking nakapatay ang kuryente ng bahay, nakasara ang tangke ng gas, at nakasusi ang
pinto.
8. Kung pinalilikas, gawin ito agad bago malubog sa tubig-baha.
9. Bago lumikas, ibaba ang main switch ng kuryente at isara ang buong kabahayan.
10. Huwag lumusong o tumawid sa mga tubig na hindi alam ang lalim nito, iwasan ang mga lugar na may tubig-baha.
11. Kung may dalang sasakyan at inabot ng baha, huwag piliting tawirin ang baha lalo na kung malakas ang agos nito at
hindi matantiya ang lalim.
12. Pakuluan ang tubig bago inumin.
13. Pagkatapos ng baha, bago pumasok sa bahay, siguraduhing walang putol na kawad ng kuryente upang maiwasan ang
pagkakuryente o pagsisimula ng sunog.
14. Huwag pumunta sa lugar ng sakuna (disaster areas) nang hindi makasagabal sa rescue and emergency operations.
15. Ipakita sa elektrisyan ang koneksiyon ng kuryente bago buksan ang main switch o paggamit ng mga de-kuryenteng
mga kagamitan.

17
Laging tandaan na ligtas ang may alam, kaya’t hinihimok ang lahat na maging mapanuri at alerto lalo na sa
pagdating ng mga kalamidad at anumang panganib. Narito ang ilan sa mga ahensiya ng pamahalaan na dapat mong
tandaan lalo na ang mga bahaging ginagampanan ng mga ito tungo sa ligtas na bansa.
Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) - nagbibigay ng mga update
tungkol sa mga paparating na bagyo at sama ng panahon.
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) - namamahala sa mga kalagayan ng mga bulkan, lindol
at mga tsunami.
National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) - nabuo upang mabawasan at maagapan ang
panganib na dulot ng kalamidad.
Ahensiyang Pang-impormasyon ng Pilipinas o Philippine Information Agency (PIA) - nagbibigay ng mga update tungkol
sa mga rescue efforts at relief lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng kalamidad.
Tanod Baybayin ng Pilipinas (Philippine Coast Guard) - sakop nito ang pagbibigay ng babala sa mga biyaheng pandagat
kasama na ang rescue and search operations. Sinisiguro nito ang kaligtasang pandagat.

Alam Mo Na Ba!
Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa sagutang papel ang K kung ito ay tama at S kung ito ay mali.
_____ 1. Iwasan ang pagpanic sa panahon ng kalamidad.
_____ 2. Antayin ang mga kinauukulan, bago lumikas kahit inabot na ng tubig -baha ang inyong lugar.
_____ 3. Bawat isa ay kailangang may kasanayan sa paghahanda sa kalamidad.
_____ 4. Maghanda ng emergency kit sa mismong araw ng paglikas kung sakaling pinalilikas.
_____ 5. Ang patuloy na pagtatapon ng basura sa mga kanal ang tanging sanhi ng pagbaha.
_____ 6. Iwasang mag-imbak ng maraming pagkain sa bahay lalong lalo na ang mga delata.
_____ 7. Isantabi ang mga ginagawang pagsasanay sa paghahanda sa kalamidad upang mabigyang pansin ang pagpapa-
unlad sa sarili.
_____ 8. Ipagpatuloy ang pagmamaneho kung naabutan ng lindol sa daan upang makauwi kaagad.
_____ 9. Ang mga matatanda at bata ang dapat pinakahuling ilikas pag may kalamidad.
_____ 10. Bumalik kaagad sa bahay pagkatapos ng bagyo upang masiguro ang kaligtasan ng mga alagang hayop.

Kumpletuhin Ako!
Kumpletuhin ang sumusunod na pahayag o pangungusap patunay na naintindihan mo ang paksa. Gumamit ng sariling
sagutang papel.
1. Ang kalamidad ay tumutukoy sa _________________________________________

2. Mahalaga ang pagsanib ng top-down approach at bottom-up approach dahil

3. Mahalagang tumutok sa mga babala ng PHIVOLCS dahil

4. Ang kahalagahan ng disaster management plan ay

5. Mga dapat tandaan sa pagharap sa mga kalamidad at mga panganib dulot ng suliraning pangkapaligiran ay ang
sumusunod

6. Mga ahensiya ng pamahalaan na maaasahan sa panahon ng kalamidad o mga panganib ay ang sumusunod

Tayahin
Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na pahayag.
1. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
2. Tumutukoy sa tao, lugar, at impraestruktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng mga hazard.
3. Ito ay isang hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
4. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
5. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
6. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
7. Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.
18
8. Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.
9. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa
pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
10. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
11.Tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard.
A. Hazard Assessment B. Capacity management
B. Disaster management D. Disaster
12. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan ang kanilang kahinaan at kakulangan o pagiging vulnerable
sa mga disaster?
A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap mula sa pamahalaan at pribadong sektor.
B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.
C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ari-arian at sa kalikasan.
D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.
13. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong sa pagkamit ng isang maayos na lipunan?
A. Makakamit ito kung lahat ay nakapag-aral.
B. Kung sagana sa likas na yaman ang ating bansa.
C. Kung maayos ang ugnayan ng buong pamilya.
D. Kung ang bawat institusyon sa lipunan at mamamayan ay gagampanan nang maayos ang kanilang
responsibilidad.
14. Kapag resilient ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?
A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagtaas ng bilihin
B. Pagbagsak ng ekonomiya D. Pagdami ng basura
15. Mahalaga ang aktibong pakikilahok ng lahat ng sektor ng pamayanan upang
A. Dadami ang epekto ng mga hazard at kalamidad.
B. Mailigtas ang maraming ari-arian.
C. Hindi mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga nararanasang kalamidad.
D. Walang maayos na paraan ang pamayanan sa pagtugon sa kalamidad.

Dapat Tandaan! Concept Web:


Magbigay ng mga mungkahi kung papaano maiwasan o mabawasan ang maaaring matinding epekto ng
kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao sa iyong sariling pamayanan.
Mga mungkahi para maiwasan
o mabawasan ang matinding
epekto ng kalamidad sa buhay
at ari arian ng mga tao sa iyong
pamayanan.

Araling Panlipunan 10: Unang Markahan


Modyul 4: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa
Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Mga Isyu sa Hamong Pangkapaligiran

Ang Hagupit ng Bagyong Yolanda


Posted by Charles Judiel Baynas on November 25, 2013
Noong ika–pito ng buwan ng Nobyembre ng taong 2013, ang Republika ng Pilipinas ay nakaranas ng hagupit ng
isang malakas na bagyo na may pangalang lokal na “Yolanda” at pangalang internasyonal na “Haiyan”. Humagupit ito sa
ilang kapuluan ng Kabisayaan na nag-iwan ng kalunos-lunos na trahedya tulad ng pagkasira ng mga Emprastruktura, at
buhay ng mga kababayan nating Bisaya. Ang lawak ng bagyong ito ay sinakop ang buong Pilipinas na may lakas na halos
ika-anim na uri ng Hurricane ayon sa mga Amerikano at ito na ang pinakamalakas na bagyo na naitala sa buong
kasaysayan ng mundo.

19
Dahil sa hagupit ng Bagyong Yolanda, nakaranas tayo ng Pambansang kalamidad. Marami ang nagdusa at nakita
ito ng buong mundo kaya ang mga iba’t ibang bansa at organisasyong pandaigdigan ay sumugod para tumulong.
Nakatanggap tayo ng napakaraming tulong mula sa kanila sa anomang paraan. Ngunit, ang ilang tulong na natatanggap
ng bansa ay di nakakarating sa mga nanganagailangan. Kung mayroon man hindi sapat ito upang matulungan ang mga
apektadong mamamayan. Pilit na isinisisi nito ng pambansang pamahalaan sa mahihirap, mahihina at nasalantang lokal
na pamahalaan ng mga lugar na binagyo samantalang sira na ang buong sakop ng mga ito. May kakulangan din ang mga
ito sa mga equipment na makakatulong sa pagkuha ng mga nakakalat na labi ng mga namatay sa bagyo at sa mga
nakaharang na kalat sa mga kalsada na magagamit sana sa paghatid ng mga tulong sa mga nasalanta.
Ang hindi naiintindihan ng pamahalaang pambansa ay walang malakas na awtonomiya ang mga lokal na
pamahalaan kaya mahihirap at mahihina lamang ang mga ito. Nasalanta rin ang lokal na pamahalaan at sila pa ang
humihihingi ng tulong mula sa pambansang pamahalaan. Hindi rin makacommunicate ang mga kawani ng lokal na
pamahalaan sa pambansang pamahalaan tungkol sa mga tulong na kailangan nila dahil nawalan din ng linya ng
komunikasyon sa mga nasalantang lugar ng iilang araw. Dapat kasi, rumesponde na agad ang pambansangpamahalaan
kahit noong hindi pa binabagyo ang mga lugar na binagyo at nagpadala na ng kakailanganing tulong para hindi na sana
masyado naghirap ang mga lokal na pamahalaan at ang mga taong sakop nito. Tsaka, kung meron lang ding sapat na
awtonomiya ang mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Region-based decentralization edi sana, nakapaghanda
na rin nang maayos ang mga ito sa una pa lamang. Mabilis din dapat na rumesponde ang pamahalaang pambansa at
naipadala na dapat ang ikalawang sapat na supplies at generator sa mga lokal na pamahalaan lalong-lalo na sa mga
ospital. Matuto rin sana tayo sa mga naunang kalamidad doon sa bansang Hapon at Amerika sa kung paano sila
rumesponde pagkatapos ang kalamidad, buti pa doon organisado ang pagresponde. Hindi rin dapat puro sisihan na
lamang sa mga lokal na pamahalaan ang mabagal na pagresponde ng mga ito dahil sa nasalanta rin ito ng bagyo at dahil
responsibilidad na rin ng pambansang pamahalaan ang pamamahagi ng tulong sa mga taong nasalanta ng bagyo.
Nakita rin natin na may kawalan din ng seguridad ang pagpapadala ng tulong sa mga nasalantang lugar kaya
muntikan na rin itong sugurin ng mga rebeldeng komunista at ilan pang armadong grupo na napapabalita sa telebisyon.
Nagkaroon pa ng kaguluhan sa mga ilang lugar tulad ng Tacloban na parang walang namumuno doon. Dahil na rin ito sa
nasalanta ang lokal na pamahalaan na bahagyang nagdulot ng pansamantalang pagkaparalisado nito. Dapat ding kasi,
nagpadala na rin ng maraming sundalo at karagdagang pulis sa mga lugar na binagyo para mapanatili ang kaayusan doon
nang agaran kahit noong unang araw pa lamang pagkatapos masalanta ng bagyo ang mga lugar na iyon.
Karapat-dapat na ituring nating Pambansang Kalamidad ito dahil sa laki ng epekto na iniwan ng bagyong ito.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakabangon ang mga nasalanta at karamihan sa kanila ay nag-evacuate na sa ibang
lugar dahil sa kalunos- lunos na iniwan ng bagyong Yolanda doon.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano hinagupit ng bagyong Yolanda ang mga taga-Visaya?

2. Anong aksiyon naman ang isinagawa ng mga awtoridad para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Yolanda?

3. Mula sa artikulong binasa, paano ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa
hagupit ng bagyong Yolanda?

4. Bakit nga ba karapat-dapat na ituring na pambansang kalamidad ang bagyong Yolanda?

Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran


❖ Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng Lifetime Kit bago pa may dumating na
kalamidad gaya ng pagbaha. Ito ay dapat na praktikal at kayang dalhin sa paglikas. Kailangang mayroon nito ang bawat
miyembro ng pamilya. Gawin ito kasama ang buong pamilya upang matuto ang mga bata na maghanda ng kanilang mga
kit, sa pamamagitan nito, sila’y laging handa sa pagdating ng baha.
❖ Nagmungkahi naman ang Department of Energy (2016), na sa tuwing panahon ng kalamidad tulad ng baha,
kailangang maging maingat at disiplinado sa paggamit ng koryente upang maiwasan ang disgrasya.
❖ Binigyang katuparan ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) ang nilagdaan ng R.A No.
10121 of 2010, kung saan nagbibigay ng legal na batayan sa mga patakaran, plano at programa upang makahanda sa
sakunang dulot ng baha. Ang NDRRMP na nakapalooban ng apat na thematic na lugar, ito ay ang (1) Disaster Prevention
and Mitigation; (2) Disaster Preparedness; (3) Disaster Response; at (4) Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa

20
pamamagitan nito, matitiyak ang physical framework, social, economic, environmental plans sa komunidad, lungsod,
munisipalidad at mga probinsyang sasang-ayon sa plano.
❖ Ang layunin naman ng DRRM na nakapaloob sa mga emergency services at public assistance na sa panahon ng sakuna
tulad ng pagbaha ay magkaroon ng agarang responde upang may makapagligtas ng mga buhay, mabawasan ang mga
epekto nito sa kasalukuyan at upang matiyak ang public safety at matugunan ang mga basic substance na kailangan ng
mga residenteng apektado ng pagbaha. Ang pagresponde sa mga sakuna ay nakatutok sa agaran at short term o
panandaliang pangangailangan na tinatawag na disaster relief.
❖ Ayon naman kay Eric (2014), sa kanyang lathalang OCD- Caraga Intensities Disaster Preparedness Training, kinakamit
ang pagiging handa sa buong tag-araw upang mapadali ang abilidad ng rehiyon sa pagharap sa posibleng kalamidad bago
pa man magsimula ang tag-ulan. Dahil sa pangyayaring pagbaha sa Butuan City, napagtanto ng mga tao na mayroon pa
ring dapat gawin sa mga tuntunin sa paghahanda patungkol sa pagbaha. May mga pag- aaral na isinagawa ang
Environmental Governance and Disaster Preparedness Flooding Resiliency of Caraga Region ayon kay Pantaleon (2006),
upang malaman ang katayuan ng resiliency ng Caraga Region laban sa pagbaha, at pagtasa sa apat na kadahilanan ng
Environmental Governance. Ang mga ito ay: (1) Forest Ecosystem Management, (2) Fresh Water Ecosystem
Management, (3) Coastal Water Ecosystem Management, at (4) Urban Ecosytem Management.

Balita-Suri
Suriin at pag-aralan ang sumusunod na balita. Pagkatapos, sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Kahandaan sa Sakuna’t Peligro Para sa Tunay na Pagbabago


Posted by PMCJr. on July 8, 2019
Ang Pilipinas ay patuloy na hinahagupit ng malalakas na mga bagyo bawat taon at mga manaka-nakang paglindol
na hindi natin maiiwasan at mapipigilan. Kaya ang ating pagtugon sa mga kalamidad na ito ay nag-iiba rin mula sa
pagiging reactive sa pagiging masyadong proactive. Bago pa man ay napahusay na ng ating sistema sa pagresponde sa
mga kalamidad, napabago na natin ang ating siyentipikong kakayahan, at sa mga pamamaraan ay naisaayos na rin ang
prepositioning ng mga relief goods bago pa ang mga kalamidad at nabibigyan na rin ng kinakailangang pondo ang mga
pangunahing ahensiya para agarang makatugon sa mga pangangailangan pagkatapos ng kalamidad at trahedya. Ang
epekto ng mga likas na kalamidad sa ekonomiya ay napakalawak. Kung libo-libong buhay ang nawala at mga daan at
bahay ang nasira, ang produksyon at kita ay magdurusa; ang paglago ng ekonomiya ay babagal; mabubura ang naipong
kita.
Ang aktibidad pang-ekonomiya ay naaabala at nauudlot gayundin ang daloy ng kita na magreresulta sa lalalang
kahirapan. Nagdudulot din ang mga kalamidad ng kagipitan sa pinansiyal na patakaran dahil sa karagdagang pondo na
kailangang ibigay ng pambansang gobyerno at manpower at resources na kailangang maitalaga bilang suporta sa relief
efforts. Ang recovery at reconstruction efforts na maaaring tumagal ng ilang taon ay gigipit sa pinansiyal na posisyon ng
bansa. Nalilimitahan tayo ng ating badyet, katunayan ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2009 ay tinatayang
kinakailangan ng Pilipinas ng halaga na katumbas ng 0.6% hanggang 1.0% ng GDP (gross domestic product) taon-taon
mula 2010 hanggang 2019 upang tugunan ang mga panganib ng klima at kalamidad kabilang ang pamumuhunan para sa
replacement at expansion ng resilient infrastructure. Dahil sa ang gobyerno ay may kakulangan pa rin sa financing, ang
pagbalanse sa pagitan ng kahandaan sa kalamidad at iba pang pangangailangan ay maliwanag na lubhang napakahirap
na desisyon dahil sa halaga ng naging desisyon.
Kaya ang paghahanda sa kalamidad ay isang napakahalagang bahagi ng pagsisikap sa pagunlad. Maliwanag na
hadlang ang kalamidad sa pag-unlad at ang pagpapaliit sa mga epekto ng kalamidad ay kalauna’y magiging posible ang
pag-unlad. Ito ay isang rason upang magtayo muli ng mas mabuti dahil walang anumang progreso para sa isang bansa na
nakabaon sa isang masamang siklo ng pagkawasak at rekonstruksiyon. Kaya kailangang masiguro na may sapat na
resources at hustong estratehikong pagpaplano upang masiguro na muling magtatayo sa isang matibay at matatag na
pamamaraan.
Ang mga Pilipino ay totoo namang may kusa at malikhain na iangkop ang sarili sa bagong normal (new normal)
na kalagayan ng panahon. Sa mga nagdaang taon ay namalas natin ang mga kalamidad na dumarating na mas madalas at
mas malakas. Ang tunay na matibay at matatag sa pagbangon ng bansa ay tumutugon sa ganitong sitwasyon na
sinusubukang iangkop ang sarili sa panahon at paliitin ang mga epekto ng mga kalamidad. Hindi naman maaaring
pahintulutan ang masamang siklo ng destruksiyon at rekonstruksiyon na magpatuloy dahil sa muling pagtatayo ng mga
komunidad na nasalanta sa parehong pamamaraan, dahil natural na susunod dito ang parehong resulta- paulit-ulit na
pagkasira.
Ang kakayahan sa pagbangon (resilience), kaligtasan at proteksiyon ng komunidad ay maaaring makamit sa
pamamagitan ng kooperasyon at kahandaan ng publiko na tulungan ang bawat isa lalo na sa panahon ng emergencies at
kalamidad. Nagsisimula ang “resilience” sa kamalayan sa pinsala at panganib na banta sa mga komunidad. Subalit
kailangang matuto rin ang mga tao kung paano nila proteksiyunan ang sarili mula sa mga panganib at pinsala. Ang
“resiliency” sa ilalim ng Executive Order (EO) 29-2017 ay binigyan-kahulugan na, ang kapasidad na maghanda sa,
rumesponde sa, at makabangon sa isang kalamidad.
Ang Executive Order na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ay binago ang National Disaster Consciousness
Month (NDCM) na ginugunita tuwing buwan ng Hulyo sa National Disaster Resilience Month (NDRM) upang ipihit ang
pagtutok mula disaster awareness building sa pagbibigay kakayahan sa mga residente na maging matatag at
makabangon sa kalamidad.

21
Sa taong ito bilang paggunita sa taunang National Disaster Resilience Month (NDRM) sa buong buwan ng Hulyo
ay may temang, “Kahandaan sa Sakuna’t Peligro Para sa Tunay na Pagbabago.” Ang aktibidad na ito ay nanawagan ng
aksiyon sa mga pambansang ahensiya at local government units (LGUs) na magpatupad ng disaster resilience campaigns
tungo sa pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng disaster risk reduction and management. Sakop nito
ang apat na tema: disaster prevention and mitigation; disaster preparedness; disaster response; at disaster
rehabilitation and recovery.
Laging manalangin tayo na nawa’y malihis tayo sa malalakas na bagyo at kalamidad at laging maghanda at
magpakatatag.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng mga tao?

2. Mula sa balitang binasa, paano ipinamalas ng mga Pilipino ang kanilang kahandaan at kakayahan sa muling pagbangon
pagkatapos ng kalamidad?

3. Bakit ba mahalaga sa isang bansa, ang kahandaan sa panahon ng kalamidad?

4. Sa iyong palagay, paano ba nakatutulong ang kahandaan sa panahon ng kalamidad sa pag-unlad ng isang bansa?

Summary Chart
Suriin ang katanungan pagkatapos ay punan ng sagot ang summary chart. Ilagay sa short coupon bond ang iyong sagot.

Sa panahon ng kalamidad, paano mo maipapakita ang


kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon sa mga
hamong pangkapaligiran?

Kahandaan: Disiplina: Kooperasyon:

Batay sa aking mga natutuhan, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat
na

Dugtungan:
Dugtungan ang sumusunod na mga grupo ng salita. Ilagay sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
1. Ang kahandaan ng bawat tao sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran ay mahalaga sapagkat

22
2. Sa panahon ng kalamidad napakahalaga ang maging disiplinado sapagkat

3. Sa pagtugon ng hamong pangkapaligiran napakahalagang may kooperasyon ang mga tao sapagkat

Suriin at pag-aralan ang sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Ayon sa weather forecast ni Kuya Kim, may paparating na malakas na bagyo sa Luzon at kasama ang inyong
bayan sa matatamaan nito. Ano ang iyong gagawin kung naninirahan ka sa mababang lugar at peligroso sa baha?
A. Lumikas sa mataas na lugar C. Kapag tumaas ang tubig ay umakyat sa bubong ng bahay
B. Lumikas kapag mataas na ang tubig D. Manatili sa bahay at ipako na lamang ang bubong at bintana
2. Bakit may nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing nagkakaroon ng kalamidad?
I. Pagtangging lumikas ng mga tao mula sa mga mapanganib na lugar
II. Pakikinig sa radyo o panonood ng tv upang malaman ang pinakahuling balita
III. Hindi pagsunod ng mga tao sa tagubilin ng mga awtoridad kapag may kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III
3. Bakit mahalagang makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala at alerto patungkol sa kalamidad?
I. Dahil ligtas ang may alam
II. Upang malayo o makaiwas sa peligro
III. Upang maging handa sa paparating na kalamidad
A. I, II, III B. I, II C. I, III D. II, III
4. Kung ikaw ay naabutan ng baha sa daan, ano ang maaari mong gamitin upang iligtas ang sarili sa pagbaha?
A. karton B. payong C. malaking bag D. malaking gallon
5. Ano ang dapat gawin sa panahon ng bagyo?
A. Lumabas ng bahay o gusali na malapit sa bintana
B. Manatili sa isang mababang lugar tulad ng basement
C. Manatili sa loob ng bahay o gusali na malapit sa bintana
D. Humanap at manatili sa mataas na lugar na hindi aabutin ng baha

Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay tama at M kung ito naman ay mali.
6. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa may
dumating na kalamidad gaya ng pagbaha.
7. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”.
8. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamatay-sunog, pulis, pagamutan at mga
kawani ng barangay pagkatapos ng kalamidad.
9. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad.
10. Magpanic-buying kung may paparating na kalamidad.
11. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad.
12. Huwag ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng koryente at tubo ng tubig.
13. Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill, emergency drill, fire drill at iba pa bilang paghahanda
sa kalamidad.
14. Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin lamang ng pamahalaan.
15. Ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bulkan ay maaaring malagay sa peligro sa pagputok nito.

Araling Panlipunan 10: Unang Markahan


Modyul 5: Mga Hakbang Sa Pagbuo Ng Community-Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan
UNANG YUGTO: PAGHADLANG AT MITIGASYON NG KALAMIDAD

(Disaster Prevention and Mitigation)


Ang yugtong ito ay tatalakay kung paano mapipigilan o mahahadlangan (prevention) at mababawasan ang
panganib (mitigation) na maaaring maidulot ng kalamidad at hamong pangkapaligiran. Kailangang magkaroon ng sapat
na kaalaman at pang-unawa ang mga babalangkas ng plano kung ano ang mga panganib, kung sino at ano ang maaaring
mapinsala at kung maaari bang hadlangan o mabawasan ang epekto ng kalamidad. Ito ang pangunahing dahilan kung
bakit nauuna ang pagtataya sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng Community Based-Disaster Risk Reduction
Management.

23
Sa bahaging ito ng pagpaplano, tinataya ang mga panganib at ang kakayahan ng pamayanan sa pagharap sa iba’t
ibang kalamidad at hamong pangkapaligiran. Mula sa mga impormasyon na makukuha sa pagtataya ay bubuo ng plano
upang maging handa ang isang pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Ang unang yugto na Paghadlang at
Mitigasyon ng Kalamidad ay nahahati sa
dalawang bahagi; una, ang Paghadlang sa
Kalamidad o Disaster Prevention na
kinapapalooban ng Pagtataya ng Panganib,
Kahinaan at Kakulangan at Kapasidad na
tugunan ang kalamidad. Ang ikalawa ay ang
Mitigasyon ng Kalamidad o Disaster Mitigation
kabilang naman dito ang pagtataya sa peligro
na maaaring maranasan ng komunidad.

Pagtataya ng Panganib (Hazard Assessment)


Sa nakaraang aralin iyong napag-aralan ang tungkol sa panganib (hazard) at ang uri nito: ang Likas o Natural na
Panganib at ang Gawa ng Tao o Human-Induced Hazard. Sa yugtong ito sa pagbuo ng plano ng CBDRRM gagawin ang
pagtataya ng panganib.
Ang Pagtataya ng Panganib ay proseso ng pagtukoy o pagkilala sa katangian ng panganib, pagsusuri sa pinsala na
maaaring maidulot nito at pamamahala sa panganib upang maiwasan ang matinding epekto nito sa isang lugar na
makararanas ng sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
Ang pagsasagawa ng Pagtataya ng Panganib ay mahalaga upang maunawaan ng isang komunidad ang panganib,
sakuna o kalamidad na maaring maranasan sa kanilang lugar at magkaroon ng makabuluhang pagpaplano upang
matugunan ito. Sa gagawing pagtataya dapat isaalang alang ang mga katangian ng panganib na maaring maranasan,
upang maisagawa ng epektibo ang pagbuo ng plano. Magsisilbing gabay sa gagawing pagtataya ang mga katanungan na
nasa ibaba.
• Ano ang iba’t ibang uri ng panganib na maaring maranasan sa lugar?
• Ano ang maaaring pagmulan ng panganib?
• Sino ang maaaring maapektuhan ng panganib?
• Kailan maaaring maranasan ang isang panganib?
• Gaano katindi o kalawak ang maaaring maging epekto nito?
• May kakayahan ba ang komunidad na tugunan ang hamon o panganib?

Ayon sa mga ginawang pananaliksik, ang isa pang paraan ng pagtataya upang matukoy ang panangib na
maaaring maranasan sa isang partikular na lugar ay ang pagsasagawa ng hazard mapping at timeline of events. Ang
Hazard Mapping ay ang proseso ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring makaranas ng panganib at ang mga
elemento na maaaring maapektuhan nito tulad ng mga impraestruktura, agrikultura at kabuhayan ng mga mamamayan.
➢ Ang Timeline of Events ay ang paggawa ng balangkas ng mga nakaraang pangyayari upang masuri kung ano
ang mga panganib na naranasan sa isang komunidad, gaano kadalas itong mangyari, at kung alin sa mga ito ang
nagdulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan at kapaligiran.

Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan (Vulnerability Assessment)


Naunawaan mo sa unang bahagi ng iyong pag-aaral ang mga hakbang at kahalagahan ng pagtataya ng panganib.
Sa susunod na bahagi ng aralin iyong susuriin kung ano ang nakapaloob sa Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan o
Vulnerability Assessment at Pagtataya sa Kapasidad o Capacity Assessment. Malaki ang bahaging gagampanan ng mga
datos na makakalap mula sa gawaing ito sa pagbuo ng Community Disaster Risk Reduction and Management Plan.
Sa bahaging ito, tatayahin ang kahinaan at kakulangan ng isang komunidad maging ito ay sa mga mamamayaan
o sa mga impraestrukturang may mataas na antas ng panganib.
Ayon sa aklat nina Anderson at Woodrow (1990) na pinamagatang Rising from the Ashes, ang Pagtataya sa
Kahinaan at Kakulangan ay mayroong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal; Sosyal o Panlipunan; at Pag-uugali ng
tao tungkol sa panganib.
Ang kahinaang pisikal o materyal ay tumutukoy sa kakulangang pinansiyal at likas na yaman upang makagawa o
makapagpatayo ng mga estruktura na kayang hadlangan ang epekto ng kalamidad. Ang isang komunidad na kabilang
dito ay maituturing na vulnerable at may malaking posibilidad na makaranas ng malawakang hagupit ng kalamidad.
Ang kahinaang panlipunan ay tumutukoy sa kawalan ng kakayahan na tugunan o hadlangan ng pamahalaan at
ng mga mamamayan ang panganib. Mataas ang posibilidad na madaling maapektuhan o makaranas ng sakuna ang mga
komunidad na walang maayos na ugnayan ang mga mamamayan at mahina ang pamamalakad ng pamunuan. Ito rin ay
tumutukoy sa mga programa ng pamahalaan at ang suportang ibinibigay ng mga mamamayan.
Ang pag-uugali tungkol sa panganib ay nagdudulot din ng kahinaan na maaaring maging dahilan ng mas
matinding epekto ng panganib sa isang komunidad. Ang kawalan ng interes at negatibong pagtanggap sa pagbabago ng
mga mamamayan ay bahagi sa pagtataya ng kahinaan ng komunidad. Ang kakulangan sa kaalaman at epektibong
pagtugon sa harap ng panganib ay may malaking kaugnayan sa pagiging vulnerable ng komunidad. May mga paniniwala
at gawi ang mga mamamayan na nakahahadlang sa pagiging ligtas ng isang komunidad.
24
Nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng panganib kung ang mga kahinaang nabanggit sa tatlong
kategorya ay hindi matutugunan. Ang pagiging mulat ng mga mamamayan sa mga kaganapan at aktibong paglahok sa
mga programa ng pamahalaan lalo na sa pagbuo ng plano sa CBDRRM ay kailangan upang maiwasan ang panganib.

Ayon sa pag-aaral ng mga dalubhasa, kailangang suriin ang sumusunod na konsepto para sa epektibong
pagsasagawa ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan:
• Elementong nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lahat ng elemento sa lipunan tulad ng mamamayan,
kabahayan, impraestruktura, mga alagang hayop at pananim na maaaring maapektuhan.
• Mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa mga taong maaaring higit na maapektuhan ng kalamidad
dahil sa kanilang kalagayang pisikal o kawalan ng kakayahan tulad ng mga buntis, may kapansanan, matatanda
at mga bata.
• Kinaroroonan ng mga mamamayang nalalagay sa panganib - Tumutukoy sa lokasyon ng mga taong itinuturing
na may mataas na antas na makaranas ng panganib o vulnerable. Ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay
maaring makaranas ng pagbaha at landslide naman sa mga naninirahan malapit sa paanan ng bundok. Ito ay
halimbawa lamang ng mga pangkat na itinuturing na vulnerable.
Ang pagsasagawa ng pagtataya ng kahinaan at kakulangan ay mahalaga dahil makatutulong ito sa pagbuo ng
mas epektibong plano para sa CBDRRM.

Pagtataya ng Kapasidad (Capacity Assessment)


Ang Pagtataya ng Kapasidad ay ang proseso ng pagsusuri sa kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang
uri ng hazard. Katulad ng Pagtataya ng Kahinaan at Kakulangan, mayroon din itong tatlong kategorya: Pisikal o Materyal,
Panlipunan, at Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
• Sa pisikal o materyal na aspekto tinataya ang kakayahan ng komunidad o ng mga mamamayan na muling
bumangon at bumawi pagkatapos na makaranas ng kalamidad. Ito ang susukat kung may kapasidad ba ang mga
mamamayan na muling manumbalik sa dating pamumuhay. Maitatayo bang muli ang mga nasirang kabahayan,
magagawa ba ang mga impraestrukturang naapektuhan, maibabalik ba ang kabuhayan ng mga ordinaryong
mamamayan?
• Sa aspektong panlipunan tinataya ang kakayahan ng isang komunidad na harapin ang panganib at pagsusuri
kung epektibo ang plano sa pamamahala sa kalamidad ng pamahalaan. Kabilang din dito ang kakayahan ng mga
mamamayan na magtulungan upang ibangon ang kanilang komunidad mula sa pinsala ng mga kalamidad.
Mayroon bang kongkretong programa na magpapakita ng magandang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan
• Sa aspekto ng pag-uugali ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng kakayahan na ibahagi ang kanilang
panahon at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang komunidad na harapin o muling bumangon
mula sa pinsala ng kalamidad. Maayos ba ang pagtanggap ng mga mamamayan sa mga makabagong programa
ng pamahalaan.

Pagtataya ng Peligro (Risk Assessment)


Ayon sa mga eksperto, ang Mitigasyon ng Panganib o Disaster Mitigation ay nararapat na isagawa bago ang
pagtama ng sakuna, kalamidad at banta ng panganib upang maiwasan o mapigilan ang matindi at malawakang pinsala sa
tao at kalikasan.
Sa yugtong ito ng Mitigasyon ng Panganib sa pagbuo ng plano ng CBDRRM nakapaloob ang Pagtataya ng Peligro
o Risk Assessment. Mahalagang magkaroon ng sistematikong pangangalap ng mga datos na maaaring gamitin sa
pagsusuri sa mga panganib na dapat paghandaan. Sa pagkakataong ito, nagkakaroon ng sapat na kaalaman ang mga
tagapangasiwa kung ano ang mga programa at proyektong nararapat gawin upang maihanda ang mga komunidad sa
pagharap sa panganib.
Sa pamamagitan ng Pagtataya ng Peligro nagiging matibay ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa mga
panganib na maaaring makaapekto sa kanilang komunidad at nagkakaroon sila ng sapat na pagkakataon na maghanda
upang maiwasan ang matinding epekto ng nito.
Ang Mitigasyon ng Panganib ay maaaring ikategorya sa dalawa, ang Mitigasyong Estruktural at Mitigasyong Di-
estruktural
Ang Mitigasyong Estruktural ay tumutukoy sa mga pisikal na paghahanda na ginagawa ng isang komunidad
upang maging handa sa panahon ng pagtama ng panganib. Kabilang sa mga ito ang pagpapagawa ng mga estruktura na
hahadlang sa matinding epekto ng kalamidad. Ang paglilinis ng mga baradong kanal, ang pagpapalalim sa mga ilog,
pagtatayo ng dike ay nakatutulong upang maibsan ang pagbaha. Ang paggawa ng mga gusali na earthquake proof ay
nakakatulong upang mabawasan ang pinsala na maaring maidulot ng paglindol.
Ang Mitigasyong Di-estruktural ay tumutukoy sa paghahanda ng pamahalaan at komunidad kabilang sa mga
gawain ay ang pagbuo ng plano sa pamamahala sa kalamidad, pagbibigay ng wastong kaalaman sa mga mamamayan at
pagpapatupad ng mga programa upang mahadlangan ang malawakang epekto ng kalamidad. Isang epektibong paraan
na maaring gawin sa mitigasyong di estruktural ay ang pagbabahagi ng mga kaalaman tungkol sa katangian ng mga
panangib na maaring maranasan at ang kahalagahan ng kahandaan. Dito masasabi natin na “Ligtas ang may alam”.

Ilarawan Mo Ako!

25
Gumawa ng sariling paglalarawan sa mga konsepto na may kaugnayan sa paghadlang at mitigasyon ng
kalamidad. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Pagtataya ng Panganib

Pagtataya ng Kahinaan at
Kakulangan

Pagtataya ng Kapasidad

Pagtataya ng Peligro

Hindi natatapos ang CBDRRM Plan sa pagtataya ng mga banta ng kalamidad at kakayahan ng komunidad na
harapin ito. Mahalagang gamitin ang mga impormasyong nakalap mula sa unang hakbang sa pagbuo ng ikalawang yugto:
ang Paghahanda Sa Kalamidad

IKALAWANG YUGTO: PAGHAHANDA SA KALAMIDAD (DISASTER PREPAREDNESS)


Anong paghahanda ang ginagawa ng iyong pamayanan para sa mga darating na sakuna o panganib? Nakahanda
ka ba?
Ang ikalawang yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay tinatawag na Paghahanda sa Kalamidad. Ito ay
tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa ng mga mamamayan, komunidad at pamahalaan bago ang panahon ng
pagtama ng kalamidad o sakuna. Sa pagkakataong ito, mahalaga na magkaroon nang sapat na kaalaman ang lahat ng
mamamayan sa mga dapat gawin sa panahon ng pagtama ng kalamidad.
Ang aktibong koordinasyon ng mga ahensiya ng pamahalaan, partisipasyon ng bawat sektor ng lipunan at
kooperasyon ng mga mamamayan ang pinakasentrong batayan sa pagkakaroon ng sistematikong paghahanda sa
kalamidad. Sa pamamagitan ng maayos na paghahanda, maiiwasan ang malawakang pinsala na maaaring maidulot ng
isang kalamidad. Isang mahalagang gawain na nakapaloob sa yugtong ito ay ang pagbibigay ng paalala at babala bago
tumama o maging sa panahon ng kalamidad.
Maraming mga pagkakataon na ang makapagliligtas sa tao laban sa matinding epekto ng sakuna ay ang kanyang
tamang kaalaman sa nagaganap sa kanyang paligid. Ang paghadlang sa malawakan at malubhang pagkasira ng mga
estruktura, mapababa ang bilang ng mga maaapektuhan at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa
dinanas na kalamidad ang pangunahing layunin ng yugto ng Paghahanda sa Kalamidad.
Sa yugto ng Paghahanda sa Kalamidad
bilang bahagi sa pagbubuo ng plano ng
CBDRRM nabibigyan nang sapat na
impormasyon at pag-unawa ang mga
mamamayan sa dapat nilang gawin bago,
habang, at pagkatapos ng panganib at
kalamidad upang maihanda sila sa maaaring
epekto nito.
Ang mga resulta ng pagtataya sa mga
maaaring maranasang kalamidad at ang
kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga
ito ay bahagi lamang sa paghahanda sa plano
ng pamamahala sa kalamidad.
Ang susunod na bahagi ay magbibigay
sa iyo ng kaalaman tungkol sa pagtugon sa
gitna ng kalamidad. Ipagpatuloy mo ang iyong
pag-aaral at sagutan ang mga inihandang
gawain para sa iyo.
IKATLONG YUGTO: PAGTUGON SA KALAMIDAD (Disaster Response)
Sa yugtong ito sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan tinataya kung gaano
kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad. Ang mga impormasyong makakalap ang magsisilbing
batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan o ng
komunidad na makararanas ng kalamidad.

26
Sa pagsasagawa ng epektibong pagtugon sa kalamidad ang sumusunod na pagtataya ay nararapat gawin upang
magkaroon ng konkretong basehan sa pagbuo ng plano ukol dito.
Ang Pagtatasa ng Pangangailangan o Needs Assessment ay ginagawa upang matukoy at matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot.
Ang Pagsusuri sa Pinsala o Damage Assessment ay pagtukoy sa lawak ng pinsalang dulot ng kalamidad tulad ng
pagkasira ng mga impraestruktura at kabahayan.
Ang Pagtatasa ng Pagkawala o Loss Assessment ay pagsusuri sa pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng
serbisyo o produksyon dulot ng kalamidad katulad ng pagkasira ng mga pananim.
Sa pagpaplano ng mga gawain sa Pagtugon sa Kalamidad mahalagang magkaroon ng koordinasyon at maayos na
komunikasyon upang mabuo ang pagkakaisa ng lahat ng sektor ng lipunan na kasama sa pagsasagawa ng una at
ikalawang yugto. Magiging matagumpay ang gagawing pagtugon sa mga makakaranas ng kalamidad kung ang resulta ng
mga pagtataya sa pangangailangan, pinsala at pagkawala ang pagbabasehan.
Sa bahaging ito ng pagbuo ng plano ng CBDRRM ay mahalaga ang pagkakaroon ng mapagkakatiwalaang datos sa
naging lawak ng pinsala ng kalamidad. Ang mga datos na ito ang magsisilbing batayan para sa huling yugto ng pagbuo ng
plano ng CBDRRM, ang Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad.

IKAAPAT NA YUGTO: REHABILITASYON AT PAGBAWI SA KALAMIDAD (Disaster Rehabilitation and Recovery)


Ang huling yugto sa pagbuo ng plano ng CBDRRM ay nakatuon sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad. Sa
bahaging ito, sinusuri ang mga nararapat na hakbang at gawain para sa mabilis na pagsasaayos ng mga napinsala ng
kalamidad. Ang pagpapanumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayang
nasalanta ng kalamidad ang pangunahing tunguhin ng yugtong ito.
Sa pagbuo ng plano para sa Rehabilitasyon at Pagbawi sa Kalamidad nararapat na may konkretong hakbang
upang maging sistematiko ang pagsasagawa ng mga programa. Ilan sa mga pangunahing bibigyang pansin ay ang
pagpapanumbalik sa sistema ng komunikasyon at transportasyon; pagkukumpuni ng kabahayan; pagbibigay ng mga
pangunahing pangangailangan at pagsuporta sa mga kabuhayang napinsala ng kalamidad.
Kung magkakaroon ng maayos na sistema ng pamamahala sa panganib ang isang lugar, maaaring maiwasan ang
malawakang pinsala sa panahon ng kalamidad.
Mahalaga ang partisipasyon ng mga mamamayan, Non- Government Organizations (NGOs) at iba pang sektor ng
lipunan sa pagpaplano at implementasiyon ng mga programa ng pamahalaan sa rehabilitasyon at pagbawi sa kalamidad.
Ang sama-samang pagtugon ng lahat ng sektor ay magdudulot ng mabilis at matagumpay na muling pagbangon.

Interpretasyon mo, kailangan ko!


Ang graphic organizer sa ibaba ay nagpapakita ng pagbubuod ng mga konsepto na iyong pinag-aralan. Sa
pamamagitan nito magiging mas organisado ang iyong kaalaman tungkol sa paksa. Bago ka tumungo sa ibang bahagi ng
modyul na ito, iyo munang gawin ang pagsusuri rito.

Panuto: Gumawa ng pagbubuod batay sa makikitang graphic organizer sa ibaba.


Mga Gabay na Tanong:
Pagbuo ng Kapasidad Pagtukoy sa Epekto 1. Batay sa pagsusuri na iyong ginawa, bakit
mahalaga na magkaroon ng maayos na
pagpaplano sa pagbuo ng Community Based
Paghahanda Disaster Risk Reduction Management Plan?
Mitigasyon

Daloy ng
Pamama- 2. Ano ang kahalagahan ng bawat yugto para
Pagbawi hala sa Pagtugon magkaroon ng konkreto at komprehesibong
Kalamidad
Pagtatayong Muli Kagipitan pagpaplano ng CBDRRM?

3. Maaari bang mabuo ang CBDRRM plan kung


tanging mga sangay lamang ng pamahalaan ang
gagawa nito?
Pagpapanumbalik

4. Paano mo ipakikita ang iyong pakikipagkaisa at


kooperasyon sa pagbuo ng plano ng iyong
komunidad?

27

You might also like