You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of Negros Occidental
DOLIS NATIONAL HIGH SCHOOL

Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
SUMMATIVE TEST

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa inyong
sagutang papel.

1. Sinong sosyologo ang nagsabi na ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at
gawain?
A. Charles Cooley B. Emile Durkheim C. Karl Marx D. Max Weber

2. Paano makakamit ang kaayusang panlipunan kung ang lipunan ay binubuo ng mga taong may magkakawig na ugnayan at
tungkulin?
A. Kung ang mamamayan ay palaging handa sa kalamidad.
B. Kung may maayos na interaksyon ang mga mamamayan sa isang lipunan.
C. Kung ang mga mamamayan ay nakikiisa sa mga kilusan laban sa pamahalaan.
D. Kung ang lahat ng mga mamamayan sa lipunan ay may parehong paniniwala.

3. Anong istrakturang panlipunan ang naglalarawan sa isyu tungkol sa Death Penalty kung saan magkasalungat
ang paniniwala ng simbahan at estado?
A. Gampanin B. Institusyon C. Status D. Social Group

4. Anong tawag sa isang posisyong kinabibilangan ng isang indibidwal sa lipunan?


A. Gampanin B. Institusyon C. Status D. Social Group

5. Nakapaskil sa mga paliparan ang babalang “Drug Trafficking is punishable by death”. Ang paglabag sa batas
na ito ay nakapaloob sa anong elemento ng kultura?
A. Norms/Mores B. PagpapahalagaC. Paniniwala D. Simbolo

6. Sinasabi na ang kultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Ano ang
ipinahahayag dito?
A Magkakatulad tayo ng kultura. C. Iisang kultura lamang ang umiiral sa ating lipunan.
B. Masaya tayo sa ating kulturang kinagisnan. D. Ito ay bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay ng tao.

7. Bilang isang mag-aaral, paano mo mahaharap at matutugunan ang mga isyung panlipunan.
A. Maging mulat sa mga isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa sariling komunidad.
B. Maging aktibong kabahagi sa pagbuo ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
C. Pilitin ang pamahalaang tuparin ang kanilang mga responsibilidad sa mamamayan.
D. Iwasan na maging isa sa mga sanhi ng isyu at hamong panlipunan.

8. Ano ang pagkakaiba ng isyung personal at isyung panlipunan na nararanasan natin sa lipunan?
A. Naglalarawan ang isyung panlipunan sa mga suliraning kinahaharap ng isang lipunan.
B. Ang isyung panlipunan at personal ay sumasalamin sa suliraning kinaharap ng indibiduwal.
C. Isang pampublikong bagay ang isyung panlipunan samantalang ang isyung personal ay hindi.
D. Nakakaapekto ang isyung panlipunan sa malaking bahagi ng lipunan samantalang ang isyung
personal ay nakakaapekto sa isang tao lamang.

9. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan ng simbolo bilang elemento ng kultura?
A. Ang paglabag sa batas trapiko ni Marlene ay may kaukulang kaparusahan.
B. Ang pagmamano sa mga matatanda at paggamit ng po at opo ni Mary.
C. Ang panata ng mga deboto sa Simala, Cebu.
D. Ang pagbebenta ng droga.

10. Ano ang tawag sa batayan ng kung ano ang katanggap-tanggap at hindi sa grupo o lipunan sa kabuuan?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D.Simbolo

11. Paano mo pauunlarin ang iyong kamalayan sa mga isyung nangyayari sa iyong lipunan?
A. Sa pamamagitan ng paglinang ng kritikal at malawakang pag-iisip upang mahasa ang ibat-ibang kasanayan
at pagpapahalaga sa isyung nagaganap sa lipunan.
B. Sa pamamagitan ng pagsiwalat ng mga isyu sa social media para labanan ang mga maling gawain sa lipunan.
C. Panonood o pagbabasa ng mga isyu sa media para mapapahalagahan ang mga tauhan at pangyayari.
D. Pag-usapan ang mga isyu sa ating kapaligiran para maiugnay ito sa ating sarili at ibang tao.

12. Alin sa mga sumusunod na suliranin ang maituturing mong isyung personal?
A. Biglang pagtaas ng mga bilihin C. Mabilis na paglobo ng populasyon
B. Kahirapan sa probinsya D. Pagkasira ng isang pamilya

13. Anong batas ang ipinatutupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng
pamamahala ng solid waste sa bansa?
A. Republic Act 9262 B. Republic Act 9003 C. Republic Act 7610 D. Republic Act 7042

14. Ano ang tawag sa mga basurang nagmumula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento,
mga basurang nakikita sa paligid, mga basurang nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pa?
A. Biodegradable Waste B. Electronic Waste C. Residual Waste D. Solid Waste

15. Ano ang pangunahing sanhi ng pagdami ng solid waste sa ating bansa?
A. Paglakas ng industriya C. Walang maayos na pasilidad para sa basura
B. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura D. Hindi paghihiwalay ang basura sa tamang lalagayan.

16. Ano ang tawag sa pagbabago ng klima sa buong mundo kung saan nararamdaman ito noong kalagitnaang
ika-20 na siglo?
A. Climate Change B. Deforestation C. Global Warming D. Illegal Logging

17. Sa pagtaas ng populasyon, nasisira na rin ang ating kagubatan.Ano ang maaring epekto nito?
A. Ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon at tirahan dahil sa mataas na demand sa mga
pangunahing produkto at pangangailangan.
B. Pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga hayop sa gubat.
C. Dahil sa pangangailangan sa uling at kahoy.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.

18. Anong tawag sa pagkasira ng yamang tubig kung saan namamatay ang mga coral reefs sa ilalim ng mga
dagat dulot ng pag-init ng kapaligiran?
A. Polusyon B. Coral Bleaching C. Red Tide D. Illegal Fishing

19. Anong batas ang ipinatupad na kung saan hinihikayat dito ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno,
pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa tree planting activities?
A. Proclamation No. 216 B. Proclamation No. 643 C. Proclamation No. 1081 D. Proclamation No. 1763

20. Isa ito sa mga Local Government Units o LGUs na may pinakamahusay na halimbawa sa pamamahala ng solid
waste na kung saan ang mga dumpsites ay pinagkukunan ng enerhiya sa tulong ng Methane Recovery for
Power Generation.
A. Bago City, Negros Occidental C. Sto. Tomas, Davao del Norte
B. Quezon City D. Teresa, Rizal

21. Alin sa mga ito ang epekto ng Climate Change sa kalusugan?


A. Ang pagkatunaw ng mga yelo sa Artic at Arntartic Circle kaya ang karagatan ay nagiging mas mainit,
mas mataas, at mas asidiko.
B. Paglaganap ng mga sakit tulad ng cholera, dengue at komplikasyon dulot ng malnutrisyon.
C. Pagkaroon ng forest fires and heat waves sa mga kagubatan.
D. Pagkaparalisa ng transportasyon dahil sa mga pagbaha.

22. Ang magsasaka ay nahihirapan sa suplay ng tubig para sa kanilang pananim dulot ng matinding tagtuyot.
Sa anong aspekto ng Climate Change nakaaapekto ito?
A. Epekto sa Kabuhayan C. Epekto sa Kapaligiran
B. Epekto sa Kalusugan D. Epekto sa Pamahalaan

23. Paano magiging ligtas ang isang komunidad sa mga sakuna o kalamidad?
A. Sa pamamagitan ng ulat panahon ng PAGASA.
B. Sa pamamagitan ng pagmomonitor sa lindol ng PHIVOLCS.
C. Sa pamamagitan ng pakikinig at panunuod sa SOCIAL MEDIA.
D. Sa pamamagitan ng mahusay na plano ng DISASTER MANAGEMENT.

24. Sa pagmimina, nanganganib ang kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan dahil sa mga
kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Anong uri ng hazard ito?
A. Biological Hazard B.Human-Induced Hazard C. Natural Hazard D. Physical Hazard

25. Anong uri ng kalamidad o sakuna ang pagputok ng bulkan at lindol?


A. Environmental Disaster B. Man-Made Disaster C. Natural Disaster D. Technological Disaster

26. Kung ikaw ay bibigyang ng pagkakataon para ipahayag sa inyong barangay ang iyong kamalayan
tungkol sa pagharap sa kalamidad. Ano ang gagawin mo bilang bahagi ng lipunan?
A. Mag-imbita ng isang tagapagsalita na may alam tungkol sa paghahanda sa tuwing may emerhensiya
o sakuna sa tulong ng inyong barangay kapitan.
B. Mag-upload ng video clips tungkol sa paghahanda sa kalamidad sa social media gaya ng Facebook.
C. Mamigay ng pamplet tungkol sa “Do’s and Don’ts” Bago, Habang at Pagkatapos ng kalamidad.
D. Gumawa ng isang plano at hakbang upang maiwasan ang mga darating na sakuna.

27. Alin dito ang tumutukoy sa konseptong VULNERABILITY na may kaugnayan sa Disaster Management System?
A. Kung ang bahay ay gawa sa matibay na materyales.
B. Kung ang pamayanan ay malapit sa dagat at sentro ng bagyo.
C. Kung hindi matanggap ng mamamayan ang nangyaring sakuna.
D. Kung bigo ang pamahalaan sa pagbibigay babala tungkol sa paparating na kalamidad.

28. Tayong mga Pilipino ay may kakayahang tanggapin ang mga sakunang dumarating sa ating buhay.
Anong kaugalian ang ipinapakita dito?
A. Hindi matitinag o Resilience B. Masayahin o Joyful C. Matiisin o Patience D. Umaasa o Hopeful

29. Aling kaisipan ang tama sa tinatawag nating Philippine Disaster Risk Reduction and Management
(PDRRM) Framework?
A. Pagharap sa kalamidad sa tuwing mararanasan ito.
B. Tungkulin ng pamahalaan ang Disaster Management.
C. Isinusulong ang Community-Based Disaster Management Approach.
D. Ang mga NGOs ang siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster Management Plan.

30. Ano ang tawag sa isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari
nilang maranasan?
A. Community Based-Disaster and Risk Management C. National Disaster Risk Reduction and Management
B. Disaster Management D. Top-Down Approach

31. Paano nagkakaugnay ang National Disaster Risk Reduction and Management Framework at ang Community-
Based Disaster Risk Management Approach?
A. Sa pamamagitan ng pagsulong ng NDRRMC sa Community Based- Disaster and Risk Management
Approach na siyang bubuo ng mga plano at polisiya sa pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran.
B. Sa pamamagitan ng pag-uugnay nila sa mga NGOs na siyang mamumuno sa pagbuo ng Disaster Management
Plan.
C. Sa pamamagitan ng pagsulong nila sa Top-Down Approach.
D. Lahat ng nabanggit ay tama

32. Anong konsepto ang naaayon sa Community Based-Disaster and Risk Management kung saan nagsisimula sa
mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-analisa,at paglutas sa
mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa kanilang pamayanan?
A. Bottom-Up Approach B. Left-Right Approach C. Top-Down Approach D. Up-Down Approach

33. Alin dito ang kalakasan ng Top-Down Approach na makatutulong sa pagharap ng mga darating na sakuna?
A. Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang kumunidad.
B. Agad na natutulungan ng pamahalaan ang mga may malalaking problema, tulad ng sa mga kalamidad.
C. Malawak na partisipasyon ng mamamayan sa komprehensibong pagplano.
D. Pagbuo ng mga hakbang na maayos sa disaster management plan.

34. Ano ang pagkakaiba ng top-down approach at bottom-up approach sa pagharap ng suliraning pangkapaligiran?
A. Sa bottom-up approach ay nabibigyang pansin ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga kalamidad
samantalang sa top-down approach naman ay tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa
pagpaplano ay inaasa sa ahensya ng pamahalaan.
B. Sa bottom-up approach, ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran
ng kanilang komunidad katulad sa top-down approach.
C. Magkapareho ang katangian ang bottom-up approach at top-down approach kasi pareho silang may
bahagi sa disaster management system.
D. Lahat ng nabanggit ay MALI.

35. Ano ang magiging resulta kapag sumanib ang top-down approach at bottom-up approach sa pagbuo ng
disaster risk reduction and management plan?
A. Matibay na plano at hakbang ng disaster management system.
B. Magkaroon ng malinaw na ideya tungkol sa dalawang approach.
C. Pagkakaisa ng dalawang approach para sa kaligtasan sa mga dumarating na sakuna.
D. Magkaroon ng aktibong pakikilahok ang mga mamamayan sa mga gawain ng pamahalaan at
inisyatibo na magplano para sa kaligtasan ng komunidad.

36. Anong angkop na approach ang pinakamahusay gamitin sa pagbuo ng disaster management plan?
A. Bottom-Up Approach C. Top-Down Approach
B. Integrasyon ng Dalawang Approach D. Wala sa kanila

37. Ano ang pinakasentro ng CBDRM Approach?


A. Aktibong partipasyon ng mga mamamayan upang magamit ang kanilang kaalaman sa pagbuo ng DRRM plan.
B. Pagkilala sa dalawang approach, ang Bottom-Up Approach at Top-Down Approach
C. Pagtulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng kalamidad
D. Pagbuo ng mga proyekto ng NDRRMC

38. Paano magiging matagumpay ang CBDRM Approach?


A. Kung hindi tayo tutugon sa DRRM plan
B. Kung ang mamamayan ay may kamalayan sa DRRM plan
C. Kung ang mga mamamayan ay makikiisa sa mga plano ng pamahalaan
D. Kung magtutulungan ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng mga mamamayan, NGO,
at business sectors.
39. Ano ang tawag sa pagsusuri sa lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon?
A. Capacity Assessment B. Hazard Assessment C. Risk Assessment D. Vulnerability Assessment

40. Ano ang tawag sa hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan?
A. Disaster Preparedness B. Disaster Response C. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

41. Bakit mahalaga ang mga impormasyon na makukuha sa Vulnerability Assessment?


A. Para maiwasan ang sakuna sa isang pamayanan.
B. Para mabatid ng mga mamamayan ang kanilang pagiging vulnerable sa mga disaster.
C. Dahil ito ay isa sa mga gawain ng pamahalaan upang matugunan ang suliranin sa mga kalamidad.
D. Dahil makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan ng isang pamayanan.
42. Anong uri ng migitation ang tawag sa ginawang plano at paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang
komunidad sa panahon ng pagtama ng hassard?
A. Action Mitigation B. Disaster Mitigation C. Non-Structural Mitigation D. Structural Migitation

43. Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng CBDRRM Plan na tumutukoy kung gaano kalawak ang pinsalang dulot
ng isang kalamidad?
A. Disaster Preparedness B. Disaster Response C. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment

44. Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at pang-unawa ang mga
mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at kalamidad upang maihanda
sila sa mga posibleng epekto nito. Bilang isang mag-aaral,paano ka makakatulong sa iyong kapwa batay sa
iyong kaalaman tungkol dito?
A. Pag-aralan nang mabuti ang hakbang ng Disaster Preparedness para maging handa sa darating na kalamidad.
B. Gumawa ng malikhaing poster ad, maaari itong video presantation o flyers at ipaalam ito.
C. Gumawa ng sariling disenyo ng Disaster MAnagement Plan at ipaskil sa bahay.
D. Lahat ng nabanggit ay TAMA.

45. Anong maaring gawin ng mag-aaral batay sa ika-apat na yugto ng CBDRRM Plan, ang Disaster Rehabilitation and Recovery?
A. Maging aktibo sa proyekto ng NGO o ang pamahalaan na humihikayat sa kanilang partisipasyon upang
mamahagi ng relief goods o maging volunteer sa mga gawain para sa rehabilitation at recovery.
B. Wala silang gagawin kasi ang mga gawain ay para lamang sa mga NGO tulad ng Amity o Red Cross.
C. Magsasagawa ng pananaliksik at panayam ang mga mag-aaral.
D.Magbibigay ng malaking pera sa mga nasalanta ng kalamidad.

You might also like