You are on page 1of 9

MODYUL 5

MGA KANAIS-NAIS NA PAG-UUGALING

PANGKALINISAN AT PANGKALUSUGAN

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapakita ang mga kanais-nais na pag-uugaling

pangkalinisan at pangkalusugan

ANO ANG INAAASAHANG MAIPAMALAS MO?

Ang modyul na ito ay magtuturo sa iyo ng mga kanais-nais na
pag-uugaling pangkalinisan at pangkalusugan. Mahalagang magkaroon ng
kaalaman tungkol ditto para mapanatili ang kalusugan at mapalayo sa
anumang uri ng sakit. Matutunan din sa modyul na ito ang mga paraan
upang mapanatiling malinis ang mga pook-pampubliko hindi lamang para
sa kapakanan ng mamamayan sa kasalukuyan kundi para sa susunod na
henerasyon. Sa bandang huli, inaasahang masasagot mo ang mahalagang
tanong: Bakit mahalagang mapanatiling malinis at maayos ang mga pook-
pampubliko at iba pang lugar?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang ang mga sumusunod na
mga kaalaman, kakayahan at pag-unawa:
1. Natutukoy ang mga kanais-nais na pag-uugaling pangkalusugan
at pangkalinisan
2. Naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis at maayos
ang mga pook-pampubliko
3. Naisasagawa ang mga pag-iingat sa paggamit ng mga
pampublikong ari-arian tulad ng mga kagamitan sa palaruan,
liwasan at pamilihan

PAUNANG PAGTATAYA

Ang kalusugan ay mahalagang puhunan sa pagpapaahaba ng

buhay. Kung nasa pampublikong lugar, huwag kalimutan na
ingatan ang kalusugan. Alin dito ang dapat gawin para mapag-
ingatan ang kalusugan? Lagyan ng tsek (/) ang patlang ng iyong
papel.

______1. Humanap ng mga lugar na malinis bago umupo.

______2. Tiyaking malinis ang mga palikurang gagamitin.
______3. Ipunas sa damit ang kamay kung hahawak ng pagkaing isusubo.
______4. Maligo sa ilog kahit na ito ay marumi at may nakalutang na basura.
______5. Iwasang kainin ang mga isdang nahuli sa maruming ilog.
______6. Bilhin ang karneng sariwa at may tatak ng inspeksyon ng pamahalaan.
______7. Hugasan ang mga prutas at gulay bago kainin o lutuin.
______8. Gumamit ng face mask kung mausok o maalikabok ang paligid.
______9. Maari nang kainin ang mga prutas matapos itong punasan ng kamay.
______10. Mainam bilhin ang mga karneng “double dead” dahil ito ay mura.

SIMULAN NATIN
Basahin ang maikling usapan ng mag-ina. Sagutin ang mga
tanong sa ibaba.

ISANG TAGPO SA LIWASANG BAYAN

Anak: Inay, napakaraming tao sa parke. Masaya silang tumitingin sa mga bagay-
bagay sa paligid.
Nanay: Oo Anak. Sila ay namamasyal at nagpapalipas ng oras.
Anak: Wala ka bang napapansin Inay? Ang linis-linis ng paligid kahit maraming
tao.
Nanay: Kasi natuto na ang mga tao. Noong araw, kabi-kabila ang mga kalat na
makikita mo kung ikaw ay mamasyal.
Anak: Bakit po ganoon? Dapat itong panatilihing malinis.
Nanay: Tama ka Anak. Dapat nga na malinis ang lugar na ito. Hindi ito ganito
kalinis noong unang panahon. Simula nang ilunsad ang WOW PHILIPPINES, isang
proyekto ng bansa para mahikayat ang mga dayuhan na magbakasyon sa ating
bayan bilang mga turista at mamuhunan sa negosyo. Tinuruan din ang nga taong
maging masunurin sa mga tungkuling pangkalinisan.
Anak: Ganyan din po ang ginagawa sa mga mall. Mayroon silang waste
segregation. Ang mamamayan ay sumusunod din sa programang “recycling,
reusing and reducing.”
Nanay: Bahagi rin ito ng programa ng turismo. Talagang ang namamahala ng mga
mall ay pinanatiling malinis ang lugar para mapuntahan ng marami. Higit pa
riyan, anak, ang mga taong nandito ay may disiplina. Tingnan mo ang batang iyon
na kumakain ng popcorn, itinapon niya ang kanyang kalat sa basurahan. Ganyan
sana ang lahat ng tao sa ating bayan, alam kung ano ang dapat gawin para maging
malinis ang kapaligiran.
Anak: Tama po kayo, Inay. Kaugnay nito natutuhan ko po sa paaralan na ang
kalinisan at kaayusan ng kapaligiran ay mahalaga sa ating pamayanan. Ang
kalinisan ay nagbibigay ng magandang kapaligiran, maaliwalas na kaisipan,
mahusay na kalusugan, at maginhawa at mapayapang pamumuhay.

PAG-USAPAN NATIN

1. Saan nag-uusap ang mag-ina?

_______________________________________________________________________________
2. Ano ang kanilang pinag-usapan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang pakinabang ng tao sa isang malinis na kapaligiran?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
4. Bakit naging marumi ang ating kapaligiran?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
5. Paano tayo makakatulong sa pagpapanatili ng malinis at maayos na
kapaligiran?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
6. Bakit kaya naging malabo ang mga dinaraanan ng maraming mga sasakyan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
7. Bakit kaya dumarami ang mga turista sa ating bayan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
8. Ano ang magandang epekto ng turismo?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
9. Disiplina nga ba ang kailangan para maging malinis ang ating bayan?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
10. Ano ba sa palagay mo ang disiplinang tinutukoy dito?
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

ISAISIP NATIN

Ang kalinisan ng kapaligiran ay kailangan ng sinomang taong nagnanais

magandang kalusugan. Ang mga ilog, sapa, dagat at iba pang daluyan ng tubig
kung malinis ay magandang pasyalan. Sa mga kanayunan, ang ilog at sapa ay
ginagawang paliguan at palabahan ng mga damit. Ang mga tabing-dagat ay
dinarayo lalo na kung mainit ang panahon. Kung malinis ang mga kapaligiran,
maraming biyaya ang nakakamtan.
Samantala nang naging marumi ang mga katubigang ito bunga ng maling
kaugalian ng mga tao, naging mabaho ang maraming daluyan ng tubig at
napinsala ang mga buhay sa karagatan.
May mga panahong ipinagbawal ang pagkain ng mga lamang-dagat, lalo na
ang mga tahong at kauri nito, na nakukuha sa mga baybaying-dagat sapagkat
nakita sa pagsusuri na ang mga ito ay nagtataglay ng lasong sanhi ng maruming
tubig. Ang mga sinumang makakain ng mga ito ay maaaring magkasakit o
mamatay. Iniwasan din ang pagligo sa mga katubigang ganito dahil sa maaaring
idulot nitong kapahamakan.
Maging ang hangin na malayang nalalanghap ay may lason na rin.
Mapapansin na parang may ulap na nakatabing sa mga pook na maraming
sasakyan sanhi ng mga usok na ibinubuga ng mga ito. Bunga nito, ang mga
halaman sa lugar na ito ay nangamamatay at ang mga ito ay dinarapuan ng mga
iba’t ibang karamdaman. Unti-unti silang namamatay.
GAWIN NATIN:

A. gumawa ng isang artikulo o sanaysay na may pamagat na “Malinis na

Kapaligiran, Mahalagang Kayamanan”. Ipaliwanag kung bakit kalusugan ay isang
kayamanan.

Malinis na Kapaligiran, Mahalagang Kayaman

_____________________________________________________________________________

B. Ano ang iyong gagawin sa ganitong sitwasyon” Bilugan ang titik ng tamang
sagot na nakaayon sa wastong pag-uugali.
o Pababa ka sa hagdanan ng iyong paaralan na nagmamadali. Sa iyong
daraaanan ay nakita mo ang ibang pirasong papel na nakakalat.

a. Hayaan na lamang na iba ang dumampot.

b. Damputin isa-isa hanggang maubos.
c. Kunin lamang ang kayang maabot ng kamay,iwasan ang iba.
d. Utusan ang isang kaeskwela na siyang dumampot sa kalat.

o Paglabas ninyo ng paaralan, bumili kayo ng kaibigan mo ng nilagang mani

upang makain sa daan pauwi.

a. Iipunin ang balat ng mani at itatapon sa kanal na madaraanan.

b. Ilalagay sa supot ang balat para itapon sa basurahan.
c. Kukuha ng papel at dito ilalagay ang balat para itapon sa daan.
d. Iipunin ang balat at ihahagis sa ilog pagatpat sa isang tulay.
o Ang Boracay ay isa sa mga magagandang pook-pasyalan. Libo-libong turista
ang namamasyal ditto. Pero marami rin mga tao ang hindi marunong
mangalaga sa lugar at nagtatapon ng basura kung saan-saan. Kung ikaw ay
isa sa turistang mapupunta ditto, ano ang magagawa mo?

a. Gayahin ang iba na nagtatapon din ng basura kung saan-saan.

b. Dampuntin ang basurang makikita sa daan.
c. Isagawa ang wastong pagtatapon ng basura para pamarisan ng iba.
d. Sabihan ang mga tao na huwag magtapon ng basura.

o Hindi maiiwasan na kung minsan sa ating pagkain sa restoran ay

makatapon tayo ng mga pinagkainan sa lapag. Ano ang gagawin mo kung
habang ikaw ay kumakain ay tumapon ang iyong kinakain mula sa mesa?

a. Hayaan na linisin ito ng mga crew ng restoran.

b. Damputin ang mga nalaglag na pagkain sa lapag.
c. Hayaan na lamang ito hanggang sa makaalis.
d. Lumipat ng lugar para hindi mapuna ang kalat sa sahig.

o Ang Baywalk sa Maynila ay tanyag sa magandang paglubog ng araw.

Maraming tao ang namamasyal dito araw-araw. Paano ka makakatulong
para ito ay laging malinig at magandang pasyalan?

a. Iwasang kumain habang namamasyal.

b. Magdala ng mga lalagyang pagtatapunan ng pinagkainan.
c. Ilagay ang pinagkainan sa mga lalagyang nakalagay sa paligid ng lugar.
d. Huwag umalis sa tinigilang lugar para hindi makapagkalat sa ibang lugar.

o Ang mga mall ay isa na ring magandang pasyalan. Halos lahat ng mataong
lungsod o bayan ay mayroon nito. Libo-libong tao ang nagtutungo nito araw-
araw. Paano ka makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
lugar na ito?

a. Iwasang kumain habang namamsyal.

b. Kumain pero kunti lamang.
c. Ilagay ang mga duming itatapon sa mga basurahan na matatagpuan sa
maraming lugar
d. Huwag na lamang mamasyal sa lugar.

o Nagpunta ka sa palikuran ng isang parke. Habang ikaw ay patungo roon,

nakita mo ang ilang kalalakihan na sa halip na pumasok sa loob, sa labas
ng palikuran umiihi.

a. Gagayahin sila dahil ihing-ihi ka na.

b. Sasawayin ang mga taong umiihi sa labas ng palikuran.
c. Hindi na lamang umihi.
d. Ipagbibigay alam sa tagapamahala o sa kinauukulan na may mga taong
umiihi sa labas ng palikuran.
o Habang nasa library ay nakita mo ang ilang mga bat ana nagsusulat sa
mesa gamit ang marker pen.

a. Hihiramin ang pangsulat at susulat din.

b. Sasawayin ang mga bata at sasabihing, “Panatilihin natin ang
kagandahan ng ating library”.
c. Tuturuan na huwag sa mesa sumulat, sa mga aklat lamang.
d. Sasabihin isusumbong sa mga magulang para matakot.

o Habang nakaupo sa upuan ng parke ay nagkukuwentuhan at kumakain

kayong magkakamag-aral. Ngunit ang is among kaibigan ay itinatapon ang
pinagbalatan sa tabi ng upuan.

a. Hayaan sila para may magawa ang mga tagapaglinis ng parke.

b. Sawayin ang mga ito at ituro kung saan dapat itapon ang pinagbalatan.
c. Maglagay sa isang lalagyang supot at ditto ipalagay ang pinagbalatan.
d. Itigil ang pagkain habang nagkukuwentuhan para walang kalat.

o Sa mga fast-food chain, ikaw ang nagdadala ng pagkain sa iyong hapag.

Pagkatapos kumain, ang pinagkainan ay iniiwan na lamang nakakalat.
Paano ka makakatulong sa pagpapanatiling maayos ng hapag-kainan kahit
tapos na sa pagkain?

a. Tawagini ang crew para ligpitin ang pinagkainan bago umalis.]

b. Pagsamahin ang kalat sa mesa para pagkuha ng crew, ito ay agad na
mabibitbit.
c. Damputin ang mga kalat at itapon sa basurahan.
d. Hayaan na lamang ang crew na magligpit.

PAHALAGAHAN NATIN

Ang kagandahan,, kaayusan, at kalinisan ng kapaligiran ay

mapapanatili kung ang lahat ay magsisikap. Ano ang magagawa upang ito ay
maganap? Lagyan ng tsek (√) ang dapat gawin at (x) naman ang hindi.
_____ 1. Maging mulat sa mga batas ng pamahalaan at alituntunin sa mga mall,
sa mga parke, o sa iba pang pook-pasyalan tungkol sa wastong kalinisan.
_____ 2. Itanim sa isipan na may obligasyong dapat gampanan sa pagpapanatili
ng kalinisan ng kapaligaran.
_____ 3. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa matataong lugar.
_____ 4. Gawing panuntunan ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng
bawat pampubliko o pamprigbadong lugar.
_____ 5. Hayaang may magawa ang mga tagapaglinis ng mga pampublikong
lugar sa mga kalat na iniiwan.
_____ 6. Tumulong sa pagpapaunawa sa pamilya, kaibigan, at kakilala ng mga
kahalagahan ng kalinisan.
_____ 7. Ang mga pook-pasyalan ay hindi naman atin kaya walang dapat na
ipag-ingat kung ito ay marumihan.
_____ 8. Isiping kaligayahan ang mamasyal sa isang pook na maganda, malinis
at payapa.
_____ 9. Nasa ating mga kamay ang ikauunlad ng bayan, kaya sikaping
mapaunlad ang sarili.
_____ 10. Bigyan ng tungkulin ang sarili na tiyakin na ang lugarna pupuntahan
ay laging malinis bago at pagkatapos ito gamitin.

TANDAAN NATIN:

o 1. Ang malinis na kapaligiran, hatid ay kaligayahan, kapayapaan, at

kaginhawahan.
o 2. Kung ang bawat taong kasali sa mahigit na siyamanpong milyong
Pilipino ay dadampot ng duming makikita sa mga lansangan o kahit
saaanmang sulok ng bansa, tiyak na lilinis ang kapaligiran.
o 3. Magandang pagmasdan, pasyalan, at tirahan ang isang malinis na
kapaligiran.

PANGAKO KO

Ang malinis na kapaligiran ay yaman ng bayan, kalusugan, at buhay. Dahil

dito, gusto kong maging bahagi ng pagpapalinis nito.
Ipinapangako kong ________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

_____________________________
Lagda ng Mag-aaral

MAG-UGNAYAN TAYO

Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagsasama-sama kung katapusan ng lingo. Dito

ipinapakita ang pagkakalapit-lapit ng mag-anak. Sa pagsasama-samang ito
maaraing maipakita sa mga anak ang wastong pangangalaga sa kapaligiran.
Ipakita ang wastong pagtatapon ng dumi at pag-iwas sa pagkakalat. Maaaring
habang nagkukuwentuhan ay mabanggit sa usapang ang kahalagahan ng malinis
na kapaligiran lalo na sa mga pook liwasan at mg pasyalan.
Ipamulat sa mga anak na tulad ng sa tahanan, ang pamayanan ay
kailangang panatilihing malinis upang maging maganda ang buhay.
Magbigay ng mga halimbawa kung papaanong kayo at ang inyong anak ay
makatulong sa pagpapanatili sa isang malinis na parke o pamilihan. Isulat ito sa
kahon at pag-uusapan.

_______________________
Lagda ng Magulang
Inihanda ni:

CARMELITA R. SEGARA
EPS-SPED/ESP

You might also like