You are on page 1of 8

ANG PUERTO PRINCESA UNDERGROUND RIVER

Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park (PPSRNP) ay


makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa hilagang kanlurang bahagi ng Puerto
Princesa. Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng limestone na
nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang kamangha-manghang hugis ang
nabuo mula sa mga limestone sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2
kilometro ang haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang dahilan
kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground River bilang isa sa Pitong
New Wonders of Nature. Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at
kagubatan. Ang makapal na kagubatan ang nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na
pambihira at endangered. Sa baybayin naman nito makikita ang halamang
bakawan at mga coral reefs. Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa
Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature, dumami na ang
mga taong gustong makita ito, maging Pilipino man o dayuhan. Maliban sa
pagsakay sa bangka upang makita ang limestones sa loob ng kuweba, marami pang
maaaring gawin dito na ikasasaya ng mga turista. Kinagigiliwan ng mga bisita rito
ang jungle trekking, wildlife watching, mangrove forest tour at ang paglangoy sa
tabing-dagat na puti ang buhangin.

Mga Tanong:

1. Saang lalawigan matatagpuan ang Underground River?


a. sa Bicol
b. sa Iloilo
c. sa Mindoro
d. sa Palawan

2. Ano ang kamangha-manghang tingnan sa loob ng kuweba ng Underground


River?
a. ang napakalinaw na tubig-ilog
b. ang mga hayop sa loob ng kuweba
c. ang iba't-ibang hugis ng limestone
d. ang mga halaman sa loob ng kuweba

3. Bakit kaya dumami ang turistang bumibisita sa Underground River?


a. madali lang puntahan ito
b. nakamamangha ang tubig sa ilog
c. naging tanyag ito sa buong mundo
d. pambihira ang hugis ng kuweba sa ilog

4. Bakit dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa paligid


ng Underground River?
a. dahil ito ay endangered at pambihira
b. dahil may karapatan itong mabuhay
c. dahil makukulay ito at magaganda
d. dahil maaari itong pagkakitaan

5. Ano kaya ang kailangang gawin ng lokal na pamahalaan para sa


Underground River?
a. magtayo ng iba’t ibang water sports dito
b. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan
c. pangalagaan at proteksyonan ito
d. pagbawalan ang bumibisita rito

6. Ayon sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta sa


Underground River maliban sa pagpasok sa kuweba?
a. mangisda sa ilog
b. maglaro sa kuweba
c. lumangoy sa tabindagat
d. kumain ng masasarap na pagkain

7. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang ang


Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature?
a. Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.
b. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.
c. Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.
d. Nag-alala dahil magiging mahal na ang pagpunta rito.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistang


bumibisita sa Underground River? (Pagsusuri)
a. Kaunting halaman lamang ang kunin mula dito.
b. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.
c. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.
d. Ingatan ang pagkuha ng litrato sa Underground River
KALABANIN ANG DENGUE

Ang dengue fever ay isang kondisyong dulot ng dengue virus. Ang virus na
ito ay dala ng ilang uri ng lamok gaya ng Aedes Aegypti. Kagat ng lamok na may
dalang dengue virus ang sanhi ng pagkakasakit. Patuloy na gumagawa ng hakbang
ang Department of Health para sugpuin ang dengue. Itong taon na ito, may
naitala na mahigit na tatlumpung libong kaso ng dengue. Kailangan na ng
gobyernong gumawa ng mga bagong paraan upang maibaba ang bilang ng mga
kasong ito. Ang isang dahilan kung bakit patuloy sa pagdami ang may sakit na
dengue ay dahil binibigyan ng pagkakataon ang mga lamok na mabuhay sa paligid.
Kailangan ng pakikipagtulungan ng lahat sa mga simpleng gawaing makaiiwas sa
sakit na ito. Una, dapat malaman na ang lamok na Aedes aegypti ay nabubuhay sa
malinis na tubig. Palagi dapat sinusuri ang loob at labas ng bahay kung may mga
naipong tubig na hindi napapalitan. Kung minsan ay may mga programa rin ang
lokal na gobyerno para mapuksa ang mga lamok katulad ng fogging. Iginiit ng
DOH na sa lahat ng mga paraang ito, mahalaga talaga ang pakikiisa ng bawat
mamamayan sa komunidad. Ito ang pinakamabisang paraan upang mapuksa ang
sakit na ito.

Mga Tanong:
1. Ano ang kondisyon na dala ng ilang uri ng lamok tulad ng Aedes aegypti?
a. dengue fever
b. hepatitis
c. hika
d. malaria

2. Anong ahensya ng gobyerno ang namamahala sa paghanap ng solusyon


tungkol sa problema ng dengue?
a. Department of Health
b. Department of Education
c. Department of Science and Technology
d. Department of Public Works and Highways

3. Bakit patuloy ang pagdami ng may sakit na dengue?


a. patuloy na nagkakahawaan ang may sakit
b. patuloy na walang mainom na tamang gamot
c. patuloy na di kumakain nang tama ang mga tao
d. patuloy na nabubuhay ang lamok sa maruming paligid
4. Ano ang mararamdaman ng babasa ng unang bahagi ng seleksyong ito?
a. magagalit
b. mananabik
c. mangangamba
d. matutuwa

5. Ano ang kasingkahulugan ng sugpuin sa pangungusap sa kahon?


Patuloy na gumagawa ng paraan ang DOH upang sugpuin ang dengue.
a. pigilan
b. paalisin
c. subukan
d. tulungan

6. Ano ang maaaring mangyari kapag hindi nagtulong-tulong ang mga


mamamayan sa problemang nakasaad sa seleksyon?
a. Magiging marumi ang kapaligiran.
b. Patuloy ang pagkakaroon ng dengue.
c. Mag-aaway-away ang magkakapitbahay.
d. Hindi magagawa ang programang fogging.

7. Ano ang katangian ng mga tao sa DOH na patuloy na naghahanap ng


paraan upang malutas ang problema sa seleksyon?
a. maawain
b. magalang
c. matiyaga
d. mapagbigay

8. Ano kaya ang layunin ng sumulat ng seleksyong ito?


a. maghatid ng impormasyon sa tao
b. magbahagi ng ginawang pag-aaral
c. magbigay aliw sa mga may dengue
d. magbigay ng mabuting halimbawa
PUNO PA RIN NG BUHAY

Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong niyog.


Kahit saang panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa puno ng
niyog. Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula ugat
hanggang dahon ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang buko
salad, buko pie at minatamis. Ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng
arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa. Natuklasan ni Dr. Eufemio
Macalalag, Jr., isang urologist na ang paginom ng sabaw ng buko araw-araw ay
nakatutulong sa kidney ng isang tao. Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang
araw-araw na pag-inom nito para maiwasan ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi
(urinary tract). Ginagamit din itong pamalit ng dextrose. Natuklasan pa na mas
maraming protina ang nakukuha sa gata ng niyog kaysa sa gatas ng baka. May
2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang 1.63 porsyento lamang ang sa
gatas ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din bilang preservative,
lubricant, pamahid sa anit, at iba pa. Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at
alak. Ang ubod naman ay ginagawang atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga
lutuing karne o lamang dagat. Pati ang ugat nito ay ginagamit pang panlunas sa
iba’t ibang karamdaman.

Mga Tanong:
1. Ano ang tinaguriang puno ng buhay? (Literal)
a. puno ng buko
b. puno ng narra
c. puno ng niyog
d. puno ng manga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring gawin sa laman ng niyog?


(Literal)
a. kendi
b. buko pie
c. dextrose
d. minatamis

3. Ilang porsiyento ng protina ang makukuha sa gata ng niyog? (Literal)


a. 1.63
b. 2.08
c. 2.9
d. 3.0

4. Sa anong bahagi ng katawan nakabubuti ang pag-inom ng sabaw ng


buko/niyog? (Paghinuha)
a. atay
b. baga
c. kidney
d. puso

5. Bakit mas mainam ang gata ng niyog kaysa gatas ng baka? (Paghinuha)
a. Mas masarap ito.
b. Mas mura ang niyog kaysa gatas.
c. Mas maraming pagkukuhanan ng niyog.
d. Mas maraming protina ang nakukuha rito.

6. Bakit tinaguriang puno ng buhay ang puno ng niyog? (Paghinuha)


a. Hanapbuhay ng maraming tao ang pagtatanim ng niyog.
b. Maraming nagbebenta ng produkto ng niyog.
c. Marami ang pakinabang sa niyog.
d. Marami ang niyog sa Pilipinas.

7. Ano ang tinitingnan ng isang urologist? (Pagsusuri)


a. ugat ng tao
b. dugo at atay
c. puso at dugo
d. urinary tract

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)


a. Nais nitong hikayatin ang tao na magtanim ng puno ng niyog.
b. Gusto nitong ipaalam ang iba't ibang gamit ng niyog.
c. Hangad nitong magbenta tayo ng produkto ng niyog.
d. Nais nitong magbigay ng ikabubuhay ng tao.
SI JOSE RIZAL SA DAPITAN

Si Jose Rizal ay ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 17, 1892. Ginugol


niya ang kanyang oras sa mga makabuluhang gawain. Ginamot niya ang mga
maysakit. Matiyaga siyang nagsaka at maingat na nagplano ng patubigan para sa
mga tanim. Nagturo rin siya ng mga samahang sibiko. Gumawa siya ng ilang
eskultura at mga drowing. Sumulat din siya ng mga tula. Lubos siyang hinangaan
at iginalang ng mga taga-Dapitan, pati na rin ng kanilang gobernadorsilyo. Isang
araw, nagulat si Rizal nang biglang dumating sa Dapitan si Pio Valenzuela.
Ibinalita nito ang pagkakatatag ng Katipunan at ang isang balak na paghihimagsik
sa pamahalaan. Binanggit din niya ang alok na ibibigay ni Bonifacio kay Rizal, ang
liderato ng Katipunan kung sakaling aanib ang doktor sa kilusang ito. Biglang
tumayo si Rizal at sinabi na hindi pa panahon upang maghimagsik. “Ang binabalak
ninyo ay isang kabaliwan. Kung ako ang tatanungin, dapat itigil agad ang inyong
balak habang maaga. Sabihin mo kay Bonifacio na dinaramdam kong hindi
tanggapin ang kanyang iniaalok.” Nagpasalamat siya at sinabing, “Mayroon pang
ibang mapayapang paraan upang makamit ang minimithi nating pagbabago para sa
ating bayan.” Malungkot na umalis sa bahay ni Rizal si Pio Valenzuela.
Kinabukasan, naglakbay siyang pabalik patungo sa Maynila.

Mga Tanong:
1. Alin sa sumusunod ang unang naganap sa seleksyon?
a. Naglakbay si Valenzuela papunta sa Dapitan.
b. Nalaman ni Rizal ang balak na paghihimagsik.
c. Hindi sang-ayon si Rizal na maging lider siya.
d. Hinangaan at iginalang si Rizal ng mga tao sa Dapitan.

2. Alin sa sumusunod ang HINDI nasasaad sa seleksyon?


a. May nagdala ng balita tungkol sa Katipunan kay Rizal.
b. Napabalita sa Dapitan ang magaganap na paghihimagsik.
c. Hindi sang-ayon si Rizal sa balak ni Bonifacio para sa bayan.
d. Naging mabuti ang buhay sa Dapitan nang dumating si Rizal.

3. Ano ang kahulugan ng salitang ginugol sa pangungusap sa kahon?


Ginugol niya ang kanyang oras sa mga makabuluhang gawain
a. ibinuhos
b. inayos
c. iningatan
d. plinano

4. Ano ang kahulugan ng salitang aanib sa pangungusap sa kahon?


Ang liderato ng Katipunan ay ibibigay kay Rizal kung sakaling aanib ang
doktor sa kilusan.
a. magsisilbi
b. sasali
c. sasang-ayon
d. susuporta

5. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Bonifacio sa desisyon ni Rizal?


a. Magagalit siya sa tagadala ng balita.
b. Ipagdiriwang nila ang desisyon ni Rizal.
c. Aayon ang Katipunan sa paniniwala ni Rizal.
d. Hindi ikatutuwa ni Bonifacio ang maririnig na balita

6. Alin ang ibig ipakahulugan ni Rizal sa “Mayroon pang ibang mapayapang


paraan upang makamit ang minimithi nating pagbabago para sa ating
bayan.”?
a. Pangarap pa rin ang minimithing pagbabago sa bayan.
b. Makakamit din ang kapayapaan pagdating ng panahon.
c. Himagsikan ang daan para makamit ang pagbabago ng bayan.
d. Hindi lang sa himagsikan magkakaroon ng pagbabago sa bayan.

7. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe


nito?
a. Maingat na isinalaysay ang mga pangyayari.
b. Maliwanag ang solusyong nakasaad sa seleksyon.
c. Tinalakay ang mga sanhi at bunga ng himagsikan.
d. Nailarawan ang mga tauhan at ang tagpuan sa seleksyon.

8. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?


a. Ang Balita kay Rizal
b. Balita ng Katipunan
c. Ang Buhay ni Rizal sa Dapitan
d. Magandang Pagbabago sa Dapitan

You might also like