You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION
Wangal, La Trinidad, Benguet

PROJECT SMART (Standardized and Meaningful Assessment Result-based Teaching)

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 6

Pangkalahatang Panuto:

A. Ang pagsusulit na ito ay binubuo ng 50 aytem tungkol sa mga kasanayang


pampagkatutong binigyang tuon sa buong markahan. Basahin at unawaing mabuti
ang bawat aytem bago sumagot.
B. Piliin ang tama o pinakaangkop na sagot sa mga pagpipilian at isulat ang titik nito sa
naibigay na hiwalay na sagutang papel.
C. Huwag sulatan ang talatanungang ito.

A. Panuto: Basahin ang teksto at sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin ang letra lamang.

Kalinisan Tungo sa Magandang Kapaligiran

Maraming paraan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid. Sa tulong ng iba't ibang
kampanya ay matutututuhan ng bawat isa ang pahalagahan ang kalinisan at mahalin ang
kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang mga kampanyang Clean As You Go (CLAYGO), Bring Your
Own Baunan (BYOB), at Waste Segregation. Sa pamamagitan ng mga programang ito, kinikilala
natin na tayo ang katuwang ng Maykapal sa pag-aalaga at pangangalaga ng kaniyang mga
likha. Sa pag-alam ng ating mga tungkulin at pagkakaroon ng kongkretong pagkilos sa pakikiisa
sa isyung pangkapaligiran ay mapapangalagaan ang ating mga likas na yaman. Ano-ano nga
ba ang mga programang ito?
Ang CLAYGO ay isang programang nanghihikayat na panatilihin ang kalinisan upang
mabawasan ang mga panganib sa kalusugan at kaligtasan. Hinihikayat ng pamamaraang ito
ang lahat sa atin na gawing bahagi ng ating pang-araw-araw na gawain ang paglilinis.
Kailangang masiguro mong malinis ang iyong mesa, bahay, silid-aralan, bulwagan, kantina,
opisina, at ang buong paligid sa pamamagitan ng pagliligpit o pagtatapon ng mga kalat sa
basurahan bago lisanin o iwanan ang lugar. Kabilang sa mga gawaing CLAYGO sa loob ng silid-
aralan at anumang tanggapan ay ang pagpatay ng mga bentilador, kompyuter, mga projektor,
at pisara, pagsasaayos ng mga upuan at mesa, pagwawalis ng mga kalat, pagtatapon sa
basurahan, pagbabalik ng mga bagay sa tama nitong lalagyan, at pagsasara ng mga pinto.
Ganito rin dapat sa kantina o saan mang kainan. Iwasang magkalat sa mesa, ubusin ang
pagkain at laging ibalik ang mga pinagkainan sa maayos nitong lagayan.
Ang BYOB naman ay ang pagdadala ng baunan upang maiwasan ang paggamit ng mga
plastik at papel na nagiging mga kalat sa paligid. Samantala, ang waste segregation naman ay
ang paghihiwalay-hiwalay ng mga basura sa tamang lalagyan nito upang matukoy ang mga
dapat nang itapon at mapakikinabangan pa.
Tunay ngang kailangan nating maging maalaga sa ating paligid upang makamit natin ang
malinis at di kontaminadong pamayanan. Ipagpatuloy natin ang ating pagkakaisa at
pagtutulungan upang mas mapagtibay ang ating pangangalaga sa ating kapaligiran.

1. Tungkol saan ang tekstong napakinggan?


A. bata
B. hayop
C. paaralan
D. kalikasan
2. Ano ang ibig sabihin ng CLAYGO?
A. Clean As You Go
B. Clean And You Go
C. Clean And You Got
D. Clean As You Good

3. Aling gawain ang HINDI kabilang sa CLAYGO sa loob ng silid-aralan?


A. pagwawalis ng mga kalat
B. pagtatapon sa basurahan
C. paglinis sa pinagkainan ng sopas
D. pagsasaayos ng mga upuan at mesa

4. Bakit kailangang iwasan ang paggamit ng plastic at papel?


A. Maiwasan ang pagbaho ng paligid.
B. Maiwasan ang pagtatapon ng basura.
C. Maiwasan ang pagkalat at pagdami ng basura.
D. Maturuan ang mag-aaral na maging masinop.

5. Ano ang dahilan ng pagpapatupad ng kampanya para sa kalikasan?


A. maparami ang mga tao
B. mapanatili ang kalinisan sa paligid
C. mapasaya ang mga likas na yaman
D. maparami ang bilang ng mga katubigan

6. Ano ang paksa ng tekstong napakinggan?


A. pagpapahalaga sa kalikasan
B. pagpaparami ng likas na yaman
C. pagpapatupad ng mga kampanya
D. pagpapatupad ng batas para sa kalikasan

7. Alin ang pinakaangkop gawin para mapanatili ang kalinisan ng paligid?


A. Tumulong tuwing may Clean ang Green .
B. Paglilinis sa bakuran minsan sa isang buwan.
C. Makiisa sa Barangay Clean Drive kapag may premyo.
D. Makiisa sa mga programa at kampanya ukol sa kalinisan.

8. Ano-anong programa ang HINDI nabanggit sa teksto para sa pangangalaga ng


kapaligiran?
A. Waste Segragation
B. CLAYGO (Clean As You Go)
C. PYTA (Pick Your Trash Always)
D. BYOB (Bring Your Own Baunan)

9. Ano ang dapat nating gawin upang maging maayos ang ating kapaligiran?
A. maging kaisa sa paglilinis
B. makisali sa mga nagbibisikleta
C. tumingin sa mga nagwawalis sa kalsada
D. magpaskil ng mga poster ng tamang pagbabasura

10. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang kampanya upang makatulong sa pagpapanatili ng
malinis na kapaligiran maliban sa isa.
A. BYOB
B. WORE
C. CLAYGO
D. Waste Segragation

11. Bakit mahalagang magpatupad ng mga kampanya para sa kalikasan?


A. Malusog ang mga mamamayan.
B. Mapanatili ang kalinisan sa paligid.
C. Maprotektahan ang mga katubigan.
D. Mapayaman ang mga yamang lupa.

12. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pahahalagahan ng mga tao ang kalikasan?
A. maging masaya ang mga tao
B. maging malinis ang kapaligiran
C. dadami ang mga puno at hayop
D. walang mapapakinabangan ang susunod na henerasyon

13. Ang mga sumusunod ay maaaring dulot ng hindi pagsunod sa mga programang
pangkapaligiran maliban sa isa.
A. maruming paligid
B. masiglang pamayanan
C. suliraning pangkalusugan
D. polusyon sa hangin at tubig

14. Ano ang kailangang gawin upang makamit ang malinis at di kontaminadong pamayanan?
A. Maligo araw-araw.
B. Magsagawa ng pagbabayanihan.
C. Maging malinis lamang sa loob ng tahanan.
D. Maging maalaga sa ating kapaligiran at magkaisa sa pagpapanatili ng kalinisan.

15. Bakit kailangang isagawa ang waste segregation?


A. upang matukoy ang kailangang gamiting muli at sunugin
B. upang matukoy ang kailangang itapon at mapakinabangan
C. upang matukoy ang kailangang ibenta at itambak sa bakuran
D. upang matukoy ang kailangang itapon at ilagay sa bodega ng bahay

B. Para sa bilang 16-19.Pag-aralan ang balangkas at piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.

Mga Likas na Yaman


I. Mga Yamang-Tubig
A.
B.
C.
II. Mga Yamang-lupa
A.
B.
C.

16-17. Alin ang mga itinuturing na yamang-tubig?


A. ilog
B. talampas
C. karagatan
D. kapatagan

18. Ang mga sumusunod ay kabilang sa yamang-lupa maliban sa isa?


A. sapa
B. burol
C. bulkan
D. bundok

19. Alin ang maituturing na yamang-lupa?


A. isda
B. lato
C. ginto
D. perlas

20. Aling parirala ang may pang-angkop na -ng?


A. bilang ng puno
B. daang malayo
C. mayamang kalikasan
D. mapayapang kapaligiran

21. Alin ang HINDI gumamit ng wastong pang-angkop?


A. mabait na tao
B. batang masipag
C. sariwang hangin
D. maganda na dalaga
22. Mahilig magdrowing si Paul at makinig ng musika. Alin ang ginamit na pangatnig?
A. at
B. ng
C. si
D. mahilig

23. Magsikap sa pag-aaral ________ nais na magtagumpay. Anong wastong pangatnig ang
gagamitin para mabuo ang pangungusap?
A. at
B. kung
C. dahil
D. subalit

24. Aling pangungusap ang gumamit ng pangatnig?


A. Masaya ang mga bata.
B. Tahimik silang nanonood sa sala.
C. Malusog at malakas ang katawan ni Bryan.
D. Ang mamamayan ay nagtutulungan sa paglilinis.

C. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Si Buwaya at Si Matsing

Isang araw, nagpapahinga si Buwaya nang biglang dumating ang hinihintay na si


Matsing.
“Kaibigan, kanina pa kita hinihintay,” bati niya kay Matsing.
“Aba, bakit?” nagtatakang tanong ni Matsing
“Hindi mo ba alam? May piging sa kabilang dako ng ilog. Imbitado lahat ang mga hayop
sa kagubatan”, pagbabalita ni Buwaya.
“Sayang, hindi naman ako marunong lumangoy,” malungkot na wika ni Matsing.
“Ikaw naman! Sakay na sa likod ko, dadalhin kita roon,” alok ni Buwaya.
Tumalon agad si Matsing sa likod ni Buwaya. Nang nasa kalagitnaan na ng ilog ay
sumigaw si Buwaya.
“Walang piging! Ikaw, kaibigan, ang aking pagpipistahan,” masayang wika ni Buwaya.
Kinabahan agad si Matsing. Ngunit sandali lang iyon. Si Matsing na kilala sa pagiging
tuso ay madaling nabuhayan ng loob.
“Alin ba Buwaya ang pinakagusto mo sa katawan ko?” tanong ni Matsing.
“Bakit mo hindi sinabi kanina?” Malaki ang aking atay, lagi kong iniiwan ito sa amin.
Sagabal kasi. Masyadong mabigat ang atay ko eh,” paliwanag ni Matsing.
“Hala, balikan natin,” alok ni Buwaya.
“O sige, agad na tugon ni Matsing. Bilisan mo. Kanina ay maraming atay na nakasabit
sa puno, kunin natin,” masayang alok ni Matsing.
Mabilis na lumangoy si Buwaya pabalik sa pampang.
“Sige, diyan ka muna, Buwaya. Kukunin ko ang ating atay.”
Pagkasabi nito’y mabilis na tumalon si Matsing. Nagmamadali itong umakyat sa puno
sabay sabing,
“Uwi na Buwaya. Wala kang pagpipistahan. Dala-dala ko ang aking atay.”
Bumubula ang bibig na lumangoy pabalik sa katubigan si Buwaya.
25. Sino ang nag-anyaya kay Matsing na dumalo sa piging?
A. si Alimango
B. si Buwaya
C. si Pagong
D. si Palaka

26. Bakit madaling sumama si Matsing na dumalo sa piging?


A. Sasakay siya sa likod ni Buwaya.
B. Masaya ang dumalo sa isang piging.
C. Imbitado lahat ng mga hayop sa kagubatan.
D. Hinihintay siya ng mga kasamahang hayop doon.

27. Nasaan na sina Matsing nang sabihin ni Buwaya ang kaniyang balak?
A. pabalik sa kagubatan
B. papunta sa karagatan
C. sa kalagitnaan ng dagat
D. sa kalagitnaan ng kagubatan

28. Saan daw naiwan ni Matsing ang gusto ni Buwaya?


A. sa karagatan
B. sa kagubatan
C. sa sanga ng puno
D. sa hawla ng mga hayop sa gubat

29. Nakaligtas ba si Matsing? Paano?


A. Opo, tinulungan siya ng mga kasamahang hayop
B. Opo, inisahan niya si Buwaya para bumalik sa kagubatan
C. Hindi po, tagumpay siyang nakain ni Buwaya
D. Hindi po, tuluyan siyang nalunod sa dagat

30. Tama ba ang desisyon ni Buwaya na kainin ang atay ni Matsing? Bakit?
A. Tama, dahil nanghihina na siya sa gutom.
B. Tama, dahil ang atay ni Matsing ang magpapalakas kay Buwaya.
C. Hindi, dahil maliit lang ang katawan ni Matsing upang maging pagkain.
D. Hindi, dahil mawawalan siya ng matalik na kaibigan kung sakaling itinuloy niya ito.

31. Kung isa ka sa mga hayop sa kagubatan, sino kina Matsing at Buwaya ang tutulungan
mo?
A. Si Matsing dahil sa tingin ko ay kawawa siya.
B. Si Matsing dahil isa siyang matalinong kaibigan.
C. Buwaya kasi baka ako ang isusunod niyang kainin.
D. Si Buwaya para hihilingin ko na maghahati kami sa katawan ni Matsing.

32. Ang mga nakatala ay magagandang aral na maaaring matutuhan mula kay Matsing
maliban sa isa.
A. Maging matalino sa bawat desisyong iyong gagawin.
B. Huwag basta-basta magtitiwala sa kabutihan ng iba.
C. Huwag magpaloko sa kahit kanino, maging sa kaibigan mo pa.
D. Ang kaibigan ay mahalin at ibigay agad ang lahat ng kaniyang hinihiling.

33. Anong ugali mayroon si Buwaya na HINDI dapat tularan?


A. matalino
B. marunong
C. makasarili
D. mapagmatyag

34. Ano ang mahalagang aral ang mapupulot sa kuwento.


A. Humiling sa kaibigan ng kung ano-ano.
B. Maging mapanlamang sa isang kaibigan.
C. Pahalagahan at mahalin ang iyong kaibigan.
D. Kung tinulungan mo ang isang kaibigan, dapat ka ring tulungan pabalik.
35. Si Buwaya ay ____________________ kay Matsing sa kaniyang pagdating. Aling salita
kumukumpleto sa diwa ng pangungusap?
A. aabangan
B. nakipag-abang
C. nag-aabang
D. pakikipag-abang

36. Piliin ang angkop na unlapi na idaragdag sa salitang ugat na akyat.


A. an-
B. han-
C. hin-
D. um-

37. Ang gitlaping -um- ay madalas ginagamit sa mga salitang-ugat na nasa ibaba maliban sa
A. akyat
B. langoy
C. lungkot
D. takbo

38. Anong salita ang mabubuo kapag kinabitan ang salitang-ugat na sabi ng isang hulapi?
A. sinabi
B. nagsabi
C. sabihan
D. magsabi

39. Umuwi si Buwayang gutom na gutom. Aling salita sa pangungusap ang kinakabitan ng
panlapi?
A. gutom
B. umuwi
C. buwaya
D. gutom na gutom

40. Anong salita ang maaaring mabuo kung ang salitang-ugat na mahal ay kakabitan ng
unlapi at hulapi?
A. mahalin
B. nagmahal
C. kamahalan
D. pagmamahal

D. Para sa bilang 41-45, Piliin kung anong uri ng pangungusap ang ipinapakita ng bawat
usapan/sitwasyon mula sa kuwentong binasa.
A. Pasalaysay
B. Pautos
C. Patanong
D. Padamdam
E. Pakiusap

_____41. Walang piging! Ikaw, Kaibigan ang aking pagpipistahan.

_____42. Mabilis na lumangoy si Buwayang pabalik sa pampang.

_____43. Bakit hindi mo sinabi kanina?

_____44. Bumalik tayo. Bilisan mo.

_____45. Pakihintay mo ako, Buwaya. Kukunin ko ang aking atay.


46. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa opinyon?
A. May mabigat na pruweba.
B. Ito ay mga tunay na kaganapan.
C. Ito ay mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya ng nag-iisang tao lamang.
D. Masusing pinag-aralan at napatunayan ng mga propesyonal at mga eksperto.

47. Ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan maliban sa isa.


A. Sa taong 2016, naging pangulo si Rodrigo Roa Duterte.
B. Madalas daw na bahagi ito ng pista, kasal, at iba pang okasyon.
C. Ang Pasko ng Pilipinas ay ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Disyembre.
D. Ayon sa mga eksperto sa palabas, tinagurian silang mga bayani dahil kinakalaban
nila ang kasamaan sa mundo sa pamamagitan ng lakas at kapangyarihan ng
makabagong sandata.

48. Ano ang pinakamabisang paraan upang mapatunayan na ang mga argumento o mga
pahayag ay makatotohanan?
A. magtanong sa mga kaibigan
B. magbasa at manood ng mga nakakatawang nobela
C. magbasa at magsagawa ng malalim na pananaliksik
D. magtanong sa mga kasapi ng pamilya o mga kapitbahay

49. Magiging malusog ang pangangatawan kung palaging kumakain ng prutas at gulay. Ang
pangungusap ay nagsasaad ng isang ____________.

A. opinyon
B. haka-haka
C. kathang-isip
D. katotohanan

50. Ayon sa DepEd,ang pag-aaral ay magpapatuloy pa rin sa kabila ng nararanasang


pandemya sa bansa. Ang pangungusap ay nagsasaad ng isang_________.
A. opinyon
B. haka-haka
C. kathang-isip
D. katotohanan

*Wakas ng Pagsusulit*

You might also like