You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___
Schools Division of ___________
_____________ ELEMENTARY SCHOOL

PERIODICAL TEST IN ESP 6


QUARTER 3

Name: ____________________________________ Date: __________________


Teacher: __________________________________ Section: _______________

Panuto: Suriin ang mga larawan at impormasyon na nasa ibaba. Tukuyin kung anong
katangian ang ipinamalas ng mga sumusunod na Pilipino. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pinahusay ng Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang kaniyang kakayahan sa


pagboboksing upang matulungan ang kaniyang pamilya at maipagmalaki ang
Pilipinas.
A. Masikap B. makasarili C. matapang D. mapagpakumbaba

Bago kinoronahan si Pia Wurtzbach bilang Miss Universe 2015, tatlong beses
siyang sumali sa Bb. Pilipinas at nakaranas ng pagkatalo.
A. masipag B. determinado C. makabansa D. makabayan

Si Fernando Poe Jr. ay kinilala bilang “Da King” at tinaguriang “Hari ng Takilya”
dahil sa kaniyang malaking kontribusyon na mahigit 200 pelikula sa bansa.
A. makabayan B. mapagmahal C. produktibo D. matulungin

Si Ninoy Aquino ay matapang na nanindigan sa kaniyang prinsipyo na


ipagtanggol ang kalayaan ng Pilipinas mula sa pamahalaang diktatoryal.
A. Makabayan B. maka-Diyos C. makakalikasan D. masipag

Ilang taong nagsanay si Carlos Yulo bago niya naiuwi ang kauna- unahang
gintong medalya ng Pilipinas sa Gymanstics World Championships.
A. masayahin B. matiyaga C. maaruga D. mapagmahal
6. Si Mang Mario ang Barangay Chairman ng inyong lugar. Ipinatupad niyang bawal mangisda sa
inyong tabing dagat dahil ito ay ginagawang sanctuary. Nahuli ni Mang Mario na lumabag si Dado
na pinsan niya. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Unawain na lang si Dado
B. Aawayin ni Mang Mario si Dado
C. Bigyan si Dado ng nararapat na parusa
D. Sabihan si Dado na umalis na sa kanilang lugar

7. Si Dr. Jose Rizal ay nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Ano ang ipinapakita
nito sa atin bilang mga Pilipino?
A. Pagkamalikhain C. Pagkamakabayan
B. Pagkamakalikasan D. Pagkamakadiyos

8. Sa ibang bansa na nagtratrabaho ang kapatid ni Nora bilang isang nurse. Natanggap siya agad
dito sapagkat matataas ang kanyang marka at nakapasa sa Licensure Exam. Masayang-masaya si
Nora sa kapatid at nais niyang maging tulad nito. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Kaiinggitan ang kapatid.
B. Makikisama sa mga taong matatalino upang maging matalino rin ako.
C. Mag-aaral nang mabuti at iwasan muna ang sobrang pagbabarkada.
D. Magpagawa ng mga takdang-aralin at proyekto sa kaibigan upang masiguradong
makakuha ng mataaas na marka.

9. Ano ang kabutihang naidududlot kung ang mga tao ay gumagawa ng kaniyang mga gawain nang
naaayon sa pamantayan?
A. Kopyahihin ang gawa ng iba para lalong maganda ang kalalabasan ng gawain.
B. Darami ang magiging kaibigan kapag ang gusto mo ang laging nasususnod.
C. Huwag ipakita ang iyong gawain upang maiwasan ang pangit na sasabihin ng ibang tao.
D. Sikaping maging original sa mga gawain nang ayon sa mga pamantayan.

10. Kilalang kilala na sa bansa si Vhong Manuel, ang mahusay na mananayaw na iniidolo ni Greg.
Nais niyang maging magaling na mananayaw gaya ng kanyang idolo. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Makipagbarkada, at matutong uminom at manigarilyo upang maging astig.
B Tumigil sa pag-aaral at mag-ensayo na lang palagi sa pagsasayaw.
C. Kumain ng masustansiyang pagkain, at mag-ensayo sa pagsasayaw tuwing libreng oras.
D. Kumain ng wastong pagkain at huwag nang mag-ensayo dahil magaling ka na
sumayaw.

11. Mahusay sumayaw si Rayver Santos. Marami ang umiidolo sa kanyang husay sa pagsasayaw.
Malapit din sa puso niya ang mga batang nais matutong sumayaw. Tinuturuan niya ng libre ang
mga ito. Anong taglay na katangian ni Rayver?
A. Matapat C. Masigasig
B. Magalang D. Bukal sa loob na nagbabahagi ng kakayahan
12. Naglunsad ang inyong paaralan ng tree planting activity sapagkat nauubos na ang mga puno sa
inyong lugar dulot ng walang tigil na pagputol nito. Ano ang dapat gawin?
A. Makiisa sa proyektong ito.
B. Magkunwari akong walang alam.
C. Pabayan na ang mga matataas na posisyon sa paaralan ang makiisa rito sapagkat ito ay
kanilang ideya.
D. Huwag pansinin ang proyektong ito sapagkat nagpapasikat lamang ang inyong paaralan
sa mga opisyales ng mga lugar.

13. Upang maraming mahuli at kitain ang mga mangingisda, dapat nating pagsikapang mabuti na
______.
A. bigyan sila ng ibang trabaho
B. tulungan silang mangisda buong araw
C. sabihan sila kung paano mangisda gamit ang dinamita
D. tumulong sa pangangalaga ng karagatan upang dumami ang mga isda

14. Ang Philippine Clean and Air Act ay tungkol sa_________________________________.


A. Pagpapanatili ng Ecological Diversity
B. Pagkilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
C. Pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
D. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan at
pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin

15. Minsan sumama ka sa pangingisda ng iyong ama. Napansin mong gumagamit siya ng lambat na
may maliliit na butas. Ano ang gagawin mo?
A. Magagalit ako kay itay at hindi ko na siya papansinin.
B. Tutulungan ko si tatay na ihagis ang lambat sa dagat.
C. Sisigawan ko si itay sapagkat mali ang kanyang ginagawa.
D. Sasabihin ko ng maayos at mahinahon kay itay na bawal gumamit mg mga lambat na
may maliliit na butas sapagkat hindi makakalabas ang maliliit na isda.

16. Ang Batas Pambansa 7638 at ang pagtatag ng Department of Energy (DOE)ay naglalayong
______.
A. Pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
B. Ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
C. Mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
D. Isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya.

17. Bakit kailangang ipatupad ang quality control ng isang Gawain o produkto?
A. Upang madali itong masira
B. Upang maipagbili ito ng napakamahal
C. Upang masiguro na ang gawa at produkto ay nasa mababang kalidad
D. Upang matiyak na ang gawa at produkto ay naaayon sa mataas na kalidad
18. Paano ang wastong pangangalaga sa ating pinagkukunang yaman?
A. Magtanim ng mga puno at halaman
B. Itapon ang mga basura at patay na hayop sa ilog at dagat
C. Gumamit ng lambat na may maliliit na butas sa paghuli ng isda
D. Putulin ang mga puno at gamitin sa paggawa ng bahay
19. Ang batas na ito ay may layunin na isakatuparan ang mga plano sa pagpapaunlad at
konserbasyon ng enerhiya.
a. RA 8749 b. RA 9275 C. Batas Pambansa 7638 D. RA 9275
20. Ikaw at ang iyong mga kaibigan ay aakyat sa isang bundok para mag hiking. Bago ka
umalis ay nagbilin ang iyong ate na ikuha mo siya ng halamang ligaw sa bundok.Alam mo na
bawal ang pagkuha ng halaman doon. Ano ang iyong gagawin?
A. Ikukuha ko pa rin ang aking ate ng mga halaman sa bundok.
B. Sasabihin ko sa kaniya na ipinagbabawal ang pagkuha ng mga halaman s a
bundok.
C. Itatago ko na lang sa aking bag upang walang makakita na kumuha ako ng
halaman.
D. Magsawalang bahala na lamang.

21. Ang batas na ito ay may layuning bigyan ng malinis na hangin ang mga mamamayan
at mabawasan ang polusyon sa hangin.
A. RA 8749 B. RA 9275 C. RA 7586 D. RA 9147
22. Anong batas ang naglalayong magkaroon ng tamang pagkolekta at pagsasaayos ng mga
basura ayon sa uri nito?
A. RA 9147 B. RA 9003 C. RA 9275 D. RA 8749
23. Dahil madalang ang pagkolekta ng basura sa inyong lugar, sinusunog ng iyong nanay
ang inyong mga basura. Natandaan mo ang itinuro ng inyong guro na may batas na
nagbabawal sa pagsusunog. Ano ang iyong gagawin?
A. Hahayaan ko na lang si nanay na magsunog.
B. Ipapaliwanag ko sa aking nanay na tigilan na ang pagsusunog at sasabihin na
may batas tungkol dito.
C. Tutulungan ko si nanay sa pagsusunog upang hindi kami mahuli.
D. Magkuaring walang nakita.

24. Ano ang layunin ng batas na RA 9275?


A. Mabigyan ng malinis na hangin ang mga tao.
B. Mabigyan ng malinis na tubig ang mga tao.
C. Mabigyan ng makakain ang mga tao.
D. Mabigyan ng hanapbuhay ang mga tao.
25. Anong batas ang nangangalaga at nagpoprotekta sa mga maiilap na hayop?
A. RA 9147 B. RA 9275 C. RA 9003 D. RA 8749
26. Mahilig kang mag-alaga ng mga kakaibang hayop na nahuhuli lamang sa mga kagubatan.
Minsan nagpunta ka kasama ang iyong kaibigan sa isang kuweba upang humuli ng ahas para
alagaan. Nakakita kayo ngunit nagbabala ang iyong kaibigan na ipinagbabawal ang paghuli
nito. Ano ang iyong gagawin?
A. Hindi ko siya papakinggan at kukuhanin ko pa rin ito.
B. Kukuhanin ko na lang pagtalikod ng aking kaibigan.
C. Makikinig nalang ako sa kaniya.
D. Huwag pansinin ang sinsabi.

27. Ilang beses na kayong pinagsasabihan ng inyong guro na itapon ang mga basura ayon sa
uri nito ngunit hindi ginagawa ng iyong mga kamag-aral. Dahil ikaw ang pangulo ng inyong
klase, ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin ko ang aking mga kamag-aral na magtapon sa tamang tapunan.
B. Hindi ko nalang sila papansinin.
C. Hihikayatin ko pa sila na magtapon kung saan nila gusto.
D. Huwag na lamang kikibo.

28. Dahil ikaw ay bata at nag-aaral pa, dapat bang sundin mo ang mga batas na
naglalayong pangalagaan at protektahan ang kalikasan?
A. Hindi dahil bata pa ako at gagawin ko kung ano ang gusto ko.
B. Oo dahil kahit bata pa ako ay susunod ako sa mga batas dahil ito ay ipinag-
uutos at para na rin sa kapaligiran.
C. Hindi dahil wala akong pakialam.
D. Bahala na.

29. Ang isang manggagawa ay dapat maging malikhain. Bakit?


A. Para masaktan ang damdamin ng iba
B. Ito ay maaaring pagsimulan ng pag-unlad
C. Para hangaan ng iba at maging mayabang
D. Lahat ng nabanggit

30. Anong katangian ang ipinapakita ng isang bata na gumagamit ng mga patapon na bagay?
A. Pagkamatipid C. Pagkamasinop
B. Pagkamalikhain D. Pagmamalasakit sa kapwa

31. Si Jane ay inatasan ng kanilang guro ng proyekto kung saan gagawa siya ng parol na yari sa
tanzan ng coke. Pinaalala ng kanyang guro na sariling gawa ang dapat ipasa sa tinakdang petsa.
Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin ni Jane?
A. Ipinagwalang bahala ni Jane ang proyekto
B. Bumili na lang ng parol si Jane sa palengke
C. Ipinagawa ni Jane sa iba ang proyektong parol
D. Masayang ginawa ni Jane ang proyekto at ipinasa sa takdang oras
32. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik ang
suot mong damit. Malapit ng tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit ako
nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.
D. Gagasgasan ang ang dumaang kotse.

33. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang
suwelas nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.
D. Maglaro na lamang kasama ng aking kaibigan
34. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro.
Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng
panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.
D. Kopyahin ang gawa ng kamag-aral

35. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat
kinabukasan nguni’t nagamit na pala ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.
D. Lumiban na lamang sa klase kinabukasan.

36. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo.


Pinupunasan mo ang plorera nang dumulas ito sa iyong mga kamay at nabasag.
A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid.
B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay.
C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ng
paumanhin.
D. Magmukmok na lamang sa silid

37. Napunit ng pinsan mo ang mga pahina ng aklat na ipinahiram sa inyo. Alam
mong marami pang bata ang gagamit dito.
A. Susuntukin ko ang pinsan ko.
B. Ididikit ko ng Scotch Tape ang mga pahina at manghihingi ng paumanhin sa
guro.
C. Isasama ko siya sa paaralan at papagpapaliwanagin sa guro.
D. Isumbong agd sa magulang.
38. Sumuot sa butas ng bakod ng kapitbahay ang alagang tuta ng kapatid mo.
A. Nakiusap siya sa iyo na kuhanin mo ito.
B. Hindi ko siya papansinin.
C. Hahayaan kong ang kapatid ko ang kumuha sa lumipat na aso.
D. Magpapaalam ako sa kapitbahay na kunin ang alaga naming aso.
E. Bugawin ng bato ang tuta para umalis na ito.

39. Nag lakbay aral ang inyong klase sa Rizal Park. Kakain na kayo ng tanghalian ng
mapansin mong hindi mo nailagay ang kutsara at tinidor sa lalagyan mo ng baon.
A. Huhugasan ko na lamang ang aking kamay para makakain.
B. Itatago ko na lamang ang aking baon.
C. Hihintayin matapos kumain ang kamag-aral at manghihiram ng kutsara.
D. Tiisin ko nalang ang aking gutom.

40. Nakalimutan mong kunin sa kamag-aral mo ang aklat sa TLE, naroon ang mga
paraan para sa gagawin mong proyekto.
A. Kukuha ako ng aklat sa silid ng walang paalam.
B. Pag-aaralan ko na lamang ang mga naitala ko sa aking kuwaderno.
C. Sisisihin ko ang aking kamag-aral.
D. Aawayin ko ang aking kamag-aral.

41. Bilang tagaluto sa inyong kantina, paano mo ipapakita ang pagsunod at pagtupad sa batas para
sa kaligtasan at kalusugan?
A. Huwag lagyan ng takip ang mga nilutong pagkain
B. Gumamit ng hair net paminsan minsan kapag nagluluto
C. Parating gumamit ng gloves sa pagsandok ng pagkain
D. Hayaan lang na dapuan ng mga langaw ang nilutong pagkain

42. Bilang isang bata, paano ka makakatulong sa pamahalaan na maipatupad ang programa nila
laban sa karahasan sa mga hayop?
A. Pagsasabong ng manok sa tupadahan
B. Pagbaril ng ibon sa gubat para ulamin
C. Pagkatay ng aso upang pulutanin sa inuman
D. Alagaan ang mga aso at huwag itong katayin at gawing pulutan

43. Bilang isang mag-aaral, ano ang nararapat gawin kung may sigalot o kaguluhang nagaganap sa
klase?
A. Panoorin silang nag-aaway sa klase
B. Sigawan sila at sabihing tumigil na sila
C. Awatin sila at pagsabihang tama na at kapag hindi nakinig sabihin agad sa guro
D. Awatin sila at pagsabihang mamayang uwian na lang nila ituloy ang kanilang away
44. Sa paanong paraan ka makakatulong upang mabigyang solusyon ang mga suliraning
nararanasan ng bansa?
A. Pakikipagtulungan sa bansa
B. Pagbibigay ng ideya o opinion
C. Pagtupad sa malaya at reponsableng pamamahayag
D. Lahat ng nabanggit

45. Naglunsad ang inyong paaralan ng isang programang naglalayong makatulong sa mga kapus
palad, sa bilanggo at naulila. Ano ang iyong maitutulong o maibabahagi?
A. Magsasawalang – kibo lamang
B. Tutulong sa mga gawain sa programa
C. Lalahok sa programa na walang ginagawa
D. Liliban muna sa pagpasok sa paaralan para makapagpahinga

46. Si Ana ay nakakita ng isang krimen na kinasasangkutan ng mga batang kalye. Sila ay nagnakaw
sa isang bahay na walang tao. Kung ikaw si Ana, ano ang gagawin mo?
A. Ipakulong ang mga ito sa kinauukulan
B. Hayaan na lang ang ginawa ng mga batang kalye
C. Pagalitan ang mga batang kalye dahil hindi tama ang kanilang ginawa
D. Isumbong sa pulis o DSWD ang mga bata para sila ay mapagsabihan at mabigyan ng
tamang aksyon

47. Nais ng iyong kaibigan na magsagawa ng School Feeding Program sa liblib na bahagi ng
inyong lugar kung saan marami ang nakatira na mahihirap. Ngunit nais mo na isagawa ito sa
malapit lang na lugar. Sasang-ayon ka ba sa kanilang pasya?
A. Oo, dahil wala na akong magagawa
B. Oo, dahil ito ang napagpasyahan ng nakararami
C. Hindi, malayo ang lugar na kanilang napili
D. Hindi, dahil hindi ko nagustuhan ang kanilang pasya

48. Niyaya ka ng iyong kamag-aral na lumiban sa gawaing Clean Up sa inyong paaralan upang
mamasyal sa kalapit na mall.
A. Sasama ako sa kanya
B. Hindi ko siya papansinin
C. Isusumbong ko siya sa guro
D. Ipaliwanag ko sa kanya ang responsibilidad sa Clean Up sa paaralan
49. Dahil sa sobrang kasiyahan mo ay nagtatalon ka sa tuwa at nagsisigaw nang pagkalakas-lakas at
naabala mo ang kabilang silid na nagklaklase. Ano ang gagawin mo?
A. Lalabas ako ng silid at doon magtatalon at magsisigaw.
B. Hindi ko sila papansinin at ipagpapatuloy ko ang pagtatalon.
C. Ititigil ang ginagawa at hihingi ng paumanhin sa naabalang silid.
D. Ipagpapatuloy ang ginagawa sapagkat karapatan mong gawin ang nais mo.
50. Alam mong may nalaman si Dina sa nangyaring kaguluhan sa paaralan. Kitang-kita mong
natatakot siyang magsalita. Ano ang gagawin mo?
A. Magmumukmok na lamang si Dina sa kanyang silid at hindi na lalabas.
B. Sasang-ayunan, na lamang and desisyon ni Dina na huwag magsalita.
C. Pagbawalan na lamang si Dina na huwag nang magsalita para hindi siya madamay sa gulo.
D. Ipaliwanag kay Dina na huwag matakot magsabi ng totoo sapagkat marami siyang
matutulungan.

Hannah Nuesca
Hannah Nuesca
Hannah Nuesca

You might also like