You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
DAVAO REGION

Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6


Pangalan: ____________________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________________________________
Pangkalahatang Panuto. Basahin at intindihin ang bawat tanong. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.
1. Sino ang kauna-unahang taga Timog Silangang-Asya ang tumanggap ng
International Children Peace Prize Award noong 2012?
A. Kesz Valdez
B. Sarah Geronimo
C. Lea Salonga
D. Nonito Donaire
2. Kilala ang Pilipinas sa larangan ng boksing sa buong mundo dahil sa mga
natanggap na mga parangal ng Pilipinong boksingero. Sino sa kanila ang
tinaguriang 8th Division World Champion sa larong ito?
A. Nonito Donaire
B. Albert Pagara
C. Manny Pacquiao
D. Donnie Nietes
3. Marami nang dumaan na pangulo sa ating bansa at karamihan sa kanila
ay mga lalaki. Ngunit dumating rin ang panahon na nagkaroon tayo ng
pangulong babae. Sino sa mga ito ang kauna-unahang babaeng pangulo
ng Pilipinas?
A. Meriam Defensor Santiago
B. Gloria Macapagal Arroyo
C. Sara Duterte Carpio
D. Corazon Cojuangco Aquino
4. Bago nanalo si Bb. Pia Wurtzbach ng Miss Universe noong 2015,
naranasan din niya ang mabigo ng dalawang beses at sa ikatlong subok
na niya nakuha ang titulo. Ito ay nagpapakita ng pagiging ______________.
A. matatag
B. matapang
C. determinado
D. matiyaga
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

5. Alin sa mga sumusunod ang sakripisyong nagawa ni Socorro Ramos


upang maabot ang kanyang mga pangarap?
A. Napangasawa niya si Jose Ramos.
B. Nag-aral siya nang mabuti.
C. Naging working student siya sa paaralan.
D. Nagtitinda siya ng mga pagkain sa loob ng
paaralan.
6. Ang pinagkukunang-yaman ay ano mang bagay na ginagamit ng tao
upang tugunan ang kanyang pangangailangan at kagustuhan. Ano ang
magiging epekto ng pagsasawalang - bahala sa ating pinagkukunang-
yaman?
A. Pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.
B. Pagkamatay ng mga hayop sa kagubatan.
C. Pagkaroon ng landslide.
D. Pagkaubos at pagkasira ng mga pinagkukunang-
yaman.
7. Walang habas ang pagputol ng mga kahoy ng isang illegal logger sa kabila
ng pagbabawal nito. Dahil dito, lahat ng mamamayan ay hinihikayat na
magmatyag at gumawa ng mga bagay na nakabubuti sa ating
pinagkukunang-yaman. Bakit kailangang mapangalagaan ang mga
pinagkukunang-yaman?
A. Upang mapanatili ang ganda at yaman nito.
B. Dahil dito tayo kumukuha ng pagkain.
C. Sapagkat marami ang nakikinabang dito.
D. Kasi dito nabubuhay ang mga hayop.
8. Si Mang Kardo ay negosyante ng mga hayop na nanganganib nang
mawala. Kapag nagpatuloy siya sa ganitong uri ng trabaho, ano sa
palagay mo ang mangyayari?
A. Hindi na maghihirap at sasaya ang buo niyang
pamilya.
B. Yayaman sila at dadami ang mga kaibigan.
C. Tuluyang maubos ang nasabing mga hayop at makukulong siya.
D. Kikita siya nang malaki na siyang magiging dahilan upang mas lalo
pang lalago ang kanyang negosyo.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
9. Isa sa mga nagdudulot ng polusyon ay ang mga usok galing sa pabrika at
mga sasakyan. Maitim na usok ang lumalabas sa tambutso ng sasakyan
ni Mang Kanor. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Bumili ng bagong sasakyan.
B. Ibenta ang kaniyang sasakyan.
C. Huwag nang gamitin ang sasakyan.
D. Ipaayos ang kaniyang sasakyan
10. Maraming mga gawain ang iniatas sa atin sa bahay man o sa paaralan.
Kailan natin dapat tapusin ang mga gawaing ito?
A. Sa itinakdang oras o sa susunod na araw.
B. Kahit kailan mo ito gustong tapusin.
C. Sa mas maaga sa itinakdang panahon
D. Sa itinakdang oras na tapusin
11. Alin sa mga gawaing ito ang nagpapakita ng de-kalidad sa paggawa?
A. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa
takdang oras.
B. Pagbutihin ang mga ginagawa upang maipagmalaki ito.
C. Sumunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
D. Sundin ang mga pamantayan at hintayin ang panahon sa
pagpasa.
12. Mahirap ang buhay na kinalakihan ni Kesz kaya’t kahit bata pa ay
namuhay na siya sa pamamagitan ng pangangalakal ng basura. Si Kesz
ay______.
A. makabayan
B. magalang
C. matapang
D. masipag
13. Si Senador Manny Pacquiao ay naglilingkod pa rin sa bayan sa kabila ng
kanyang pagboboksing. Anong katangian ang kanyang ipinapakita? Ito
ay ang pagiging ___________.
A. makabayan
B. magalang
C. masipag
D. matapang
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
14. Ito ay batas na naglalayong masisiguro ang kaligtasan ng mga
operator o nagmamaneho ng motorsiklo at ang kanilang mga kasama.
A. RA 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009
B. RA 8750 o Seat Belt Use Act of 1999
C. RA 8749 o Philippine Clean Air of 1999
D. RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002
15. Ang RA 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay
naglalayong maisagawa ang _________.
A. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng
mga solid waste.
B. pangongolekta ng hindi pinaghiwa-hiwalay na basura at pagsunog nito.
C. pagbabaon ng mga basura sa lugar na binabaha
D. pagtatambak ng basura sa mga pampublikong lugar.
16. Maraming batas ang ipinapatupad ng ating pamahalaan upang
mabawasan ang problemang pangkapaligiran. Ang Philippine Clean Air
Act ay tungkol sa__________________.
A. pagpapanatili ni Ecological Diversity
B. pagkilala sa kalinisan ng tubig
C. pagpapanatili ng malinis at ligtas na hangin.
D. pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity
17. Ano ang gustong ipahiwatig ng PD 705 o Revised Forestry Code?
A. Ito ay tungkol sa pagprotekta sa kagubatan at kakahuyan.
B. Konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na hayop.
C. Pagpapanatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap.
D. Programa ng pamahalaan sa eksplorasyon, pagpapaunlad
at konserbasyon ng enerhiya.
18. Si Aling Flora ay hinuli ng mga awtoridad dahil sa pagsunog ng kanilang
mga basurang gawa sa plastic. Anong batas ang kanyang nilabag?
A. Universal Health Care Act
B. Philippine Clean Air Act of 1999
C. Tobacco regulation Act of 2003
D. Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
19. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro dahil
deadline na. Sa hindi inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at
nadumihan. Ano ang maaari mong gawin?
A. Ulitin na lamang at ipasa kinabukasan.
B. Ibilad sa araw at patuyuin pagdating sa klase.
C. I-photocopy ito at ipasa sa guro.
D. Lagyan ng disenyo ang bahaging nadumihan.
20. Buwan ng Agosto at nagkataon na walang pasok. Nais mong makaipon
ng pera para pambaon mo sa eskwela. Ano ang pinakamagandang
gawin?
A. Humingi kay nanay at tatay ng pera.
B. Sumali sa mga liga sa barangay.
C. Maghahanap ng pera sa daan at pupunta sa malayong lugar.
D. Tumulong magbenta ng mga halo-halo at mga kakanin.
21. Sa iyong palagay, paano nakamit ng mga magagaling at matagumpay na
mga Pilipino ang kanilang titulo? Ito ay dahil sa kanilang ______________.
A. kasipagan
B. katatagan
C. pagpupursige.
D. determinasyon
22. Ang mga sumusunod ay dapat gawin para mapangalagaan ang mga
katubigan ng bansa maliban sa__________.
A. paalalahanan ang nakararami na pangalagaan ang katubigan
B. itapon ang mga basura at langis sa mga daluyan ng tubig
C. suportahan ang mga programa upang maiwasan ang polusyon
sa tubig.
D. sumunod sa mga tuntunin upang mapangalagaan ang
katubigan
23. Ang inyong barangay ay magkakaroon ng isang Tree Planting Activity na
naghihikayat sa mga kabataan na sumali sa programang ito. Paano mo
tutugunan ang panawagan na ito?
A. Magsawalang kibo.
B. Uutusan ang kapatid na sumali.
C. Sasali ako nang maluwag sa kalooban
D. Sasali ako kapag may kapalit na bayad.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION

24. Ano ang nararapat gawin upang mabenta ang isang produkto na
nakasusunod sa mga pamantayan at kalidad?
A. Pagandahin ang label ng produkto
B. I-post sa social media
C. Ilagay sa label ang tamang information
D. Gamitin ang galing sa ICT.

25. Produktibo ang isang tao kung marunong siyang mag-isip ng paraan
kung papano magiging kapaki-pakinabang ang bawat makita sa
kanyang kapaligiran. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang
nararapat dito?
A. Magtanim ng mga gulay sa gilid ng kalsada
B. Magtanim ng herbal na halaman sa paligid ng bahay
C. Tamnan ng gulay sa mga paso na walang gamit
D. Magtanim ng gulay sa paligid ng bahay at ibenta ang iba

26. Paano mo maipapakita ang paghanga at pagmamalaki sa ating mga


magagaling na atleta sa bansa?
A. Igalang at irespeto ang kanilang pangalan.
B. Magpupursige sa mga pangarap sa buhay.
C. Gagawa ng mabuti at abutin ang pangarap sa buhay.
D. Kilalanin ang sariling kakayahan at sila’y tularan.

27. Ang berdeng ilaw sa traffic lights ay nangangahulugang maaari nang


tumawid sa kalsada. Ang pulang kulay naman ay nangangahulugang
huminto at huwag tumawid. Kung hindi susundin ang batas- trapiko,
ano ang maaaring maidudulot nito?
A. Marami ang lalabag sa batas na ito.
B. Magkakaroon ng disgrasya.
C. Magiging mabagal ang pagkilos ng mga sasakyan..
D. Unti-unting hihina ang mga pasahero.
Republic of the Philippines
Department of Education
DAVAO REGION
28. Ang Kyoto Protocol ay isang kasunduan ng mga nagkakaisang bansa
noong 1997 na naglalayon na mabigyan ng limitasyon ang pagkalat ng
greenhouse gases sa ating atmospera. Ano kaya ang magandang
maidudulot sa pagpapatupad ng kasundunag ito?
A. Makokontrol ang global warming.
B. Matutulungan ang lahat na magiging maayos ang mundo.
C. Maiiwasan ang polusyon.
D. Matutulungan ang bawat bansa sa pagpapaganda ng paligid.
29. Ang RA 11223 o Universal Health Care ay may layunin na gawing
miyembro ang bawat Pilipino sa PhilHealth sa abot-kayang paraan. Ano
sa palagay mo ang magiging implikasyon sa pagpapatupad ng batas na
ito?
A. Nadadagdagan ang mga batas ng ating bansa
B. Lahat ng mga Pilipino ay binibigyan ng pagkakataon na
makakuha ng kalidad at abot-kayang pagpapaospital.
C. Nagkakaroon ng pagtutulungan ang bawat isa sa panahon ng
pagkakasakit.
D. Mabibigyan ng pagkakataon ang bawat isa na madala sa
ospital kung magkasakit.
30. Ang batas na RA 11037 ay naglalayon na mabigyan ng masustansiyang
pagkain ang bawat batang Pilipino sa pampublikong paaralan sa
Pilipinas. Bilang isang batang Pilipino na nakabenepisyo sa batas na ito,
ano ang maipapayo mo sa ibang kabataan?
A. Kailangan nilang panatilihin ang maayos na kalusugan at umiwas sa
mga gawaing nakasasama sa katawan upang hindi masayang ang
layunin ng pamahalaan
B. Mag-aaral nang mabuti upang makakuha ng matataas na marka.
C. Dapat nilang sundin kung ano ang nais ng gobyerno para sa
mga kabataan dahil ito ang laging tumutulong kung may mga
pangangailangan.
D. Ang kalusugan ay kayamanan kaya dapat na pangangalagaan.

You might also like