You are on page 1of 7

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT

Edukasyon sa Pagpapakatao VI
SY 2019- 2020

Pangalan: ________________________________________________ Seksyon: _________________


Paaralan: _________________________________________________ Petsa : _________________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Mahalaga ang mga pinagkukunang-yaman sa kaunlaran ng bansa. Ano ang magagawa mo para dito?
A. Pabayaan ang mga ito.
B. Tumulong sa mga illegal loggers.
C. Alagaan ito para mapakinabangan ng mga dayuhan.
D. Isumbong sa kinauukulan ang sinumang naninira sa likas na yaman.

2. Maraming puno sa lugar ninyo at nakita mong may nagkakaingin. Ano ang gagawin mo?
A. Pagsabihan sila
B. Makikiisa sa kanila
C. Ipagbigay alam sa mga awtoridad.
D. Manmanan ang kanilang ginagawa.

3. Ang tatay mo ay isang mangingisda. Isang araw, sumama ka sa pangingisda. Marami kayong nahuling
isda, may malalaki at maliliit na isda. Ano ang gagawin nyo sa mga nahuling isda?
A. Ibebenta lahat.
B. Ibibigay sa mga kamag-anak ang iba.
C. Ibebenta ang malalaking isda at ibabalik sa dagat ang maliliit na isda.
D. Lulutuin ang kalahati at itatago ang iba para may makain sa susunod na mga araw.

4. Ang likas na yaman ng bansa ay napakahalaga sa kabuhayan ng mga tao. Ito ang pangunahing
pinagkukunan ng mga mamamayan. Ito ay may hangganan at nauubos. Ano ang kailangang gawin ng
mga tao?
A. Pangalagaan at gamitin nang maayos.
B. Gamitin nang may pag-iingat ang likas na yaman.
C. Iangkat sa ibang bansa para mas malaki ang kita ng ating pamahalaan.
D. Gamitin nang gamitin ang likas na yaman para mas mapapakinabangan ng marami.

5. Bakit kailangan ang matalinong pagpapasya o pagpaplano hinggil sa paggamit ng likas na yaman? Para
may:
A. magamit ang mga tao
B. ipagbili at mapagkakitaan
C. maiangkat sa ibang bansa
D. sumagana at magamit pa ng susunod na henerasyon.

6. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa na mapabuti ang mga likas na yamang napapalitan at
naatasang gumawa ng mga hakbang at programa upang mapangalagaan at mailigtas ang kagubatan sa
tuluyang pagkasira?
A. Kawanihan ng pagmimina
B. Kawanihan ng pagpapaunlad ng kagubatan
C. Kawanihan ng pangisdaan at Yamang-Tubig
D. Kagawaran ng kapaligiran at likas na yaman

7. Bakit kailangan ang maingat na pangangasiwa sa mga gawaing may kaugnayan sa pagmimina?
A. Upang gumanda ang kapaligiran
B. Upang maraming makuhang mina
C. Upang makapaghanapbuhay ang mga tao
D. Upang magkaroon ng “ecological balance”
8. Ano ang nararapat na gawi o asal sa ating likas na yaman?
A. Gamitin ito ng lubos para tayo umasenso.
B. Ang pangangalaga ay katungkulan ng ating pamahalaan lamang.
C. Kailangan nating malaman ang kalagayan ng ating likas na yaman.
D. Gamitin ito ng walang pagtitimpi dahil ang Pilipinas ay mayaman sa mineral.

9. Inutusan kang kumuha ng panggatong ng iyong tatay sa kakahuyan. Ano ang dapat mong gawin upang
hindi maapektuhan ang mga punongkahoy sa kakahuyan?
A. Umakyat sa puno at putulin lang ang mga sanga.
B. Humingi nalang sa kapitbahay para di masira ang kakahuyan.
C. Mga payat at bagong tanim na puno ang putulin at kukunin.
D. Kunin lang ang mga tuyong sanga sapagkat mas madaling manigas ang mga ito.

10. Alin dito ang paraan upang mapangalagaan ang kagubatan?


A. Panghuhuli ng mga hayop
B. Pagkakaingin at pagsusunog
C. Pamumutol at pag-uuling sa gubat
D. Pagtatanim ng karagdagang puno upang lumago ang kagubatan

11. Anong ugali ang nagpapakita ng pagiging mabuting manggagawa ?


A. Pagganyak sa mga mayaman na mamigay ng mga pagkain sa mahihirap.
B. Masusing pagtugon sa implementasyon ng tamang pamantayan sa paggawa.
C. Pakikinig na mabuti sa mga hinaing ng mga ibang kasama.
D. Pagsisikap na maging mayaman.

12. Aling gawain ang malaki ang tulong sa kaunlaran ng bansa?


A. Pagbibigayan ng produkto.
B. Pagtangkilik sa sariling produkto
C. Pagdami ng mga inaangkat na produkto
D. Pamimigay ng mga produktong hindi gaanong kailangan sa ibang bansa

13. Kanino muna dapat magsimula ang pagsisikap na umunlad?


A. sarili
B. barangay
C. mga nanunungkulan
D. mga empleyado ng bansa

14. Aling katangian ang dapat nating linangin upang lubusang makatulong sa bansa?
A. Pagiging matatag sa gawain
B. Pagtitiwala sa sariling kakayahan
C. Maging mapagbigay sa nakararami
D. Pagsisikap na maging mayaman.

15. Paano mapapaunlad ng tao ang likas na yaman ng bansa?


A. lakas, yaman at puhunan
B. talino at wastong paggamit nito
C. pagtungo sa lungsod upang mag-aral
D. pagtawag ng tulong ng mga mayayaman

16. Ang mundo ay binubuo ng iba’t ibang nasyonalidad, relihiyon, kultura at mga paniniwala. Ano ang
nararapat nating gawin upang matamo ang tunay na kapayapaan sa mundo?
A. Sikaping magkaroon ng mapayapang ugnayan sa ibang bansa.
B. Patingkarin ang pagkakaiba ng bawat nasyonalidad
C. Magtulungan ang magkakamping bansa
D. Pababain ang katayuan ng hindi kagrupo
17. Ano ang susi tungo sa pambansang pagkakasundu-sundo?
A. Itapon sa ibang bansa ang matitigas ang ulo.
B. Magsama-sama upang malutas ang mga suliranin.
C. Magbatuhan ng katiwalian at kasamaan ng bawat isa.
D. Isulong natin ang pagkakaroon ng rebolusyon tungo sa pagbabago.

18. Ang Lungsod ng Dabaw ay isa sa mga siyudad na kaaya-ayang tirahan dahil sa angking kalinisan nito.
Alin ang nararapat na kampanya upang maiwasan ang polusyon sa lungsod?
A. Clean and Green
B. Save the user, jail the pusher
C. Ang taong pabaya, bukas kaawa-awa.
D. Ang paninigarilyo ay masama sa kalusugan.

19. Alin ang HINDI epekto ng pagtutulungan ng mga bansa?


A. Nadaragdagan ang kaalaman ng mga ito.
B. Nagiging mahirap ang paglutas sa mga suliranin.
C. Nababawasan ang hidwaan sa pagitan ng mga ito.
D. Lumalalim ang pakikipag-ugnayan nila sa isa’t isa

20. Bakit kailangang isipin ng bawat nilalang na siya ay mamamayan ng mundo at hindi lamang ng
kanyang bansa? Upang:
A. makaiwas sa terorismo
B. tumindi ang diskriminasyon sa iba’t ibang lahi
C. mawala ang hadlang sa pagkakaisa at pagtutulungan
D. makarating ang isang tao sa anumang bansang nais niyang puntahan

21. Ibig nina G. Reyes at G. Veran na madagdagan ang kita ng kanyang kanayon sa itinataguyod na cottage
industry ngunit mahal ang mga inaangkat na materyales upang matamo ito. Ano ang dapat nilang
gawin?
A. Baguhin ang negosyo
B. Maging kontento na lamang sa mayroon
C. Magsaliksik upang makagamit ng mga materyal na yaring lokal
D. Mangutang ng kaukulang salapi upang makabili ng nabanggit na materyal

22. Nakita mo na laging umiinom ng alak ang iyong tatay. Ano ang iyong gagawin?
A. Dagdagan pa ang alak na iniinom ni Tatay.
B. Magalit sa mga ginagawa ng tatay mo.
C. Hindi ko papansinin ang ginagawa ng tatay.
D. Pagsasabihan ang tatay sa mahinahon na paraan.

23. Nadaanan mo ang iyong kaibigan na si Ronnie na nagsusugal ng “tong-its” at siya ay nananalo ng
malaking halaga. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ka rin sa pagsusugal.
B. Manghingi ng balato kay Ronnie.
C. Pagsasabihan siya na umiwas sa pagsusugal.
D. Magpapasama ka kay Ronnie sa pagsusugal.

24. Ang iyong kaibigan ay lagi na lang naninigarilyo tuwing siya ay papasok sa paaralan. Ano ang
maipapayo mo sa kanya?
A. Bumili lagi ng sigarilyo
B. Palakasin ang loob na pang-macho ang sigarilyo
C. Pagsasabihan sina masama ang sigarilyo sa katawan ng tao
D. Ipagpatuloy ito dahil magandang pagmasdan kapag ikaw ay naninigarilyo.

25. Madalas manakaw ang streetlight o ilawan sa inyong kalsada. Ano ang maaari mong gawin?
A. Magsumbong sa Kapitan ng barangay upang maaksiyunan
B. Huwag nang magbayad ng buwis o tulong
C. Ipagwalang bahala
D. Ipaubaya sa mga pulis

26. Karaniwang suliranin ang pagbaha tuwing may malakas na ulan. Ito ay nagmumula sa pagtatapon ng
kalat o basura na nagdudulot ng pagbara sa mga estero o kanal. Ano ang dapat nating gawin?
A. Hayaan ang mga basurang nakakalat sa daan.
B. Hintaying ang mga tagawalis at tagalinis ng mga estero o kanal.
C. Iiwan lamang sa kanto ang naipong basura.
D. Magkaroon ng disiplina sa sarili sa wastong pagtatapon ng basura.

27. Madilim ang dinadaanan ni Mario sa pag-uwi sa kanilang bahay at medyo takot siya dito. Ano ang
kanyang gagawin?
A. Huwag na lang umuwi
B. Magpapasama sa kaibigan
C. Tumakbo sa kanilang bahay
D. Lakasan ang loob sa paglalakad.

28. Mahusay ka sa Matematika, subalit nahihirapan ka sa Science. Ano ang gagawin mo?
A. Bigyang pagpapahalaga ang Science
B. Ipagawa sa Ate ang mga gawain sa Science
C. Gawing nag-iisa ang mga gawain
D. Ipagawa sa kamag-aral

29. Isa ka sa mga matatalinong mag-aaral sa inyong silid aralan at ikaw rin ang pinagkakatiwalaan ng iyong
guro. Paano mo gagamitin ang iyong talino?
A. Ibabahagi sa kamag-aral ang aking talino
B. Sasarilinin ang aking kakayahan
C. Hindi ako tutulong sa iba
D. IIsipin ko lang sa aking sarili

30. Nakita ni Gng. Serna si Jhenny na umiiyak sa sulok ng silid aralan. Tinanong niya si Jhenny at
napagalaman niyang sinasaktan siya ng kanyang madrasta. Anong karapatan ng bata ang dapat ibigay
kay Jhenny?
A. Karapatang magkaroon ng salapi
B. Karapatang magkaroon ng laruan
C. Karapatang mahalin at pangalagaan
D. Karapatang mabigyan ng libreng gamot

31. Kailan pwedeng sabihin na nilabag ang iyong karapatan? Kapag..


A. sinabihan ka ng iyong kaibigan ng totong nangyayari.
B. kinuha at binasa ng iyong kaklase ang iyong sulat.
C. pinaalam saiyo ang dapat mong gawin.
D. tinuruan ka ng mga bagay na dapat mong malaman.

32. Parating binubugbog ang kaklase mong si Cheska ng kanyang kuya. Ano ang iyong gagawin?
A. Pagsabihan siyang magtiis
B. Magpalagay na hindi mo alam.
C. Magsumbong sa may kapangyarihan
D. Tulungan siyang lumayas sa kanilang bahay.

33. Ang kaibigan mong si Sonia ay hindi pumapasok sa paaralan. Nagtatrabaho na siya para sa kanyang
pamilya. Ano ang gagawin mo?
A. Sabihin sa Bantay Bata 163
B. Isumbong siya sa mga pulis
C. Humanap ng tao na tutulong sa kanya
D. Humanap ng pamilya na maaaring pasukan ni Sonia

34. Ayaw ni Nina na maabala at nais niyang mapag-isa sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Tawagin ang mga kaibigan mo para kausapin siya.
B. Huwag siyang kausapin kahit kailan
C. Tawagin ang mga magulang niya
D. Iwan siyang mag-isa

35. Alin dito ang pinaniniwalaan mong susi ng tagumpay?


A. Tumulong lamang tayo kapag may humihingi ng tulong
B. Pagsasakripisyo at pagbibigay ng sarili sa bayan
C. Pagsasawalang bahala sa iba
D. Sikaping umunlad ang sarili

36. Ang kalaro mong si Tito ay laging lumalabag sa batas-trapiko. Ano ang gagawin mo?
A. Sigawan at sabihang tumigil
B. Batuhin siya nang malakas sa mukha
C. Pagsabihan ng mahinahon at kung ano ang tamang gagawin
D. Magpalagay na hindi mo ito nakita

37. Ano kaya ang mangyayari kung hindi susunod sa batas ang mga tao?
A. Makukulong silang lahat
B. Magiging malaya at masaya sila
C. Magkakaroon ng kalituhan at awayan
D. Magkakaroon ng kapayapaan at kaayusan

38. Sa Barangay Sagana ay nagkaroon ng pagguho ng lupa dahil sa malakas na ulan at kalbo na ang
kagubatan. Ano ang maaaring gawin ng mga tao sa Barangay Sagana?
A. Magbigay ng pagkain at damit sa mga biktima
B. Magsasagawa ng tree planting na programa
C. Pumunta sa mga istasyon ng radio at manawagan sa pamahalaan
D. Magkaroon ng Fund Raising at programang handog para sa mga nabiktima

39. Alin sa mga sumusunod ang matalinong pagpapasya sa paggamit ng likas na yaman?
A. Pagpapatupad ng “total log ban”
B. Pangangaso tuwing close season
C. Pagtatanim ng isang uri ng halaman
D. Paggamit ng maliliit na lambat sa pangingisda

40. Ang mga likas na yaman ang pangunahing ikinabubuhay ng ating mga ninuno noon. Paano nila mas
pinapahalagahan ang mga ito?
A. Ibinibenta sa mga kaibigang dayuhan
B. Ginagamit ng lubusan hanggang maubos
C. Pinampalit sa mga dayuhang mangangalakal
D. Ginagawang kasangkapan at panggatong sa lutuin

41. Ang Banawe Rice Terraces ay isang magandang tourist spot ditto sa Pilipinas. Sa anong paraan higit na
nakatutulong ito sa mga mamamayan?
A. May malawak na lugar para pasyalan ng mga tao
B. May magandang tanawin ito para maaliw ang mga tao
C. May sapat na suplay ng bigas para sa mga mamamayan
D. Maraming mga punongkahoy na maaaring ibenta ng mga tao

42. Aling pamamaraan ang nararapat gawin ng isang magsasaka upang mapanatili ang sustansiya ng lupa?
A. Paglalagay ng dike sa paligid
B. Pagsunog ng mga damo sa taniman
C. Pagsasalit-salit ng pagtatanim o inter-cropping
D. Paglalagay ng sobrang abono tuwing may itatanim

43. Ang pagpapatayo ng mga pabrika sa tabing ilog ay nagdudulot ng polusyon na naging sanhi ng
pagkamatay ng mga isda at pagkakasakit ng mga taong malapit ditto. Ano ang nararapat gawin upang
mapangalagaan ito?
A. Piliin ang mga pabrikang itatayo
B. Ipagbawal ang pagpapatayo ng pabrika
C. Ipatigil ang lahat ng operasyon ng pabrika
D. Bigyan ng pamahalaan ng tamang regulasyon ang sinumang magtatayo ng pabrika malapit sa ilog

44. Ang tatay ng kaibigan mo ang nangangasiwa sa lupang sakahan ng inyong barangay. Ano ang nararapat
niyang gawin?
A. Gawin itong subdivision upang guminhawa ang pamumuhay ng mga tao
B. Taniman ito ng mga palay upang lubos na mapakinabangan ng mga tao
C. Gawin itong tourist spot upang kumita ang barangay sa mga dayuhang namamasyal
D. Ibenta ito sa dayuhang kapitalista upang marami ang magkakaroon ng trabaho sa inyong barangay.

45. Gustong magtinda ng banana cue ang grupo nina Reggie upang makaipon ng pambili ng uniporme para
sa liga ng basketbol. Saan sila dapat magtayo ng puwesto?
A. Sa bakanteng lote ng kapitbahay
B. Sa kanto para maraming taong makakikita.
C. Sa harap ng bahay nina Reggie na may mga taong makakita
D. Sa loob ng paaralan para maraming batang mamimili.

46. Magaling si Arnel sa Math. Minsan sa klase, nagpapaliwanag ang guro ng isang paksa. Napansin ni
Arnel na may mali sa sinasabi ng guro. Ito ang kanyang gagawin.
A. Hindi magsasalita dahil alam naman niya kung alin ang tama.
B. Hindi nalang kikibo at huwag pakialaman ang paliwanag ng guro.
C. Lihim na pagtatawanan ang guro at ibubulong sa mga kaklase ang pagkakamaling sinabi
D. Magtataas ng kamay at sasabihin nang maayos ang kanyang puna tungkol sa paliwanag ng guro.

47. Nagkaroon ng halalan ang mga magtatapos na mga bata sa ikaanim na baitang tungkol sa kamag-aaral
na itinuturing na pinakamagaling makipagkaibigan. Ang isang grupo na malapit sa gurong tagapayo ay
nandaya sa bilangan upang manalo ang kanilang kasamahan. Nakita ito ng grupo nina Elsie.
A. Yayayain ni Elsie ang mga kasama na pumunta sa guro at magpaliwanag ng pangyayari.
B. Dahil malapit sa gurong-tagapayo ang grupong kasangkot sa reklamo, hindi na lamang kikibo sina
Elsie.
C. Aawayin nila ang kabilang grupo hangga’t hindi nila tinatanggap ang pandarayang ginawa.
D. Hahayaan nalang sila sa kanilang ginagawa.

48. Ang magkaibigang Ver at Rolly ay gustong makaipon ng pambili ng mga kagamitan sa pagpasok nila sa
mataas na paaralan sa susunod na taon. Ngayong bakasyon, nagbalak silang mamasukan kay Mang Pepe
na isang mamamakyaw ng isda sa aplaya. Ano ang gagawin ng dalawa kung bibigyan sila ng sahod na
P60.00 sa loob ng tatlong oras na pagbubuhat ng mga lalagyan ng isda?
A. Matutuwa at tatanggapin ang trabaho.
B. Magdadabog at sabay-sabay na tatakbo papalayo.
C. Hihingi ng dagdag na sahod dahil kulang ito sa tamang bayaran.
D. Magsasawalang kibo at hindi na lamang tatanggapin ang trabaho.

49. Ginabi ng uwi si Lora. Pagpasok niya sa bahay ay naghihintay pala ang kanyang lola. Nang nagmano si
Lora, nagwika ang kanyang lola. “ O apo, bakit ka ginabi?”
A. Magsasabi si Lora ng totoo
B. Magagalit si Lora dahil nakikialam ang kanyang lola.
C. Hindi kikibo at magdadabog papuntang kwarto.
D. Magsisinungaling si Lora dahil hindi naman malalaman ng kanyang lola ang tunay na dahilan

50. Gustong sumali sa barkada ng kabataan sa kanilang pamayanan si Angela. Pipiliin niya ay ang samahan
na
A. Masaya at palaging nasa gimik
B. Matahimik at walang pakialam sa iba
C. Palaging galit sa kapwa at lasinggero
D. Kapaki-pakinabang sa pagbabahagi ng kakayahan.
PAGPALAIN NAWA KAYO NG POONG MAYKAPAL!!!!!!

Validated by:

GINALIZA M. NOMIO - Talomo District


ARLLEN JOY D. ANGALAN - Buhangin District
ANALIZA B. ORTEGA - Daliaon District
RICHARD H. LIBRE - Binugao District

Checked by:
VIOLA S. ESPARAGOZA
Division EsP Consultant

Noted by:

LYDIA V. AMPO, PhD


PSDS/Division EsP Coordinator

You might also like