You are on page 1of 2

GAT ANDRES BONIFACIO ELEMENTARY SCHOOL

ARALING PANLIPUNA IV
IKALAWANG MARKAHAN
UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: ____________________________________________________ Pangkat/Section: ____________________

A.Basahin at isulat ang wastong sagot sa sagutang papel


___1. Ito ay nagbibigay produksyon, pamamahagi at paggamit ng mga produkto o serbisyo na nakatutulong sa paglago ng
ekonomiya ng ating bansa.
A. produkto B.likas na yaman C. ekonomiya D. pang-ekonomiko
___2. Tumutukoy sa pananim,hayop ,halaman, at iba pang pinagkukunang yaman na makikita sa anyong- lupa at tubig.
A.yamang lupa B. yamang mineral C. yamang tubig D. likas na yaman
___3. Ang mga isda, pusit, hipon ay ilan lamang sa pinagkukunan ng kapakinabangan pang – ekonomiko nabibilang
sa_______________.
A. enerhiya B. turismo C. industriya D. produkto at kalakal
___4. Bakit maituturing na likas na yaman ang maraming lugar at tanawin sa bansa?
A. maganda sa paningin B maraming malalaking bahayan
C. dahil sa atraksyong dala nito sa mga tao D. malakas itong atraksyon sa mga turista at karatig-lalawigan at bansa.
___5. Ang mga sumusunod na produkto ay ginawa sa industriya maliban sa isa.
A. bagoong B. karpa C. patis D. tinapa
___6. Ano ang pangunahing kapakinabangang pang-ekonomiko ang ibinibigay ng Lawa ng Caliraya?
A. enerhiya B. turismo C. industriya D. produkto
___7. Ang likas na yaman ay hindi lahat nagdudulot ng kapakinabangang pang- ekonomiko
A. Tama B. Mali C. Marahil D. Siguro
___8. Alin sa mga sumusunod na produkto ang hindi kabilang sa pagmimina?
A. tanso B. perlas C. ginto D. chromite
___9. Paano ka makatutulong sa pang -ekonomikong kapakinabangan ng bansa?
A. Tangkilikin ang sariling produkto. C.Pagbili ng imported na produkto
B. Magsaliksik tungkol sa produkto D. Ang lahat ng sagot at tama
___10. Ang Fort Santiago ay halimbawa ng____________________ na malaki ang kapakinabangan sa turismo ng bansa.
A. maraming lugar C. magandang Pasyalan
B. magandang tanawin D. makasaysayang pook
___11.Alin sa mga sumusunod ang makakatulong upang mabawasan ang suliranin sa kalikasan?
A.Magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti ng ating mundong ginagalawan.
B.Tumulong upang mabawasan ang polusyon sa kapaligiran.
C. Magkaroon ng disiplinang pansarili.
D.Lahat ng nabanggit
___12.Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagligtas ng ating kalikasan?
A. Wala kang magagawa dahil bata ka pa.
B. Hintayin mong iba ang gagawa ng paraan.
C. Iasa lamang sa gobyerno ang paglutas ng suliranin sa kalikasan.
D. Kausapin ang mga kaibigan o kaklase upang makiisa sa mga gawaing pangkalikasan.
___13.May samahan sa inyong komunidad na naglalayong makatulong upang mabawasan ang mga suliranin sa kalikasan. Paano mo
gagampanan ang iyong tungkulin bilang isang mamamayan?
A.Sumali at makibahagi dahil nais mong makatulong sa paglutas ng suliranin sa kalikasan.
B.Hindi ako sasali sa samahan dahil wala akong oras at marami akong ginagawa.
C. Maghahanap ka ng ibang proyekto na sasalihan.
D. Wala sa nabanggit
___14. Nag-picnic kayong magbabarkada malapit sa ilog. Marami kayong naging basura. Ano ang gagawin mo sa mga basura?
A. Itapon sa ilog ang mga basura.
B. Iwanan ang mga kalat sa lugar dahil may tagalinis naman dito.
C. Hintayin na ang iba mong kasamahan ang makaisip na magligpit.
D. Ibalot sa plastik ang mga ito at itapon hanggang may makitang basurahan na tamang pagtatapunan.
___ 15. Nakita mo ang iyong mga kaibigan na sinisigaan ang tambak ng dahon at basura. Ano ang iyong gagawin?
A. Ipaalam at sabihan sila na nakakasama ito sa paligid at sa kalusugan ng tao.
B. Isumbong sila sa kanilang mga magulang.
C. Iiwasan ko sila at hindi na kakaibiganin
D. Hayaan sila sa kanilang ginagawa.
___16. Paano mapangangasiwaan ng batang tulad mo ang mga likas na yaman na nasa paligid ng inyong pamayanan?
A. Isuplong ang makikitang nagtatapon ng basura sa mga ilog o dagat.
B. Makiisa sa programa ng Barangay ukol sa pangangalaga rito.
C. Iwasan magtapon ng basura sa paligid.
D.Lahat ng nabanggit.
___17. Napansin mo na ang iyong kaklase ay pinipilas ang pahina ng kwaderno sa kaunting pagkakamali.Anong alam mong mungkahi
ang nais ibigay sa iyong kaklase.
A. Isusumbong ko siya sa nanay niya.
B. Magagalit ako at pagsasabihan siya.
C.Sisigawan ko sya at sasabihin na mahal ang papel.
D. Ipaliliwanag ko ang kahalahagan ng pinagmulan ng papel upang ito ay kanyang mapahalagahan.
___18. Anong ahensya ng pamahalaan ang may direktibang ugnayan sa mga mamamayan lalo’t higit sa kabataan,pananagutan ng
paaralan na bigyan ng mataas na uri ang edukasyon at kaalaman ukol sa tamang pangangasiwa ng bansa at yaman nito.
A. DepED B. DENR C. PAGASA D. DSWD
___19. Sa pangangalaga ng likas na pinagkukunan yaman, nararapat na kaagapay at katuwang ang mamamayan sa pagpapanatili ng
kapaki-pakinabang na likas na yaman ng bansa.
A. Tama, upang mapanatili ang likas na yaman.
B. Mali, bahala na ang pamahalaan mangalaga sa ating likas na yaman.
C. Siguro, dahil bahagi tayo ng pamayanan.
D. Marahil, hindi na kailangan mangialam.
___20. Alin sa sumusunod ang hindi wastong pamamaraan sa pangangasiwa at pangangalaga ng ating likas na yaman?
A. Makiisa sa proyekto ng pamahalaan ukol sa pagpapanatili ng likas na yaman ng bansa.
B. Ihiwalay ang mga nabubulok at di-nabubulok na basura.
C. Hayaang masira ang likas na yaman ng bansa.
D. Magtanim ng mga puno at halaman.

B. Lagyan ng Tsek (/) kung ang pangungusap ay mungkahing paraan ng pangangasiwa ng likas na yaman ng bansa at Ekis (X)
naman kung hindi .
____1. Iiwasan ang pagtatapon ng basura sa mga yamang tubig.
____2. Magtanim ng mga puno at halaman sa mga bakanteng lote.
____3. Ipagwawalang- bahala ang mga batas pangkalikasan.
____4. Gawin ang programang 3Rs (reduce, reuse, recycle)
____5. Hayaang nakabukas ang gripo kahit umaapaw na ang tubig sa lagayan.

You might also like