You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI - Western Visayas
Schools Division of Capiz
Banica, Roxas City

PRE-TEST IN ARALING PANLIPUNAN 4

Pangalan:_____________________ Pangkat:_________ Marka:______

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat tanong at isulat ang titik ng

tamang sagot sa patlang..

1. Ang watawat ng Pilipinas ay isang mahalagang simbolo ng ating

bansa. Ano-ano ang pangunahing kulay nito?

A. bughaw, dilaw at puti C. bughaw, pula at itim

B. bughaw, pula at berde D. bughaw, pula at puti

2. Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay may

mahalagang sinisimbolo. Hindi ito palamuti lamang sa watawat natin.

Ano ang sinisimbolo ng walong sinag na ito?

A. Ang walong lalawigan na hindi napasailalim ng Batas Militar.

B. Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan.

C. Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng

himagsikan.

D. Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Banco sa ilalim

ng Batas Militar.
3. Narinig mo na pinapatugtog ang Lupang Hinirang at nakita mo na

itinataas ang watawat habang ikaw ay naglalakad sa labas ng inyong

paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?

A. Huminto, tumayo nang matuwid at tumingin lamang sa mga tao

sa paaralan.

B. Tumayo lamang ng tuwid at kunan ng litrato ang mga taong

umaawit ng Lupang Hinirang.

C. Dahan-dahang maglakad para hindi makalikha ng ingay na

ikagagambala ng mga umaawit ng Lupang Hinirang.

D. Huminto, tumayo nang matuwid, ilagay ang kanang kamay sa

dibdib at sumabay sa pag-awit ng Lupang Hinirang.

4. Ang Pilipinas ay isang ____________.

A. Bansa C. Lungsod

B. Barangay D. Probinsya

5. Ang teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng __________ na malalaki at

maliliit na pulo.

A. 7,101 C. 7,601

B. 7,190 D. 7,641

6. Ang Pilipinas ay isang bansang matatagpuan sa ____________.

A. Hilagang Asya C. Timog Asya

B. Hilagang - Silangang Asya D. Timog – Silangang Asya


7. Kung ang Karagatang Pasipiko ay nasa gawing silangan ng bansa,

ang dagat Kanlurang Pilipinas naman ay nasa gawing ___________

nito.

A. Hilaga C. Silangan

B. kanluran D. Timog

8. Ang Pilipinas ay kapuluan na napapaligiran ng _____________.

A. hangin C. punongkahoy

B. lupa D. tubig

9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa klima ng Pilipinas?

A. Basa, tuyo at mahalumigmig C. taglamig

B. taglagas D. nagsibol at taglamig

10. Bakit nakararanas ng malamig na klima sa bansa?

A. Dahil mabundok dito.

B. Dahil dinadaanan ito ng bagyo.

C. Dahil nasa mababang latitude ito.

D. Dahil napapaligiran ito ng mga bahaging tubig.

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasabi ng katotohanan

tungkol sa gawaing pangkabuhayan ng Pilipinas?

A. Mayayaman ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa.

B. Ang Pilipinas ay hindi natutugunan ang pangangailangan ng

mga tao.
C. Nangunguna ang Pilipinas sa pangkabuhayang pangingisda at

pagsasaka sa buong Asya.

D. May kinakaharap na hamon sa gawaing pangkabuhayan ang

bansa, may tugon ang pamahalaan at ibinibigay ang

oportunidad sa magsasaka at mangingisda.

12. Ano kaya ang dahilan kung bakit naantala ang pagdating ng mga

isda sa palengke kung kaya ang mga ito ay hindi na sariwa?

A. Mahabang panahon ng tagtuyot.

B. Paggamit ng tamang paraan ng pangingisda.

C. Walang masasakyan ang mga mangingisda.

D. Kawalan ng maayos na daanan o imprastraktura upang

makarating ng maayos at maaga ang mga isda sa palengke.

13. Ano kaya ang posibleng solusyon sa pagpaparami ng ani ng mga

magsasaka?

A. Pagpapatayo ng mga kooperatiba.

B. Pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka.

C. Hindi pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim.

D. Pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral ng mga tamang

pamamaraan ng pagsasaka.

14. Ang duck, cover and hold ay mga bagay na dapat tandaan upang

maiwasan ang mas masamang epekto ng _________________.

A. Earthquake drill C. storm surge


B. lindol D. tsunami

15. Ano ang iyong gagawin kung may parating na malakas na bagyo sa

inyong lugar?

A. Maglaro

B. Manood ng TV.

C. Isawalang bahala ang balita.

D. Maghanda ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng

pagkain, kandila, malinis na tubig atbp.

16. Ito ang samahan o organisasyong politikal na itinataguyod ng mga

grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng kaayusan at mapanatili

ng isang sibilisadong lipunan.

A. komunista C. paaralan

B. organisasyon D. pamahalaan

17. Ang pamahalaan ay may tatlong magkakaugnay na mga sangay.

Ang sangay na tagapagbatas ay kilala rin sa tawag na____________.

A. ehekutibo C. Kataas-taasang Hukuman

B. hudikatura D. lehislatibo

18. Ano ang sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga batas sa

bansa?

A. hudikatura C. tagapaghukom
B. tagapagbatas D. tagapagpaganap

19. Bakit mahalaga ang pamahalaan?

A. dahil marami ang nagnanais mamuno

B. dahil binubuo ito ng maraming mamamayan

C. dahil ito ang namumuno sa pagpapatupad ng mga programa

para sa nasasakupan

D. upang mabigyan ng magandang buhay ang mga pamilya ng

mga namumuno

20. Ang ating bansa ay nakararanas ng hamon sa kalusugan dulot ng

virus na tinatawag na Covid-19. Anong ahensiya o kagawaran ng

pamahalaan ang nagpatupad ng mga programa upang masugpo at

maiwasan ang pagdami ng nahahawaan ng virus?

A. Kagawaran ng Enerhiya C. Kagawaran ng Katarungan

B. Kagawaran ng Kalusugan D. Kagawaran ng Tanggulang

Pambansa

21. Si Mang Cardo ay isang magsasaka. Namatay ang kanyang mga

pananim na palay dahil sa tagtuyot. Anong ahensiya ng pamahalaan

ang maaring tumulong sa kanya?

A. Kagawaran ng Turismo
B. Kagawaran ng Pananalapi

C. Kagawaran ng Agrikultura

E. Kagawaran ng Badget at Pamamahala

22. Bumagsak ang ating ekonomiya dulot ng walang tigil na

paglockdown sa iba’t ibang lugar sa ating bansa dahil sa COVID-19.

Anong ahensia ng pamahalaan ang nagpaplano at nagbibigay programa

upang masolusyunan ito?

A. Department of Defense

B. Department of Interior and Local Government

C. Department of Social Welfare and Development

D. National Economic and Development Authority

23. Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay sa lugar ng

kapanganakan?

A. Jus soli C. Jus sanguinis

B. Naturalisasyon D. Dual Citizenship

24. Batay sa prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino sino sa mga

sumusunod ang mamamayang Pilipino?

A. Si Charisse na anak ng Hapon at Intsik.


B. Si Arman na anak ng isang Igorot at Bicolano.

C. Si Clark na nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing Pasko.

D. Si Timothy na isang Amerikano at isang taon ng namamalagi

dito sa Pilipinas dahil sa negosyo.

25. Ito ay tumutukoy sa anumang bagay o pagliligkod na tinatamasa ng

isang tao na naayon sa batas.

A. kalayaan C. kayamanan

B. karapatan D. tungkulin

26. Binigyan si Ginang Lydia ng pampublikong abogado para

ipagtanggol siya sa kanyang kaso. Anong uri ng karapatan ang kanyang

tinamasa?

A. Likas na Karapatan C. Karapatang Pulitikal

B. Karapatan ng Nasasakdal D. Karapatang Sibil

27. Ang mga sumusunod ay tungkulin ng isang mamamayang Pilipino.

Alin ang HINDI?

A. Pagsunod sa Saligang Batas ng Pilipinas

B. Ipagtanggol ang bansa laban sa naninira dito.

C. Pagsawalang bahala sa proyekto ng pamahalaan


D. Pakikilahok sa mga programang naglalayong makatulong sa

nakararami.

28. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang may kinalaman sa

kagalingang pansibiko?

A. Panlilibre sa barkada

B. pagpapakalat ng tiktok compilation sa social media para

sumikat.

C. Pag-imbak nang pagkain sa tuwing may pandemya para sa

sarili lamang.

D. Patuloy na pagbibigay ng serbisyo ng mga doctor kahit na may

peligro sa virus.

29. Ito ay isang mahalagang kagalingan na dapat taglayin ng mga

mamamayan na kung saan ang bawat isa ay may kamalayan na may

pananagutan sila sa kanilang kapwa.

A. Kagalingang Pambansa

B. Kagalingang Pampubliko

C. Kagalingang Pabsibiko

D. Kagalingang Pang sosyo-ekonomiko


30. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pansibiko na pweding gawin

ng isang batang katulad mo. Alin ang HINDI dapat?

A. Pagsama sa kampanya laban droga.

B. Pagtatapon ng basura kung saan-saan.

C. Paglalahok sa pagdiriwang ng pambansang araw ng kalayaan.

D. Pagtatanim ng gulay sa bakuran para mapangalagaan ang

kalikasan.

You might also like