You are on page 1of 32

5

EPP – ICT and


Entrepreneurship
Modyul 1: Ang Entrepreneur
Mga Pamamaraan (Processes) sa
Matagumpay na Entrepreneur
EPP-ICT & Entrepreneurship– Ikalimang Baitang
Self-earning Module
Modyul 1: Ang Entrepreneur
Mga Pamamaraan (Processes) sa Matagumpay na Entrepreneur
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang- aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon –SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ


SDS SALVADOR O. OCHAVO, JR., EdD, CESO V
ASDS NICASIO S. FRIO, CESO VI

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: ROBERTO O. NAELGAS
Editor/ Tagasuri:
Maria Leah F. Gilbaliga, Herlen A. Oquendo, Gemmalyn D. Olano, Cecilia
EstialboTamon, Joesie Bustamante Brillantes, Paul B. Jimenez,
Glenn C. Betita
Tagaguhit: Julius E. Ubas
Tagapamahala:
SALVADOR O. OCHAVO, Jr.
NICASIO S. FRIO
SEGUNDINA F. DOLLETE
SHIRLEY A. DE JUAN
ROLANDO B. JAMORA

Inilimbag sa Pili pinas ng


Department of Education – Region VI, Schools Division of CAPIZ
Office Address: Banica, Roxas City
Telephone No.: (036) 6210-974
5
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

ICT and Entrepreneurship


Modyul 1: Ang Entrepreneur
Mga Pamamaraan (Processes) sa
Matagumpay na Entrepreneur
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan 5 – ICT and Entrepreneurship ng Self-Learning Module (SLM) para
sa araling Entrepreneur mga Pamamaraan (Processes) sa Matagumpay na
Entrepreneur.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinagtatagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5-ICT


and Entreprenuership ng Self-Learning Module (SLM) ukol sa Entrepreneur mga
Pamamaraan (Processes) sa Matagumpay na Entrepreneur.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na
ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala
sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o reyalidad ng
buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat
ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong
kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulatang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
ALAMIN

Laging isaisip na ang produkto ay ang mga bagay na maaaring inaalok sa


merkado na nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o
kagustuhan ng isang mamimili samantalang ang serbisyo ay tumutukoy sa
paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho sa isang uri ng negosyo.

Ang modyul ay nahahati sa tatlong mga aralin:

Aralin 1 – Naipapaliwanag ang kahulugan at pagkakaiba ng produkto at serbisyo


(EPP5IE-0a-2)
Aralin 2 – Natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
Serbisyo (EPP5IE-0a-3)
Aralin 3 – Nakapagbebenta ng natatanging paninda (EPP5IE-0b-5)

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan:

1. naipapamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na


entrepreneur;
2. natutukoy ang mga taong nangangailangan ng angkop na produkto at
serbisyo; at
3. matututunan ang mga paraan at paalala kung paano maibebenta ang mga
natatanigng paninda. Makatutulong ito upang matiyak na ang produkto ay
magiging patok sa mga mamimili at magkakaroon ng tiyak na kita.

SUBUKIN

A. Panuto: Isulat ang titik S kung ang pangungusap ay tumutukoy sa isang ng


serbisyo at titk P naman kung ay isang uri ng produkto. Isulat ang sagot sa iyong
kwaderno.

_____ 1. Si Aling Marites ay naglalako ng kamatis at saka kulitis sa bayan.


_____ 2. Si Mang Jose ay isang tubero madalas siyang tinatawagan ng mga tao
upang ayosin ang sira ng kanilang gripo.

1
_____ 3. Masarap ang lutong kakanin ni Aling Ason dahil ditto madaling maubos ang
kanyang paninda.
_____ 4. Isang magaling na mekaniko si Mang James madalas siya ang tinatawag
kapag may gustong ipaayos na makina ng sasakyan.
_____ 5. Magaling na doctor si Nino sa kanya nagpapagamot ang mga tao.

B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga serbisyong ibinibigay ng mga negosyong


nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

_____1. electrical shop A. pag-aayos ng bahay


_____2. school bus services B. pananahi ng damit
_____3. home carpentry C. pagsundo at hatid sa eskwela
_____4. tahian ni Tasya D. pag-aayos ng kasangkapang de kuryente
_____5. vulcanizing shop E. pag-ayos ng sirang gulong

Aralin Kahulugan at Pagkakaiba ng


1 Produkto at Serbisyo

Bilang isang entrepreneur na nagnanais na magtayo ng negosyong


pantahanan o pampamayanan, mahalaga na malaman ang pagkakaiba ng
produkto at serbisyo upang mabigyan ng tama at maayos na paghahanda kung
alin sa dalawa ang maaaring ialok sa mamimili batay sa kanilang
pangangailangan at kagustuhan.

BALIKAN

Masdan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang mga larawan
ng mga produkto o serbsiyo kung ito ay may oportunidad na pagkakitaan sa
tahanan o pamayanan. Ekis () kung wala. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. 2.

2
3. 4.

TUKLASIN

Magmasid sa inyong barangay. Kapanayamin ang isang entrepreneur


kung paano nila napagyaman at napagtagumpayan ang kaniyang negosyo.
Alamin kung anong uri ng pangangailangan ng pamayanan ang kanyang
natutugunan?

SURIIN

Basahin ang kuwento sa ibaba.

Ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bag sa bayan ng Pontevedra.


Napansin ni Mang Carlos na tuwing bumabaha maraming water lily ang
sumasampay sa kanilang palayan kaya naisipan niya itong gawing basket.
Dahil sa likas na malikhain, siya ay nakakagawa ng ibat-ibang disenyo ng
basket. Pumatok naman sa marami ang kanyang likha. Marami ang
dumarayo sa kanila upang bilhin ang kanyang gawang basket.
Isang araw ng sabado, dahil wala masyadong gawain si Mang. Carlos,
naiisip niyáng ipasyal ang kanyang pamilya. Pumunta sila sa Maribert Inland
resort at naligo. Pagkatapos maligo sila ay umorder at kumain ng fried
chicken, burger, french fries, spaghetti at fruit shake. Pagkatapos kumain,
napansin niya na mahaba na ang buhok ng kanyang asawa. Kaya naisipan
niyáng dalhín ito sa beauty parlor at doon sabay silang nagpagupit ng buhok,
manicure at saka pedicure.

3
Pag-uwi, napadaan sila sa palengke at bumili sila ng noodles, sardinas
at tinapay. Namili na rin sila ng mga sangkap sa pagluluto gaya ng sibuyas,
bawang, kamatis at asin.
Pagdating sa bahay, napansin niyáng sira ang ilaw sa kusina. Kaya
tinawagan niya si Nono isang electrician upang palitan ang sirang ilaw. Dahil
pagod, maagang natulog ang mag-anak. Masaya at produktibo ang araw na
ito para sa pamilya ni Mang Carlos.

Sariling katha ni Roberto O. Nalegas

Sagutin ang sumusunod na katanungan ayon sa kuwentong binasa.


1. Ano ang trabaho ni Mang Carlos?

_____________________________________________________________

2. Bakit niya ito naiisipang gumawa ng bag na yari sa waterlily? Nakatugon ba ito
sa pangagailangan ng mga tao sa kanilang lugar?

_____________________________________________________________
3. Ano ang ginawa ng mag-anak sa Maribert Inland Resort?

_____________________________________________________________

4. Saan sila kumain? Ano-anu ang kanilang inorder?

_____________________________________________________________

5. Ano-ano ang ginawa nila sa beauty parlor? Ito ba ay isang uri ng produkto o
isang uri ng serbisyo?

_____________________________________________________________

6. Ano-ano ang binili nila sa palengke?

_____________________________________________________________

4
Matawag ba natin itong produkto? Basahin ang kahulugan ng produkto at
serbisyo.
Alamin ang pagkakaiba ng dalawa.

Ang produkto ay ang mga bagay na maaaring iniaalok sa merkado na


nakapagbibigay ng kasiyahan sa pangunahing pangangailangan o kagustuhan ng
isang mamimili.
Halimbawa: prutas, gulay, basket, at iba pa

Serbisyo ay tumutukoy sa paglilingkod na iniaalok ng taong nagtatrabaho o


ng isang uri ng negosyo sa mga konsyumer o mamimili.
Halimbawa: panunuod ng sine, consultation, haircut, manicure, at iba pa.

PAGYAMANIN

A. Panuto: Isulat sa puwang kung ang pangungusap ay tumutukoy sa isang uri ng


produkto o serbisyo.
____________________ 1. Bumili si Nene ng tinapay sa bakery.
_________________ 2. Pina-ayos ni Mang Jaime ang sirang gripo kay Mang Boy.
_________________ 3. Kinompra ni Aling Bebe ang panindang gulay ni Marie.
_________________ 4. Binayaran ni Gng. Maria si Joy sa pagluto ng chicken
adobo.
_________________ 5. Binili ni Christopher ang alagang baboy ni Mang Tilo.

ISAISIP

Ayon sa ating aralin,ano ang pagkakaiba ng serbisyo sa produkto? Magbigay


ng mga halimbawa ng produkto at serbisyo.

5
ISAGAWA

Panuto: Tukuyin kung ang mga salitang may salunguhit ay isang uri ng produkto o
serbisyo. Isulat ang sagot sa patlang bago ang b

__________1. Napag-utusan ka ng nanay mo na pumunta sa palengke


upang bumili ng gatas at bitamina ng kapatid mo.
__________2. Tumatagas ang linya ng tubig sa bahay ninyo tinawag ng
nanay mo si Tonyo tubero upang ayusin ito.
__________3. Pasukan na naman, dinala si Carlo ng kanyang nanay sa
barbero para pagupitan ang buhok.
__________ 4. Tuwing umaga bumibili kami ng mainit na tinapay sa
panaderya ni Aleng Loling.
__________ 5.Araw-araw si nanay ay maagang gumigising para mamili
ng gulay at karne sa palengke para sa aming karinderya.

TAYAHIN

A. Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na salita o grupo ng mga salitang
may salunguhit ay produkto o serbisyo. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Si Maria ay pumunta sa Bacolod upang mamasyal sa loob


ng isang araw. Sa huling araw ng kanyang pananatili, pumunta
siya sa pamilihan at bumili ng biscocho, piaya at barquillos.

2. Nasira ang tubo ng tubig sa bahay nila Paolo, tumawag ang


kanyang ina ng tubero upang palitan at ayusin ang tagas nito.

3. Nagkaroon ng isang sunog sa malaking bahagi ng pamilihang


bayan, tumawag si Jenna ng bumbero upang patayin ang apoy
na likha ng pasabog ng tangke ng gasul.
4. Malapit na ang kaarawan ng kapaitd ni Lorena kaya minabuti
niya na bumili ng isang cake na mataas ang kalidad bilang
regalo.

6
5. Bilang isang propesyonal, pagtuturo sa mga mag-aaral ang
palaging iniisip ni G. Melody tuwing siya ay papasok sa
paaralan.

B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga serbisyong ibinibigay ng mga negosyong


nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B

_____1. electrical shop A. pag-aayos ng bahay


_____2. school bus services B. pananahi ng damit
_____3. home carpentry C. pagsundo at hatid sa eskwela
_____4. tahian ni Tasya D. pag-aayos ng kasangkapang de kuryente
_____5. vulcanizing shop E. pag-ayos ng sirang gulong

KARAGDAGANG
GAWAIN

Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga produkto at


serbisyong makikita sa inyong barangay.

Produkto Serbisyo
1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

ALAMIN

Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailan na produkto o serbisyo.


Dapat nating alamin ang mga pangangailangan at serbisyo ng ating
konsumer upang maging matagumpay na entrepreneu

7
Pagkatapos ng araling ito inaasahan na matutukoy mo ang mga taong
nangangailangan ng angkop na produkto at serbisyo.

SUBUKIN

A. Panuto: Tukuyin kung sino ang taong nangangailangan ng produkto at


serbisyo sa mga sumusunod na sitwasyon. Pumili sa loob ng kahon.

pasyente sanggol mag-aaral guro dyanitor

1. Matibay, maganda at murang lapis at papel.


2. Sapat na gamit panturo sa paaralan.
3. Masustansayang, pagkain, gatas, bitamina at malinis na boteng
pinagdedehan.
4. Matibay na kasangkapang panlinis ng paaralan.
_____5. Maayos na panggagamot ng mga kawani ng ospital.

B. Panuto: Hanapin sa hanay B ang mga serbisyong ibinibigay ng mga tao


nasa Hanay A.

Hanay A Hanay B
_____ 1. doctor A. nagbibigay ng payong legal
_____ 2. karpintero B. ginagamot ang may sakit
_____ 3. pulis C. gumagawa ng bahay
_____ 4. abogado D. nagluluto ng pagkain
_____ 5. kusinero E. nagpapatupad ng batas

Aralin Angkop na Produkto at


2 Serbisyo

8
BALIKAN

Panuto: Tingnan ang mga larawan tukuyin kung ang mga ito ay nagpapakita ng isang
uri ng produkto o serbisyo. Isulat ang sagot sa inyóng kwaderno.

TUKLASIN
Basahin at unawain ang usapan sa ibaba.

9
Oo nga galing na Dahil sa CoViD19
Sa mga tagapakinig
Paano ito wala na ako sa bayan wala nagkakaubusan na
ko upang makaiwas
akong trabaho ng facemask na ng facemask sa
sa CoVid19
pano na ang mabibili. pamilihan ngayon.
pinapayuhan tayo
pamilya ko? ng IATF at DOH na
gumanit ng
facemask sa lahat
ng oras.

Kaunti na lang ang bigas at Oo nga nene may mga


Inay narinig ko
wala ng laman ang refrigerator tirang tela ako diyan
sina auntie nag-
tapos wala pang trabaho ang mabuti at naiisip mo ito
uusap sila kanina
asawa ko. Paano na lang kami may negosyo na tayo
nagkaka-ubusan na
nito? kahit papano at may
raw ng facemask sa
kita. tayo.
bayan di ba
marunong kang
mag tahi? Gagawa
tayo inay tutulong
ako tapos ibibinta
natin sa mga tao.

Sariling katha ni Roberto O. Nalegas

Ano ang nangyari sa kuwento? Bakit nagkaubusan ng facemask?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Bakit naisipan ni nene na gumawa ng facemask? Sa tingin mo kikita kaya sila sa


balak nilang negosyo? Bakit?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
SURIIN

Magaling ba kayo sa
pahulaan? Hulaan kong sino
ang tinutukoy dito.

Ordinaryong tao lamang ako. Hanap ko’y serbisyo at


produkto na makasasagot sa pangangailangan ko.
Kapag ito sa akin naibigay mo tiyak ikaw ay tatangkilikin
ko. Sino ako?

Nasagot mo ba?
Kung kustomer ang sagot mo tama ang hula mo! Kustomer ang tawag sa
taong bumibili ng isang produkto o serbisyo. Ikaw ay isa ring kustomer hindi ba? Bilang
isang kustomer, anu-ano ang inaasahan mo sa isang produkto o serbisyo na binibili
mo?

Alamin kung katulad ng nasa ibaba ang mga pangangailangan mo.


1. maaasahang produkto at serbisyo
2. produktong mapapakinabangan nang matagal
3. mga produktong makatutulong sa akin sa pang-araw-araw na trabaho,
katulad ng paglalaba, pagluluto, paglilinis ng bahay, atbp.
4. mga produkto o serbisyong maaari kong gamitin nang walang pangamba na
ito’y magiging mapanganib sa aking kalusugan o kaligtasan
5. serbisyong nariyan lagi sa oras na kailangan ko
6. produkto o serbisyong magaan sa bulsa

Ang mga tao ay may iba’t ibang pangangailan na produkto o serbisyo. Dapat
nating alamin ang mga pangangailangan at serbisyo ng ating konsumer
upang tayo ay maging matagumpay na entrepreneur.

11
Mahalaga ang kalidad sa anumang negosyo. Maaaring maging
sanhi ng paglayo ng kostumer ang kawalan ng kalidad na siyang
magdudulot ng pagkalugi sa negosyo.
Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng kostumer.
Kasama rito ang produktong may rasonableng presyo at mataas na kalidad
at serbisyong nagbibigay ng tulong, respeto, ginhawa, simpatiya at
tumutugon sa pangangailangan.

PAGYAMANIN

ngailangan ng kostumer.
Panuto: Tingnan ang sumusunod na larawan. Hulaan ang angkop na serbisyo o
produkto na kailangan ng kustomer ayon sa sitwasyon o pangangailangan nito.

1.

T O

2.

E N O

12
3.

K O

ISAISIP

Bakit mahalagá ang kalidad sa anumang negosyo?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

ISAGAWA

Isulat sa inyóng kwaderno ang mga serbisyo at produkto na kailangan ng tao


sa inyong pamayanan
______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

13
TAYAHIN

A. Panuto: Isulat sa patlang bago ang bilang ang kustomer na nangangailangan ng


produkto o serbisyo na nabanggit sa kahon sa ibaba. Isulat sa kuwaderno ang
kasagutan.

A. guro B. pasyente C. sanggol D. dyanitor E. mag-aaral

__________ 1. Gamit panturo sa paaralan.


__________ 2. Matibay, maganda at murang lapis at papel.
__________ 3. Masustansyang pagkain, gatas, bitamina, at malinis na tubig
__________ 4. Matibay na kasangkapang panlinis sa paaralan.
__________ 5. Maayos na paggagamot ng mga kawani sa hospital.

B. Panuto: Piliin ang angkop na serbisyo at produkto ayon sa kanilang


pangangailangan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwaderno.

Hanay A Hanay B
_____1. guro A. saganang supply ng tubig mula sa irigasyon
_____2. magsasaka B. matibay at abot kayang kasangkapang panturo
_____3. drayber C. mura ngunit mabisang gamot
_____4. maysakit D. mababang presyo ng gasolina
_____5. karpintero E. matibay at abot kayang martilyo

KARAGDAGANG
GAWAIN

Panuto: Iguhit ang  kung tama ang isinasaad ng pangungusap at  kung mali.
Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

_____1. Mahalaga ang kalidad ng produkto at serbisyo sa anumang negosyo.

14
_____2. Maaaring maging sanhi ng paglayo ng kostumer ang kawalan ng kalidad ng
produkto at serbisyona siyang magdudulot ng pagkalugi sa negosyo.
_____3. Mahalagang tugunan ang mga pangangailangan ng kostumer.
_____4. Ang karinderya ay mainam itayo sa malalayo at tahimik na lugar.
_____5. Ang paggamit ng mumurahin at pekeng sangkap ay makapagbibigay ng
mataas na kalidad sa produkto.

ALAMIN

Sa araling ito, matututunan ang mga paraan at paalala kung paano maibebenta
ang mga natatanging paninda. Makatutulong ito upang matiyak na ang produkto ay
magiging patok sa mga mamimili at magkakaroon ng tiyak na kita.

SUBUKIN

A. Panuto: Tukuyin kung ano ang paraan ng pagbebenta ng mga sumusunod na


produkto. Pumili sa loob ng kahon.

yema puto honey suman itlog

__________ 1. Nakabalot sa supot maaring ipagbili nang per piraso o per supot.

__________ 2. Nakalagay sa bote.

__________ 3. Nakabalot sa dahon ng saging per piraso ang pagbenta nito

__________ 4. Per tray or piraso ang pagbenta.

__________ 5. Pwede ilagay sa malinis na plastic per dosena maaaring ipagbili ng


palako o sa pwesto.

B. Panuto: Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at  kung mali.
_____ 1. Dapat panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto.

15
_____ 2. Malinis at may takip ang pinaglalagyan

_____ 3. Nasuri ng inspector ng kalusugan ang pinaglulutuan at ang paninda

_____ 4. Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang di malugi

_____ 5. Malinis at may takip ang pinaglalagyan.

Aralin
Natatanging Paninda
3
BALIKAN

Panuto: Tingnan ang mga sumusunod na larawan. Isulat ang angkop na serbisyo at
produkto ayon sa kanilang pangangailangan.

1. Magsasaka ______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

2. Sanggol
______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

16
TUKLASIN

Sagana sa Sublangon, Pontevedra ang prutas na marang. Matamis,


malinamnam at masustansiya ito. Isang natatanging produkto na sadyang
ipinagmamalaki ng mga tao rito. Isa sa katangian nito ay ang kakaibang amoy nito
na maaring ihalintulad sa durian. Madaling mahinog at masira ang bunga nito.
Nagsisimula sa buwan ng Hulyo ang anihan nito at
minsan inaabot hanggang unang linggo ng Setyembre.
Madalas kinukuha ito ng maramihan at ibinibenta sa
karatig bayan at probinsya. Subalit dahil madaling
masira, hindi ito maaring ibenta sa labas ng bansa o
kahit man lang sa NCR. Ngunit, sa piling lugar lamang
ito madalas nakukuha. Patok pa rin itong ibenta sa local
market at mga turista o bagong salta sa Sublangon.
Sariling katha ni Roberto O. Nalegas

Bakit maituturing na natatanging prutas ang marang? Nakatikim ka na ba nito?

___________________________________________________________________

Bakit patok itong ibenta sa mga turista?

___________________________________________________________________

Paano ito ibinibenta?

_________________________________________________________________

Panuto: Gumawa ng talaan ng mga negosyong makikita sa inyong barangay.


Isulat ang mga serbisyo o produkto na iniaalok nito. Gamitin ang tsart sa ibaba.

Negosyo Serbisyo

17
SURIIN

Mga paalala na dapat tandaan at isaalang-alang upang masigurado na


maibebenta ang mga nataatanging paninda.

Panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto.

Alamin ang
pangkasalukuyang
PRODUKTO presyo upang di
malugi.

Pangasiwaan nang wasto at maayos ang paninda.

Malinis at maayos ang


pagkakaluto.

Nasuri ng
Nakasusunod
inspector ng
sa
kalusugan PAG-IINGAT SA
pamantayang
ang IPINAGBIBILING
pangkalusugan
pinaglulutuan PRODUKTO
ang tindero at
at ang
tinder.
paninda.

Malinis at may takip ang


pinaglalagyan.

18
PAGYAMANIN

Ano ang trabaho ng mga taong makikita sa mga larawan?

Ano ang kanilang ginagawa?

Anong mga paninda o produkto ang kanilang tinitinda?

Batay sa larawan, paano nila ibinebenta ang kanilang paninda?


Magbigay ng mga iba pang uri ng paninda na pwedeng ibenta sa pamilihan.

Tingnan mabuti ang ika-anim na larawan, ano ang nakikitang produkto? Alam
nyo ba na ang Cabanatuan ay kilala sa masarap na longganisa? Ito ay may manamis-

19
namis na lasa gawa ng napakadaming bawang na sangkap nito. Ito ang palaging
binibili ng mga turistang pupunta ng Cabanatuan. Ito ay kilala sa tawag na Batutay.
Subalit ang tanong, paano nga ba ibinebenta o masisiguradong mabibili ang mga
natatanging produkto tulad ng batutay ng Cabanatuan? Pag-aaralang mabuti ang
mga dapat tandaaan sa pagbebenta ng produkto sa susunod na mga pag-sasanay.

Tingnan ang mga larawa at sagutin ang tanong tungkol dito.

Karagdagang kaalaman:

Tingnan ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga paraan ng


pagbebenta ng mga sumusunod na produkto:

Produkto Paraan ng Pagbebenta


-ipinagbibili ng per bilao o per piraso
- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
Puto - pwede ding ilagay sa malinis na plastic per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
- ipinagbibili ng per bilao o per piraso
-inilalagay sa malinis na bilao na may nilaib na dahon ng
saging na may takip
Bebingka
- hinihilis ng hugis tatsulok
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto
- ipinagbibili ng per piraso
- inilalagay sa malinis at may takip na bilao o basket
Suman - pwede ding ilagay sa malinis na plastic per dosena
- maaaring ipagbili ng palako o sa pwesto

20
ISAISIP

1. Ano- ano ang dapat tandaan sa pagbebenta ng mga natatanging produkto o


paninda?
2. Bakit mahalagang maunawaan at matandaan ang mga pamamaraan sa
pagbibenta ng natatanging produkto o paninda?

ISAGAWA

Gumawa n g talaan tungkol sa pagbebenta ng produto sa inyong


kuwaderno o sa isang malinis na papel.Punuan ang mga datos
na kailangan.

Paninda Presentasyon Paraan ng Halaga/Presyo


Pagbebenta

TAYAHIN

A. Panuto: Tukuyin kung ano ang paraan ng pagbebenta ng mga sumusunod na


produkto. Pumili sa loob ng kahon.

pulboron puto suka tinapa itlog

__________ 1. Nakabalot sa supot maaring ipagbili nang per piraso o per supot.
__________ 2. Nakalagay sa bote o plastic.
__________ 3. Nakabalot sa dahon ng saging per piraso ang pagbenta nito

21
__________ 4. Per tray or piraso ang ang pagbenta.
__________ 5. Pwede ilagay sa malinis na plastic per kilo maaaring ipagbili ng palako
o sa pwesto.

B. Panuto: Iguhit ang kung tama ang isinasaad ng pangungusap at  kung mali.
_____ 1. Dapat panatilihing mahusay at mataas ang uri ng produkto at serbisyo.
_____ 2. Malinis at may takip ang pinaglalagyan
_____ 3. Nasuri ng inspector ng kalusugan ang pinaglulutuan at ang paninda
_____ 4. Alamin ang pangkasalukuyang presyo upang di malugi
_____ 5. Malinis at may takip ang pinaglalagyan.

KARAGDAGANG
GAWAIN

1. Panuto: Suriin ang talaan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
inyong kuwaderno.

Paninda Paraan ng pagbebenta Halaga


per supot P 25.00
Yema per piraso P 1.00
per tray P 130.00
Itlog per piraso P 5.00
per kilo P 50.00
Kalamansi per supot P 10.00
per kilo P 50.00
Longganisa per piraso P 9.00

1. Ano-ano ang mga panindang nasa talaan?


2. Paano ipinipresenta ang mga paninda?
3. Paano ipinagbibili ang mga ito?
4. Magkano mabibili ang bawat isa ng natatanging paninda?
5. Kung ikaw ang tindero o tindera ng mga natatanging paninda, paano
mo ibibenta ang bawat isa? Anong pamamaraan ang iyong gagawin
upang maging mabili at maubos ito?

22
23
Aralin 1.
SUBUKIN
A. B.
1. P 1. D
2. S 2. C
3. P 3. A
4. S 4. B
5. S 5. E
BALIKAN Lesson 1
1.
2.
3.
4.
TUKLASIN
Iba-iba ang maaaring kasagutan
SURIIN
1. Ang trabaho ni Mang Carlos ay manghahabi o tagagawa ng basket.
2. Naisipang gumawa ng basket na yari sa waterlily ni Mang Carlos upang hindi na bumahang muli na
nakakasagabal sa pag-agos ng tubig tuwing umuulan at nakatulong bilang karagdagang kita. Opo,
nakatutulong sa pangangailangan ng mga tao sapagkat marami ang tumangkilik o bumili sa kanyang
ginawang basket.
3. Naligo. kumain ng fried chicken, burger, french fries, spaghetti at fruit shake. at nagpagupit ng buhok,
manicure at pedicure sa beauty parlor.
4. Maribert Inland Resort silang kumain, at ang kanilang inorder ay fried chicken, burger, french fries,
spaghetti at fruit shake
5. Nagpagupit ng buhok, manicure at pedicure sa beauty parlor at ito ay isang uri ng serbisyo.
6. Sa palengke bumili sila ng noodles, sardinas at tinapay. Namili na rin sila ng mga sangkap sa pagluluto
gaya ng sibuyas, bawang, kamatis at asin.
Pagyanamin Aralin 1
1.produkto 2. serbisyo 3. produkto 4. Serbisyo 5. produkto
ISAISIP
Iba-iba ang maaaring kasagutan
PAGWAWASTO
SUSI SA
Isulat ang inyong sagot sa isang buong papel.
ang mga pamamaraan na kanilang ginagamit sa pagbibenta ng produkto.
Pumili ng limang produktong makikita sa kanilang tindahan. Tanungin kung ano
2. Magsagawa ng isang panayam sa isang tindera o tindero sa inyong Barangay.
24
Isagawa Aralin 1
1. produkto 2. serbisyo 3. serbisyo 4. produkto 5. produkto
TAYAHIN ARALIN 1
1. produkto B 1. D
2. serbisyo 2. C
3. serbisyo 3. A
4. produkto 4. B
5. serbisyo 5. E
KARAGDAGANG GAWAIN ARALIN 1
Iba-iba ang maaaring kasagutan
SUBUKIN-ARALIN 2
A B
1. magaaral 1. B
2. guro 2. C
3. sanggol 3. E
4. dyanitor 4. A
5. pasyente 5. D
BALIKAN-ARALIN 2
1. serbisyo 2. produkto 3. serbisyo 4. produkto
TUKLASIN-ARALIN 2
1. Ang mga bagay-bagay na dapat gawin upang makaiwas sa COVID 19, at nagkaubusan ng facemask dahil
sa COVID19.
2. Naisipan ni Nene na gumawa ng facemask dahilan sa nagkakaubusan na sa pamilihan at para
makatulong narin sa ina na kumite ng pera. Kikita sila ng kanyang ina sa binabalak nilang negosyo na
gumawa at magbenta ng facemask dahil sa mura at nagkakaubusan na ng suplay ng panindang facemask
sa pamilihan.
PAGYAMANIN-ARALIN 2
1. tubero 2. mekaniko 3. Karpintero
ISAISIP-ARALIN 2
Iba-iba ang maaaring kasagutan
ISAGAWA-ARALIN 2
Iba-iba ang maaaring kasagutan
TAYAHIN-ARALIN 2
1. A 2. E 3. C 4. D 5. B
KARAGDAGANG-ARALIN 2
1. 2. 3. 4. 5.
25
SUBUKIN-ARALIN 3
A.
1. yema 2. Honey 3. Suman 4. Itlog 5. Puto
B.
1.  2.  3.  4.  5. 
BALIKAN-ARALIN 3
1. Iba-iba ang maaaring kasagutan
2. Iba-iba ang maaaring kasagutan
TUKLASIN-ARALIN 3
Iba-iba ang maaaring kasagutan
PAGYAMANIN-ARALIN 3
Iba-iba ang maaaring kasagutan
ISAISIP-ARALIN 3
Iba-iba ang maaaring kasagutan
ISAGAWA-ARALIN 3
Iba-iba ang maaaring kasagutan
TAYAHIN-ARALIN 3
A.
1. pulboron 2. suka 3. puto 4. Itlog 5. Tinapa
B.
1.  2.  3.  4.  5. 
KARAGDAGANG GAWAIN-ARALIN 3
Iba-iba ang maaaring kasagutan
Sanggunian
MELC: 1.4 EPP5IE0a-2
MELC: 1.4 EPP5IE0a-3
MELC: 1.4 EPP5IE0b-5

Edukayong Pantahanan at Pangkabuhayan IV


Learning Materials EPP 5 Entrepreneurship & ICT (Author/Developer: Marvin R.
Leano & Edison Garcia) Division of Cabanatuan City Pages: 6, 10, 19

Para sa larawan:
https://ph.images.search.yahoo.com/search/images;_ylt=AwrwJRiwYSVf0R4A62G1
Rwx.;_ylu=X3oDMTBsZ29xY3ZzBHNlYwNzZWFyY2gEc2xrA2J1dHRvbg
lrmds.deped.gov.ph

DISCLAIMER

This Self-Learning Module (SLM) was developed by DepEd, Schools Division of Capiz
with the primary objective of preparing for and addressing the new normal. Contents
of this module were based on DepEd’s Most Essential Learning Competencies
(MELC). This is a supplementary material to be used by all learners of Schools Division
of Capiz in all public schools beginning SY 2020-2021. The process of LR
development was observed in the production of this module. This is version 1.0. We
highly encourage feedback, comments, and recommendations.

For in quiries or feedback, please write or call:

Department of Education-SCHOOLS DIVISION OF CAPIZ


Learning Resource Management System (LRMS)
Address: Banica, Roxas City
Telephone NO: (036) 6210-974

26

You might also like