You are on page 1of 5

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
San Rafael West District
DILIMAN ELEMENTARY SCHOOL
DilimanI,SanRafael,Bulacan

PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.

I. NILALAMAN:

Sa paksang ito, ay tatalakayin ang Information and Communication Technology o ICT, ang
mga kapakinabangang dulot nito gaya ng mas malawak na komunikasyon at mas
epektibong pangangalap ng impormasyon gamit ang computer at internet.

II. LAYUNIN:

1. Naipaliwanag ang kaalaman tungkol sa computer, internet, at ICT


2. Naintindihan ang mga kapakinabangan ng Information and Communication Technology
3. Napahalagahan ang ICT sa pangangalap ng impormasyon
III. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pangangalap ng Impormasyon


Sanggunian: EPP 4 Modyul, K to 12 – EPP4IE-0d-8
Kagamitan: powerpoint presentation, kartolina, lumang diyaryo, magazines, brochures,
pentel pen, gunting, at pandikit
IV. PANIMULANG PAGTATASA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang (Taglay mo na ba?) sa LM

Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan ( / ) ang thumbs up


icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan

1.Naipaliliwanag ang konsepto ng computer, internet, at


ICT
2.Nailalarawan ang mga kakayahan ng computer, internet,
at ICT
3.Nakikilala ang iba’t ibang kapakinabangan ng ICT
4.Natutukoy ang mga paraan ng pagkolekta sa iba’t ibang
uri ng impormasyon

V. PAMAMARAAN:
A. PAGGANYAK
1. Panonood ng isang Video clip tungkol sa ICT.
2. Pasagutan ang Gawain A: Makabagong Teknolohiya sa LM.
Sa unang larawan, maaaring magbigay ng maikling paglalahad tungkol sa
pangunahing bahagi ng computer tulad ng mouse, keyboard, monitor, CPU,
atbp. (Kung sa tingin ng guro ay kinakailangan ng mag-aaral.)
●Magkakaroon ng maikling talakayan ang mga mag-aaral kaugnay ng
sumusunod na panggabay na tanong:
Sa tingin mo ba, mahalagang matutuhan ang paggamit sa makabagong teknolohiya?
Bakit?
Sa palagay mo ba maiiwasan pa natin ang paggamit ng ICT tools sa kasalukuyang
panahon?
2. Gawain B:
a. Bigyang-diin ang kahalagahan ng ICT sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng
impormasyon sa LM.
Artista Ka Na! (LM)
b. Pangkatin ang klase sa apat.
c. Kailangan maghanda ng skit o maikling dula ang bawat pangkat tungkol sa
iba’t ibang kapakinabangan ng ICT.
d. Magkakaroon ng maikling talakayan ang mga mag-aaral sa sumusunod na
panggabay na tanong:
1. Anong kapakinabangan ng ICT ang ipinakita sa inyong maikling dula? Bakit ito ang
napili ng inyong grupo?
2. Sa paanong paraan nakatutulong ang ICT sa pangangalap ng makabuluhang
impormasyon?
3. Ipagawa ang sumusunod:
a. Gamitin ang naunang pangkatan ng klase.
b. Pagdalahin ang bawat pangkat ng mga lumang diyaryo, brochures, magazines,
gunting, at pandikit.
c. Kailangang makabuo ang bawat pangkat ng collage na nagpapakita ng mga
kahalagahan ng Information and Communication Technology.
4. Bigyang-diin ang kaisipan sa Tandaan Natin sa LM.
VI. PAGTATAYA:
Ipasagot sa mga mag-aaral ang Subukin Mo sa LM.
SUBUKIN MO
Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.

Hanay A Hanay B

1. electronic device na ginagamit upang mas mabilis na a. internet


makapagproseso ng datos o impormasyon b. computer
2. isang malawak na ugnayan ng mga computer network c. smartphone
na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo d. ICT
3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya, gaya ng e. komunikasyon
radyo, telebisyon, telepono, smartphones, computer, f. network
at internet
4. halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa simpleng
mobile phone na maaari ding makatulong sa iyo sa pangangalap
at pagproseso ng impormasyon
5. napabilis ito sa tulong ng ICT

Susi sa Pagwawasto

: 1. B 2. A 3. D 4. C 5. E

Pasagutan ang Kaya Mo Na Ba na nasa LM.

KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ng sumusunod na kaalaman o kasanayan? I-tsek ( )
ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down kung hindi
pa.
Kasanayan/Kaalaman

1. Naipaliliwanag ang konsepto ng


computer, internet, at Information and
Communications Technology (ICT)
2. Nailalarawan ang mga kakayahan ng
computer, internet, at ICT
3. Nauunawaan ang iba’t ibang
kapakinabangan ng ICT
4. Nalalaman ang mga paraan ng
pagkolekta sa iba’t ibang uri ng
impormasyon

VII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN: MAGSULAT TAYO!

Pagsulatin ang mga mag-aaral ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng


Information and Communication Technology sa pangangalap ng mga
makabuluhang impormasyon.

Panayam sa mga Gumagamit ng Computer


Pag-interbyuhin ng ilang kustomer sa isang computer shop o internet café ang
mga mag-aaral upang sagutin ang sumusunod na katanungan:
Bakit kailangan mong pumunta sa computer shop?
Sa tingin mo, mahalaga ba ang computer at internet? Bakit?
Sa papaanong paraan mo magagamit nang wasto ang mga teknolohiyang ito?

Ibahagi ang resulta ng panayam sa klase.

KARAGDAGANG SANGGUNIAN:
British Broadcasting Corporation. “The Impact of ICT on Society.” Nakalap noong July 17, 2014
mula sa (http://www.bbc.co.uk/bitesize/ks3/ict/
history_impact_ict/impact_ict_society/revision/1/)
KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ang sumusunod na
kaalaman o kasanayan? Tsekan ( / ) ang
thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang
thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman/Kasanayan
1.Naipaliliwanag ang
konsepto ng computer,
internet, at ICT
2.Nailalarawan ang mga
kakayahan ng computer,
internet, at ICT
3.Nakikilala ang iba’t ibang
kapakinabangan ng ICT
4.Natutukoy ang mga
paraan ng pagkolekta sa
iba’t ibang uri ng
impormasyon
KAYA MO NA BA?
Taglay mo na ba ng sumusunod na
kaalaman o kasanayan? I-tsek () ang
thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang
thumbs down kung hindi pa.
Kasanayan/Kaalaman

1. Naipaliliwanag ang
konsepto ng computer,
internet, at Information
and Communications
Technology (ICT)
2. Nailalarawan ang mga
kakayahan ng computer,
internet, at ICT
3. Nauunawaan ang iba’t
ibang kapakinabangan
ng ICT
4. Nalalaman ang mga
paraan ng pagkolekta sa
iba’t ibang uri ng
impormasyon

You might also like