You are on page 1of 2

Dep-Ed Region III

Division of City Schools


District 8
GAYA-GAYA ELEMENTARY SCHOOL
City of San Jose Del Monte

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG


PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN
(EPP 5)
I. Mga Layunin
A. Pamantayang Nilalaman:
 Naipapamalas ang kaalaman at kasanayan upang maging matagumpay na entrepreneur
B. Pamantayan sa Pagganap
 Mapahusay ang isang produkto upang maging kakaiba
C. Paksang Layunin:
 Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento at media file
(EPP5IE-Ob-6)
 Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at responsableng
pamamaraan (EPP5IE-Oc-7)

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Ligtas at Responsableng Gamit ng ICT
B. Mga Kagamitan: LED TV, Laptop, video clip
C. Sanggunian: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5
D. Pagpapahalaga: Pagiging Tapat at Malinis

III. Pamamaraan:
A. Blik-Aral
Pamilyar b kayo sa online selling websites? Ano ba ang saloobin nyo ukol ditto?
B. Pagganyak
Naransan mo na bang magdala ng sulat sa pamamagitan ng koreo/courier tulad ng LBC o JRS?
Gaano katagalbago makrating sa ipinagdalhan nito?
Paano mo maipamamahagi ang mga dokumento at media files?
C. Paglalahad
Pagpapakita ng mga halimbawa ng dokumento at media file.
Paano mo ipamamahagi ang mga ito?
D. Pagpapalalim
Ano-ano ang mga panuntunan sa pamamahagi ng dokumento at media file

Panuntunan sa pamamahagi ng mga Dokumento at Media File


1. Ipadala lamang kung importante. Saying ang pagod at oras kung hindi naman kailangang
ipamahagi lalo na kung mabigat ang file. Mahabang oras din ang kakailanganin sa
pagpapadala ng media file tulad ng mga imahe, audio, at video file. Abala rin sa
makatatanggap nito.
2. Huwag basta magbukas o magdownload ng mga files na ipinadala sa pamamaraan ng email
na galling sa hindi kakilala. Maari itomg may dalang virus na maaring makasira sa iba pang
files sa iyong computer.
3. Ang pangongopya ng anumang nabasa sa isang website at ipagpapalagay na sarili mo itong
likha ay isang uri ng pagnanakaw. Kung nagandahan sa binasa at nais itong gamitin, humingi
ng pahintulot o permiso sa mismong may-ari o may-akda nito. Maari nilang ibuod ang binasa
at kilalanin ang orihinal na pinagkunan o pinaghanguan nito.

Ang Dropbox ay magagamit sa pagpapdala ng malaking dokumentoo media file, habang ang
Youtube ay karaniwang gingamit sa pamamahagi ng mga video sa publiko. Maari ding gamitin
ang facebook. Ang isang halimbawa g email application na kayang magpadala ng malaking file
ay ang Gmail. Ginagamit nito ang Google Drive para lagakan ng malaking file. Ngunit
mababasa lamang ng nakatanggap ng file kung may email account din siya.

Video Clip ng How to send file from Gmail at messenger


Maraming paraan kung paano makapamahagi ng mga dokumento at media file. Ang isang
pangkaraniwang gamit ay email. I-click lng ang (Attach file) minsan may simbolong paper clip)
para piliin ang dokumento o media file na ipadadala. Kapag ang dokumento o media file ay
masyado malaki (mahigit sa 25 MB), maaring tanggihan ito at ituturo na gumamit ng ibang
programa para paglagyan nito. Tuald ng Yahoo! Mail, inirerekomenda nito na gumamit ng
Dropbox kapag napakalaki na dokumento o media file. Maaring kunin na lamang ang URL o
Uniform Resource Locator ng dokumento sa Drpbox at ito ang ipadala s email. Maari rin na
ipadala mula sa dropbox ang malalaking dokumento o media file.

Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng mga bata sa paggamit ng email at social media sites,
dapat mong malaman mong malaman na nakapaloob sa mga tuntunin at kondisyon ng Yahoo!,
Mail, Gamil at ng iba pa na mari lamang magkaroon ng email account ay ang mga taong may
edad 13 taong gulang pataas. Kaya naman kung ikaw ay wala pang 13 taong gulang , may mga
email na sadyang ginawa para sa mga batang katulad mo gaya ng Kids Email, Tocomail,
Zoobuh! At iba pa. magtanong sa inyong guro kung anong email ang mainam na gamitin.

Kung hindi naman delikado o mapanganib ang laman ng dokumento at media file at maaring
ipakita sa nakararaming tao, maaring gamitin ang Scribd, YouTube, Screencast, Vimeo at
Slideshare. Ang ilan sa mga ito ay may shaing capability na maaring ipadala ang URL link para
mabasa. May mga control din ito na gawaing pribado ang isang dokumento o media file sa
pamamgitan ng paggamit ng password o URL link na ang makakabasa lamang ay ang mga taong
makakatangap ng email na naglalaman ng imbitasyon.

E. Paglalahat
Ano ang panuntunan sa Pamamahagi ng mga Dokumento at Media File?
Bakit mahalaga ang pagiging tapat at malinis sa pamamahagi ng mga Dokumento at Media File?

F. Paglalapat
Pangkatang Gawain : Leaf Method
Group 1 : Sumulat ng halimbawa ng Dokumento
Group 2: Sumulat ng Halimabawa ng Media File
Group 3: Sumulat g panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento at media files
Group 4: Sumulat ng mga application na pwedeng magpamahagi ng mga dokumento at media
files

IV. Pagtataya
Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.
_____1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga
ICT equipment at gadgets.
_____2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw.
_____3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang internet.
_____4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan.
_____5. Ibigay ang password sa kamag- aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa
klase.

V. Takdang –Aralin

Gumawa ng isang dokumento o media file ay ipadala sa iyong guro gamit ang inyo email
account sa messenger o facebook.

Inihanda ni:

MARIA CHRISTINA G. GERONA


Teacher I

You might also like