You are on page 1of 6

Aralin 9 LIGTAS AT RESPONSABLENG PAMAMARAAN SA PAGSALI SA

DISCUSSION FORUM AT CHAT

I. Nilalaman
May mga ilang punto na dapat tandaan sa pagsali sa isang Chat o Discussion
Forum na may kaakibat na ligtas at responsableng pamamaraaan upang maiwasan
ang pagkakamali ukol sa bagay na ito.
Nagbibigay ng ganitong serbisyo ang iba’t-ibang website tulad ng Yahoo, Google
at Facebook. Ang bentahe ng ganitong klaseng forum ay maaaring sumagot o
magtanong ang sinumang miyembro ng grupo saanman o kailanman.

Layunin:

1. Matutunang makasali sa discussion forum at chat sa ligtas at responsableng


pamamaraan.
2. Naisasagawa ng maayos ang pangkatang gawain dapat sundin sa pagsali sa
discussion forum at chat.

KAYA MO NA BA

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na


kaalaman o kasanayan?
Tsekan ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung
hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan

1. Nakasusunod sa usapan sa isang discussion


forum at chat.
2. Natutukoy ang mga website na nagbibigay ng
serbisyo tulad ng discussion forum at chat.
3. Nakasasali sa mga group chat
4. Nakapagpopost ng sariling mensahe sa
discussion forum at chat .
5. Naisasaalang-alang ang tamang pag-uugali sa
paggamit ng internet o pagsali sa isang discussion
forum
ALAMIN at chat.
NATIN
1. Pamilyar ba kayo sa mga larawan?
2. Paano ninyo maisasagawa ng ligtas at responsableng pagsali sa usapan gamit ang
mga website na ito.

Ang Discussion Forum ay maihahalintulad sa isang discussion board kung saan


maaaring magpost ng iba’t-ibang paksa na nagnanais ng kasagutan o opinion mula sa
iba. Karaniwang mga paksa ay nagreresolba ng mg problema o mga pamamaraan sa
paggawa ng isang bagay ang makikita sa isang discussion forum.

Ang chat ay siang real time na pag-uusap sa pagitan ng dalawa o higit pang mga
tao. Di gaya ng isang discussion forum, ang pagsagot sa chat ay agad-agad. Ito ay sa
kadahilanang ang mga taong kasali sa chat ay online o kasalukuyang nasa harapan ng
computer at konektado sa internet. Karaniwan ding mas mabilis ang palitan ng sagot sa
diskusyon sa isang chat kumpara sa isang discussion forum.

Mga dapat isaalang-alang sa ligtas at responsableng pagsali sa discussion forum


at chat.

Discussion Forum Chat Computer Laboratory


1. Palaging isaisip at isagawa 1. Ugaliin ang 1. Magkaroon ng
ang mga netiquette, o ang netiquette. malinaw na patakaran
mga panuntunan sa para sa paggamit ng
kagandahang –asal sa computer.
paggamit ng internet.
2. Basahin ang mga patakaran 2. Maging malinaw 2. Ipagbawal ang
sa sasalihang discussion sa mga pahayag anumang pagkain o
forum upang lubos na upang inumin sa loob ng
maunawaan ang mga maunawaan computer laboratory.
kailangan gawin. nang lubos ang
kausap.
3. Siguraduhing tama sa paksa 3. sumagot ng 3. Panatilihing malinis
ang discussion forum na ayon sa tinatanong at maayos ang
sasalihan. Iwasan ang ng kausap. Iwasan computer lab.
pagpopost ng mga paksang ang pagsagot nang
malayo sa layunin ng hindi tama o walang
discussion forum. batayan.
4. Sa tuwing magpopost ng 4. Sumagot kaagad 4. Magpaskil ng
paksa, siguraduhing ito ay dahil tiyak na kaaya-ayang larawan
malinaw para sa lahat ng naghinhintay ng na may kinalaman sa
makakabasa. Ugaliin din na mabilis na sagot ang computer.
sundin ang lengwaheng kausap.
nirerekomenda upang lubos pa
itong maintindihan ng lahat.
5. Bago mag-post ng paksa, 5. Magpaalam ng 5. Iaayos ang mga
magsiyasat muna kung may maayos sa kausap computer pagkatapos
kaparehong paksa na ang bago mag-offline. gamitin.
nasagot at napag-usapan
upang maiwasan ang pag-uulit
nito.
6. Kung sasagot naman sa isang
paksa, sigurahing tama at
totoo ang isasagot. Huwag
maglalagay ng sagot na
walang basehan dahil maaari
itong ikapahamak ng
makababasa.

LINANGIN NATIN

(Unang Araw)

Gawain A: Mag skit tayo

1. Bumuo ng apat na pangkat


2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa ligtas at responsableng paggamit ng
computer, pagsali sa discussion forum at chat. Tingnan ang pagkakaayos ng
grupo batay sa palesang tatalakayin sa ibaba.

a. Pangkat 1 at 2 : Responsableng paggamit ng computer laboratory.


b. Pangkat 3 at 4 : Responsableng pagsalis sa discussion forum at chat.

3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa ligtas at


responsableng pagsali sa discussion forum, chat at paggamit ng computer
laboratory.
Ipakita ito sa klase.

Gawain B: Mga patakarang gagawin natin…Dapat nating sundin.


 Gamit ang dating grupo sa Gawain A. gumawa ng tigtatlong patakaran para
sa mga sumusunod:
a. Pangkat 1 at 2 : Patakaran sa paggamit ng computer lab.
b. Pangkat 2: Patakaran sa ligtas at responsableng pagsali sa discussion
forum at chat.

Isulat sa strips ng manila paper o kartolina ang bawat patakarang mabubuo.

Patakaran sa paggamit Patakaran sa pagsali sa


ng computer laboratory discussion forum at chat

(IKALAWANG ARAW)

GAWIN NATIN

Gawain C: Mga gabay sa ligtas at responsableng pagsali sa discussion forum at chat.

1. Makibahagi sa mga talakayan tungkol sa gabay para ligtas at responsableng


pagsali sa discussion forum at chat.
2. Gamit ang inyong sariling facebook account gumawa ng isang discussion
forum o chat. Pumili ng tatlong gabay para sa ligtas at responsabling pagsali
sa mga nabanggit na application. Maaaring gumamit ng mga disenyo gamit
ang computer.
SUBUKAN MO

Isulat sa notebook at T kung tama ang


pahayag at M kung mali.

_________ 1. Siguraduhing tama sa paksa and discussion forum na sasalihan.

_________ 2. Sa pakikipag-chat sumagot kaagad dahil tiyak na naghihintay ng mablilis


na sagot ang kausap.

_________ 3. Hindi na dapat magpaalam sa kausap bago mag-offline.

_________ 4. Magpost ng mga larawan na hindi kaaya-aya sa paningin.

_________ 5. Isaayos ang mga kagamitan sa loob ng computer laboratory.

KAYA MO NA BA?

Taglay mo na ba ang mga sumusunod na kaalaman o kasanayan?


Tsekan ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon
kung hindi pa.

Kaalaman at Kasanayan

1. Nakasusunod sa usapan sa isang


discussion forum at chat.
2. Natutukoy ang mga website na
nagbibigay ng serbisyo tulad ng
discussion forum at chat.
3. Nakasasabi sa mga group chat
4. Nakapagpopost ng sariling mensahe sa
discussion forum at chat .
5. Naisasaalang-alang ang tamang pag-
uugali sa paggamit ng internet o pagsali
sa isang discussion forum at chat.
Paghambingin ang mga resulta na sagot mo sa simula at pagkatapos ng araling ito.

Mga Sanggunian:

K-12 books grade IV EPP

https://www.google.com

You might also like