You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN

EPP – ICT

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Naipamamalas ang kaalaman at kakayahan sa paggamit ng productivity tools sa
g paggawa ng diagram at paglalagom ng datos
Pangnilalaman
B. Pamantayan Nailalagom ang impormasyong numerical gamit ang basic fuction at formula sa
sa Pagganap electronic spreadsheet tool

C. Mga 4.2 Nakagagamit ng mga basic fuction at formula sa electronic spreadsheet upang
Kasanayan malagom ang datos
sa Pagkatuto EPP5IE – 0f – 16
1. Natutukoy ang mga basic function at formula sa electronic spreadsheet upang
malagom ang datos
2. Nakagagawa ng tamang formula sa electronic spreadsheet upang malagom ang
datos
3. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng electronic
spreadsheet sa pang – araw – araw na gawain
II. NILALAMAN Pagsusuri ng Impormasyon Gamit ang ICT

Paksa Paglalagom ng Datos Gamit ang Basic Function at Formula sa Electronic


Spreadsheet
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran, pahina 33 - 36

B. Kagamitan Powerpoint Presentation, video, Laptop/computer


IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa 1. Magpakita ng isang diagram template na maaaring gamitin sa paggawa ng mga
Nakaraang Aralin sumusunod na aralin.
at/o Pagsisimula ng A. Mga Mahahalagang Pangyayari sa Kwentong Binasa
Bagong Aralin B. Mga Dahilan ng Pananakop ng Espanyol sa Pilipinas
C. Mentrual Cycle
D. Food Pyramid
B. Paghahabi sa Sasabayan ng mga bata ang isang dance video na may kauganayn sa aralin.
Layunin ng Aralin
Itanong ang sumusunod:
1. Ano – ano ang mga basic mathematical sign o operation na ipinakita sa dance
video?
2. Alam ba ninyo ang gamit ng bawat isa?
3. Palagi bang tama ang inyong mga computation?
4. Anong paraan ang inyong ginagamit upang mapabilis at masigurong tama ang
inyong ginawang pagkukuwenta?
C. Pag-uugnay ng  Maaari rin nating gamitin ang ating kaalaman sa paggamit ng basic
mga Halimbawa mathematical sign o operation sa paglalagom ng datos gamit ang electronic
sa Bagong Aralin
spreadsheet
 Ano – ano ang gamit ng mga sumusunod na mathematical sign sa isang
electronic spreadsheet?
1. plus sign (+)
2. minus sign (-)
3. Asterisk (*)
4. Slash (/)
5. Equal sign (=)
D. Pagtatalakay ng 1. Pag – aralan ang mga larawan
bagong konsepto at
paglalahad ng
bagong kasanayan
(bilang isa) formula bar

column

row

formula

 Ano ang ipinapakita ng bawat larawan?


 Paano natin ito magagawa?
 Paano makatutulong ang pagkaalam sa basic function at formula sa
electronic spreadsheet?
2. Pagtalakay ng Guro / Pag – aalis ng Sagabal
Ang isang electronic spreadsheet ay may mga basic functions na maaarig gamitin
sa paggawa ng formula upang malagom ang datos.
1. Sum Function – kikukuha nito ang kabuuang bilang ng mga numerical data sa
mga piniling cells
2. Average Fuction – kinukuha nito ang average o karaniwang halaga ng mga
piniling numerical data
3. Max Function – ibinibigay nito ang pinakamalaking bilang mula sa mga
piniling numerical data
4. Min Function – ibinibigay nito ang pinakamaliit na bilang mula sa mga piniling
numerical data
5. Count Function – ibinibigay nito ang bilang ng mga tinalang numerical data sa
mga piniling cells
E. Pagtatalakay ng 1. Pagpapakitang - turo ng guro sa paggamit ng basic function at formula sa
bagong konsepto electronic spreadsheet.
at paglalahad ng
bagong kasanayan Si James ay nasa ikalimang baitang. May baon siyang 50 pesos bawat araw. Sa
(bilang dalawa) kanyang unang buwan ng pagpasok sa paaralan ay inilista niya ang kanyang
nagagastos araw-araw. Nais kasi niyang makaipon upang makatulong sa kanyang
magulang sa bayarin sa paaralan. Tulungan natin si James na tuusin ang kanyang
nagastos at ang kanyang naipon.
 Magkano ang nagastos ni James sa loob ng isang buwan?
Ano ang ginamit na spreadsheet basic function upang makuha ang sagot?
 Ilan ang kabuuang naipon ni James?
Paano natin nalaman ang sagot?

2. Paggawa ng mga piling bata sa paggamit ng basic function at formula sa


electronic spreadsheet.
A. Paggamit ng sum function
Alamin ang kabuuang bilang ng mga mag – aaral sa Ikalimang Baitang
gamit ang autosum.
B. Paggamit ng average function
Alamin ang average grade ng isang mag – aaral sa Ikalimang Baitang

C. Paggawa ng formula sa electronic spreadsheet


Gumawa ng formula sa spreadsheet gamit ang ibinigay na mathematical
equation. Gamitin ang value ng n, x at y na makikita sa loob ng kahon.

F. Paglinang sa 1. Pag – iisa – isa sa mga Pangkalusugan at Pangkaligtasang Gawi sa Paggamit ng


Kabihasan Computer
(Tungo sa 2. Pagpapakita ng Rubric sa Pangkatang Gawain
Formative
Rubric sa Pangkatang Gawain
Assessment)
PINAKA MAHUSAY KATAM - PAGBUTIHI HIGIT NA
MAHUSAY TAMAN N PA MAG-
PUNYAGI
5 sa batayang 4 sa batayang 3 sa batayang 2 sa batayang 1 sa batayang
hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay hinihingi ay
nasunod at nasunod at nasunod at nasunod at nasunod
nakagawa nakagawa nakagawa nakagawa
nang nang nang nang
maayos, maayos, maayos, tama sa
malinis malinis at tama sa oras
at tama sa at tama sa oras
oras oras

5 Batayan sa Paggawa
1. nasagot at nagawa nang wasto ang gawain
2. nakasunod sa panuto
3. nakipagtulungan ang lahat ng kasapi
4. nagpamalas ng disiplina habang gumagawa nakapag – ulat nang tama sa
klase

2. Pangkatang – Gawain
Pangkat 1
I - type ang mga tekstuwal at numerical data na makikita table sa ibaba. I- format
ang table upang mas maging kaaya – ayang tingnan at basahin.

A B C
1 Ulat ng Kinita ng Food Cart ni Manang
2 Benta (Sales) P 1700.00
3 Gastusin (Expenses) P 1050.00
4 Saging na Saba 360.00
5 Asukal 190.00
6 Sago at gulaman 40.00
7 Mantika 150.00
8 Gatas 50.00
9 Stick 60.00
10 Baso 50.00
11 Iba pang gastusin 150.00
12 Netong Kita (Net Income) P 650.00

Pangkat 2
Itala ang mga basic functions na maaarig gamitin sa paggawa ng formula upang
malagom ang datos. Gamitin ang SmartArt feature sa excel sa paggawa nito.
1. Sum Function
2. Average Fuction
3. Max Function
4. Min Function
5. Count Function

Pangkat 3
Pag – aralan ang tsart at tuusin ang kinita ng kantina sa ikalimang baiting sa loob
ng isang linggo.

Ibigay ang mga sumusunod na datos:


a. Kita ng kantina sa bawat araw (daily sales)
b. Kabuuang kinita ng bawat section sa loob ng isang linggo
c. Total Daily Sales ng ikalimang baitang sa buong linggo
d. Average Daily Sales ng bawat section
e. Average Sales ng ikalimang baiting sa buong linggo

A B C D E F G
1 Ulat ng Kinita sa Kantina sa Ikalimang Baitang
Pangkat 4
2 Grade Five Sections Total
Basahin at pag –
Araw Daily
3 1 2 3 4 5 aralan ang tula
Sales
tungkol sa
4 Lunes ₱529 ₱497 ₱329 ₱323 ₱244
kahalagahan ng
5 Martes ₱505 ₱427 ₱459 ₱355 ₱235 paggamit ng
6 Miyerkules ₱607 ₱433 ₱483 ₱366 ₱361 spreadsheet. Punan
7 Huwebes ₱524 ₱466 ₱412 ₱343 ₱326 ang patlang upang
8 Biyernes ₱550 ₱433 ₱333 ₱305 ₱377 mabuo ang mga
Kabuuang panungusap. Tumula
9
Kita sa klase na may
Average kasamang aksiyonna
10
Sales naakma sa tula.

Electronic Spreadsheet ay Mahalaga

Ang spreadsheet ay nagagamit,


sa paggawa ng mga talangguhit;
Sa mga impormasyong nais suriin,
spreadsheet ay makatutulong rin.

Kung nais magtuos ng iyong kinita,


ang spreadsheet ang magkukuwenta;
Maging ang ipon mo sa eskwela,
maaring gawan dito ng formula.

Gamit din ito sa bookkeeping ng mga kalakal,


kaya naman sa mga entrepreneurs ay hindi sagabal;
Saanman ay maaari nang malaman,
ulat sa benta, kita at puhunan.
G. Paglalapat ng Itanong ang sumusunod:
aralin sa pang-
araw-araw na 1. Saan maaaring gamitin ang spreadsheet? Magbigay ng mga negosyo sa
buhay pamayanan na nangangailangan nito sa kanilang pag – iimbentaryo.
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng basic function ng
electronic spreadsheet? Maari bang makatulong ang spreadsheet sa paggawa ng
budget ng isang pamilya? Paano?
4. Paano mo magagamit ang spreadsheet sa inyong negosyo? Bilang isang mag –
aaral, makatutulong ba ang spreadsheet sa iyo? Magbigay ng halimbawa.
H. Paglalahat ng Punan ang patlang ng salita o mga salita upang mabuo ang talata tungkol sa aralin.
Aralin
Ang isang electronic spreadsheet ay may mga basic functions na maaarig gamitin
sa paggawa ng formula upang malagom ang datos. Nakatutulong ito sa mga
entrepreneurs sa paggawa ng ulat tungkol sa kalagayan ng benta, puhunan, kita o
lugi.
IV. PAGTATAYA Isulat ag salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap at MALI kung
hindi.

1. Microsoft Excel ang karaniwang ginagamit na electronic spreadsheet.


2. Nakapagpapabagal nang paglalagom ng datos ang paggamit ng spreadsheet.
3. Maaring gumawa ng formula upang malagom ang mga datos sa spreadsheet.
4. Ginagamit ang (-) minus sign kung nais malaman ang kabuuan ng mga datos.
5. Mag – type ng (=) equals sign sa unahan ng formula na ilalagay sa cell.
V. KARAGDAGANG Gamitin ang spreadsheet tool sa paggawa ng isang linggong badyet ng perang
GAWAIN PARA SA pabaon sa iyo. Gamitin ang formula at basic function upang malagom ang
TAKDANG ARALIN kabuuang halaga ng gastusin sa eskwela at kung magkano pa ang natira bilang
AT REMEDIATION baon mo.

VI. MGA TALA


VII. PAGNINILAY

a. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya.
b. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
karagdagang gawain
/ pagsasanay
c. Bilang ng mga
magaaral na
magpapatuloy sa
remediation.
d. Mga istratehyang
pagtuturo na
nakatulong ng lubos.
Paano?

Prepared by:

RUSSET U. PALABAY
EPP Teacher

You might also like