You are on page 1of 4

Lesson Plan in EPP V

COT-SB Demonstration Teaching


Explicit Instruction

January 15, 2019

I. Nilalaman (C) Ligtas at responsableng gamit ng ICT.

II. Pamantayang Pangnilalaman (CS). Naipamamalas ang kaalaman at kasanayan


ng ligtas at responsable sa:
1. Pamamahagi ng dokumento at media file.
2. Pagsali sa discussion at group chat

III. Pamantayan sa pagganap (PS)


1. Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at
responsableng pamamaraan.
2. Nakasasali sa discussion group at chat sa ligtas at responsableng
pamamaraan.

IV. Pamantayan sa Pagkatuto - (LC)


1. Naipapaliwanag ang mga panuntunan sa pamamahagi ng mga dokumento
at media file.
2. Nakapamamahagi ng mga dokumento at media file sa ligtas at
responsableng pamamaraan.

V. Paksa:
A. Panuntunan sa Pagsali sa Discussion Forum at Chat
B. Sanggunian
Aklat: Masiglang Pamumuhay para sa Kinabukasan 5 Kabanata 2 pp. 23-
29.
C. Kagamitan
Power Point, Laptop, projector, Internet Signal
D . Curriculum Linkages:
Health - English
E. Values Integration
Kahalagahan ng Paggamit ng Teknolohiya
Maging maingat sa paggamit ng Teknolohiya
VI. Pamamaraan

A. Panimulang pagsasanay

1. Paunang Pag-susulit (Pretest)

Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang bawat
sagot.

__________1. Information and communication Technology


__________2. Ito ay isang paraan ng pakikipagusap na gumagamit ng internet.
__________3. Ito ay programang nakakatulong maghanap ng webpage.
__________4. Ito ay numero sa spreadsheet.
__________5. Ito ay mga teksto sa spreadsheet.

2. Balik Aral
Ano ang tawag sa mga produktong madaling maubos o karaniwang
ginagamit? O produktong pangmatagalan?

3. Pagpapahayag ng Layunin
Ngayong araw na ito ay pagaaralan natin ang tungkol sa paggamit ng
teknolohiya.

4. Pagganyak

Sino sa inyo ang pamilyar sa paggamit ng cellphone" laptop at iba pang mga
gadget lalo na ang mga social media? Sa kasalukuyan ang information and
communication technology o ICT ang pinakamahalaga at kapakipakinabang sa lahat
ng bagong technolohiya. Kaya importanteng malaman din ninyo ang kahalagahan
nito at ang limitasyon sa paggamit ng teknolohiya lalo na ang magiging epekto sa
iyong pag-aaral. Gamitin lamang ito sa tamang pamamaraan.

VII. Pamamaraan

1.Paglalahad
Ito ang laptop, o desktop o touchscreen cp - sakasalukuyan ang
pakikipagkausap kahit nasa malayong lugar ay nagiging napakadali sa pamamagitan
ng serbisyo ng mga messenger tulad ng Facebook Messenger, Google Hangout,
Yahoo Messenger at iba pa. Sa pamamagitan ng chat, nagkakaroon ng madaling
pakikipagkomonikasyon ang mga kaibigan, kapamilya mga kasama sa trabaho at iba
pa sa malayong lugar gamit ang kompyuter.

2.
Pagsusuri
Ang chat ay isang paraan ng pakikipag-usap na gumagamit ng Internet kapag
nagtype ka ng mensahe, Ito ay nakikita ng lahat ng iyong kausap sa chat room. Upang
magamit ang chat, kailangang may access ang kompyuter sa internet at kailangang
may isa sa mga programang nabanggit. Sa araling ito gagamitin natin ang yahoo
messenger.
Paano mag install ng yahoo messenger?
Ipaliwanag ang aktuwal sa mga mag-aaral.

Ano ang chat room?


Ang chat room sa Internet ay isang paraan upang makapag-usap
makipagsagutan ang maraming tao at magpalitan ng mga mensahe sa
pamamagitan ng mga teksto.
Ano ba ang mga dapat tandaan sa pagsali sa chat?
Ano nga ba ang panuntunan sa pagsali sa discussion forum at chat?

VIII.Pinatnubayang Pagsasanay:
Tatawag ang guro ng 2 bata at magiinstal sila ng yahoo messenger. At mag-
oopen ng yahoo messenger. Susundin ang mga nakasaad na hakbang sa paginstall
ng yahoo messenger.

IX. Paglalahat:
Ano ang kahulugan ng ICT para sa iyo?
Ang ICT ang pinakamahalaga at kapakipakinabang sa lahat ng bagong
teknolohiya. Discussion Forum? at chat.
X. Pangisahang pagsasanay
Mag oopen ang mga mag-aaral ng kanya-kanyang Yahoo Messenger gamit
ang sarili nilang cellphone. Gabayan ang mga magaaral. Kailangang may access ang
mga gagamiting gadget sa enternet.

XI. Paglalapat
Magsaliksik sa internet ng mga kadalasang ginagamit sa acronym sa pakikipag
chat, ano ang ibig sabihin nito, isulat sa mga kahon ang iyong sagot.

XII. Pagtataya.

Tukuyin kung Tama o Mali ang sumusunod na mga pahayag. Isulat ang mga sagot sa
patlang.

_____ 1. Ang yahoo messenger ay isang serbisyong pinakikita ang lahat ng mensahe.
_____ 2 . Ang chat ay isang paraan ng pakikipag-usap sa mga gumagait ng Internet.
_____ 3. Ang chat Room sa Internet ay isang paraang nakapag-usap ang maraming
tao at nagpapalitan ng mga mensahe sa pamamagitan ng teksto.
_____ 4. Ang mga mensahe sa chat ay kailangang sagutin agad.
_____ 5. Huwag magbibigay ng mga pribadong impormasyon online.

Noted:

DELIA E. DECENA
Principal I
Inihanda ni:

SOLIDAD A. NATIVIDAD
T-III
Ajos Elementary School
Catanauan, Quezon

You might also like