You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education-Region 02
Schools Division of the City of Ilagan
Ilagan West District-Cluster 4
SALINDINGAN ELEMENTARY SCHOOL
Salindingan, City of Ilagan
MASUSING BANGHAY ARALIN SA EPP V
I. Layunin:
a. Nakikilala ang mga kasangkapan sa paggawa;
b. Naibibigay ang wastong gamit ng mga kasangkapan sa paggawa; at
c. Nabibigyang halaga ang ibat-ibang kagamitan sa pamamagitan ng paggamit
nito sa wastong paraan.
II. Paksang-Aralin:
A. Paksa: Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing kahoy,metal at iba pa.
B. Sangguian: MELC, EPP 5(EPP5IA-Oa-2. 2.1.1)
C. Kagamitan: Laptop, LED Television, Real Objects

III. Pamamaraan:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

Bago natin umpisahan ang ating


klase tawagin muna natin si
Jayverlyn A. Vicente para sa isang panalangin.

Magandang umaga mga bata! Magandang umaga, Ma’am!

Bago tayo magsimula,basahin muna natin


ang dapat at di dapat gawin habang kasalukuyan
ang klase!
1. Magbigay respeto sa guro at sa
kaklase.
2. Itaas ang kanang kamay kung nais magsalita.
3. Manatiling tahimik kapag kasalukuyang nagtuturo

1|Page
ang guro.
B. Pagtsek ng atendans

Sino ang wala sa upuan at lumiban sa Wala po, Ma’am!


klase sa araw na ito?

C. Pagganyak
Pagmasdan ng maigi ang larawan.
Ano kaya ito?

Isang malaking bahay,


Ma’am!
Magaling ito ay isang napakalaki
at napakagandang bahay.
Kailangan ba natin ng bahay?
Yes, ma’am!
Siyempre naman! Bakit kaya natin
kailangan ng bahay? Upang tayo ay may
masilungan at may
matulugan.
Tama! Mayroon akong maikling
Video clips dito. Tayo ay manahimik
at panoorin ito. Makinig tayong mabuti
at pagkatapos nito ay mayroon akong
ilang katanungan mula sa inyong
napanood.
D. Paglalahad
Ayon sa video na inyong napanood,
sa papaanong paraan nakagawa
ng bahay ang mga tao?
Yes Sean!
Gumamit sila ng mga

2|Page
Iba’t-ibang uri ng kaga-
mitan Ma’am.
Tama!Magaling! Ang tawag
natin doon ay mga kagamitan at kasang-
kapan sa gawaing kahoy,metal at iba pa.

Eto ang magiging paksa natin


ngayong araw.
E. Pagtatalakay
Ngayon naman tayo ay maglaro.
Mayroon akong larawan dito ng malaking
bahay, ang bawat parte ng bahay ay may
mga nagulong salita. Bubuin ninyo ito at
inyong isulat sa pisara ang nabuong salita.
Handa na ba kayo mga bata? Yes, Ma’am.
Ano-ano ang mga salitang inyong
nabuo? Basahin nga ninyo.
Metro
Iskwala
Martilyo
Electric Drill
Rip saw
Hack Saw
Plais
Vise Grip
Screw Driver
Katam

Ang mga salitang inyong nabuo ay


Kasangkapang kailangan sa paggawa ng mga
bagay na yari sa kahoy,metal,goma,at mga kagamitang
katutubo,kailangan ang angkop na kasangkapan
sa bawat uri ng mga gawain. Magiging maginhawa
at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung wasto
at maayos ang paggamit ng mga kasangkapan
at kagamitan.
3|Page
Ok mga bata sa mga salitang inyong nabuo inyo
naming alamin ang kanilang mga kahulugan sa
pamamagitan ng pagdikit sa mga ito sa mga kagamitang
nakasabit dito sa harapan.
Halimbawa:

Martilyo

Gamit pambunot ng pako at ang kabila


naman ay pamukpok.

Naintindihan ba mga bata? Yes Ma’am!Ako po


Ma’am gusto kong
pumunta sa harap at
at sumagot.
Sige Remalyn!

Metro

Tama!Mayroon ba kayong Ginagamit panukat sa paggawa ng


mga gawain pang-industriya.
Metro sa bahay ninyo? Yes ma’am!

Iskwala

Isang kasangkapang hugis L ng mga


90◦ upang makatiyak na iskwalado
ang ginagawang proyekto.

4|Page
Tinatawag din itong iskwalang pansubok
o iskwalang pangsubok (Ingles: try square).
Electric Drill

Ginagamit na pambutas. Maaari ito


sa kahoy at metal.

Rip saw

Ginagamit na pamutol nang paayon


sa hilatsa ng kahoy.

Sa tagalog ang tawag natin dito ay


lagari. Naranasan na ba ninyong
gumamit ng lagari? Hindi pa Ma’am
dahil delikado po to kapag hindi ka
marunong.
Tama!Kailangan ng gabay ng
nakakatanda.

Hack Saw

Lagari para sa bakal.

Plais
5|Page
Ginagamit na pamutol ng
alambre o kawad at pang-ipit.

Screw Driver

Ito ay kadalasang ginagamit sa


pangpihit ng tornilyo.

Mahusay mga bata! Meron pa tayong


panghuli.
Katam

Ginagamit ito upang


mapakinis ang kahoy.

Maraming salamat mga bata!Lahat


kayo ay mahusay. Sino kaya sa tingin ninyo ang
mga karaniwang gumamit ng mga kagamitang
ito? Mga karpintero, Ma’am!
Maaari ba kayong magbigay ng mga

6|Page
bagay sa bahay ninyo na yari sa kahoy at metal? Ma’am?
Yes! Xyrile? Upuan,kama,lamesa at
Pintuan Ma’am.
Mahusay!

F. Pagsasanay
Upang lalo nating maunawaan ang ating
paksa sa araw na ito. Mayroon akong inihandang
gawain para sa inyo.
Inyo lamang basahin ang mga salita
at ikonekta ninyo ito sa tamang larawan.
Nagkakaintindihan ba tayo mga bata?

Yes Ma’am!

Pagsasanay 1
Gumamit ng tuwid na linya upang mapagtugma ang mga salita sa Hanay A sa kanilang tamang larawan
sa Hanay B.
Hanay A Hanay B
1. Metro

2. Iskwala

3. Martilyo

4. Electric Drill

5. Rip saw

6. Hack Saw
7|Page
7. Plais

8. Katam

9. Screw Driver

Pagsasanay 2 (Group Activity)


Ang bawat grupo ay may nakatalagang gawain. Kailangan lamang ang
partisipasyon at disiplina ng bawat miyembro upang maisagawa ang nasabing gagawin.
Group 1-Buin ang picture puzzle sa loob ng envelop. Tukuyin kung anong uri ng
kagamitan ito at ibigay ang kahulugan.
Group 2- Gumawa ng bangkito gamit ang mga kagamitan na nasa kahon.

Group 3- Sa loob ng envelop, may mga ilang larawan ng mga kagamitang


pang metal at pang-kahoy, tukuyin kung anong uri ng kagamitan ito,
isulat ang kahulugan at ilahad ito sa klase.

Group 4- Bumuo ng tula tungkol sa mga kagamitang pang metal at kahoy.

Pagsasanay 3
Panuto: Kilalanin kung saang kagamitan nabibilang ang bawat kasangkapan sa ibaba. Piliin ang iyong sagot
sa loob ng kahon.

Pamukpok pamputol pambutas


Panukat pang-ipit

1. ____________ 2. ____________

8|Page
3. ____________ 4. ___________

5. ____________

G. Valuing
Bilang isang mag-aaral,papaano mo
bibigyang halaga ang mga kagamitan
sa inyong tahanan?
Ceivier? Ingatan kung ito ay gagamitin.
Tama! Ano pa Clay Mark? Ugaliing malinis at maayos ang
ito Ma’am.
Magaling!

III. Paglalahat:
Mga bata,lubos na ba ninyong naintindihan
ang ating napag aralan ngayong umaga?
Yes ma’am!
Kung ganon, magbigay nga kayo ng mga
halimbawa ng mga Kagamitan at Kasangkapan
sa Gawaing kahoy at metal at ang kanilang
gamit?Isagawa din sa harap ng iyong kaklase
kung paano ito gamitin.

Yes Cyan?
Martilyo gamit pambunot ng
pako at ang kabila naman ay
pamukpok.
Tumpak!

IV. Pagtataya:

9|Page
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig nito. Piliin ang
iyong sagot sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

zigzag rule rip saw eskwala


martilyo coping saw katam
__________ 1. Mainam na kagamitan para malaman kung eskwalado ang bahagi ng isang kahoy.
__________ 2. Ang kagamitan na ito ay ginagamit bilang pampakinis sa ibabaw ng tabla o kahoy.
__________ 3. Isang uri ng lagari na ginagamit na pamputol ng kahoy ayon sa hilatsa nito.
__________ 4. Gagamitin ang lagaring ito kung gugustuhin mong pakurba ang hugis nang kahoy na iyong
puputulin.
__________ 5. Kung gusto mong sukatin ang taas, lapad, at kapal ng materyales, gamitin ang panukat na ito.
Panuto: Tukuyin kung ano ang hinihingi sa bawat bilang. Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon.

Martilyo zigzag rule plais


lagari paet

1. Si Anton ay isang mag-aaral sa ikalimang baitang. Sa kanilang klase mayroon silang pangkatang proyekto
sa paggawa ng lampshade. Naatasan siyang magdala ng pamputol sa wire. Alin kaya sa itaas ang kaniyang
dadalhin?
SAGOT:________________________________

2. Natapos na ni Mang Jose ang kaniyang nagawang kabinet. Gusto pa niya itong pagandahin sa
pamamagitan ng paglilok ng disenyo. Tulungan mo si Mang Jose sa pagpili ng kanyang kasangkapang
gagamitin. Ano-anong mga gamit ang iyong pipiliin?
SAGOT:________________________________

3. Isa si Eric sa pinakatanyag na tagagawa ng mesang kainan. Gusto niyang makuha nang wasto ang lapad at
taas nito. Sa palagay mo, anong kagamitan kaya ang dapat niyang gamitin?
SAGOT:________________________________

4. Gumawa ng silya si Andoy at natapos na ito, pero napansin niyang masyadong mataas ang paa nito. Kaya
kinuha niya ang _________ para putulin ang sobrang bahagi nito.
SAGOT:________________________________

5. Mainam na gagamitin ang __________ bilang pamukpok at pambaon sa pako at paet.


SAGOT:________________________________

V. Takdang Aralin
10 | P a g e
Alamin ang iba’t ibang gamit sa inyong tahanan na may kinalaman sa paggawa ng mga produktong
kahoy, kawayan o metal. Isa-isahin kung saan o paano ito ginagamit.

Prepared by:
ROGIE-LYN C. CABACUNGAN
Teacher III

Checked and Observed by:

ROWENA B. RESPOSO
Master Teacher I

EDGAR P. NOLASCO
Head Teacher III

11 | P a g e

You might also like