You are on page 1of 12

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA EPP 5

(INDUSTRIAL ARTS)

I. Layunin
 Matalakay ang iba’t-ibang kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy,
metal, at kawayan.
 Natutukoy ang iba’t-ibang kagamitan sa gawaing kahoy, metal, at
kawayan.

II. Paksang Aralin


 Mga kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, at kawayan.

III. Kagamitang Panturo


A. Sanggunian
 EASE TLE 1 Industrial Arts. Module No. 7.
B. Iba pang Kagamitang Panturo
 Mga larawan
 https://www.scribd.com/presentation/434984192/EPP-Mga-kagamitan-sa-
gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx

IV. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Panimulang Gawain

- Magandang umaga
mga bata, Ako nga
pala si Bb. Bernalyn
ang inyong guro sa
asignaturang
Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan.

- Bago tayo
magsimula ay
inaanyayahan ko ang
lahat ba tumayo at
magdasal.
- Magandang
- Magandang umaga umaga po
ulit mga bata, ma'am.
kumusta kayong
lahat? - Mabuti po
ma'am.
- Wala bang lumiban
sa klase ngayong - Wala po
araw? ma'am.

- Okay, mabuti kung


ganon.

- Bago tayo
magsimula sa ating - (Nagsipagtaas
aralin ngayong araw ng kamay ang
ay tatanungin ko mga bata at
muna kayo kung sino sumagot.)
na dito ang nakakita
o nakahawak na ng
mga kagamitan sa
pagkukumpuni?
- (Nagsipagtaas
- Okay mabuti, ano- ng kamay ang
anong kagamitan ng mga bata at
pagkukumpuni ang sumagot.)
alam o kilala ninyo?

- Okay very good.


B. Pagganyak

- Meron ako ditong


mga larawan ang
kailangan nyo lang
gawin ay i-discribe
ang larawan.

- Sa unang larawan
ano ang nakikita
nyo?

- Tama ito ay upuan.


Ano pa?

- Okay magaling, ang


unang larawan ay
upuan at ito ay gawa
sa kahoy.

- Ang pangalawang
larawan naman?

- Tama, ito ay isang


lata. Ano pa?

- Okay very good, ang


pangalawang
larawan ay lata at ito
ay gawa sa metal

- Ang panghuling
larawan naman?

- Ver good ito ay


papag at ito ay gawa
sa kawayan.

- Alam nyo ba mga


bata na sa paggawa
ng mga bagay na
iyan ay may iba’t-
ibang kagamitan at
kasangkapan na
ginagamit at
espisipiko lamang
para sa kahoy, o
kaya metal, o
kawayan. At yan ang
tatalakayin natin
ngayong araw.
C. Pagtatanghal

- Ngayon ay
tatalakayin natin ang
mga kagamitan at
kasangkapan sa
gawaing kahoy,
metal, at kawayan.

- At tulad nga ng
sinabi ko may iba’t-
ibang kagamitan at
kasangkapan sa
pagkukumpuni.

- At sisimulan nating
talakayin ang mga;

Kagamitan at Kasangkapan sa
Gawaing Kahoy

Lapis
- Ito ay karaniwang
ginagamit na pang
marka ng mga
karpentero.

Ruler
- Ito ay ginagamit sa
pagsukat ng mga
gagawing maliliit na
proyekto na may 12
pulgada o 30
sentimetro ang laki.

Iskwala
- Ito ay isang hugis L
na may 90 degrees
upang makatiyak na
iskwalado ang
ginagawang
proyekto.

Katam
- Ito ay ginagamit
upang ang kahoy ay
mapakinis.

Lagari
- Ito ay ginagamit na
pamutol at pangtistis
ng kahoy.

Pait
- Ito ay ginagamit na
pangbutad ng kahoy
o parisukat.

Martilyo
- Ito ay ginagamit na
pangbaon at
pangbunot ng pako
sa kahoy.
Barena
- Ito ay pambutas sa
kahoy na pabilog na
may iba’t-ibang
diyametro.

Granil
- Ito ay ginagamit sa
pagmamarka sa
kahoy na paayon sa
gilid nito.

- Ngayon ay tapos na
nating talakayin ang
mga kagamitan at
kasangkapan sa
gawaing kahoy.

- Ang susunod naman


nating tatalakayin ay
ang mga;

Kagamitan at Kasangkapan sa
Gawain Metal

Gunting Panyero
- Ito ay ginagamit sa
paghahati ng mga
maninipis na piyesa
ng metal.
Lagaring Pambakal
- Ito ay pamutol ng
mga kabilya at mga
bara ng bakal.

Kikil
- Ito ay pangkinis
samga gilid ng mga
proyektong yari sa
bakal.

Martilyo de Bola
- Ito ay ginagamit sa
pagkakabit ng
rematse,
pagpapakulob at
pagpapaumbok sa
mga proyektong yari
sa bakal.

Brad awl
- Ito ay pang marka sa
mga proyektong yari
sa metal.
Dibayder
- Ito ay hawig sa
compass na
ginagamit sa paghati-
hati ng maraming
magkakasukat na
sukat ng isang
mahabang distansya.

- Ang huling
tatalakayin natin
ngayon ay ang mga;

Kagamitan at Kasangkapan sa
Gawaing Kawayan

Metro
- Ito ay ginagamit na
panukat ng kapal,
lapad, haba, at taas
ng bagay.

Lagari
- Ito ay ginagamit na
pamputol ng
naaayon sa hilatsa
ng kawayan.
Gulok
- Ito ay ginagamit na
pamutol ng kawayan.

Papel de Liha
- Ito ay ginagamit na
pampakinis sa
magaspang na
ibabaw ng
materyales.

- Ngayon ay tapos na
nating talakayin ang
mga kagamitan at
kasangkapan sa
gawaing kahoy,
metal at kawayan.

- Naintindihan nyo ba
ang ating aralin?

- Okay magaling,
ngayon ay kumuha
kayo ng papel ay
sagutan ang maikling
pagtataya.
D. Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang


mga pangungusap at isulat ang
tamang sagot ng mga salitang
sinalungguhitan.

1. Ang lapis ay
ginagamit sa
pagmamarka
sa kahoy na
paayon sa
gilid nito.
2. Ang papel
de liha ay
pangkinis sa
mga gilid ng
mga
proyektong
yari sa
bakal.
3. Ang gulok ay
ginagamit na
pamutol at
pangtistis ng
kahoy.
4. Ang
dibayder ay
hawig sa
protractor.
5. Ang iskwala
ay ginagamit
na panukat
ng kapal,
lapad, haba,
at taas ng
bagay.
E. Paglalahat

- Ngayon ay
magkaroon muna - Tungkol sa
tayo ng balik-aral mga
tungkol sa ating kagamitan at
aralin ngayong araw. kasangkapan
Tungkol saan ang sa gawaing
ating tinalakay? kahoy, metal,
at kawayan.
- Magaling, magbigay
ng mga halimbawa - (Nagtaas ng
ng mga kagamitan at kamay ang
kasangkapan sa mga bata at
gawaing kahoy, sumagot.)
metal, at kawayan.

- Okay, magaling mga


bata.
F. Pagsusuri

Panuto: Tukuyin kung anong mga


kagamitan at kasangkapan ang
ipinapakita ng larawan at isulat
kung ano ang gamit nito.
1.

2.

3.

4.

5.

G. Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik pa ng ibang


kagamitan at kasangkapan sa
pagkukumpuni na makikita sa
inyong bahay o paligid at isulat
kung ano ang gamit nito.

Inihanda ni:
SENO, BERNALYN O.
BEED 2- A

You might also like