You are on page 1of 30

INDUSTRIAL ARTS

Kagamitan at Kasangkapan sa
Gawaing Kahoy
Lapis

-Ito ay karaniwang ginagamit na


pang marka ng mga karpentero.
Ruler
-Ito ay ginagamit sa pagsukat
ng mga gagawing maliliit na
proyekto na may 12 pulgada o
30 sentimetro ang laki.
Iskwala
-Ito ay isang hugis L na may 90
degrees upang makatiyak na
iskwalado ang ginagawang
proyekto.
Katam
- Ito ay ginagamit upang ang
kahoy ay mapakinis.
Lagari
-Ito ay ginagamit na pamutol
at pangtistis ng kahoy.
Pait
-Ito ay ginagamit na pangbutas
ng kahoy o parisukat.
Martilyo
-Ito ay ginagamit na pangbaon
at pangbunot ng pako sa
kahoy.
Barena
- Ito ay pambutas sa kahoy na
pabilog na may iba’t-ibang
diyametro.
Granil
-Ito ay ginagamit sa
pagmamarka sa kahoy na
paayon sa gilid nito.
Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing
Metal
Gunting Panyero
-Ito ay ginagamit sa paghahati ng
mga maninipis na piyesa ng
metal.
Lagaring Pambakal
-Ito ay pamutol ng mga kabilya
at mga bara ng bakal.
Kikil
- Ito ay pangkinis sa mga gilid ng
mga proyektong yari sa bakal.
Martilyo de Bola
-Ito ay ginagamit sa pagkakabit ng
rematse, pagpapakulob at
pagpapaumbok sa mga proyektong
yari sa bakal.
Brad awl
- Ito ay pang marka sa mga
proyektong yari sa metal.
Dibayder
-Ito ay hawig sa compass na
ginagamit sa paghati-hati ng
maraming magkakasukat na sukat
ng isang mahabang distansya.
Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing
Kawayan
Metro
-Ito ay ginagamit na panukat
ng kapal, lapad, haba, at taas
ng bagay.
Lagari
- Ito ay ginagamit na pamputol ng
naaayon sa hilatsa ng kawayan.
Gulok
-Ito ay ginagamit na pamutol
ng kawayan.
Papel de Liha
- Ito ay ginagamit na pampakinis
sa magaspang na ibabaw ng
materyales.
Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap at isulat ang
tamang sagot ng mga salitang sinalungguhitan.

1.Ang lapis ay ginagamit sa pagmamarka sa kahoy na paayon sa gilid nito.

2.Ang papel de liha ay pangkinis sa mga gilid ng mga proyektong yari sa bakal.

3.Ang gulok ay ginagamit na pamutol at pangtistis ng kahoy.

4. Ang dibayder ay hawig sa protractor.

5. Ang iskwala ay ginagamit na panukat ng kapal, lapad, haba, at taas ng bagay.


Pagsusuri
Panuto: Tukuyin kung anong mga kagamitan at kasangkapan ang
ipinapakita ng larawan at isulat kung ano ang gamit nito.
1. 3.

4.
2.

5.
Takdang Aralin

Panuto: Magsaliksik pa ng ibang


kagamitan at kasangkapan sa
pagkukumpuni na makikita sa inyong
bahay o paligid at isulat kung ano ang
gamit nito.
Maraming Salamat ! ! !

You might also like