You are on page 1of 24

Mga Kasangkapan sa Gawaing Metal 1.

Gunting Pangyero ginagamit sa paghahati

ng mga maninipis na piyesa ng metal. 2. Lagareng Pambakal pamutol ng mga kabilya at mga bara ng bakal.

3. Kikil pangkinis sa mga gilid ng mga proyektong yari sa metal. 4. Martilyo de Bola martilyong ginagamit sa pagkakabit ng mga rematse, pagpapakulob at

pagpapaumbok sa mga proyektong yari sa metal. 5. Sinsil gingamit sa paghahati ng mga piyesa ng metal na makakapal.

6. Brad Awl pangmarka sa mga proyektong yari sa metal. 7. Dibayder - kasangkapang hawig sa compass na ginagamit sa paghahatihati ng maraming

magkakasukat na sukat ng isang mahabang distansya.

Mga Kasangkapan sa Gawaing Pang-elektrikal 1. Plais ito ay ginagamit sa pagpuputol ng kawad ng kuryente at pangpilipit ng mga dugtungan ng

kawad. Ang plais ay dapat na nababalutan ang hawakan ng goma o anumang materyal na hindi tinatagusan ng kuryente upang maiwasan ang aksidente o sakuna.

2. Lanseta pangbalat ng kawad ng kuryente. 3. Disturnilyador ginagamit upang mapaikot ang mga turnilyong nakakabit sa mga materyales na

gagamitin sa pagkukumpuni ng mga ilaw. 4. Tester ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsubok kung ang isang bagay ay may

dumadaloy na kuryente o wala. Ito ay isang kasangkapang pangkaligtasan upang makaiwas sa anumang aksidenteng may kaugnayan sa kuryente.

You might also like