You are on page 1of 4

DETAILED LESSON PLAN IN EPP 5 (INDUSTRIAL ARTS)

Oras: 50 MINUTO
DLP Blg.: 4 Asignatura: EPP Baitang: 5 Markahan: 3rd
(3 days)
2.1 nakagagawa ng mga malikhaing proyekto na gawa sa kahoy,
metal, kawayan at iba pang materyales na makikita sa
kumunidad
Mga Kasanayan:
2.1.1 natutukoy ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan Code: EPP5IA-0b- 2
sa gawaing kahoy, metal, kawayan, at iba pa
2.1.2 natatalakay ang mga uri ng kagamitan at
kasangkapan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa
Susi ng Pag-unawa na • Ang kaalaman sa paggamit ng mga kasangkapan ay nakatutulong upang
Lilinangin: mapadali ang mga gawain. Nagdudulot din ito ng kasiyahan kung matagumpay na
matutupad ang mga tungkulin.
1.Mga Layunin
Natatalakay ang mga uri ng kagamitan at kasangkapan sa gawaing kahoy, metal,
Kaalaman
kawayan, at iba pa.
Kasanayan Natutukoy ang wastong pangangalaga sa mga Kasangkapan at Kagamitan.
Kaasalan Naiilarawan ang mga kagamitan sa gawaing kahoy, metal, kawayan at iba pa.
2.Nilalaman Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Gawaing- kahoy, Metal, Kawayan, at Iba Pa.
3.Mga Kagamitang Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran p. 182-191, Tsart, Slides, Projector or LED
Pampagtuturo TV, larawan.
4.Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain Pagpresenta ng mga gawain ng mga bata.
(3 minuto)
Pangkatang gawain: Pangkatin ang klase ng apat.
Sabihin: Buuin ang salita sa bawat bilang. Tukuyin ang katumbas na titik ng bawat bilang
upang mabuo ang mahahalagang salita na may kinalaman sa kasalukuyang aralin.
A= 1 G= 7 M= 13 S= 19 Y= 25
B= 2 H= 8 N= 14 T= 20 Z= 26
C= 3 I= 9 O= 15 U= 21
D= 4 J= 10 P= 16 V= 22
E= 5 K= 11 Q= 17 W= 23
F= 6 L= 12 R= 18 X= 24
4.2 Mga Gawain/
Estratehiya
1.
(10 minuto)
11 1 20 1 13
2.
18 21 12 5 18
3.
12 1 7 1 18 9
4.
12 9 25 1 2 5
5.
5 19 11 21 23 1 12 1
Itanong: 1. Ano ang napapasin ninyo sa nabuong salita?
2. Saan karaniwang ginagamit ang mga salitang nabuo batay sa aktibidad na
4.3 Pagsusuri (3 minuto)
ginawa?
3. Sa anong aspekto sila magkatulad? Magkakaiba?
4.4 Pagtatalakay Kinakilangan sa paggawa ng mga produkto ay ang mga kasangkapan upang
( 15 minuto) maging matagumpay sa paglikha ng mga ito.
May mga kasangkapang kailangan ang angkop na kasanayan sa bawat uri ng
mga gawain. Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung wasto at
maayos ang paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan.
Iba’t-ibang Uri ng mga Kasangkapang Ginagamit sa Paggawa ng mga bagay na yari sa
kamay.
1. RULER- ito ay maaaring yari sakahoy, metal, at plastic na ginagamit sa pagsukat ng
mga bagay.
- karaniwang ang sukat o kalibra nito ay nasa sentimetro at pulgada.
2. ZIGZAG RULE- ito ay ginagamit sa pagsukat ng taas, lapad, at kapal ng materyal.
3. ESKUWALA- isang panukat na ginagamit sa pagsukat ng maikling distansiya, pagtiyak
sa lapad at kapal ng tabling makitid at kung nais tandaan kung eskuwalado ang bawat
bahagi ng kahoy.
Mga Pamukpok
MARTILYO- ito ay pamukpok ng metal at pambaon sa paet at pako.
MALYETE- ito ay gamit na mukhang martelyo na yari sa bakal, kahoy, o goma
MASO- mukhang martelyo na yari sa bakal at kahoy.

Mga Pambutas/ Pang-uka


BRACE- ito ay isang uri ng de-manong pambutas na kinakabitan ng bit o talim sa dulo nito.
BARENA o ELECTRIC DRILL- ito ay barenang de-koryente na mainam na gamiting
pambutas sa matigas na bagay tulad ng semento at bakal.
PAET- ginagamit na pang-ukiit at sa paggawa ng mga butas at hugpungan.
Pang-ipit
C-CLAMP- ito ay isang uri ng pang-ipit na mainam gamitin kung walang gato.
Mga Pamutol
MGA LAGARI
RIP SAW- uri ng lagari na ginagamit na pamutol nang paayon sa hilatsa ng kahoy.
CROSS-CUT SAW- ginagamit bilang pamutol nang pahalang sa hilatsa ng kahoy.
BACK SAW- ito ay mas maliit kay sa ibang lagari na may maliliit na ngipin. Ginagamit ito sa
mga kanto ng mesa at pagdudugtong.
COPING SAW- ito ay lagari na ginagamit sa pagputol nang pakurba sa proyektong yari sa
kahoy.
KEYHOLE SAW- ito ay lagari na may maraming iba’t-ibang talim na pambutas .nang
pabilog.
Pampakinis
KATAM- ginagamit na pampakinis sa mga ibabaw ng table o kahoy, gamit ng kamay o di
kaya’y koryente
Katam na haling o katam na pangutab- mayroon itong matalim na bahagi at
dalawang hawakan sa magkabilang dulo.
Mga Panghasa
OIL STONE- ito ay gamit sa paghasa ng karaniwang tuwid na kasangkapang pamutol.
KIKIL- ito ay panghasa sa mga ngipin ng lagari
Iba Pang Kasangkapan
DISTORNILYADOR- ginagamit ito na pampahigpit o pampaluwag sa tornilyo
LIYABE- ito ay para gamitin na pampaluwag o panghigpit sa nga gripo at dugtungang yario
sa bakal.
Mga Wastong Pangangalaga sa mga Kasangkapan at Kagamitan
Ang paggamit nang wasto sa mga kasangkapan ay nagdudulot ng mahabang
pakinabang sa mga ito. Kung maganda ang kagamitan, maganda rin ang produkto na
mabubuo.
Ang mga sumusunod ay ang ilang pamamaraan upang mapangalagaan ang mga
kasangkapan ginagamit sa gawaing- industriya.
1. Ilagay ang mga kasangkapan sa matibay na lalagyan tulad ng kahon upang
madali itong madala sa lugar na paggawaan.
2. Kung hindi na gagamitin ang kasangkapan, itago ito sa cabinet upang hindi
maalikabukan at kalawangin.
3. Panatilihing malinis at maayos
4.5 Paglalapat Itanong: Ano-ano ang mga lokal na materyales ang makikita sa inyong pamayanan?
(4 minuto)
5.Pagtataya
( 10 minuto)
Pasulit Tukuyin ang kagamitang inilalarawan ng sumusunod. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay
B. Isulat ang iyong sagot sa inyong kuwaderno
A B
________1. BRACE A. ito ay ginagamit sa pagsukat ng taas,
________2. C-CLAMP lapad, at kapal ng materyal.
________3. CROSS-CUT SAW B. ginagamit na pampakinis sa mga
________4. KATAM ibabaw ng table o kahoy, gamit ng kamay
________5. DISTORNILYADOR o di kaya’y koryente
________6. MARTILYO ito ay isang uri ng de-manong pambutas
________7. ZIGZAG RULE na kinakabitan ng bit o talim sa dulo nito.
ito ay isang uri ng pang-ipit na mainam
gamitin kung walang gato.
ginagamit bilang pamutol nang pahalang
sa hilatsa ng kahoy.
ito ay pamukpok ng metal at pambaon sa
paet at pako.
ginagamit ito na pampahigpit o
pampaluwag sa tornilyo
6.Takdang-Aralin
( 3 minuto)
Pagpapalinang/Pagpapaunlad Tukuyin kung anong uri ng kagamitan ang mga binigay na halimbawa. Piliin ang sagot sa
sa kasalukuyang aralin ibaba.
1. Katam
2. C-Clamp
3. Barena
4. Kikil
5. Rip saw
Pamukpok Pambutas Pang-ipit Pampakinis Panukat
Panghasa Pamutol
7.Paghahanda para sa
bagong aralin ( 2 minuto)

Pagbubuod

Prepared by:

Pangalan: Francisco C. Gaon Jr. Paaralan: Bogo Central School I


Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Bogo City Division
Contact Number: 09976277811 Email address: Francisco.gaon001@deped.gov.ph
Electric Drill Crosscut sa Oil katam na haling o Kikil
katam na panguta

Martilyo Ruler Paet Keyhole saw Maso

Brace c-clamp Katam Distornilyador Zigzag rule

Liyabe Malyete Coping saw Back saw Rip Saw

You might also like