You are on page 1of 9

5

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan
Ikaapat na Markahan – Modyul
2: IKALAWANG LINGGO
Alamin Natin

Ang mga kagamitan sa paggawa ay may malaking tulong sa


pagpapabilis ng paggawa ng mga proyekto. Ang alinmang gawain ay may
kaukulang kasangkapan na naaangkop gamitin. Matutunan sa araling ito
kung ano ang pagkakaiba ng kagamitan sa kasangkapan at kung ano ba
ang kakailanganin sa paggawa ayon sa lawak ng paggagamitan nito.
Matatalakay din ang mga kasangkapan at mga angkop na gamit nito bago
magsimulang gumawa.
Layunin
1.Natatalakay ang mga uri ng kagamitan sa gawaing kahoy, metal, kawayan,
at iba pa;
2.Naiisa-isa ang paggamit ng mga gawaing pang-industriya;
3.Napapangkat ang kagamitan sa paggawa ayon sa paggamit ng mga ito

Subukin Natin

Pagpangkatin ang mga sumusunod na kagamitan ayon sa uri ng


gamit nito.Ilagay sa tamang kolum ang tamang sagot.
disturnilyador metro papel de liha martilyo de bola
long nose plier tester gulok kikil
lagari pait katam gunting pangyero

Gawaing Gawaing Gawaing Gawaing


Kahoy Kawayan Metal Elektrisidad

Inndustrial Arts MGA KAGAMITAN SA


Aralin 2 PAGGAWA

1
Ang mga sumusunod ay ang mga kaalaman at kasanayan sa
paggawa. Punan ng tamang letra ang patlang.
1. Pa__lala__ari
2. Pagsu__ugpo__g
3. Pag__upu__ol
4. Pag__ukpo__
5. P__gsu__at

Tuklasin Natin

May mga kagamitang kailangan sa paggawa ng mga bagay na yari sa


kamay. Sa paggawa ng proyekto maging ito ay yari sa kahoy, metal, goma at
mga kagamitang katutubo, kailangan ang angkop na kasangkapan sa bawat
uri ng mga gawain. Ang kaalaman sa iba’t ibang kasangkapan sa paggawa
ay makakatulong sa mag-aaral upang makabuo ng isang gawaing
pangindustriya.

Talakayin Natin

MGA KAGAMITAN SA PAGGAWA


A.Mga Kagamitan sa Gawaing Kahoy

2
Kagamitan Paggamit
1. Lapis
karaniwang ginagamit na pang marka ng mga karpintero.

2. Ruler gamit sa pagsukat ng gagawing maliliit na proyekto na may 12


pulgada o 30 sentimetro ang laki.

Isang kasangkapang hugis L na may 90 degrees upang


3. Iskwala
makatiyak na iskwalado ang ginagawang proyekto.
4. Katam Isang kasangkapang ginagamit upang ang kahoy ay
mapakinis.

5. Lagari
Pamutol at pangtistis ng kahoy.

6. Pait
Kasangkapang pangbutas ng kahoy pahaba o parisukat.

7. Martilyo
Pangbaon at pangbunot ng pako sa kahoy.

8. Barena
Pambutas sa kahoy na pabilog na may iba’t ibang diyametro.

9. Granil Ginagamit sa pagmamarka sa kahoy na paayon sa


gilid nito.

B. Mga Kagamitan sa Gawaing Kawayan

3
Kagamitan Paggamit
1. metro Panukat sa paggawa ng mga gawaing
pang -industrisya
2. lagari Pamutol at pangtistis ng kawayan
3. papel de liha Panlinis at pampakinis ng kawayan
4. gulok Pantanggal ng buko, pamutol at
panghati ng kawayan

C. Mga Kagamitan sa Gawaing Metal

Kagamitan Paggamit
1.gunting pangyero Ginagamit sa paghahati ng nga maninipis na piyesa
ng metal.

2. lagaring pambakal Pamutol ng mga kabilya at mga bara ng bakal.

4
3. kikil Pangkinis sa mga gilid ng mga proyektong yari sa
bakal.

4. martilyo de bola Martilyong ginagamit sa pagkakabit ng rematse,


pagpapakulob at pagpapaumbok sa mga proyektong
yari sa metal.
5. brad awl Pangmarka sa mga proyektong yari sa metal.
6. dibayder Kasangkapang hawig sa compass sa ginagamit sa
paghahati-hati ng maraming magkakasukat na
sukat ng isang mahabang distansya.

D.Mga Kagamitan sa Gawaing Elektrisidad

Kagamitan Paggamit
1. plais Ginagamit sa pagputol ng kawad ng kuryente at
pangpilipit ng mga dugtungan ng kawad. Ang plais ay
dapat nababalutan ang hawakan ng goma o anumang
material na hindi tinatagusan ng kuryente upang
maiwasan ang aksidente o sakuna.
2. disturnilyador Ginagamit upang mapaikot at mapalubog ang mga
turnilyo sa mga materyales na gagamitin sa
pagkukumpuni.
3. tester Ito ay kasangkapang ginagamit sa pagsubok kung ang
isang bagay ay may dumadaloy na kuryente o wala.

5
Pagyamanin Natin

Uriin ang mga kagamitan kung para sa gawaing kahoy, gawaing metal,
gawaing kawayan o gawaing pang-elektrisidad at isulat kung saan
ginagamit ng bawat isa.

Kagamitan Uri ng Paggamit


kagamitan
1. long nose plier

4. kikil

3. disturnilyador

4. gunting pangyero

5. martilyo de bola

Tandaan natin

Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto


kung gagamitin ang angkop na kasangkapan at kagamitan sa paggawa.

Isabuhay Natin

Panuto: Talakayin ang wastong paggamit ng mga sumusunod na


kagamitan sa paggawa.

6
1. Lagaring pambakal- _____________________________________
2. Katam -_________________________________________________
3. Plais - __________________________________________________
4. Martilyo -________________________________________________
5. Gulok - __________________________________________________

Tayahin Natin

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ito ay martilyong ginagamit sa pagkakabit ng rematse, pagpapakulob at
pagpapaumbok sa mga proyektong yari sa metal.
A. martilyo de bola C. malyete
B. martilyo de cabra D. maso

2. Nais mong subukin kung may dumadaloy na kuryente o wala sa


kinumpuni mong electricfan, aling angkop na kagamitan ang
gagamitin mo?
A. disturnilyador C. tester
B. electrical tape D. plais

3.Upang kuminis ang gilid ng proyektong gawa sa bakal ni Mang Roger,


aling kagamitan ang dapat niyang gamitin?
A. eskoba C. papel de liha
B. kikil D. steel wool
4.Paano mo kukumpunihin ang maluwag ang bisagra ng pintuan sa inyong
bahay?
A. Gamit ang martilyo, pupukpukin ko ang luwag na turnilyo.
B. Gamit ang plais, iipitin ko ang turnilyo upang humigpit muli.
C. Gamit ang disturnilyador, pipihitin ko ang turnilyo papahigpit.
D. Gamit ang longnose, puputulin ko ang sirang pintuan at palitan
ito ngbago.

5.Paano mo kukumpunihin ang umuugang lamesa sa inyong bahay?


A. Gamit ang lagare, puputulin ko ang paa ng lamesa.
B. Gamit ang plais, iipitin ko ang pako upang humigpit muli.
C. Gamit ang disturnilyador, hihigpitan ko ang luwag na turnilyo.
D. Gamit ang martilyo, pupukpukin ko ang pako sa bawat hugpungan.

7
Gawin Natin

Gumawa ng album ng mga kagamitan sa paggawa.

Gloria A. Peralta, Ruth A. Arsenue and Catalina R. Ipolan et al. (2016).


Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 Ground Floor,
Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City
1600
Jennefer H. Cabello,Ronalie S. Mundo, Gina M. Atienza et. Al. (2016).
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Industrial Arts
Learning Material of DepEd Schools Division Office of
Batangas
Marvin R. Lea no,Edison G. Garcia, Alexander D. Neri, Ph.D. et. al.
(2016) EPP5 Industrial Arts Learning Material of DepEd
Schools Division Office of Cabanatuan City

Development Team of the Module


Writer: JAIME M. RAFOL JR.
Editors:
Content Evaluator: NAPOLEON G. JUNIO – MT1
Language Evaluator: MA. LIGAYA M. AZUR
Reviewer: NAPOLEON G. JUNIO – MT1

Illustrator: MARYBETH Q. CORPUZ


Layout Artist: MARYBETH Q. CORPUZ
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA LLORCA EBOÑA - EPS - EPP/TLE Coordinator
DR. DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like