PAUNANG SALITA
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador
mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
2
Mga Pinagkukunang Impormasyon: Nakabubuti O
Aralin 1
Nakasasama?
Alamin Natin
Layunin: Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa sarili at miyembro ng
pamilya ng anumang babasahin, napapakinggan at napapanood
4. telebisyon
5. pelikula
6. Internet
KASANAYANG PAMPAGKATUTO: (EsP5PKP- Ib-28)
GAWAIN 1
Sa iyong palagay, Ano ang mabuti at
di mabuting maidudulot ng mga larawan sa
kanan sa iyong sarili at sa iyong pamilya?
Maaring gumawa ng poster kasama ang
magulang upang higit na maipaunawa ang
ideya.
GAWAIN 2
Panoorin sa [Link] com ang site sa ibaba. Sa tulong ng gabay na mga
tanong at patnubay ng magulang, sagutin upang mabuo ang tatlong mahiwagang
salita sa kahon na nakalaan. [Link]
Gabay na Tanong:
Subukin Natin
Gamit ang “semantic webbing”, itala ang mga uri ng pinagkukunan ng impormasyon.
Pinagkukunan
ng
Impormasyon.
3
Sagutin ang mga tanong:
a. Saan tayo nakakukuha ng mga impormasyon?
b. Ano ang dapat nating gawin sa mga balitang ating nalalaman?
c. Sa paanong paraan natin nasusuri ang katotohanan ng mga ito?
d. Mahalaga ba na nasuri ang mga nilalaman ng mga balitang ito?
Balikan Natin
Manood ng balita/pelikula sa telebisyon kung may pagkakataon kasama ang kasapi
ng pamilya. Gumamit ng makukulay na papel upang pagsulatan ng mga komento/
suhestiyon ng bawat kasapi kung ano ang naidulot nito sa sarili at sa pamilya tungkol
sa napanood. Maaring idikit ang ang papel sa scrap book o sa reflection notebook.
Gamitin ang mga gabay na balangkas sa pagsagot.
Pamagat ng Buod ng pinanood
pinanood na
balita/pelikula
Komento tungkol sa pinanood
Tuklasin Natin
GAWAIN 1:
Basahin ang tula sa ibaba. Gumawa ng video log (VLOG) tungkol sa binasang
tula. Maaaring yayain ang ibang kasapi ng pamilya o malalapit na kaibigan upang
magawa ng maayos ang VLOG. Maaari ring i upload ang nagawang video sa virtual
class session. Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa paggawa ng VLOG.
MGA PINAGKUKUNANG IMPORMASYON: ATING SURIIN
Kasanayan sa pagbabasa ugaliin natin t’wina, Nang pahayaga‟t, magasin, gayundin
ang lathalain.
Kung may nais malaman, mga bagong kaalaman Ang radyo at telebisyon palagi
nating pakinggan.
Siyempre pa sa pagtuklas ng katotohanan,
At marubdob na pananaliksik ang kinakailangan. Sa tulong ng internet isang pindot
mo lamang Makikita mong lahat ng iyong kailangan.
Ngunit sa paggamit ng ganitong mga kagamitan Mahalaga ang pagtuklas sa
katotohanan.
Sa mga makukuha mong iba‟t-ibang kaalaman, Maging mapanuri, upang di-malihis
ng daan.
4
Malalaswang panoorin patuloy na lumalaganap, Mga blogsite sa internet na
pornograpiya ang makakalap.
Mga larong mararahas, mahu-hook ka sa isang iglap
Di mo namamalayan, masamang epekto ang „yong nasagap.
Kaya kaibigan, kaisipa‟y palawakin.
Maging mapagmatyag, mensahe‟y timbangin. Impormasyon at teknolohiya ay biyaya
sa atin, Kaya ating pagyamanin at „wag abusuhin.
GAWAIN 2:
Gumupit ng hugis puso sa pulang construction paper, isulat dito ang
dahilan kung bakit mahalaga na nasusuri natin ang impormasyon na nakukuha sa
telebisyon, pelikula at internet. Idikit ito sa scrap book o reflection notebook.
Talakayin Natin
Batay sa binasang tula, sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Batay sa tula,ano ano ang mga pinagkukunan ng impormasyon?
3. Paano mo mapapahalagahan ang impormasyon na iyong nabasa o
napanood?
4. Bilang bata, ano ang maitutulong mo upang higit na maunawan ng iyong
kapwa bata ang masusing pagsuri ng mga nabasa o naponood na
impormasyon?
5. Magbigay ng halimbawa tungkol sa mabuti at di mabuting naidudulot ng
mga imporamsyon na maaaring mong mabasa o mapanood.
Pagyamanin Natin
GAWAIN 1:
Gamit ang iba’t-ibang application upang maka konek sa virtual meeting at sa
patnubay ng magulang o ibang nakakatanda sa pamilya, kapanayamin ang isang
kaibigan o guro na maaaring magpalawak pa sa kahalagahan ng mabuti at di
mabuting dulot ng telebisyon, pelikula o internet sa sarili at sa pamilya.
GAWAIN 2:
5
Bigyan diin ang mga naisulat na impormasyon mula sa gawain 1 ng
“Pagyamanin,” gumawa ng rap/ awit tungkol dito. Maaaring ibahagi ang nabuong rap
o awit sa mga susunod na virtual learning class o sa mga kaibigan at pamilya.
Tandaan Natin
Sa iyong reflection notebook, sumulat ng iyong pangako kung paano mo
susuriin ang mga napanood/ nabasang impormasyon mula sa telebisyon, pelikula at
internet. Maaari din itong isulat sa makukulay na papel at idikit sa iyong reflection
notebook. Magpatulong sa iyong magulang o nakakatandang kasapi ng pamilya
upang mapatnubayan sa mga ginagawa.
Isabuhay Natin
GAWAIN 1:
Sama samang panoorin ang video sa [Link] gamit ang site na ito
[Link] Ito ay tungkol sa kahalagahan ng
internet sa panahon ngayon, pagkatapos ay pagnilayan ang buod ng video at gumawa
ng sanaysay tungkol sa napanood na video. Humingi ng ibang ideya mula sa
magulang o ibang kasapi ng pamilya upang higit na maipabatid ang konsepto.
GAWAIN 2:
Mula sa sanaysay na iyong nabuo sa gawain 1, ipakita ang buod nito sa Venn
Diagram.
Tayahin Natin
Sagutan ang tseklis. Lagyan ng tsek sa tapat ng sagot at bilangin ang kabuuang
puntos pagkatapos itong sagutan.
LAGI KONG MINSAN KO HINDI KO
KASANAYAN NAGAGAWA LANG LANG
(3) NAGAGAWA NAGAGAWA
(2) (1)
1. Sinusuri kong mabuti ang
nababasa kong nakalagay sa internet
bago ako maniwala.
2. Inuunawa ko muna ang
napakinggang balita sa radyo bago
magbigay ng reaksyon.
6
3. Inaalam ko sa tuwina ang positibong
epekto ng napanood kong programa sa
telebisyon.
4. Nababatid ko na hindi lahat ng aking
nababasa ay may katotohanan.
5. Isinasangguni ko muna sa
nakakatanda ang mahahalagang bagay
na hindi ko lubos naiintindihan.
[Link]-iisipan at sinusuri ko muna ang
balita aking napakinggan bago
maniwala.
[Link] ko kung legit ung website
ng nagbalita bago ako maniwala.
[Link] akong maniwala
pagsiguradong may patotoo ang
balitang aking nabasa.
[Link] ko ang kakayahan ng
isang nagbabalita bago paniwala.
[Link] ko muna bawat detalye ng
balitang napakinggan.
Gawain Natin
Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng mabuting naidudulot ng alinman
sa sumusunod: dyaryo, radyo, telebisyon, pelikula, magasin at internet. Bigyan ng
maikling paliwanag ang inyong ginawang poster.
Sanggunian
1. Edukasyon sa Pagpapakatao Activity Sheets (1st Quarter)
Department of Education June 2016
2. Matrix of Curriculum Standards (Competencies),
with Corresponding Recommended Flexible Learning Delivery Mode and
Materials per Grading Period (Grade Five)
3. [Link]
4. [Link]
7
Development Team of the Module
Writers: NELSON D. MADAYAG
Editors:
Content Evaluator: RIZA P. GAMBA & IVY MAY F. VILLAR
Language Evaluator: JOCELYN P. MIRANDA
Reviewers:
Illustrators: JANETH A. EVANGELISTA / JAMILA M. ALIH
Layout Artist: JANETH A. EVANGELISTA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
FERDINAND PAGGAO, EPS/EsP Focal Person
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
For inquiries, please write or call:
Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: [Link]@[Link]